38: Quick Get Away
Bea
PUMANGALUMBABA ako sa harapan ni Max. Kanina ko pa sinusubukan makuha ang atensyon niya ngunit bigo ako dahil masyadong engaging ang tina-trabaho niya sa laptop. We're inside Elixir's branch here in Manila. Magbubukas na iyon sa susunod na linggo at pagkatapos, balik long-distance love affair na naman kaming dalawa. Natapos ang bakasyon namin dalawang linggo na nakalipas at parang gusto ko siya ulit ayain na magbakasyon bago 'man lamang umalis.
"I love you." Sabi ko pagkapaling niya sa akin ng hilahin ko ang sleeves ng suot niyang navy blue dress shirt.
He smiled. Huminto siya sa ginagawa at umusod palapit sa akin. He cupped my face and caressed both of my cheeks.
"I love you more." Tugon niya saka hinalikan ako sa noo, sa mata, sa tungki ng ilong ko at sa labi.
Wala naman tao sa paligid namin kaya ayos lang na may ganito kaming moment dalawa. I wrapped both of my arms around his neck and inclined my face so he could deepen our kiss. But, a vibrating sound interrupted our moment. Max stopped kissing me and picked up his phone.
Kainis naman!
I frowned while looking at him. Binalingan niya ako at mabilis na hinalikan sa gilid ng labi ko bago ako iniwan. Sinubukan ko siya pigilan pero hindi tumalab dahil mukhang importante yung tawag. Mas importante kaysa sa akin. I watched him as he walked outside the bar and I was left there alone.
Tinuon ko sa cellphone ang atensyon ko habang inaabangan na bumalik si Max. Napa-ayos ako ng umupo ng mag-rehistro sa screen ang pangalan ni Papa. Inayos ko ang buhok pati na ang damit ko bago iyon sinagot.
"Hi Papa!" Masigla ko na bati. Once in a while, we talked randomly. Tatanungin niya kumusta pag-aaral ko, kumustahin niya din kami ni Max, si Lola at ang trabaho ko.
"Hey, sweetie, how are you?" Tanong ni Papa sa akin. "Is Max still there with you?"
"I'm good, Papa, and yes, Max is still here. Lumabas lang po siya saglit."
My father understands Tagalog since he lived here for five years. Nakilala niya si Mama ng isang buwan na lang ay aalis na siya ng bansa at nabuo ako. Mala-pocketbook ang kwento ng buhay ko at gaya lang iyon ng mga nababasa ko na kaso sa law firm. Kalimitan doon, annulment case at tinanong ko si Dominic kung bakit nagpapakasal pa tapos sa magulong hiwalayan lang din ang punta. Tinawan niya ako sinabi na subukan ko daw para malaman ko at handa siyang maging abogado ko.
Abnoy din minsan ang isang iyon.
"Where are you?" Nilipat ko yung camera at inikot ko sa paligid.
"Elixir's Manila branch po, Papa."
"That's good. Your man really knows how to expand his business well. You said that you both have a house now?"
"Yes po. Doon po nakatira si Lola ngayon." Nilipat ko na sa front camera mode para makita niya ang mukha ko.
"Maybe, one of these days, he'll propose to you." Nag-init ang magkabila ko na mga pisngi. Kahit hindi ko tingnan ang sarili sa salamin alam ko na namumula na iyon.
"Hindi pa po yun, Papa. Matagal pa at hindi pa po ako tapos sa pag-aaral." Matatapos palang ako at tingin ko naman hihintayin iyon ni Max.
"You two can be engaged for, let say, a year before marriage. It's enough for planning about your future with Max."
Ayokong umasa pero kung magdilang anghel 'man si Papa, yes agad ang sagot ko kay Max. Gusto ko na din siya makasama sa isang lugar. Sigurado naman ako na makakatagal na ako sa Brooklyn ngayon. I want to be a citizen there, too, and bring Lola Esme with me. Ang sabi, five years na may good records lang kailangan para ma-grant ang citizenship application.
"After graduation po dadalawin kita dyan. Bakasyon na din po kung sakali."
"I'll shoulder your ticket as my graduation gift. Fix your visa so we can bond here."
Ngumiti ako at pumayag sa suhetsyon ni Papa. Natapos ang tawag namin dalawa pagkatapos naming magkwentuhan tungkol sa mga kung ano-anong bagay. Excited na din ang mga kapatid ko na makita ako at gano'n din naman ako sa kanila. Marahan akong tumayo at lumabas para ayain si Max na kumain na. I heard loud talking from the outside and that was Max.
"I haven't asked anything from you since you left my mother. I worked my ass off in Brooklyn just to provide for myself and Mom's debt at the hospital. You treated me such a disgrace to your name just because of one mistake."
"You didn't ask because of your vast pride, Maximilien. How many times have I told you that this branch won't succeed here? Akala mo kaya mo na ang lahat at yung babaeng kinahuhumalingan mo ngayon, hinarahang ang mga oportunidad na binigay sayo ng mga investors mo,"
Ako ba iyong tinutukoy ng kausap ni Max? Is that his Dad? What opportunity was he saying? May hindi ba masasabi sa akin si Max?
Alam ko na may away silang mag-ama pero ang nasabi lang ni Max ay yung tungkol sa pagpatol nito sa babaeng mas bata kaysa sa yumao niyang ina.
"Leave my girl alone, and don't you dare to send her threats or even try talking to her. You cut our ties since I migrated to Brooklyn. Wala ka na karapatan pang himasukan ang mga desisyon ko."
Nang makita ko na tumalikod si Max, mabilis akong bumalik sa loob at naupo sa couch na pinuwestuhan namin kanina. Nagpanggap akong abala sa cellphone para hindi niya mahalata na narinig ko ang usapan nila sa labas. Max seated right beside me and immediately laid his head on my lap. Tinakip niya sa mga mata ang isang braso at hindi na nagsalita. Ginalang ko ang pananahimik niya at hinaplos lang ang kanyang buhok.
"Max..." Mahina kong tawag sa pangalan niya paglipas ng halos trenta minutos. Nangingimay na yung mga binti ko at ngayon lang ako nagkalakas ng loob na gisingin siya. "Gusto mong umuwi tapos magluluto ako ng pagkain natin?"
Inalis niya ang kamay sa mukha at sinalubong mga mata ko.
"I'll get our car." Sabi niya sa akin. Akma siya tatayo para umalis ngunit pinigil ko.
"Akin na yung susi, ako na mag-da-drive." Tinuruan niya ako mag-drive at nakakuha na ako ng license ko nung nakaraang buwan. "Dahan dahan lang ako mag drive tapos marunong na yata ako mag park na hindi nagasgasan ang gilid ng sasakyan?"
"Parang hindi ka sigurado?"
"Sigurado ako. Promise, Max. Sige na ako na mag-da-drive. Okay? Okay!" Kinuha ko sa kamay niya ang susi at nag-umpisa na lumakad.
"Ikaw lang ang kilala ko na sumasagot sa sariling tanong."
"Ako lang naman ang girlfriend mo." I stuck out my tongue then walked again after teasing him. He looked so stressed after the talk he had with his father. Sigurado ako na tatay niya iyon at galit siya doon. Pinabayaan ng tatay niya ang kanyang Mama noong may sakit ito. Max did everything just to kept her Mom alive but it wasn't enough. His Mom dies after suffering for long years without Max on her side. "Gusto mo ng ice cream?" tanong ko habang nagsusuot ng seat belt.
May madadaanan kaming convenience store bago ang bahay namin. Umalis ang Lola Esme para sumimba sa Manaoag kasama si Aling Flora at Aila. Dapat kasama din ako kaso mas pinili ko mag-stay kasama si Max. Day off ko ngayon kaya itong lalaking ito ang kanina ko pa kinukulit.
"Marunong ka na talagang mag park?"
Sumimangot ako sa kanya.
"Sino ang mas mahal mo? Itong kotse o ako?"
Nanahimik siya at hinayaan ako na i-start ang kotse. Mukhang nahirapan siyang mamili sa aming dalawa ng sasakyan na 'to. Max loves all of his car and I witnessed that. Priceless obsession niya ang mga 'yun na hindi ko na kontrahin. May ginagawa naman ako na hindi kayang gawin ng mga sasakyan niya.
In-start ko ang kotse at dahan-dahan iyong menaneobra paalis ng parking lot ng Elixir. Binabantay ni Max ang bawat pagliko ko at maging yung safe distance sa sasakyang nasa unahan namin. Nag focus ako sa daan para wala siyang masabi at matanggap niyang safe na ako mag drive ngayon kaysa noong nagpa-practice palang kami. Nang huminto kami sa stop light, napatingin ako sa kanya at ngumiti. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinawakan iyon saka hinalikan.
"Bilib ka na sa girlfriend mo?"
"I never doubt your skills, baby."
"Excuse me, gusto mo ba ipaalala ko yung time na nag doubt ka sa akin?"
Nakita ko ang mariin niyang pagpikit. Mukhang naalala niya din yung time na nag give up siya na makakahanap ako ng matinong work sa Brooklyn.
"I concede. What do you want?" Hindi ko siya sinagot at muli pinaandar ang sasakyan ng mag green light na. "Do you want to go on a quick get away? Babalik tayo ng Manila, Sunday night na."
"Saan naman tayo pupunta?"
"Your choice since I owe you something."
"Tagaytay ulit?"
"Okay."
Nabitawan ko ang manibela sa sobrang excitement kaya naalarma siya ng bahagya. Muli kong binalik sa daan ang atensyon ko habang hawak niya ang isang kamay ko. Nag peace sign ako na kinailing lang niya. Mahal naman niya ako kaya hindi siya magagalit sa akin...
***
THE view of the trees and mountain outside was breathtaking. Cozy and quiet welcomed us when we both got out of the car a while ago. Naka-tsamba kami ni Max sa cabin na ito sa may Mendez, Cavite na malapit lang sa People's Park, Tagaytay. Buong bahay ay ni-rentahan naming dalawa hanggang Linggo ng gabi. Quick get away lang at pang-alis stress dahil lampas ulo na namin ang salitang iyon.
Ganito yung gusto ko na bahay simula pa ng bata ako. May terrace na may view ng mga puno at bundok, mga huni ng ibon ang naririnig imbis na mga sasakyan. Umakyat ako sa second floor ng bahay at sinilip yung kwarto. Simple lang ang interior ng bahay. The Loft offers accommodation with a bar, free private parking, and a garden. Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa makarating na ako sa CR at doon nakita ko ang hot tub.
"Loving the place?" tanong na pumukaw sa akin.
"Oo. Saan mo ito nakita?" Balik tanong ko sa kanya.
Ang bilis lang kasi, kanina nasa highway kami naghahanap siya ng mapupuntahan tapos huminto kami sa Shell SLT para siya na ang magtuloy ng pagda-drive hanggang Tagaytay. Max showed me his phone where an app called Airbnb was launched. Hindi ko alam yun dahil noong naghanap ako ng babakasyunan namin, si Dominic lang nag-recommend noon. Hindi ko alam sino dinala niya doon at hindi ko na din naman inusisa. Sobra akong excited ng makita ko yung beach kaya pina-book ko na agad sa kanya tapos binayaran ko na.
"Didn't you use this app in booking the villa last time?" tanong pa uli ni Max.
Tumingin ako diretso sa mga mata niya. "Si Dominic nag recommend noon."
Kumunot ang noo ni Max at medyo umirap pa. "What happened to Atty. Trinidad? First name basis na kayo?"
"Ang sabi niya Dominic na lang kapag wala sa trabaho kaya ayun ang tawag ko sa kanya since wala ako sa trabaho ngayon." Sumimangot si Max at iniwan ako. Attitude talaga ang isang iyon lalong lumalala. Malapit na kaming mag-anniversary at wala naman akong ibang reklamo sa kanya liban na lang sa minsanang pagiging ma-attitude niya gaya ngayon. Umayos ako ng tayo saka sinara ang pintuan ng banyo at sinundan siya pababa.
Kumukulo na ang tiyan ko kaya habang pababa ng hagdan naisipan ko na mag-order ng pagkain. Sinamahan ko ng ice cream iyong in-order ko pampalamig ng ulo ni Max. Peace offering na din kasi hindi ko nasabi sa kanya na si Dominic nga ang nag recommend ng lugar na pinuntahan namin kanina. We've promised to tell everything to each other, but sometimes some things were better to remain untold.
"Max, nag-order ako ng pagkain natin." Ako naman magbabayad noon pero sinabi ko lang para aware siya. Hindi siya sumagot kaya nilapitan ko siya at tinabihan sa couch. "Galit ka ba?"
"No." Matipid niyang sagot.
"Nagtatampo?" Huminga ako ng malalim saka hinarap siya. Kapag stress talaga siya tapos may ganito na hindi ako nasabi literal na masisira ang bakasyon na ito kahit gaano pa kaganda at katahimik itong bahay. "Max, sayo lang ako, naiintindihan mo ba 'yun?"
Hindi pa din siya nagsalita.
"Mula noon nasa Brooklyn pa tayo, ng umalis ako, at muli natin subukan, ikaw lang ang may-ari nitong puso ko. Ang chessy at alam ko na pareho tayo hindi ganito, minsan lang pag kailangan talaga."
Napalunok ako ng dahan-dahang umangat ang kamay niya at sumapo sa isang pisngi ko saka humaplos doon. Hindi nawaglit ang mga tingin namin sa isa't-isa at tila ba ng mga oras na iyon ay amin ang mundo.
"Then, now, and forever, I'm all yours, too, Bea."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan na mapangiti. Para akong sira na konting salita lang niya ng ganun ay kinikilig na ako. Iba talaga ang epekto ni Max sa akin kaya malabo na magmahal pa ako ng iba kung pagkakaitan 'man kami ng tadhana na huwag nawang mangyari. Sinabi ko na sa sarili ko na siya lang wala ng iba na makakahawak sa akin. Para akong nahihipnotismo sa titig niya kaya naman walang ano-ano'y lumapit pa ako hanggang sa naka-upo na ako sa kandungan niya.
"Mamaya pa naman darating yung order ko." sabi ko sa kanya pagkatapos ay dahan dahan akong umalis sa pagkakasaklang sa kandungan niya bumaba saka lumuhod sa harapan niya.
"Beatriz---"
Agad natigil sa pagsasalita si Max ng i-unbuckle ko ang sinturon niya at buksan ang butones ng suot niyang patalon. Gulong-gulo ang mukha niya at hindi malaman gagawin kung hahayaan niya ba ako at hahawiin ang buhok ko o hahatakin patayo. He deserved this, and I want to take all of his stress away. Another peace offering, maybe? Bahala na basta ang mahalaga ay si Max.
Bago pa siya makapagsalita ay dahan-dahan ko na ibinaba zipper ng pantalon. I could see his lips starts to form an O. Agad ko siyang hinawakan at saglit siyang napapikit saka malalim na huminga.
"Fuck..." mahina niyang salita. "What are you doing, Beatriz?"
I eyed him. "Handjob." Simple ko na sagot sa kanya saka itinuloy lang ang ginagawa ko. Hindi naman niya first time, and I've done this to him many times.
"Stop torturing me, Beatriz." Binagalan ko ng kaunti ang paghagod ko sa kanya.
"Maximilien Lewis." sabi ko saka inabot ang bag ko at kinuha doon ang panali ko sa buhok. Nilikom ko ang mahaba kong buhok habang nakatingin sa kanya. "Tandaan mong sayo lang ako at akin ka,"
Max blinked twice, and I smiled.
"At ang pinaka-importante sa lahat, mahal na mahal kita."
Iyon ang huling sinabi ko sa kanya. Max closed his eyes and he grip my hair tightly.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro