Chapter 37
37: A Week Away
Bea
"HELLO? Good morning, Atty." Masiglang bati ko sa tumawag sa akin.
It was Atty. Salandanan, one of the junior partners who's very needy. Iyong kulang na lang ako na maging abogado dahil literal na pina-trabaho niya sa akin lahat. He was looking for me and asking me to file a case right now. Ako lang ba empleyado doon? Sa pagkakaalam ko talaga assistant ako ng senior partners, hindi ng mga junior partners.
"Ay, hindi po ako papasok ngayon. Sorry, Atty, balato niyo na po sa akin itong araw na ito."
I've been working hard for over a year now while studying. Matatapos na din ako sa pag-aaral dahil pati summer ay pinasok ko na. Wala na nga halos paghinga dahil pati linggo ay pumasok ako sa school. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag bakasyon. Nag file ako ng two weeks vacation kasabay ng semestral break namin sa school. Deserve ko naman ang bagay na ito bilang ang dami kong hirap sa pag-aaral at pagtatrabaho.
In-approve naman ni Dominic, iyon daw ang itawag ko sa kanya kapag wala sa work, yung leave ko pati na ni Atty. Reyes. Baka hindi lang nasabihan iyong ibang partners kaya hinahanap ako na tsimay nila sa law office. Nagpaalam pa ako via call kay Lorraine na sasalo lahat ng work sa law office kasi wala ako. Maalwan buhay niya nang dumating ako at ma-hire. Ako na lumalabas para mag file ng case ng mga partners.
Ako na din humaharap sa mga client at kinuha mga importanteng impormasyon na ibibigay ko sa attending lawyer nila. Tiga-transcribe din ako doon kaya wonderwoman ang tawag nila sa akin. Pag sobrang stress na, tatawag lang ako kay Max tapos okay na ulit ako. Ang lalaking iyon lang talaga ang stress at shock absorber ko at parang balewala lang sa kanya kahit na alam kong na-i-stress din naman siya gaya ko. Tinanong ko naman siya kung kumusta araw niya lagi at pag sinabi niyang ayos lang siya, wala na akong follow up questions.
"Saan ba lakad mo, Miss Bea?"
Intrimitido talaga itong si Atty. Salandanan kahit kailan. Sinabi ko na lang may importanteng lakad ako pero hindi ko na binanggit kung saan at sino kasama ko. Kay Dominic ko lang nasabi na uuwi si Max ngayon at magbabakasyon kaming dalawa sa isang beach sa Batangas.
Huminga ako ng malalim ng matapos ang tawag ni Atty. Salandanan. Nakaka-drain talaga yung abogado na iyon kapag kausap ko. Tumingin ako sa labas at minasdan ang mga nadadaanan ng taxi na sinasakyan ko. Traffic at sanay na din naman ako. Mas excited ako na makita si Max na halos isang taon ko na din noong huling nakita. Video chat and calls lang kami nag-uusap na dalawa lagi na minsan ay nakaka-tulugan ko pa.
“Manong, diyan na lang po sa tabi. Eto po ang bayad.” sabi ko ng makarating kami sa tapat ng arrival area ng NAIA Terminal 2.
Nagpasalamat ako pagkababa ng taxi. Inayos ko ang bag na nakasukbit sa aking balikat at lumakad papasok sa waiting area kung saan lalabas iyong mga pasahero. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon. Dahil ba ngayon lang ulit kami magkikitang dalawa? Sobra ko siyang na-miss at noong unang sumahod ako sa Trinidad and Associates Law Firm, aamin akong muntik na akong magbook ng ticket papuntang Brooklyn.
Tumabi ako sa mga kapwa ko may inaabangan na pasahero na maaring kamag-anak nila. I waited patiently until the door opened. Isa-isang naglabasan iyong mga pasahero ng eroplanong dumating kani-kanina lamang. May ngiti sa labi ko na pinagmasdan sila. Mixed emotion talaga kapag nasa ganitong lugar. Mayroong may naghihintay, mayroon namang walang sasalubong. Muli kong binaling ang tingin ko sa pintuan at inabangan na lumabas doon si Max. Ano na kayang itsura niya sa personal?
Noong nakaraan na mag-video call kami, mahaba na ang buhok ng isang iyon. Nagpa-gupit na kaya siya? Did he already shave his facial hair? Sobrang abala din ng isang iyon kaya pati ang mga simpleng gawain na katulad ng pagpapagupit at pag-aahit ay nalilimutan na. A phone vibration inside my clutch bag halted my thoughts. Sino na naman kaya ito? Hindi ba talaga nila pwedeng ibalato sa akin ang araw na ‘to? Dinukot ko iyon at tiningnan kung sino ang natawag.
It was Del, and it’s a long-distance call.
“Girl, nasaan ka?” Iyon ang bungad na tanong sa akin ni Del pagkasagot ko ng tawag. Nahimigan ko ang problema sa tinig niya at hindi siya ganun kapag kausap ko.
“Hinihintay ko na lumabas si Max. Nasa airport ako ngayon, Del.”
I asked her why but she didn’t say anything. Sinabi niya lang na tatawag siya ulit kapag hindi na ako abala. Tinapos ni Del ang tawag at muli kong binalik ang cellphone sa bag ko. Sa pag-angat ko ng tingin, si Max ang agad ko nakita na naglalakad palabas ng pintuan. I removed the backpack I am carrying on the side. Nag-excuse ako sa mga nasa unahan para malapitan ko siya. Max removed his backpack, too and put it down near his other luggage. He opened his arms to welcome me.
I wrapped both of my arms around his nape. Binuhat ako ni Max at awtomatikong pumapalibot sa baywang niya ang magkabilang binti ko. Humigpit ang pangungunyapit ng dalawang kamay ko sa batok niya at dalawang kamay niya ay yumapos sa baywang ko bilang suporta.
“I missed you.” Sabi niya ng nagkatinginan kami.
Sinapo ko ang magkabila niyang pisngi. Sigurado naman akong hindi niya ako ilalaglag at para matitigan ko ng mas malapit ang mukha niya. Walang nagbago at siya pa din yung lalaking mahal na mahal ko.
"Na-miss din kita. Thank you for coming back, Max."
Yumakap ako sa kanya at iyong eksena namin na yun ay umani ng iba't-ibang reaksyon. Muli ko siyang tiningnan saka hinalikan sa labi. I heard gasps not far from from us but when Max deepen our kiss, world's noise suddenly disappear. Time slows down whenever I am in Max's arms. Ayos lang kahit pagtinginan kami dito at wala din naman ako pakialam na. Matagal ko na hindi nakasama itong lalaking 'to kaya bahala na sila sa iisipin nila.
***
A WEEK away from stress in the real world, and school work was the sole reason why I made this vacation with Max happen. Nagulat siya ng hindi ako mag-aya na umuwi sa bahay at doon sa isang beach sa Batangas kami dumirecho pagkagaling sa airport. I only brought with me a backpack filled with clothes set good for two weeks. Pinagkasya ko na doon para hindi na madaming dalahin pa. Nasanay din ako kapag sinasama ako ni Dominic sa mga out of town work niya na dapat walang check in baggage kasi trabaho at hindi bakasyon ang pinunta naming dalawa.
"How much does this villa cost?" Tanong sa akin ni Max ng maka-alis yung staff na tumulong sa amin magbuhat ng mga gamit. Nakita ko na inabutan pa iyon ni Max ng tip gaya ng ginawa sa taxi driver na halos tinaga na nga kami sa pamasahe papunta dito.
Ang totoo, ayoko na alalahanin kung magkano itong villa. Isang buwang sahod ko yata ito pero ayos lang naman dahil kami naman dalawa makikinabang. Max will stay in the Philippines for three months. Mas mahaba kaysa noong una siyang umuwi dito. May aasikasuhin siyang branch na bubuksan dito kaya matagal at dalawang linggo lang nilaan niyang bakasyon tapos balik na kaming dalawa sa mga trabaho namin.
"Basta." Iyon lang ang sagot ko. Kapag sinabi ko kasi, babayaran niya ako malamang. Lagi na lang siya ang nagastos kaya oras na para ako naman. I'm earning a good amount of money every month and I thanked God for giving me an opportunity like the one I have in Dominic's law firm.
"Beatriz…"
"What?" I said, then walked towards him. Pinalibot niya ang dalawang kamay sa baywang ko at ganun din ginawa ko sa batok niya. "Gift ko ito para sa atin. Lagi na lang ikaw ang nagastos kaya ngayon ako naman muna,"
"It's not an issue, right?" Tumango ako at isinandig ang ulo ko sa dibdib niya. Pinakinggan ko ang tibok ng puso niya na lagi ko namang ginagawa. "Hindi ako sanay na matured na mag-isip ang girlfriend ko,"
Tiningala ko siya. "Hindi ba ako matured mag-isip dati?"
"You're playful before and I kinda missed that."
Nakaka-matured nga siguro kapag mga katulad nila Dominic ang kasama sa trabaho. Sila din ang kasama kong mag-lunch at kapag may company dinner.
"Ako pa rin 'to." I said as I unbuttoned his shirt. I planted small kisses on his bare chest as I continue unbuttoning his shirt. Max chuckled and tried to stop me from what I was doing.
"Let's go to the beach." Max said to me. Tanaw mula sa villa namin ang magandang view ng dagat. Dinig din ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan. Hindi ako huminto sa ginagawa ko. "Mamaya na 'to." Sumimangot ako at tumawa lang siya. "Naughty girl." Sabi pa niya saka hinalikan ang tungki ng ilong ko. Kasalanan niya 'to! Ang tagal bago niya bumalik kaya gusto ko na lang na iyon ang gawin namin ngayon buong araw.
"Magpapalit na ako," sabi ko sa kanya.
"Alright." He answered.
Lumakad ako papasok sa kwarto namin ngunit iniwan ko na bukas ang pintuan. Kami lang naman ang naroon ngayon at mamaya pa babalik yung staff kapag kakain na. It's like I rented the whole resort and the owner said, they made this place like this to give privacy to their renters. Promo ang isang linggo may libreng breakfast, lunch at dinner tapos yung huling isang linggo kami na ni Max ang bahala. May malapit na namang palengke dito kaya may mabibilhan pa din ng pagkain.
"How's work?" Tanong ni Max.
I groaned and faced him. "Pwede huwag muna natin pag-usapan ang work?"
"Not the specific workload, baby. How's the environment? Are they treating you right?"
"Okay naman sila. Mababait yung senior partners pero yung junior partners, mautos." Max chuckled as I continued telling him about the work environment I have experienced at Trinidad and Associates Law Firm. I took out all of the swimwear I brought for this vacation. Namili ako doon ng isusuot para ngayong araw. Pansamantala ko iniwan si Max para magpalit ng makapili.
"No one is hitting on you there?" I heaved a deep sigh. Here we go again. Kabado talaga si Max na may ganun sa company at kaya kung minsan hindi ko na pinapaalam sa kanya yung lakad namin ni Dominic. Lagi na lang kasing issue iyon sa kanya.
"Syempre wala dahil alam nilang may boyfriend ako." I said as I came out wearing the swimwear I chose.
Max groaned. My brow arched as I looked straight into his eyes. Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa baywang.
"Change of plans. Mamaya na tayo sa beach." He said, closing the door behind us...
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro