Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39 - Part 1

39.1: Proposal

Bea

PANAY ang tingin ko sa suot na orasan. Malapit na lumapag ang eroplanong sinakyan ni Max pauwi dito pero nandito pa rin ako, nag-aabang sa ka-meeting namin ni Dominic. I shouldn't miss his arrival today. Nangako ako na susunduin ko siya at ngayon lang kami ulit magkikita matapos niya mamalagi dito ng tatlong buwan mahigit. Successful ang launch ng Elixir Manila Branch at dumagsa ang mga kakilala ni Max sa showbiz at sa mundo ng pagne-negosyo.

Kahit nga hindi invited ay naroon para lang inisin ako. Dapat kalimutan ko na yung pag-eksena ni Sadie sa launch at pag-agaw sa akin ng spotlight. Sa dulo naman, gumawa si Max ng paraan para ipakilala ako sa lahat. I couldn't forget that moment when he thanked me for being there for him, for being his solid rock, and for having faith in him. Pakiramdam ko, ako yung pinaka-magandang babae sa launching party na iyon.

"Bea, may lakad ka ba?" Tanong sa akin ni Dominic.

"Ano... kasi... ngayon uwi ni Max. Mag-la-landing na yung eroplano na sinakyan niya." Sagot ko kay Dominic.

"Why didn't you tell me earlier?"

Napanguso ako.

Nahihiya na kasi akong mag-excuse sa kanya sa tuwing ganito na uuwi si Max. Para kasing inaabuso ko na ang pagiging maluwag nila sa mga empleyado. Wala naman sila reklamo sa trabaho ko dahil natatapos ko ang bawat tasks na ibigay nila sa akin. Wala din naman akong reklamo sa kanilang lahat liban doon sa mga junior partners na sobrang galing mag-utos. Wala gaanong utos si Dominic dahil kapag kaya niya gawin o may oras siya, ginagawa na niya imbis na iutos pa.

"Go now, baka umalis iyon sa airport pag wala ka."

"Pero may meeting pa tayo..."

"Ako ng bahala. I'll send you a recording later to transcribe it on Monday."

"Sure ka? Maiintindihan naman ni Max kung sa bahay na kami magkikita ngayon --"

"Go now. You haven't seen him for a year, right? He also should know about the good news at school."

I remember that good news suddenly. Nasabi ko kay Dominic na pasado ako sa lahat ng exam ko at makaka-graduate na ako. Mabilis lang lahat dahil pati summer class ay pinasok ko na. Finally, maka-ka-pagtapos na ako ng pag-aaral. Worth it naman ang hirap sa pag-aaral, kawalan ng tulog dahil sa pagrereview, at yung sobra-sobrang oras sa OJT.

Naging flexible ang position ko sa Trinidad and Associates Law Firm simula ng tumuntong ako sa ikalawang taon ko sa kursong kinukuha at mas pinag-focus ako ni Dominic sa pag-aaral. Mas mahalaga daw iyon kaysa sa lahat at willing siya na i-absorb ako sa firm na hindi ko naman tinanggihan. Marami ako natutunan sa firm, kay Dominic at Atty. Reyes. Pakiramdam ko nga special ang treatment nila pero giniit nila na ganon din ang bigay nila sa ibang empleyado na masipag gaya ko. They admired my dedication to finish studying while working to help Lola Esme, the family I have aside from Max.

"Hala, thank you!" Sabi ko saka pinisil ang braso ang kamay niya. "Ililibre kita bukas. Thank you ulit."

"Anything for you, Bea."

Ngumiti lang ako saka sinabit ang bag ko sa balikat. I bade my goodbye to Dominic and immediately walked out of the restaurant. Mabilis akong pumara ng taxi at nagpa-hatid sa airport. Sana hintayin ako ni Max kung sakali mauna siya sa akin. I'm actually excited to see him because we stayed in a long-distance relationship for a year.

Hindi ko sukat akalain na magtatagal kami ni Max ng dalawang taon bilang magkasintahan. Yes, we've been dating for two years now! Max has been a supportive boyfriend to me, to my plans and my dreams. Sabi ko sa kanya after graduation, sasama na ako para magbakasyon. I'll visit Papa and my other siblings in Manhattan and spend time with him in a beach house. Ganon lang kasimple ang plano ko at naipaalam ko na yun sa management ng Trinidad and Associate Law Firm.

Sa susunod na buwan na ang graduation ko at excited na ako. Malapit na matupad ang pangarap ko na para kay Lola Esme, sa sarili ko at kay Max. Sa totoo lang, na-imagine ko na ang hinaharap kasama si Max. Sa sobrang pag-di-daydream ko, halos hindi ko na namalayan na nasa harap na pala ako ng airport. Kung 'di pa ako kinalabit ni Manong Driver ay hindi ako makakabalik sa realidad.

Bumaba ako pagka-bayad at dumirecho sa waiting area. Wala gaano tao dahil kanina pa nakalapag yung eroplano. Nandito pa kaya si Max? Hindi pa siya tumatawag simula kanina. Natuloy ba siya sa pag-uwi? Baka wala naman akong sunduin na Max Lewis dito... 

A familiar song played and it interrupted my plan to call Max's number. A heard that song from Max before. Maraming hidden talent ang isang iyon at tuwing matutulog ako, lagi niya akong kinakantahan. Itong partikular na kanta na naririnig ko ang lagi niya kinakanta. Luminga-linga ako sa paligid at hinanap iyong pinanggalingan ng kanta.

"Bea..." Tawag na pumukaw sa akin. Agad ako lumingon at awtomatikong ngumiti ng makita si Max.

Mabilis ako na lumapit sa kanya at kinuha ang maleta niya pati na bag. Ang sabi niya hanggang graduation ko na siya dito dahil espesyal na araw iyon para sa akin, sa amin.

"Kanina ka pa? Sorry, ngayon lang ako --" Max stopped me from talking by holding my hand and made me come a little closer to his spot. Humina ng bahagya ang kanta na naririnig ko kanina pa. A group of men started to line up in front of us. Agad ako na napatingin kay Max. "A-anong meron, Max?"

"See it for yourself."

Nilingon ko ulit yung mga lalaki sa harapan namin at ng ipakita na nila ang nakasulat sa card board na hawak nila, awtomatikong napatakip sa bibig ko ang dalawang kamay ko. Binalingan ko muli si Max at sinalubong ang mga mata niya.

"I don't know where to start and you know how much I hate public proposals and this is the very first time that I'm going to try again." Max heaved a deep sigh and breath it out. "The first time I saw you in that bar in Brooklyn, you got me. Even if it's your fake identity at first, you still made a remarkable way straight to my heart. I got fooled, but it's all fine because I love you anyway. It was fast and I honestly doubt myself but as days carry on, with you by side, I realized that I'm falling in love with you and even made myself too obvious."

Max held my hands once again. Tumingin uli ako sa mga lalaking nakapalibot sa aming dalawa at sa hawak nilang card board na may nakasulat na mga katagang 'Will you marry me?' na nang una ay hindi ko pa nabasa ng maayos. Ibinalik ko kay Max ang tingin saka tumango ng sunod-sunod.

"You're too naive to realize it before but hey, here we are now. We made it despite the distance, time differences, and internet difficulties." He said to me, then got down on one knee. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mga mata ko. Mas dumami ang taong nakapalipbot sa amin at kanya-kanya ng pagkuha sa kani-kanilang cellphone. Hindi ko inasahan ito. Ang alam ko lang uuwi siya at i-ce-celebrate namin ang anniversary namin na magkasama. "Beatriz Natividad, will you marry me?" Inumang niya sa harapan ko ang maliit na kahita kung saan nakalagay ang singsing na gamit niya para sa proposal na ito. It was a familiar ring. 

"Yes!" I said it loudly.

Max conquered his greatest fear which he already said to me before. Na-kwento niya yung depression na pinagdaanan niya matapos ma-reject sa harapan ng marami. Max immediately stood up and took out the ring on its box. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot sa middle finger ko ang singsing. Tiningnan ko iyon at minukhaan pa dahil hinding-hindi ko malilimutan ang singsing na suot ko na ngayon.

It was his heirloom which I sold to help out Lola Esme with her hospital bill before. Akala ko wala na iyon dahil hindi ko na rin naman mahanap ang napagbentahan ko. Sumuko ako agad pero hindi ko alam na bumalik pala iyon kay Max. People around us started to chant the kiss which made me blush. Sanay si Max sa public display of affection habang ako naman ay medyo nasasanay na rin.

"I love you," Max said to me.

Yumakap ko sa kanya at binulong ang tugon ko sa sinabi niya...

***

"WAIT LANG!"

Mabilis ko na kinuha ang kamay ni Max at binalik iyon sa hand rest ng silyang kinauupuan niya. Humingi ako ng permiso kay Hell na ako na magre-retouch ng ring tattoo sa kamay ni Max at pumayag naman ang business partner ni Thalia. Faded na at bigla na lang namin naisipan na i-pa-retouch iyon pagtapos ng proposal niya kanina sa airport. Tinanong pa ako ni Max kung saan maganda magpa-retouch at sabi ko may kakilala ako sa shop ni Thalia. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hell bago ako tinulungan dahil nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko yung gamit na pang-tattoo.

Kaya siguro na inalis ni Max ang kamay niya agad dahil sa takot na magkamali ako.

"Madali mag-fade kapag sa kamay nakalagay ang tattoo." wika ni Hell habang patuloy akong gina-guide sa ginagawa ko.

"Why don't you let him do it instead, Beatriz?" tanong sa akin ni Max.

"Eto naman, napaka-arte! Tinuturuan naman niya ako saka ikaw na din mag-retouch ng sa akin para fair."

"Noted. Walang bawian mamaya."

"Teka, nagbago na isip ko. Gaganti ka, malamang kaya wala ka naririnig o nakikita, Hell."

Nagkibit balikat lang si Hell saka inabutan ako ng malinis na tissue. Matatapos ko na yung pa-re-retouch kung hindi lang malikot si Max at panay ang iwas kapag itututok ko na yung karayom. Hell held my hand and guide me as I continued retouching the ring tattoo on Max's middle finger until we finished it.

"Ayan, malinaw na!" I said, then planted a soft kiss on Max cheek. Nakalukot kasi ang mukha tapos masama pa tingin kay Hell.

"That's a nice tattoo," wika ni Hell. Nakita ko na tinuro niya ang tattoo ko sa likod.

"Ah, eto? Matagal na 'to." sagot ko naman.

"Do you want me to retouch it, too?" tanong pa ni Hell.

"Aren't you going to retouch her ring tattoo?" Sabat ni Max na pumigil sa akin sa balak ko na isagot kay Hell.

Ngumisi lang si Hell at pinaupo na ako para i-retouch na niya ang ring tattoo ko. Saglit lang iyon dahil kumpara kay Max, mas simple lang ang design ng sa akin. Pagkatapos noon ay agad akong inaya na umalis ni Max sa shop nina Thalia. Nag-uusap pa kami ni Hell tungkol sa tattoo ko sa likod at na-engganyo niya ako na i-retouch din iyon at lagyan ilan pa na mga detalye. Moody talaga kahit na kailan!

Dumirecho kami sa isang hotel sa Batangas na ako ang nag-book. I've planned a surprise for him on our anniversary tomorrow. Sumakto na weekend at wala akong pasok sa firm. Iyong sinend na work ni Dominic, sa Monday ko na tatapusin dahil ngayon, kay Max muna ang buong atensyon ko na matagal ko rin hindi nakasama.

"Kumusta si Chris?" tanong ko kay Max habang nakain kami. Ibinaba niya ang phone pagkatapos na mag-order ng room service.

Nilipat ko sa suot ko na singsing ang atensyon ko dahil hanggang sa mga oras na ito hindi pa rin ako makapaniwala na engaged na kami ni Max. That I made him conquered his fear on public proposals. Nagawa at ginawa niya para sa akin kahit pa aminado siyang hindi sigurado ko papayag ba ako na makasal sa kanya. Hindi kasi namin napag uusapan ang tungkol sa kasal noon hanggang nitong mga nagdaan na araw. Out of nowhere and I didn't noticed that he already planned to proposed to me.

"He's fine, I guess? I'm really not sure. He's a little out of his mind lately since Thalia suddenly disappeared, leaving without a note. Hindi na din niya ma-contact ang cellphone pati social media account,"

Bigla akong na-konsensya pero paninindigan ko itong pagiging mabuting kaibigan kay Thalia. Mahal ko si Max, mahal ko sila pareho kaya hindi ako mamimili. Ayoko sa lahat yung kailangan pumili kung sino ang papanigan o sasamahan. I don't want to be in the middle of that again. Not this time because it's hard to choose. Kinumusta ko lang naman si Chris pero itong fiance ko masyadong madaldal at ang dami pang nasabi tungkol sa kaibigan niya.

"Si Madam, kumusta na?" tanong ko pa ulit.

"Try calling her Nana instead of Madam, hmm?"

"Okay sa susunod. Nasanay kasi ako na tawagin siyang Madam."

Na-kwento ni Max na ayos lang ang Nana Zeny niya at panay nga raw ang pangungulit na inuwi na ako sa Brooklyn para may kasama sa bahay. Lumipat na sila sa malaking bahay ni Max, iyong binili niya na dapat titirhan namin kung hindi ako umuwi dito sa Pilipinas pero nalimutan ko na ang pagsisi dahil maganda naman kinalabasan ng desisyon ko. A call interuppted us from talking. Pagsilip ko sa akin pala iyong tumutunog at pangalan ni Dominic ang naka-flash sa screen.

"It's past office hours, bakit natawag pa 'yan sayo?" Hindi ko nagawang sagutin ang tanong Max dahil nasagot ko na yung tawag ni Dominic. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya ngunit binalewala ko iyon at nginitian siya. "Bea, our food is here." Pukaw ni Max sa akin. Dominic was asking something about the case I filed earlier today. May mali pero nagawan na daw ng paraan at sinabi lang sa akin para alam ko ang ginawa niya. Maybe, to lessen the guilt because I am always afraid to make mistakes since I got hired in Dominic's law firm.

Natapos ang tawag at binalik ko sa center table ang cellphone ko. Nilapitan ko si Max at niyakap mula sa likuran.

"Ang seloso mo," sita ko sa kanya.

"The guy earlier in Thalia's tattoo shop and your boss is too obvious. They're hitting on you." He said to me. Cute magselos si Max at hindi ko maiwasan na mapangiti kapag ganito siya.

"Si Hell, kaibigan na business partner ni Thalia tapos si Dominic, kaibigan ko lang sa labas ng workplace. He's my boss, okay?" Ilang beses ko na nabanggit sa kanya ito pero wala matindi talaga ang pagseselos niya kay Dominic. Nadamay lang si Hell na parang kilala na niya.

"The guy in Thalia's shop is the same guy who made Chris envious,"

Tumango-tango lang ako. I made him faced me and automatically wrapped both of my arms on his nape.

"Huwag ka na mag-selos. Sayo lang ako, remember? Eto nga at dalawa pa." I showed him the ring he gave to me and the tattoo that we retouched. Magkabilang daliri ko iyon at wala na talaga akong takas pa. I cupped his face and pulled his head down until our lips met. We kissed each other as if there's no tomorrow and when he stopped suddenly it made me groaned out of frustration.

"We should eat first." Humihingal niya pang sabi sa akin

"Later," I said, pulling him inside our room.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro