Chapter 29
29: E.D.S.A (Emosyong Dinaan Sa Awit)
Max
ALL I WANT tonight was to drown myself with alcohol, a lot of it. Hindi ko na pinapansin ang ingay sa paligid dahil sanay na ako. I build Elixir because I find peace in this kind of place. Bea and I had a heated argument a while ago. Alam ko na hindi dapat ganito na basta na lang akong umalis pero minsan kailangan lang talaga namin bigyan ng space ang isa't isa. Para mas makapag-isip kami ng mabuti pero hindi na yata mababago pa nitong pag-alis ako ang desisyon ni Bea.
She'll leave Brooklyn and me. I don't know when but soon. Hindi ko nga rin alam paanong ang bilis niya lang napag-desisyunan na uuwi siya. Dahil lang sa hindi ko pagsasabi sa kanya ng tungkol sa tatay niya ay handa na niyang itapon ang lahat? Inabot ko yung kaha ng sigarilyo at kumuha ng isang stick.
"Boss, you quit smoking years ago." Paalala sa akin ni Claudel. "Ano 'yan? Stress?" Sunod-sunod niyang tanong pagkatapos ako paalalahan.
Binalik ko sa kaha ang sigarilyo na kanina ko pa gustong sindihan. I quit smoking and I made Bea quit too, so it couldn't affect our health. Marami kaming plano sa buhay namin at ayoko na ma-kompromiso ng sakit na dahil sa pareho naming kapabayaan. Mga plano para sa aming dalawa at na-delay lang naman yung pag-asikaso ko sa visa niya. Hindi naman ibig sabihin ng 'di ko pag prioritized doon ay nawalan na ako ng pakialam sa kanya.
"We had a heated argument and I don't understand, Bea. I'm willing to give the world to her. I have plans for us, for Lola... fuck!" I said, throwing the glass on the floor. Tumayo ako para kumuha ulit ng alak na maiinom.
Nasa private lounge ako at pina-sara ko iyon kay Claudel ngayong gabi lang. Kaming dalawa lang naroon ng assistant ko at malabo naman marinig sa baba ang sigaw ko. Masyadong malakas ang tugtog para marinig pa ako na umabot miski sa kinaroroonan namin ngayon.
"Eh, boss, ano ba nangyari? Kanina lang excited ka umuwi galing sa Crowne Plaza Hotel."
Claudel was with me a while ago and he witnessed how eager I am to finish my schedule so I could bond with Bea at home. Kahit hindi kami lumalabas ni Bea kuntento na iyon sa bahay lang basta kasama niya ako. She's contented with that... before and I just got fucking busy with Elixir then this all happened. I couldn't believe all of this shit in a relationship was happening to us.
Masaya naman kami at sigurado akong masaya siya na kasama ako dito.
"She discovered that I hid everything about her Dad and read his dying email on my laptop. That selfish old man wanted to see and claim Bea now. He already tossed her away the last time we talked and offered me a fucking hundred dollars." Nagsalin ang alak sa baso at inisang lagok iyon. "Now, she wanted to meet him, too, and go home." Ma-diin ko na hinawakan ang baso pagkatapos ma-inom ang lamang alak noon.
Kapag naalala ko yung huling pag-uusap namin ng tatay ni Bea, hindi ko maiwasang magalit. Ako ang nasaktan para kay Bea at ayokong maramdaman niya ang kapareho ng sakit na naramdaman ko. I strongly believed that this was not selfishness.
"Boss, 'di ba ang mahanap ni Bea ang tatay niya ang dahilan kaya siya nagpunta dito? Ang selfish mo naman boss. Buong buhay ni Bea nangangarap siyang mabuo, magkaroon ng matatawag na ama at dagdag lang naman itong relasyon niyo. She didn't come here to meet you. May goal si Bea at sariling desisyon sa buhay kaya hindi mo siya dapat pinangunahan."
"You want me to let her be hurt by someone who tossed her away already?" I couldn't believe that I was hearing these from Claudel. My only confidant was calling me selfish.
Malalim na huminga si Claudel bago ulit nagsalita.
"Masaktan 'man siya o hindi sa katotohanan, call niya na iyon, Boss. Tatay pa din niya iyon kahit inayawan siya noong una. Hindi ito pangingialam boss, ha. Gusto ko lang sabihin sayo dahil iyon naman ang sabi mo sa akin 'di ba? Na pag may nakikita na akong mali, huwag ako matakot na sabihin sayo. Alam ko na mahal mo si Bea at mahal ka din niya, sigurado ako doon pero masyado mong ginawa siyang mundo. Sa kanya mo pinaikot ang buhay mo kahit sa maikling panahon lang. Hanga ako sayo pagdating sa pagiging mapagmahal pero boss yung ginawa mo, nakaka-disappoint."
Tahimik lang ako at pilit na iniintindi ang mga sinabi sa akin ni Claudel. He's disappointed with me for what I did to Bea. Hindi ba tama lang naman ang ginawa ko?
Bakit mali pagdating sa kanila?
Bakit ako yung masama?
"A piece of advice, boss. Let Bea go and grow for herself. Kailangan siya ng Lola niya sa Pilipinas at kailangan din siyang makita ng Papa niya bago siya umalis."
"What about us? Our plans --"
"Baka plano mo lang, Boss at hindi siya kasama doon. Sariling plano mo lang ang lahat ng iyon."
"I did everything I could for her,"
"But you forgot to include her in planning for the future. Pinangakuan mo siya pero naging abala ka at mas importante sayo ang negosyo kaysa sa relasyon niyo. Baka hindi ka pa talaga handa na i-share ang sarili mo sa iba, Boss. Temporary lang ang lahat sa inyo ni Bea, gaya ng summer natatapos."
I'm one hundred percent sure that I include Bea in all of my plans in life. She was there, for Pete's sake! Sa rami noon imposible na siya pa ang makalimutan ko. I don't get what Claudel wanted to imply with the last phrase that he uttered to me. Na temporary lang ang lahat sa amin ni Bea. That she's destined to pursue her dream far away from me, not here in Brooklyn.
Claudel tapped my shoulder and left me all alone there. Muli akong nagsalin ng alak sa baso at tumingin sa Brooklyn Bridge na tanaw mula sa kinaroroonan ko...
***
IT'S PASSED HALF midnight when I went home. Nagpalipas pa ako ng kalasingan sa lounge bago umuwi dito sa apartment at isa pang dahilan ay ayoko na ma-abutan na gising pa si Nana Zeny. Ayoko na makarinig ng sermon at sapat na yung mga sinabi sa akin ni Claudel para ngayong araw. Totoo na sinabihan ko siya na huwag siyang mahihiya na sitahin ako pero parang sumobra siya kanina. As per him, he was disappointed that I still couldn't understand where I went wrong.
Dahan-dahan ako na pumasok sa kwarto ko at ibinukas ang ilaw. Bea was not there and I expected that already but I still hope to see her tonight. So, we could talk and sort everything out just what we did before whenever a heated argument occurred. Hindi ko alam kung babalik pa siya dito. Siguro para kunin na lang ang passport niya na nasa akin pa.
I opened the drawer and took out Bea's passport. Dalawa iyon, isang peke at isang original. Itinabi ko yung peke at binuksan naman iyong original passport niya. Once I gave this back to her it only means that I'm letting her go. Kaya ko ba pakawalan siya?
Hindi ba namin aayusin ito?
Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko at wala na akong makita gamit niya doon kung 'di eto na lang passport. I lay down on my bed and used my arm to cover my eyes. Bea's smell was still there. Ang daming tanong sa isip ko. What went wrong? Why do we have to go through this kind of situation? I've seen this already in films, and I guess this is the end of us.
I remained in that position until I fell asleep.
Kinabukasan, I asked Claudel to meet Bea to give her the passport that I kept for months. I also asked my assistant to bring her to Richard Davis in Manhattan. Inside that passport was a one-way ticket bound to the Philippines for her and she'll leave the next day. Hindi ko kayang ihatid siya kaya ang mag book ticket kahit na mahirap para sa akin ang tanging nagawa ko. Ilang beses ko iniisip kung tama ba ang nagawa ko at kahit masakit ay titiisin ko na lang.
I busied myself with the launch of Elixir's branch in Crowne Plaza the whole day today. Maraming dumalo na kilalang mga personalidad sa America na lahat ay binati ako. Kaliwa't kanan ang lakad ko para lang makausap ang lahat ng bisita at dinaig ko pa ang isang pulitiko sa Amerika. Lahat ay masaya at ako lang yata ang hindi. I am happy for my business' success but I would be happier if Bea was here with me. This was all for her and we'll go from this milestone until we both reach our goals in life. But Bea was not here and I have to focus my mind on different things, in different perspectives and possibilities waiting for me out there.
Media and magazine people we're in front of me, asking questions after questions. Camera flashes almost blinded me and all I needed to do was to fake a smile. Para magtuloy-tuloy at matapos ng maayos ang event na ito. Chris was there, too, in the middle of the media people.
"People say that the secret behind every man's success is a woman, Max. We're just curious about your love life because you suddenly go offline and private." Tanong sa akin ng reporter mula sa sikat na TV network dito sa Amerika.
I smiled and put my two hands inside the pockets of the trousers I am wearing. I was about to answer the question when Sadie held me in my arms.
"The woman behind Max's success is here." Iyon ang sabi niya sa mga kausap ko na photographer. Panay ang kuha nila ng picture at hindi ko na nagawa ng pinabulaanan ang sinabi ni Sadie. I just walked out and ignored everyone who's approaching me. "Max, saglit!" Anang tinig na agad ko namang nilingon.
"Why don't you just get lost, Sadie? I have a girlfriend who's not you and will never be like you."
"Max, gusto ko lang naman na subukan natin ulit. Iyong sa inyo ni Bea, palabas lang iyon para pagselosin ako 'di ba?"
"What the hell are you saying?" I sigh heavily before I speak once again. "Wala tayong susubukan ulit, Sadie at hindi ko alam saan mo nakuha ang teorya mo na 'yan. Your time with me has already passed and I will never go back to you so get lost now."
Tinalikuran ko siya pagkatapos masabi iyon at tuloy tuloy na lumabas ng Crowne Plaza Hotel and Resorts. Kaya ng mga staff ko na i-accommodate ang lahat kahit wala ako dahil parang eksena lang din naman sa main branch ang nangyari. The only difference was its the 4th of July and everyone was in their festive mood. Huminga ulit ako ng malalim saka bumalik sa main branch ng Elixir.
Naroroon na si Claudel at nakikipag-kwentuhan kay Amie. Binati nila ako at ganun din naman ang ginawa ko bago umakyat sa second floor. I just wanted to be alone right now to process everything I did today. It is clear that I already let Bea go and I don't have an idea if she'll come back here... for me. Aasa pa ba ako?
Baka hindi na at hanggang dito na lang talaga kaming dalawa.
"Boss..." Napalingon ako ng marinig ang boses ni Claudel. "Pwedeng mang istorbo?"
"You're already disturbing my peace, Claudel." Narinig ko na isinara niya ang pintuan ng lounge na kinaroroonan ko saka naupo sa silya katapat ko. "How's she?"
"Ayun namumugto at nanla-lalim ang mga mata." Hindi ako umimik. "Nagkita na sila ng Papa niya at pinag-i-stay siya kaso ayaw ni Bea. Mas kailangan daw siya sa Pilipinas ng Lola niya na naintindihan ni Richard. Other than that wala ako na akong narinig kasi iniwan ko silang dalawa."
Hindi pa din ako umimik.
"Aalis na siya sa susunod na araw, Boss."
"Alam ko." Mabilis kong sagot sa kanya.
Wala naman na akong magagawa. Kahit sinusubukan ko na i-text siya o tawagan mula pa kanina ay hindi ko magawang ituloy. Gusto ko sana na magka-usap kami bago 'man lamang siya umalis. Sabi ni Bea, happiness is a choice, and letting the woman I loved go makes me incomplete. Siguro sa susunod, magiging masaya na din ako para kay Bea at hindi lang ngayon. This was like a sad song that I didn't expect to hear. Hoping that one day, my girl will make me proud even if we're in a different country.
"Can you get my favorite scotch, Claudel?"
"Kailangan mo ng kainuman?" Tanong niya sa akin.
"Yes, please." Agad na sumunod si Claudel sa utos ko at naiwan ako uli na mag-isa. I think that maybe in another lifetime, Bea and I were meant to be. There will be a chance for both of us in different situations, but does a second chance exist?
Or maybe not
For now, I have to say goodbye to my summer, my love, life, and happiness.
***
cr: from Google
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro