Chapter 32
32: Mr. Goblin
Bea
MABILIS AKONG sumilong sa waiting shed ng makarating kami doon ni Mr. Goblin. I don't know his name, and I didn’t bother to ask. Okay na yung Mr. Goblin ang tawag ko sa kanya. Mabait siya dahil pinasukob niya ako sa payong niya pero mukhang siya pa ang nakisukob dahil basa ang kalahati ng kanyang damit.
Nakaka-konsensya naman!
Paano kung magkasakit siya? Kargo de konsensya ko pa ito ngayon?
“The weather is very unpredictable.” Mr. Goblin said as he focused his attention on the sky.
Makulimlim pa ang langit at may kulog-kidlat pa kaya sigurado ako na matagal ang magiging pag-ulan. Bukas ko na lang siguro itutuloy ang pamimili ng mga school supplies. Panira ng lakad ang ulan kaya bukas sisiguruhin ko na may dala akong payong. Napatingin din ako sa langit at walang ano-ano ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sinasalo ang tubig na bumabagsak sa bubong ng waiting shed na kinaroroonan namin. Gaya ng ginagawa ko noong bata pa ako kaya madalas ako mapagalitan ni Lola Esme.
Nakakamiss din pala maging bata pero pwede din naman ako magtampisaw sa ulanan gaya dati.
Pero hindi sa harap ni Mr. Goblin.
Kung si he who cannot be named pa siya pwede. Lahat magagawa ko sa harap niya at kahit gwapo itong katabi ko, loyal pa din ako sa kanya. Kahit ano yatang gawin ko ay hindi na siya maalis pa sa isipan ko. Ganito kalakas ang tama ko sa kanya pero sa bandang huli, hindi pa din siya ang pinili ko.
Was being ambitious bad?
Gusto ko na lang talaga makapag-aral at makatapos na para naman may maipagmamalaki ako sa kanya. Alam ko naman na kahit hindi kami nag-usap dalawa bago maghiwalay ay iyon din gusto niyang mangyari.
Napatingin ako kay Mr. Goblin ng bigla siya magsalita. Akala ko ako ang kausap niya iyon pala ay may kausap na sa cellphone. Inihinto ko na ang paglalaro ng tubig ulan at naghihintay na lang na humina iyon bago lumakad uli papuntang sakayan ng jeep.
“Here, use this umbrella. This rain will not stop.” wika ni Mr. Goblin sa akin at inabot iyong payong na tinanggap ko naman.
“Paano ka?” Wait, naiintindihan ba niya ang sinasabi ko? Inglesero siya at pangalawang taong na-meet ko ngayong araw na may balak paduguin ang ilong ko.
“I can manage, don’t worry.” sagot niya sa akin.
“Sure ka talaga? Aalis na ako,” Paniniguro ko pa sa kanya. Tumango lang siya at ngumiti.
Weird?
Saan kaya siya galing?
Hindi ko siya nakita na lumabas sa convenience store kanina o baka masyado lang akong abala sa pagtingin sa mga picture ni he who cannot be named na hindi ko alam kung boyfriend ko pa ba. Sinabi ni Del na maraming na-aligid na girls sa kanya kaya baka tapos na nga talaga ang lahat sa amin. Kasalanan ko naman kaya wala akong karapatan na magreklamo. Binuka ko iyong payong at tuluyan na umalis doon.
Walang lingon-likod akong ginawa. Lumalakas na naman kasi ang ulan at ang tanga ko sa part na hindi ko kinuha ang pangalan niya o tinanong kung saan pwede isauli ang payong niya.
Bahala nga!
***
DAHIL sa malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa mga kalye ng Maynila kaya naging ma-traffic. Kahit saan banda akong lumingon, traffic, at mga stranded na pasahero ang nakikita ko. Doon napagtanto ko na talent pala talaga iyong paglangoy kasi laging ganito ang eksena dito at ang mga college students, waterproof! Immortal pa nga gaya ng mga nagtatrabaho na palagi nakakalimutan sa tuwing may bagyo o ‘di kaya kapag may suspension. Malalim akong napahugot ng hinga bago binalingan ang payong na bitbit ko.
Wala ng ulan at naglalakad na ako ngayon papasok sa compound kung saan kami nakatira. May ilang kabataan na nasa labas at nagtatampisaw sa putikan. Nahinto naman sila sa paglalaro kapag may dumadaan. Iyong mga tsismosang mga kapitbahay ko, nakasunod lang ang tingin sa akin na para bang may ginawa akong masama sa kanila. Inignora ko lang hanggang sa nakarating na ako sa bahay namin. Sa labas noon naka-abang si Lola Esme na awtomatiko na ngumiti ng makita ako.
“Saan ka naka-hiram ng payong?” tanong ni Lola ng makita ang bitbit ko. Kinuha niya iyon saka sinipat. “Trinidad and Associates Law Firm.” sambit ni Lola kaya napatingin ako agad.
Abogado kaya si Mr. Goblin o bigay lang din sa kanya iyong payong?
“Papahinga po muna ako sa kwarto, ‘La.” I said when I already removed my sandals.
Dapat maliligo ako dahil nabasa ako ng ulan kaso tinatamad ako kaya naisip ko na mamaya na lang. Ibinaba ko sa kama ang bag ko at humilata doon. Tinuon ko ang tingin sa kisame na para bang inaabangan ko iyon na magsalita. Kinapa ko sa bag yung cellphone ko na naka-auto connect sa wifi namin. Isa-isa na nag-pasukan ang mga mensahe sa social media at email ni Papa.
Sa email kami nag-uusap na dalawa at sabi niya sa pinaka-huling email niya, magpapadala siya sa akin ng pang gastos sa pag-aaral. Parang ayoko na tanggapin iyon dahil mas kailangan niya doon dahil mag-isa siya sa Manhattan. Ayos naman kami ni Lola dito at may natira pa sa nauwi ko na pera. Hindi naman nanghihingi si Lola kaya tingin ko may natira pa din sa huling pinadala sa kanya bago ako umuwi. Nag-compose ako ng email reply kay Papa at tiningnan naman yung ibang mensahe sa social media.
Muntik na bumagsak sa mukha ko yung cellphone biglang mag-rehistro sa screen ang mukha ni Max.
Anak ng tokwa! Iniiwasan ko nga sabihin pangalan niya pero wala na nasabi ko na at nakaka-inis!
Bakit siya tumatawag?
Hindi pa ako prepared!
Dali-dali akong bumangon at nag-ayos ng sarili bago sasagutin na sana kaso huminto na ang pagtunog ng cellphone ko. Nag-appear na lang sa screen na nag-missed call nga si Max. Ang dami ko kasing arte, ayan na-missed ko ang chance na marinig ang boses niya. Tinitingan ko lang cellphone ko at inabangan na mag-chat 'man lamang siya sa akin. Sa nga mag-chat siya bukod sa nauna na niyang chat kanina na na-seen ko lang.
Nag-isip ako ng pwedeng sabihin na tinatype ko pero binubura ko din naman agad. Ano nga ba talaga ang pwede ko sabihin sa kanya? Should I ask him what we are now that we're living in a different country? Isip Bea, isip!
Muli akong humiga at tinitigan lamang iyong chat box namin. Two weeks have passed since the last time I saw his face. Habit ko na kung tutuusin ang pagtingin sa mga post niya kapag ganito na namimiss ko siya.
I deleted our conversation while I was on the plane. Wala ako magawa noon kaya napagdiskitahan ko at nagsisi ko na ginawa iyon. Wala tuloy akong babalikan na mga sweet messages niya pati na iyong lagi na pagcha-chat kung pauwi na siya.
--
Messenger
Love ❤
Love ❤: Hey.
Love ❤: I know you're still mad and I completely understand where you're coming from. I lied and meddled with your life.
Love ❤: I'm sorry, Bea.
Seen
--
Gusto ko na umiyak pagbasa ng mensahe ni Max. Pinahiran ko ang nangingilid na luha sa mga mata ko at nagtipa ng reply sa kanya.
--
Messenger
Love ❤
Okay na yun.
Okay pa ba tayo?
You unsend a message.
Seen
***
MATAMA ko na nilakad iyong pasilyo ng first year building at hinanap ang classroom ko. Bitbit ko yung payong ni Mr. Goblin dahil baka ma-salubong ko siya mamaya sa labas o kaya doon ulit sa waiting shed. May dala na akong sariling payong ko at nasa loob iyon ng bag ko. May baon pa akong tsinelas para hindi ma-laspag ang sapatos agad ang sapatos ko. Balak ko kasing iyon na ang gamitin hanggang sa matapos ko ang kurso na kinuha.
Nang mahanap ko na iyon, akma sana akong papasok sa loob ngunit nahinto ng may mahagip ang mga mata ko na pamilyar na mukha. It was the owner of the umbrella that I'm holding right now! Si Mr. Goblin at kausap niya ang college dean. Lakas naman niya pero teka… estudyante din ba siya dito? Small world indeed!
"Bea!" Tawag sa pangalan ko na pumukaw sa akin. Si Karel iyon na parang masayang-masaya na makita ako. Mukha ba akong clown? Parang lahat ng makilala ko ay natutuwa sa akin. "Tara na sa loob at baka maubusan tayo upuan sa harapan."
Hinila ako papasok sa loob ni Karel at doon kami sa pangatlong row sa harap naupong dalawa. Hindi ko pa gets bakit kailangan sa harap kami maupo at habang nausad ang klase, pinagsisihan ko na doon ako umupo. Duling yata ang professor ko at ako ang laging natatawag. This was too much for a day even if I'm coming to school for a week now. One week na din ang lumipas simula ng mag-chat si Max sa akin at nasundan lang naman iyon ng mga kumustahan saka small talks.
"So, may boyfriend ka pero nasa Brooklyn? Bakit hindi ka bumalik doon para magkaayos kayong dalawa?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Karel.
Nasa cafeteria kami at nakain ng pananghalian. Katatapos lang klase namin at kalahating araw palang ubos na ako. Hanggang alas tres pa ang klase ngayon kaya baka pag-uwi ko ay matulog lang ako dahil sa pagod.
"Actually hindi ko alam kung kami pa. Natatakot ako magtanong kasi baka mamaya ako pala yung assumera." Nabitin ang pagsubo ko ng makita si Mr. Goblin na naglalakad palabas ng cafeteria. "Kang, padala ng bag ko sa classroom ha. May kakausapin lang ako. Thank you!"
Dali-dali kong sinundan si Mr. Goblin bitbit ang payong niya hanggang sa makarating kami sa third year building. Akala ko hindi halata na sinundan ko siya pero mali ako. Nang lumingon siya agad akong tumingin sa bulletin board at nagpanggap na hindi siya sinusundan.
"Red hair. Hindi ba nasabi sayo na bawal may highlights dito?" Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.
"Natural color ito ng buhok ko," sagot ko sa kanya. Kahit noong nagpasa ako requirements nasita ito pero pinatunayan ko na hindi iyon highlights kahit kalkalin pa nila anit ko. Napansin ko na tumaas ang isang kilay niya dahil yata sa sinabi ko. "Yung payong mo pala. Salamat ng marami!"
"What year are you?" Sa halip na sumagot at pinukol ako ng tingin.
"First year. Ikaw?"
He chuckled and I pouted my lips.
"I'm not a student here."
"Atty. Trinidad!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Sandali ko lang pinagtuunan ng pansin ang lumapit na lalaki kay Mr. Goblin dahil natuon sa naka-print na pangalan sa payong ang atensyon ko.
Atty. Trinidad… meaning owner siya ng law firm na pinanggalingan nitong payong? O baka anak ng may-ari? Tapos professor siya dito? My God!
"Keep it, red hair."
"Huh?" I said and I hit my mouth in an instant.
"Keep it, and go back to your classroom. Galingan mo para umabot ka sa year level na tinuturuan ko. But I doubt you'll make it." He smirked. "Atty. Dominic Isaiah Trinidad. Remember that, red hair." Tumalikod siya at pumasok sa opisina na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Sobra naman ito! Makakapasa ako makikita mo na lang na nasa klase mo ako!
Ayoko pa naman sa lahat ay yung hinahamon ako. Makikita ng Atty. Trinidad na 'yon na mali siya ng hinamon. Makakapasa ako ng first year at makatapos sa pag-aaral! Kahit itaga pa niya sa pinaka-matandang bato sa mundo.
I threw my fist in the air suddenly which made the janitor look at me weirdly. Tumalikod ako at naglakad paalis doon. Badtrip akala ko mabait, hindi pala. Buti loyal ako at walang hihigit kay Max.
***
Joke lang pala yung isang bagsakan na update.
Mag-add to cart na kayo ng BLA Series Merch ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro