Chapter 31
31: Begin Again
Bea
"KUMAIN ka muna, Bea bago ka umalis," sigaw ni Lola Esme ng sundan niya ako palabas ng bahay.
Late ako nagising kakanood ng mga romantic movie gamit ang movie streaming account na yung lalaking may pangalan na iniiwasan ko banggitin ang para hindi ko ma-miss ang nagbabayad monthly. For now, his name was forbidden for me to mention, like he who cannot be named in a Harry Potter series. Kinaya ko na panoorin iyon at nagustuhan ko naman pero mas matimbang ang romantic slash drama movies.
"'La, may baon naman po akong biscuits sa bag at saglit lang naman po ako sa may Pureza." Katwiran ko na hindi umubra kay Lola Esme. Pinabalik niya ako sa loob para kumain ng almusal at binantayan na parang isang bata na anumang sandali ay tatakas. "Alam mo, 'La, ang ganda mo po."
"Huwag mo akong bolahin at kumain ka na dyan. Akala ko ba late ka na?" Napanguso na lang ako at pinilit na kainin 'yung mga hinanda ni Lola para sa akin. Late na nga ako kaso mapilit itong Lola ko kaya wala akong choice.
Wala akong gana kumain simula noong makabalik galing Brooklyn. That was two weeks ago and I haven't slept really well at night since I came back. Para akong na-ho-home sa sarili kong bahay. All my life, dito ako lumaki at ngayon lang talaga ako nahihirapan na matulog.
Was it because of the weather?
Maalinsangan kasi sa gabi at electric fan lang naman ang meron kami sa kwarto. Kung hindi ko pa yayakapin si Lola, hindi ako makaka-tulog kaya ginugugol ko lang ang oras ko sa panonood sa cellphone. Minsan sinasaway ako ng Lola kasi masyado daw akong tutok sa gadget. Kulang na nga lang itago niya iyon sa akin.
Bukod kasi sa panonood, binibisita ko din ang social media account nung lalaking hindi ko pwedeng banggitin ang pangalan. Para lang updated ako sa mga ginagawa niya sa kanyang buhay. Worried ako baka mag-bigti na lang siya basta pero naniniwala naman ako na hindi niya ga-gawin iyon kahit patay-patay siya sa akin.
Medyo nilalamig na ako sa mga sinasabi kong pagbubuhat ng sariling banko. Parang nararamdaman ko na kapag narinig nila Gwy, Del at Thalia ito, kung 'di sabunot malamang babatukan nila ako.
Miss ko na din sila...
"Ayan po, 'La, nabawasan ko na. Bawi na lang po ako mamayang hapunan."
"Kumain ka ba talaga?" Hindi siya makapaniwala kasi parang wala naman talaga akong nabawas.
"Opo. Ayan, oh!" Dahan-dahan akong tumayo at sinukbit na sa balikat ko ang bag ko. It was a gift from him, too! Dapat pala iniwan ko na sa Brooklyn yung mga gamit na magpapa-alala sa akin na minsan may isang lalaking nagmahal at umintindi sa kakulitan ko. "Bye na po, 'La. See you po mamaya!" sambit ko at tuloy-tuloy ng umalis ng bahay namin.
Paglabas ko, binati ako agad ni Aling Flora na ngitian at kinawayan ko lang. Na-ibilin ko na sa kanya si Lola kagabi pero kung ano-ano lang sinabi niyang napapansing pagbabago daw sa akin. Inignora ko lang siya at likas naman na kanya ang pagiging tsismosa. Nag tuloy ako sa paglalakad at nadaanan ko 'yung mga nag-iinuman sa may tindahan ni Aling Mercedes.
Ang aga naman ng session ng mga 'to...
Mas lalo akong naging eager na maalis si Lola sa lugar na 'to. Isasama ko na din si Aling Flora dahil kahit pulaera at tsismosa iyon ay maasahan naman. Pwera sa anak niyang si Aila. Baliw na bata iyon, naka-ilang palit siya ng wifi password na kahit ako naman ang nagpa-kabit. Ibigay na tuloy sa akin ng nanay niya ang router ng wifi.
Problema ko pa kung paano iyon babayaran monthly!
Binati ako ng mga nag-iinuman at pilit pa ako pinalilingon. Mga manyak! Nako, kapag talaga naka-alis kami dito, lalagyan ko pampa-sakit ng tiyan 'ang iniinom nila para makaganti.
Mas binilisan ko ang lakad hanggang sa makarating ako sa sakayan ng jeep. Isang jeep lang naman ang layo ng Pureza dito sa amin kaya madali lang din para sa akin na makapasok. Kailangan ko lang talaga na magkaroon ng maayos na sleeping pattern. Matapos ko madala 'yung mga biniling pasalubong ni Gwy sa pamilya niya, inayos ko na agad ang pagkuha ng transcripts of record ko sa pinag-aralan ko na high school.
"Bayad, ho!" sabi ko ng nakasakay na sa jeep. "Pureza lang ho manong, estudyante."
Sayang yung discount at estudyante na din naman ako talaga. Magpapasa na lang ako ng requirements dahil naka-bayad na ako gamit ang online banking method, thanks to Del na nag-guide sa akin kahit magka-iba kami ng oras.
Pinaka-excited ako sa uniform fitting kasi nagagandahan ako sa suot ng mga estudyante sa campus na papasukan ko. Dito sa unibersidad na papasukan ko, walang tuition fee. Libro, uniform, pamasahe at iba pang school requirements ang magiging gastos ko. Iyong kurso na kukunin ko, three years diploma course lang din para kahit paano ay may mailalaman ako sa resume ko. Na nakapagtapos ako kahit tatlong taon lang o kapag sinipag pa, mag tuloy-tuloy na ako.
BS Office Management Associate in Medical and Legal Office Technology ang course na kukunin ko. Madugo kung pakikinggan at unang tanong pa sa akin ay kung may balak ba akong maging abogado dahil narinig yung salitang Legal.
Sinuportahan lang ako ni Lola sa gusto ko at nag-explain lang ako sa kanya kung anong magiging schedule ko. Pagkapasa ko ng requirements ngayon, didirecho ako sa bilihan ng uniform tapos bibii ng ilang gamit sa mall. Makikita ko na din ang schedule ko kaya makakapag simula na akong maghanap ng trabaho.
"Office Management din course mo?" tanong na pumukaw sa akin.
Nakatulala na pala ako at kung wala pang kumausap sa akin baka magmukha na akong tanga. Epekto yata ito ng gutom pero wala pa din akong gustong kainin.
"Ah, oo, ikaw din ba iyon ang course mo?" Tumango ang babaeng kausap ko na mukhang ka-edad ko lang din naman. Sa campus na papasukan ko, pulos mga working student ang kasama ko kaya iyong nasalubong ko ay mga professional na. Mayroon akong nakita noong huling punta ko dito na may kotse na pero gusto pa din mag-aral. Iba kasi talaga yung fulfillment kapag nagawa mo yung gusto mo sa sarili mong timeline.
Hindi nagmamadali.
Chill lang gaya ko ngayon... yata?
"Yes. I'm Karel pala and you are?"
"Bea. Huwag mo na akong ingles-in pero nakakaintindi naman ako." Tumawa siya na normal na reaction ng mga nakakausap ko kahit noong nasa Brooklyn pa ako.
"Ang cool ng tattoo mo. Initial ba 'yan at ring tattoo?" Napatingin ako sa tinutukoy niyang mga marka sa braso ko at daliri. It was his initials on my skin and the ring tattoo that's a sign of our love.
"Bunga ng pag-ibig na wagas." Muling tumawa si Karel. Totoo naman ang sinabi ko na iyon talaga ang dahilan kung bakit marka ang braso ko at daliri. Mas meaningful na nga lang iyon kaysa sa una kong tattoo sa likod.
Which was his favorite, too.
Ilang beses ko na siya naisip ngayon? Malala na yata ito talaga.
Nagpaalam sa akin si Karel na binilinan pa ako na dapat magkatabi kami sa first day namin. Pagkatapos ko sa Pureza Campus, dumirecho na ako sa bilihan ng uniform para magpasukat. As expected, puring-puri ng sastre ang katawan ko kaya lang bloated daw ang puson ko na alam ko namang dahil sa magkakaroon na ako. Mawawala din naman iyon ngunit naglagay pa din ng allowance yung sastre para safe.
Ang totoo, iba ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang linggo. Hindi lang basta wala akong gana kumain ngayon. Ang dami ko din iniisip kahit nandito na ako sa Pilipinas at kasama na siya doon.
"Hindi ka pa ba napapagod? Mukhang maghapon na naman kitang iisipin." Pagka-usap ko sa picture niya habang pinagmamasdan ko. Sa isang convenience store ako nag tambay para kumain na malapit lang sa tahian ng uniform. Sobrang init ngayon at wala akong dalang payong! Patuloy lang ako sa pag-scroll hanggang sa hindi ko sinasadya na ma-like yung isang picture niya. "Hala! Bakit yung topless pa ang na-like ko?" Hinanap ko yung unlike pero pinalala lang noon ang dahil may na-like na naman akong picture niya.
Pinatay ko yung cellphone at tinaob. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at kumain na kahit wala talaga akong ka-gana-gana. My phone suddenly rang and I didn't want to check it. Hindi iyon basta mag-ri-ring unless may tatawag sa akin via long distance call. Naka-connect ako sa wifi ng convenience store na binayaran ko kaya naka-online ako. Wala akong balak na i-open line ang cellphone niya at bibili na lang ng basic phone para may pan-text lang Lola.
"Sino ba yung tumatawag?" tanong ko saka dinampot na. Pikit mata kong hinarap sa akin ang screen at sa dahan-dahan ko pagdilat, pangalan ni Del ang nag-rehistro pero may notification na pumasok bukod sa tawag. Sinagot ko iyon kahit duda ako na magkaka-intindihan kaming dalawa. Mabagal ang internet sa Pilipinas at walang makakatalo pa. "Bakla ka, kinabahan ako sayo!" Iyon ang bungad ko at humalakhak lang ang walang hiya.
"Bakit akala mo tatawagan ka ng ini-stalk mo?" Tukso niya sa akin.
"Hindi kaya!" Tanggi ko pa.
"Nako, Bea! Kilala na kita so, do you want some news about him?"
"Pass! Half day ko na siya iniisip kaya iba naman. Bakit gising ka pa?"
Nag-kwento si Del sa akin na dahilan kung bakit gising pa siya kahit madaling araw na doon ngayon. Sinabi niyang na-mi-miss na niya ako at gano'n din naman ako sa kanila. I told her about my college admission results and she was very happy for me, Uuwi pa daw ang wala kapag graduation ko na para hindi lang daw si Lola Esme ang kasama ko.
"Nangangapal ang eyebag mo, dzai! Tulog tulog din at huwag puro stalk!"
"Hindi ko nga siya ini-stalk!" Giit ko pa. I checked on the notification and saw him.
He DM'd me!
"Ows talaga? Bakit naka-like ka sa dalawang bagong niya?"
"Accident! I-unlike ko na nga!"
Nakaka-inis at nakita pa niya talaga iyon. Na-seen ko yung DM niya pero hindi ko alam ang isasagot kahit simpleng Hi lang naman iyon. Buong tawag ni Del panay lang tukso niya sa akin at binantaan kong babaan ng tawag kaya huminto at ilang sandali pa ay nagpaalam na. Sinabi niya na ayos lang naman doon sa Brooklyn si he who cannot be named. Business minded pa din at popular sa mga girls.
Bakit ako nakakaramdam ng selos nang mabanggit ang tungkol sa girls?
Hay nako, Bea! Let's begin again without thinking of him.
Subukan natin para sa world peace at inner peace na din...
Tumayo ako at nilikom ang mga gamit ko. Napatingin ako sa langit na biglang kumulimlim. Kanina lang ang taas-taas ng araw tapos ngayon ay mukhang uulan pa yata. Kung kailan naman wala akong payong! Nagmamadali akong umalis doon at naglalakad papunta sa sakayan na papunta sa mall na malapit. Ngunit wala pa ako sa kalahati ay bumuhos na ang malalaking patak ng ulan. Ipinantakip ko sa ulo ko ang bag na labag pa sa loob ko. Original kasi iyon tapos ginawa ko lang pananggalang sa ulan.
Nakakita ako ng waiting shed pero bago ako makarating doon ay basa na ako. Susmiyo, Bea! Bakit kasi hindi ako nagdala ng payong?
I was taken aback when the rain suddenly stopped hitting my skin. Dahan-dahan akong tumingala at sumalubong sa akin ang isang itim na payong. It was like a scene in a Korean Drama.
Sinundo ba ako ni Goblin?
Hindi naman ako nag-ihip ng posporo o lighter kanina ah...
"Where to, miss?" tanong ng baritono na tinig na pumukaw sa akin.
Tama na ang daydreaming Bea!
"Uhm..." Tanging salita na nasabi ko. Nalunok ko yata ang dila ko bigla,
"Come closer and I'll bring you to that waiting shed."
That's all I heard, and the next thing I felt was his hand on my shoulder, pulling me closer, and we both walked towards the waiting shed not so far from where I met him.
***
Hulaan niyo name niya HAHAHA
Yanig ang BeaxMax Shipper HAHAHAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro