Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

36: Hired

Bea

I AM busy studying when Karel came and interrupted my focus. Nagsasa-ulo pa 'man din ako para sa recitation sa isa sa mga major subject namin mamaya. Pare-pareho kaming stress pero mas malala yata ang stress na dala-dala ng babaeng ito. She's working in a corporate company every Tuesday, Thursday, and Saturday. Tapos Monday, Wednesday, and Sunday naman sa school.

Pareho kami ng schedule, ang kaibahan lang may trabaho siya ako wala pa. Hindi ko pa kasi napuntahan ang office ni Atty. Trinidad at kung papalarin akong ma-hire doon, baka maging katulad na ako ng babaeng ito.

"How can you manage to stay fresh, Bea?" tanong niya sa akin.

Seryoso ba siya? Fresh ba ako ng lagay na 'to?

Hindi ko nga alam paano pagsabayin ang pagrereview at paghahanap ng trabaho. Marami na akong hindi napuntahan na job interview dahil palpak ako sa time management. I asked Max to fix my schedule, and so far, wala pa akong nakakaligtaan na puntahan nitong mga nakaraang linggo dahil sa ginawa niya. Maasahan talaga sa mga ganong bagay si Max. Na-miss ko tuloy siya bigla at ang bilis lumipas ng mga araw.

Isang buwan na mula ng huling magpunta dito si Max at ganun na din kami katagal na nag-uusap sa pamamagitan ng video call, chat. Tuwing magigising siya, hindi nakakalimutang mag-send ng voice message na pag gising ko naman pakikingan. Mahirap iyong long distance relationship pero kinakaya naman naming dalawa. Isang buwan na din lumipas mula ng magdesisyon kaming subukan ulit. May pangyayari 'man na sumubok sa amin pareho, sa huli kami pa din dalawa.

"Nasaan ang fresh sa akin?" Balik tanong ko kay Karel.

"Nasubukan mo na bang tumitig sa salamin? Hindi mo ba napapansin na blooming ka?" Nasapo ko bigla ang magkabila kong pisngi pagbaba ng hawak na ballpen. Blooming ako? "Sabagay, nakakaganda talaga yung may jowa. Baka may friend yung jowa mo, pakilala mo ako."

Sinabunutan ko siya bilang sagot. Alam ko na jowang jowa na siya pero bukod kay Chris, wala akong kilalang kaibigan ni Max. Si Claudel pwede sana kaso loyal 'yun kay Amie na sabi ni Max ay may ibang lalaki namang gusto. Bilang tsismoso si Max gaya ko, napag-kwentuhan namin sila noong magkasama pa kami dito. 

"May nanliligaw sa 'yo na classmates natin, ah." Tukso ko sa kanya.

"Ikaw ang gusto noon hindi ako." Sabi niya na kina-iling ko lang. "At eto pa yung isang may gusto sayo." Dagdag niya na kinalingon.

Muntik na ako humaglapak ng makita kung sino ang tinutukoy niya. It was Atty. Trinidad who's talking to our office management professor. He's wearing a three-piece suit and carrying a leather bag. Mukhang kagagaling lang niya sa court trial o papunta palang? Lagi naman ganon ang get-up niya, hindi pa ba ako nasanay? Hindi lang si Karel ang unang nagsabi na may gusto sa akin si Atty. at tingin ko na-misinterpret lang nila ang pagiging mabait sa akin ng tao.

"Tigilan mo na nga pagbabasa ng mga nobela. May boyfriend ako --"

"Na nasa Brooklyn kaya technically wala kang boyfriend dito sa Pilipinas."

"Professor siya at against sa school etiquette."

"Hindi naman siya regular professor. Ini-invite lang siya kapag MIA si Atty. Salazar." Nakapangalumbaba si Karel at matamang pinagmasdan si Atty. "Single pa naman siya 'di ba? May sariling law firm, may sports car, at hottie din siya. Nakita mo na mga post niya sa Instagram? Mapapa-request ka ng kanin, dzai."

Kinatok ko yung lamesa para tingnan ako ni Karel. Stalker din talaga sa social media ang isa ito at nagagawa pa niya isingit iyon. Sabagay isang account lang kasi ang lagi kong binibisita. 

"May apat na bagong branch ang bar ni Max. May Tesla, Ford F150, at Pagani din siya."

Masarap talaga iyabang ang mga boyfriend na katulad ni Max at tingin ko naman magigising na itong si Karel sa mga sinabi ko. Sapat na si Max sa akin at sabi ko nga siya lang ang hahayaan ko na humawak sa akin. Kaibigan, iyon lang si Atty. para sa akin at mabait naman siya pala talaga pero naroroon pa din ang pagiging pulaero niya.

"Don't you missed having sex with your boyfriend? Mas okay pa din kasi kung kasama mo ang boyfriend mo. Alam mo na kapag stress ka sa school o sa work nandyan siya sa tabi mo, maglalambing."

Namiss ko na pero hindi pa naman ako ganun ka-tigang. We sometimes try doing it, like others did but the internet was one of the classic hindrances to those kinds of intimate moments. Iintayin ko na lang na makauwi siya siguro dito ulit. I will stay faithful to him.

"Mag-review ka na lang Karel. Marami pa tayong sasa-uluhin." Sabi ko saka muling mag focus sa pag-aaral.

***

"GOING home?" Tanong na pumukaw sa akin at nagpa-hinto sa ginawa ko na paghahanap ng payong sa bag.

Umuulan kasi at mukhang hindi ko pa yata nadala ang payong ko. Kung kailan naman kailangan saka ko nagawa na kalimutan. Hinayon ko ang tingin ko sa nagtanong at napangiti ng makita si Atty. Trinidad. He's holding an umbrella and it looks like he's about to leave the campus, too.

"Ah, oo kaso mukhang nalimutan ko na naman ang payong ko." Sagot ko sa kanya.

"Come on, ihahatid na kita sa inyo." Alok niya na tinanggihan ko agad. Hindi maganda tingnan kapag ganito siya kabait tapos estudyante ako sa campus na pinagtu-turuan niya. Ayoko na ulit ma-tsismis at baka madali pa si Lola dahil doon.

Wala na kami sa dati naming tinitirahan kaya wala na din ako problema sa tsismis na maririnig. Iyong huling tsismis na narinig ko at muntik na magpakulo ng dugo ni Lola Esme. Paano ba namang kasing hindi kumulo ang dugo ng Lola? Kumalat sa compound na buntis ako at nagpalaglag at kapalit daw ng pagpapalaglag ko yung bahay na binili ni Max. Nakakaloka yung mga kwentong sabi-sabi na kumalat ng mabilis sa lugar na iyon. 

"Baka kasi isipin nila -"

"Don't mind it. We're not doing anything wrong and besides, you have a boyfriend who stares like a hawk."

"Mabait si Max!" Giit ko sa kanya.

Hindi lang niya gusto na maging malapit ako sayo.

Gusto ko sabihin iyon kaso baka ma-offend naman si Atty. Hindi ko masabing super close kami pero nitong mga nakaraan, lagi kami magka-usap sa hiding place namin. Doon sa kung saan co-owner na kami pareho. Tinutulungan niya sa mga subject na hindi ko maintindihan at parang naging personal tutor ko na nga siya kung tutuusin. I also told him about the result that we got, that I'm not really pregnant. Wala din naman akong malalang sakit at patuloy lang ako sa pag-inom ng pills para maging regular ang menstruation ko.

Kay Atty, nasasabi ko ang lahat gaya kay Max at hindi na ako nag-aabala pa na mag-filter ng mga salitang binibitawan. Kaya din siguro iniisip ng mga nakapaligid sa amin may something na sa aming dalawa. Kahit ulit-ulitin ko pa, loyal talaga ako kay Max.

"Oh, yeah?" Inirapan ko siya at muli akong inaya na sumabay na sa kanya. Pumayag din naman ako bandang huli at pinasukob niya ako sa payong niya hanggang sa pareho naming marating kung nasaan naka-park ang kanyang sasakyan. "Here, use this to dry your hair." aniya saka inabot ang tuwalya sa akin.

"Thank you!" sagot ko at tinanggap na iyon. Napatingin ako sa dashboard ng sasakyan niya at doon nakita ko ang isang picture ng babae na may kalong na baby. "Jowa mo, Atty?" Napatingin siya sa tinuro ko na picture.

He chuckled. Mukhang hindi iyon ang unang beses na may nagtanong sa kanya ng kagaya ng tanong ko.

"She's my sister and the baby is my niece." Tinitigan ko ng malapitan iyong picture. Mukhang may lahi itong si Atty na hindi ko pa nagagawang tanungin. Tatanungin ko na ba? Wala naman siguro mawawala at nagtatanong lang naman ako. "May lahi kayo? Iba kasi kulay niyang mata mo tapos itong kapatid mo halatang-halata ang pagka-foreigner."

"We're half Pinoy, half Scot. My mom is in Scotland with my niece and younger sister,"

Tumango-tango lang ako bilang sagot.

"Eh siya, nasaan?" tanong ko. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Atty. Bakit kaya? Hindi ko na nagawang magtanong dahil nag-ring ang cellphone ko at si Max ang natawag na agad ko naman sinagot. "Hi!" Masigla kong bati.

"Hey," bati niya pabalik sa akin. "Nakauwi ka na?" Itunutok ko ng maayos sa mukha ko ang camera. Hindi naman na ako mukhang basang sisiw 'di gaya kanina noong kapapasok palang namin sa sasakyan ni Atty. "You're not in your room. Are you still outside?"

"Pauwi palang ako at nakisabay ako. Malakas kasi ulan ngayon, mahirap na humanap ng masasakyan at naiwan ko pa payong ko." Max tsked which I already expected. Siya ang nagreremind sa akin ng mga dapat dalhin araw-araw at sadyang nakalimutan ko lang ibalik yung payong ng magpalit ako ng bag kagabi.

"Who are you with?" Hala, eto na at tingin ko magagalit siya sa akin. Hindi ko kasi maintindihan bakit mainit ang dugo niya kay Atty. Wala naman ginagawang masama iyong tao at concern pa nga sa akin kung tutuusin. "Bea, are you still there?" Nawala ako sandali sa harap ng camera dahil tumingin ako kay Atty. When Atty. Trinidad nodded, I focused the camera on my face once again.

"Sumabay ako kay Atty. Trinidad. Iisa lang ang way namin pauwi at sobrang lakas talaga ng ulan kaya..."

"Just tell him to drive slowly and take you to our home immediately." Natikom ang bibig ko. Naka-loud speaker siya kaya dinig ni Atty ang sinabi niya at huling-huli ko ang pangungunot ng noo nitong katabi ko. para tuloy naging personal driver ko yung tao. Maka-utos naman kasi itong si Max wagas! "Chat mo ako kapag nakauwi ka na at tatawag ako ulit."

"Okay. Mag-breakfast ka bago ka umalis ng apartment mo." Bilin ko sa kanya. Madalas nakakalimutan iyon gawin ni Max dahil sa sobrang pagka-abala. Wala ako sa tabi niya para pilitin siya kumain at nag-aalala ako na baka magkasakit siya bigla. "I love you," I said to him.

"I love you more. Take care always." That concluded our video call.

Tinago ko na ulit sa bag ang cellphone ko at inayos na ang seat belt gaya ng utos ni Atty. Trinidad sa akin. He maneuvered the car outside the campus parking lot. Buong biyahe kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin at napalis yung namuong tension ng tumawag si Max kanina. Sa sobrang engaging ng usapan namin halos hindi ko namalayan na na-traffic kami at nakarating na sa bahay.

"Thank you sa paghatid." Sabi ko sa kanya ng makababa ng sasakyan. Wala ng ulan ngunit basa pa din ang kalsada kaya kailangan maingat pa din sa pagda-drive.

"Wala 'yon hindi ko naman sisingilin ang boyfriend mo sa gas expenses,"

I frowned at him. "Atty, open ba yung hiring sa law office mo? Yung assistant mo?"

"Yeah, why? Mag-apply ka na? Alam ba 'yan ng boyfriend mo?" Tukso pa niya sa akin.

"Magpapa-alam ako mamaya at pupunta ako bukas. Hindi naman ikaw ang mag-i-interview 'di ba?"

Umiling siya at nakahinga ako ng maluwag. "Just look for Lorraine tomorrow." aniya saka nagpaalam na aalis na. I waved goodbye and watched his car until it's finally gone.

***

NGUMITI sa akin iyong Lorraine na sinabi ni Atty. Trinidad na hanapin ko pagpasok ko sa Trinidad and Associates Law Firm. Sinamahan niya ako papunta sa isang conference room at sinabihan na intayin doon si Atty. Reyes na partner lawyer ni Atty. Trinidad. Ito daw ang mag-i-interview sa akin at kinabahan ako ngunit mas kakabahan ako kapag si Atty ang gagawa nito. Baka nga kausapin ko lang gaya ng normal naming pag-uusap dalawa.

"Hi! You must be Bea, right?" anang lalaking pumasok sa conference room na kinaroroonan ko. Tumayo ako at binati siya gaya ng pinag-aralan ko tungkol sa office etiquettes.

"I'm Beatriz Natividad, twenty-three years old and I am currently taking BS Office Management in a university in Manila." Pakilala ko sa sarili ko.

He asked me what was my major and I told him about it. Nagtanong pa siya bakit ang associate in Medical and Legal Office Technology ang napili ko. Sinabi ko sa kanya ang fascination ko sa corporate world at iyong pagiging curious ko sa pagta-trabaho sa isang law firm. Siniguro pa niya uli na wala talaga akong balak mag-law at parang gusto niya akong i-push na kuhain iyon. Parang hindi ko na kakayanin kapag kinuha ko pa iyon kahit pa sabihin nila na walang imposible.

"You're hired now and for your first task, I want you to go out with me on a date."

Napa-awang ang labi ko. May itsura si Atty. Reyes at mukhang mabait din naman gaya ni Atty. Trinidad ngunit hindi ko nakinita ito. Kaya ba panay ang pag-tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa? May balak ba siyang masama? Dapat ba hindi na ako tumuloy dito?

"Iyong trabaho po na in-apply-an ko ay assistant ng mga abogado at hindi po kasama sa scope of work ang date, Atty. May boyfriend po ako pero nasa ibang bansa siya ngayon. I'm not against office romance but as much as possible I don't want to be involved with anyone here and remain faithful to my man." Tumayo ako at sinukbit na ang bag sa balikat ko. "I don't want to be unworthy of his trust." Iyon ang huling sabi ko at akmang aalis na ngunit pinigil ako ni Atty. Reyes.

Maang akong napatingin sa kanya. "Okay, here's the thing. I just pull that act to check if you're going to grab my bait, but I was wrong. You have shown me how professional you are by coming earlier than the said time, the kind of lady you are, and how faithful you are to your man, Miss Natividad."

"Test lang po yung kanina?" tanong ko sa kanya.

"Yes, and you passed. Welcome to Trinidad and Associates Law Firm. Tama nga si Atty. Trinidad tungkol sayo. I look forward to working with you, Miss Natividad." Nakipagkamay siya sa akin na tinaggap ko naman ng malugod.

I'm hired! May trabaho na ako... sa wakas!

I pulled out my phone and compose a chat message to Max.

***

Messenger

Love <3 | 10:30am

Love, may work na ako!

Seen, 15:30pm

15:35pm

Love: Great! I told you already you can get that job."

I wish you were here.

Love: I will be there... soon. I love you.

I love you, too.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro