Chapter 42
42: Ours
Bea
MALALIM akong huminga bago tinuloy ang ginagawa ko na mag-xe-xerox ng mga kailangan ni Dominic sa meeting niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko ng magising kanina kaso kailangan ko pumasok dahil wala naman iba na gagawa nito kung 'di ako. Pinigilan pa ako ni Max na pumasok at pinakita ko lang sa kanya na ayos lang ako pagka-inom ng gamot at kainin iyong niluto niya. Lately, I'm feeling stranged and my moodswings went to the next level. Madalas naiirita ako kay Max pero ayoko naman siyang malayo sa akin.
"Bea, have you printed out the case file I need today?" Pukaw na tanong sa akin ni Atty. Reyes. Simula ng ma-regular ako, na-clear na assistant lang ng mga senior partner hindi ng buong firm.
"Ay, opo, wait kukunin ko sa table ko." Sagot ko sa kanya.
"W-wait, Bea. Tapusin mo muna 'yan. It's for Dominic, right?"
"Ah, opo." Ngumisi siya na hindi ko naman magawang maintindihan ang kahulugan. "Patapos na naman po ako --"
"I'll just get it by myself. Nasa table mo lang naman 'di ba?" Tumango ako at iniwan na naman na ako agad ni Atty. Reyes. Kunot noo akong bumalik sa ginagawa at ng matapos, nilipon ko iyon saka nilagay sa isang folder bago tumungo sa office ni Dominic.
"Hi, Bea!" Bati sa akin ni Lorraine. Tinulungan niya ako sa mga bitbit ko na folder kahit hindi ko naman hinihingi tulong niya. "Pwede ba kaming magpa-reserve sa Elixir para mamaya? Boyfriend, ay fiance mo pala may-ari noon 'di ba?"
Mahirap makapasok sa Elixir Manila kung hindi elite o kilalang tao. Maraming nagtangka na magpa-book ng pwesto on the spot ngunit hindi nakakuha. Priority nila iyong mga nagpa-reserved weeks ago o kahit buwan via online reservation sa website nila. Ibang-iba sa Brooklyn Branch para hindi mahaluan ng mga kung ano-anong isyu sa bansa. Purely business lang talaga ang Elixir Manila at hindi welcome ang mga nais lang magpasikat doon.
"Wala akong ideya sa mga naka-book nilang guest ngayon doon. Hindi ko sure kung ma-e-entertain kayo on the spot doon." Sabi ko saka nag tuloy-tuloy sa paglalakad.
"Kasama ka naman mamaya so, kaya may fiance pass na para makapasok kami ng hassle free,"
Iniwasan ko na magtaas ng kilay pero iyong sinabi ni Lorraine ay sadyang nakakataas talaga ng kilay. Pakiramdam ko umabot na sa 21st floor yung kilay ko.
Gamitin ba ako para maging VIP sila, ugh!
My thoughts were halted by a vibrating sound on my pocket. Kinuha ko iyon saka tiningnan ang mga text na pumasok.
Love: I'll fetch you later.
Love: No need to go home. Hassle para sa 'yo.
Love: Nandito pala ako sa Elixir kaya madali lang kita mapupuntahan.
Napangiti ako ng mabasa ang sunod-sunod na text na iyon ni Max. Binalik ko muna sa bulsa ang cellphone at mamaya na lang siya re-reply-an.
"Hindi po ako sasama mamaya sa party. May date ako kasama fiance ko." Diretso ko na sagot.
Nagpaalam na ako kay Dominic at Atty. Reyes kanina pagpasok ko. Undertime pa nga ako dahil traffic at baka ma-late ako sa date namin ni Max. Mula ng maayos namin ang gusot na malinaw na ako ang may gawa, nag-stay muna si Max dito. Para rin personal na patakbuhin ang Elixir Manila na unti-unti ng nakakasabay sa ibang branch na mayroon siya.
"Ay, kung hindi ka sasama, hindi din sasama malamang si Atty. Trinidad. Lakas pa naman ng tama noon sa 'yo." Maang akong napa-tingin kay Lorraine.
Ano ba ang sinasabi nito? Isyu na naman, kaka-ayos lang namin ni Max...
"Joke lang 'yan 'di ba?" Pilit ko na iniba ang usapan ngunit hindi ako nagwagi.
"Hindi joke na may gusto sayo si Atty. Manhid ka lang kaya hindi mo napapansin." Iyon lang saka binalik na sa akin ang folder na kinuha niya at umalis.
Attitude talaga ng isang iyon hindi ko ma-gets minsan...
Naiiling akong nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa huminto ako sa harap ng office ni Dominic. I knocked twice before opening the door.
"Eto na yung kailangan mo, Atty." Sabi ko saka nilapag sa harapan niya ang mga folder. "Tuloy ako mamaya sa pag-undertime, ha? At saka pala, sumama ka sa company inuman mamaya kahit wala ako."
"I have an after-work schedule, too, Bea." Tugon niya sa akin. "A blind date that my mom organized behind my back to be specific."
"Okay 'yan, Atty, at least kapag nag-work out iyang blind date mo, hindi na tayo ma-i-isyu. Umiiwas na kasi ako sa mga isyu para sa peace of mind ko at ni Max."
Diretsahan ko na sabi na totoo naman talaga. Iniiwasan ko na mag talo kami ni Max hangga't maaari. Ayoko na maulit ang nakaraang katangahan ko at pinag-alala ko pa sila ni Lola Esme.
"This blind date must work out, then," Tumango ako bilang sagot sa kanya. "What about the offer I have told you?"
"Hindi ko pa nakaka-usap si Lola at si Max. Balitaan kita kapag nagawa ko na,"
"I'll look forward to it, Bea." Ngumiti ako saka nagpaalam na sa kanya. Marami pa akong gagawin at kung dadaldal pa ako hindi ko matatapos. Susunduin naman ako Max mamaya kaya hindi ko na kailangan umuwi pa. Problema ko talaga ang traffic kahit noong nag-aaral pa ako.
Lumipas ang maghapon at sumapit ang oras ng pag-uwi ko. Kinulit pa ako ng mga kasamahan ko na sumama mamaya na tinanggihan ko naman agad. Inulit pa nila yung tungkol sa spot sa Elixir na na hindi ko na sinagot. Hindi ko negosyo iyon at nakakahiya kay Max kung papaboran ko sila. Kapag pinaboran ko ang legal team, susunod na lalapit sa akin ang accounting at human resource na masakit sa bangs!
"Hey, love." Sambit ni Max bago ako niyakap saka hinalikan ang noo ko. Agad ko siya hinila palayo sa firm dahil baka mamaya makita siya ng mga kasamahan ko at ma-udyukan pa na ikuha sila ng reserved spot sa Elixir.
"Kanina ka pa naghihintay?" Tanong ko sa kanya habang patuloy kami sa paglalaka palayo.
"Nope. I just arrived and parked the car far from here." Huminto si Max at muntik pa ako mapatid dahil sa ginawa niya. Mabuti mabilis ang kamay niya at naalalayan ako agad. "What's wrong? May tinataguan ka ba?"
"Naglakad ka? May parking naman sa ilalim nitong firm bakit lumayo ka pa," sabi ko sa kanya. "Yung mga kasamahan ko kasi gusto nila gamitin ako bilang fiance mo para maka-score ng reserved spot sa Elixir." Dagdag ko pa na sabi.
"It's fine. Lalakad din naman tayo papunta sa restaurant na kakainan natin. To answer you about the reserved spot for your workmates, it's also fine with me. Tatawagan ko lang yung manager doon tapos papasukin na sila." Hinampas ko siya ng bag ko. "What's wrong? Pwede naman ko naman kasi gawin iyon." Hindi ko siya sinagot at inirapan lang. Masyado siyang mabait at ako pa ang kontrabida.
"Alam mo --"
"Mahal mo ako?"
"Given na yan. Tara na nga at lumakad." Pahirap siya at talagang seryoso na batakin ako dahil wala na daw akong exercise sa sobrang abala sa pagtatrabaho.
"What's wrong with walking? Tired? Want me to carry you?" Umiling ako saka inaya na siyang maglakad.
Sinabi sa akin ni Max hindi naman nalalayo ang Manila sa Brooklyn. Polluted, traffic at madumi kaya hindi siya na-ho-homesick. Saka nandito naman daw ako kaya paano niya mararamdaman iyon. Hindi ko maiwasang kiligin pero hindi ko masyado pinahahalata sa kanya.
"I have a surprise for you pala," Max said, handing me his cellphone after the restaurant staff left to prepare our order.
"Akin na lang ba itong phone mo?" tanong ko sa kanya. Luma na yung sa akin na kanya din nanggaling.
"Let me buy you a new one later after here." aniya sa akin.
"Huwag na pwede pa naman itong luma mo." Nagulat ako ng biglang may tumahol sa video na naka-play sa cellphone ni Max. It was a Siberian husky and a chow chow dog breed. Si Claudel ang may hawak sa dalawang aso na mukhang napipilitan lang. "Hala, ang cute! Kaninong aso sila?"
"Ours and Claudel is their nanny." Napangiti ako ng marinig ang reklamo ni Claudel sa video. "It's my graduation gift since you mentioned before that you wanted to have a dog."
"Thank you!"
"They're staying in the main house with Nana."
Ibinalik ko sa kanya ang cellphone at nakinig sa kwento niya tungkol doon sa dalawang aso na parte na ng pamilya namin. Hindi na tuloy ako makahintay na umalis ng Pilipinas at magpunta doon para makita sila. Nang dumating ang order namin, kumain na kaming dalawa habang nag-ku-kwentuhan pa din. Iyon ang klase ng date na nagagawa naming dalawa sa tuwing may pagkakataon na ganito, na nandito siya kasama ko. Pagkatapos doon, lumakad kami sa kalapit na bilihan ng cellphone na noong una ay pinipigilan ko pa.
"Ang mahal niyan. Okay na ako sa hindi latest version," sabi ko sa kanya.
"Charge it here, please," Nakita ko na inabot ni Max yung black card niya na at alam ko na walang limit iyon na nabanggit din naman niya sa akin dati. Sinubukan ko pa na pigilan siya pero sa huli hindi pa din ako nanalo. We waited in the lounge while the store staff was setting up my new phone. May ilan-ilan kaming kasama doon at yung mga babae, kay Max nakatingin. "Stop staring at them, remember this, I am yours, hmm?" Max said, then gently draping his arm on my shoulder.
"Dapat siguro itaas na lang natin ito para hindi kita yung buong mukha mo," I said, pulling up his coat to cover his face. Nakaka-inis sobrang gwapo kasi! Nahinto si Max sa kung anong tinatype niya sa cellphone niya dahil sa ginawa ko. I made him faced me to fix his shirt which I ruined.
Kinabig niya ako palapit saka masuyo ngunit mabilis na hinalikan ako sa labi ko. Hindi ako prepared!
He chuckled after that kiss then gave the tip of my nose a gentle pinch.
"Selosa."
"Balik sayo," I answered.
Common denominator na namin iyon na hindi naman na magagawa pa na itanggi. Max planted a kiss once again on my lips which made the girls finally leave. Namatay na yata sa inggit.
Pinalapit ako ni Max sa kanya. "Only you can make me hard down there." Mga salitang pabulong niya sinabi sa akin na nagpa-pula ng magkabilang pisngi ko.
Maya-maya pa ay tinawag na kami ng mga staff dahil ready na daw yung cellphone. Inalalayan niya ako tumayo at magkahawak kamay lumakad palapit doon. Some staff asked us if we're already married and we just answered soon in chorus. Busy pa kami pareho at hindi ko pa nga nasasabi sa kanya iyong tungkol sa offer ni Dominic. Saka na lang siguro kapag mas maganda ang mood ni Max. Natatakot ako na baka pagmulan na naman ng pagtatalo ang tungkol sa offer na iyon sa akin.
"Should we start planning the wedding?" Tanong ni Max sa akin nang dumaan siya sa harapan ko galing sa banyo. I was lying on our bed, checking out my new phone. Umuwi kami agad pagkabili ng cellphone at sa kwarto na lang nag-stay matapos makipag-kwentuhan kay Lola Esme na maaga din naman nakatulog.
Ngayon ko lang naisip iyon ulit. Dapat ang plano magpapakasal na kami kahit sa civil muna. Nagbago ang takbo ng lahat at parehas kami naging abala sa kanya-kanyang trabaho. Dagdag pa yung naging away naming dalawa noong nakaraan.
"Dito ba tayo ikakasal?"
"It's up to you but I prefer here so you can't file a divorce."
Hinampas ko siya. Divorce agad ang salita akala naman niya may laban ako sa kanya. Naalala ko yung nga na-transcribe ko na case tungkol sa annulment. Simple lang rason ng iba ngunit tumatak sa isip ko iyong nabasa ko na nagising na lang sila isang araw na hindi na nila mahal ang isa't-isa. Walang third party involve, sila lang talaga ang problema.
"Ako pa talaga?" Max chuckled. Pagkabihis niya ay tumabi siya sa akin at kinuha ang cellphone sa kamay ko. "Pero dito ko din gusto ikasal. Hindi pa nirerekomenda kay Lola Esme ang bumiyahe ng malayuan. Kailangan pa ulit ipatingin at ikumpirma ng doctor na pwede na siya sumama sa akin sa Brooklyn."
"So, let's plan it?"
"Sige. Simpleng kasal lang Max, ayos na ako doon."
"As you wish." Dahan-dahan siyang umibabaw sa akin. Baning din kausap ang isang ito at naisisingit pa talaga ang sexy time. "Do me first before anything else,"
"Ang daya mo talaga talaga kahit kailan!" Reklamo ko sa kanya.
"Why? Don't you want me to be like this?" Ngumisi siya saka inumpisahan akong halikan sa leeg ko.
"Magigising sila," sabi ko.
"They won't and we will be lowkey." Paniniguro niya sa akin bago ako hinalikan sa labi ko.
Aayaw pa ba ako? Napaka-sexy niya at marupok ako kaya malaon ay pumayag na din ako...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro