Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

28: A Turmoil

Bea

"WE'RE just going to polish everything today with Chris and the event planning team. Konti na lang naman iyon kaya tingin ko maaga ako na makakauwi ngayon."

Naririnig ko ang sinasabi ni Max pero lumalabas lang din iyon sa kabilang tainga ko. I am here lying down in bed and my eyes are focused on his room's ceiling. Ang alam ko lang ay tungkol sa launch ng Elixir branch sa Crowne Plaza Hotel and Resorts ang sinasabi niya. Bukas na iyon mangyayari at halos ilang linggo ng abala si Max ng dahil doon. The planning started when we both got back from Los Angeles.

Ni-hindi na nga niya ako nagawa na balita-an tungkol sa extension ng aking visa at iyong plano na dalhin si Lola dito ay hindi na uli napag-usapan. Hindi na kami gano nakakapag-usap na dalawa. Kapag aalis siya, tulog ako o kaya ganito, tulala lang ako at ganun din pag uuwi na. Ang huling usap namin ay noong kumain kami sa Jollibee sa Time Square. Hindi ako nagsasalita kasi baka mamaya pagsimulan ng away kahit na ang dami ko na dapat masabi sa kanya.

I wanted to ask questions but I'm too cowardly to voice it all out.

"Hey," pukaw sa akin ni Max. "Are you okay?" Na-upo siya sa gilid ng saka hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

It's already half past six in the morning and Max needed to go. Kapag ganito na gising ako, hindi siya aalis hangga't hindi ko nasasabi na ayos lang ako. Na walang problema kahit pa sa isip ko ang dami-dami na natakbo na kung ano-anong mga bagay.

"Okay lang ako. Kita na lang tayo mamayang gabi," sabi ko sa kanya kahit parang napaka-imposible naman noon. 

"Are you sure --" Max's phone suddenly rings. Tiningnan niya ang rumehistro na pangalan ng caller bago muling tumingin sa akin. "I have to take this call."

I faked a smile and nodded.

"Go na. Okay lang ako dito."

"Alright. Bawi ako mamaya, baby. See you. Love you." Max said after kissing my forehead and walked out of the room. I'm hearing Max talking to someone on the phone and he's using a spanish language. Lengwahe na hindi ko pa magawa na matutunan salitain.

"See you. Love you, too…" I said in the air, hoping that Max could hear it.

Mag-isa na naman ako ulit.

Hindi naman literal na mag-isa dahil kasama ko naman sa apartment si Madam kaso may mga pagkakataon na ako lang talaga. Nahihilig kasing lumabas labas si Madam ngayon kasama ng mga kaibigan niya na tenant din ng building. Ako na mapapaso na ang visa, hindi na makalabas ng matagalan dahil sa takot na mahuli ng mga pulis.

Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang pagkaka-balot ng kumot sa katawan ko. Inabot ko yung panali sa buhok sa bedside table at ginamit. Last night when Max came home, we made love until he fell asleep first. Pinanood ko lang matulog hanggang sa antukin na din ako. My thoughts were halted when my phone rang.

Inabot ko yun para tingnan kung sino ang tumatawag. I suddenly came back to my senses when I read Lola Esme's name flashing on the screen. Mabilis akong nag-ayos ng sarili bago iyon sinagot.

"Lola!" Masaya kong bati ng ma-open ang camera. It was a video call and Aling Flora's face greeted me first. Siya ang nag-aalaga kay Lola ko at sa kanya ko pinapadala yung kita na meron ako dito sa Brooklyn. Ngunit dahil panay ang bakasyon namin ni Max noong nakaraan, hindi pa ako makapag padala sa kanila sa Pilipinas at mag-i-isang buwan na.

"Kagigising mo lang? Anong oras na ba dyan at parang madilim pa?" Tanong ni Lola sa akin ng ibigay na ni Aling Flora sa kanya ang cellphone.

Napatingin ako sa mga window blinds na naka-sara pa. Twelve hours lang naman ang diperensya ng oras dito sa Pilipinas. Lampas ala-sais na ng umaga dito at kina Lola Esme naman ay gabi na. 

"Mag-a-alas siyete na po ng umaga, 'La. Hindi ko palang po nabubuksan ang window blinds. Kakaalis lang po pati ni Max."

Lola knew that Max and I were living together and she's not in favor of it. In-explain ko naman sa kanya yung mga plano ni Max para sa amin, sa akin dito sa Brooklyn. Mahirap intindihin para kay Lola pero mukhang sinusubukan naman niya bilang nasa banyaga nga akong bansa ngayon. I remember when she unceasingly talked about her plans for me in front of Max. Na hindi pa talaga ako pwedeng mag-asawa pero mukhang nakuha naman na ni Max ang loob niya.

Specialty din ni Max iyon kagaya ng akin.

"Nakuha na pala ni Flora yung padala mo. Mukhang malaki-laki ang sahod mo sa bago mong trabaho, apo. Malaking tulong din sa pag-aaral ni Aila." Tukoy ni Lola sa nag-iisang anak ni Aling Flora na may balak daw mag-nurse.

Sana nga talaga makatapos at ayoko naman din magsalita ng tapos bilang pagtanaw na rin ng utang na loob kay Aling Flora.

Teka… ako nagpadala? Kailan nangyari yun?

Baka si Max… at hindi niya nabanggit sa akin.

"Bea, ayos ka lang ba?" Tanong na pumukaw sa akin.

"Opo. Sorry po ganito naman po talaga ako kapag bagong gising." Palusot ko na sana umubra. Lola Esme knows me more than Mama does. Parang siya nga ang tunay ko na nanay na nagdala sa sinapupunan at nagluwal sa akin.

"Masyado kitang kilala, bata ka kaya huwag ka na mag palusot. Nalulungkot ka? Gusto mo ng umuwi?" Sunod-sunod na tanong ni Lola sa akin.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya sa camera. Kapag ganitong malalim ang iniisip ko, yayakapin lang ako ni Lola ng mahigpit tapos ayos na ako.

"Bea, pagmamahal pa din naman kahit magkalayo kayong dalawa. Wala ka 'man dyan ng pisikal, nasa puso ka naman niya. Ganun din sayo. Nasa puso niyo ang bawat isa kahit magkalayo at magkaiba ang oras na namamagitan sa inyo."

"Kaya ko po ba, 'La?"

"Kaya mo. Matapang ka, Bea at napatunayan mo na yan sa anim na buwan mo dyan. Kung mahal ka niya hindi ka niya papipiliin sa pagitan ng pananatili dyan at pagbalik dito. Susuportahan niya ang pangarap mo kahit magkalayo kayong dalawa."

Lahat ng mga sinabi ni Lola sa akin, paulit-ulit lang na tumakbo sa utak ko. Kahit kausap ako ni Madam ay iyon pa rin ang iniisip ko. Alam ko na nagpaalam siyang aalis ngayong araw at ibinilin niya ang posibleng maging bagong tenant sa building. Hindi ko narinig ang pangalan kaya bahala na mamaya. Sana lang hindi dumugo ang ilong ko sa pag-e-english niya. Sana hindi naman siya espanyol dahil hindi ko pa natutukan ang pag-aaral noon.

Busy si Max na nagtuturo sa akin…

"Miss? Hello?" A voice with an accent woke me up from deep thinking. Sandali akong napapikit dahil sa pagkapahiya. "Okay ka lang?"

Napa-dilat ako.

"Pinoy ka?" Bulalas ko.

"Yeah. Mukha ba akong foreigner?" Hinawi hawi niya ang buhok at nag-alis ng shades. Tingin ko nakita ko na ang mukha niya kung saan sa Manila ay hindi ko lang maalala. "Nagtatagalog ka meaning Filipina ka din?"

Napatalon kami sa tuwa ng malaman na hindi na namin kailangan na magpa-dugo ng ilong ng bawat isa.

"Bea pala ang pangalan ko," I said when we both stopped jumping.

"Claudette but you can call me Clau para cute."

Nilibot ni Clau ang tingin sa paligid namin. She said she saw me walking one time and got attracted to me because of my red hair. Tumawa siya ng sabihin ko na hindi kami talo na dalawa. Maganda siya, matangkad at mukhang kagalang-galang ngunit lalaki pa din ang gusto ko.

"Business mo? Amazing, mukhang bata ka pa tapos may apartment building ka na dito."

"Ah hindi sa akin 'to. Sa tiyahin ng boyfriend ko. Binilin lang sa akin na may titingin ng apartment unit ngayong araw."

"Afam ang boyfriend mo? Sabagay mukha ka din namang foreigner dahil sa buhok mo. By the way, I like the color. Saan ka nagpakulay?"

"Natural ito." I heard Clau gasps loudly.

Hinawakan niya ang buhok ko para matingnan kung totoo nga ba ang sinasabi ko. Napasubo ako sa kadaldalan ni Clau kaya hindi ko naramdaman ang lungkot ulit. Clau considered the apartment unit that I shown to her. Ang sabi niya babalik siya sa makalawa para ayain akong lumabas at magkwentuhan. Magaang ang loob niya sa akin at likas din naman sa akin ang pagiging madaldal.

Bumalik ako sa apartment at naglinis para malibang habang naghihintay kay Max. Wala naman masyadong nililinis dito dahil hindi yata uso sa America ang alikabok. May usok naman na lumalabas sa mga tambutso ng sasakyan pero 'di gaya sa Pilipinas na maitim ang usok. Kung tutuusin, parang nasa Pinas lang din naman ako bukod sa may view ng Brooklyn Bridge na tanaw sa kwarto ni Max. Malalim akong huminga at nagpatuloy sa paglilinis.

"Paano kaya kung mag-apply ako ng trabaho?" Pagka-usap ko sa sarili ko.

Dali-dali ko ibinukas yung laptop ni Max para gumawa ng email at resume. Siguro naman may tatanggap sa akin at ang sabi mas madaling makuha ng visa para sa trabaho. Mag-e-expire na yung akin at kailangan ko na gumawa ng paraan. Not that I don't trust Max's connection but he's too busy right now. Ayokong dumagdag sa iniisip niya pati na sa gastos kahit parang wala lang sa kanya iyon.

I am hurt that he remitted money to my Lola without telling me first. Para kasi na ang siste, pineperahan ko lang siya na malaman iniisip na ng ibang tao. I hate this kind of thinking. Nilalamon ako ng guilt ko na hindi ko nagawa ng mga pinangako ko kay Lola. Tapos ganito pa na lagi akong mag-isa at hindi makalabas gaya dati kaya kung ano-ano ang naiisip ko.

A pop sound interrupt me from thinking. 

A certain Richard Davis sent Max an email.

Richard Davis… that's my father…

Ang sabi ni Max hindi niya nahanap si Papa. Baka daw hindi sa Brooklyn nakatira ang hinahanap ko na tatay kaya nahihirapan siya. Pero sino itong kapalitan niya ng email? Does he keep secrets to me? Nangako kami na walang sikreto at lahat sasabihin kahit masakit pa iyon.

"Bea?" Tinig ni Max na galing sa labas ng kwarto. Sabi niya maaga siya makakabalik pero hindi ko naman sukat akalain na kalahating araw lang siya mawawala. Palapit ng palapit yung tawag kaya naman umayos na ako ng upo at pinahiran ang luhang naglandas sa pisngi ko.

Sabi sa email may sakit si Papa at nag-iisa dahil iniwan ng asawa niya sa Manhattan. He's asking Max to bring me there to meet, finally.

"May sakit si Papa… at hindi mo sinabi sa akin, Max." Sabi ko ng bumukas ang pintuan at pumasok siya doon.

"Bea…"

Hindi siya tumuloy sa pagsasalita at pareho lang kaming tumahimik dalawa…

***

I NEVER expected that silence could be a dreadful thing for me and Max. Pareho kaming nasa living room at nakaupo sa magkabilang dulo ng couch. Mula pa kanina wala pang nagsasalita miski sino sa aming dalawa. I want to tell him that I want to meet Papa and ask why he didn't claimed at first. Nang sabihin ni Max na may anak siya, bakit niya piniling bigyan ako pera para lumayo? Hindi daw tinanggap ni Max ang pera na binibigay nito noon.

"Gusto ko siya makita," sabi ko kay Max.

"Your Dad already said he doesn't want you --"

"Alam ko, Max. Hindi mo na kailangan ulitin at nakakaintindi naman ako ng english. May sakit siya at kailangan niya ako."

"No. Just because he's sick and no one stays on his side he'll ask me to bring you to him. What an asshole --"

"Tatay ko pa din siya kahit noong una ayaw niya sa akin. Ikaw ang selfish, Max. Matagal niya na akong gustong makita pero hindi mo sinabi sa akin."

Max stood up after sighing heavily.

"Ako pa ang selfish, Bea?" Maang akong napa-tingin kay Max. "I declined because I don't want you to be hurt. He already said that he doesn't have a daughter with another woman. What's the difference now? Just because he's dying he'll claim you all of a sudden."

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi ko narinig kay Max ang mga salitang iyon. That it's just part of my imagination. That we're not in the middle of a heated argument. Max completely meddles with my life decision just because he doesn't want me to be hurt. Pero ito ang realidad, may masasaktan at tadhana ko na yatang masaktan lagi.

I am just hiding my true self from everybody in the mask of the joker...

"Gusto ko siya makita," I heaved a deep sigh. "bago ako umuwi. Mag-expire na rin naman ang visa ko next week."

Sinalubong ni Max ang mga mata ko. "Uuwi ka?" He heard it right. I want to go back home now. "You said you'll stay. Ano yun, Bea? Joke lang? Inaayos ko na ang petition papers mo para dito ka na… kasama ko. Our wedding and everything."

"Paano pala kung hindi para sa akin ang Brooklyn? Hindi ako para dito? Ano yun ipipilit natin kahit hindi talaga pwede, Max?" I heaved a deep breath before talking again. "Masaya ako kapag magkasama tayo pero kapag mag-isa na ako, ang dami-dami ko na iniisip. Na-gi-guilty ako kasi hanggang ngayon hindi pa ako makapag padala kay Lola."

"I did everything I could just to make you stay."

Napatingin ako diretso sa mga mata ni Max. Ito na siguro ang pinaka-seryoso naming usapan simula ng magkakilala kami.

"Hindi ko naman hinihingi, Max. I don't belong in this place, in your world. Pilitin ko 'man, hindi ako magiging sobrang saya kahit pa kasama kita dito."

Malalim akong huminga pagkatapos masabi ang mga salitang iyon.

"Am I still not enough?"

I shook my head.

"You're more than enough, Max but if I choose to stay, I can't promise not to blame you just because I'm not happy just like now. Happiness is a choice. I choose to go back home. I need to go home."

He always makes me happy, but I still feel out of place. Una, pinilit ko lang naman magpunta sa lugar na 'to kasi akala ko magiging masaya ako dito. Pangalawa, nakakapagod sa Brooklyn, nakakaubos ng sarili. And lastly, the most important, Max is not mine to begin with. We're a temporary couple.

Temporary pa din kahit na may ring tattoo kami na sign ng relasyong meron kaming dalawa. Iyon kasi ang tingin ko sa relasyon namin o mali ako? Baka nga seryoso na siya tapos ako pala yung hindi sigurado. Ano ba yung nasabi ko? Nadala ako ng galit dahil lang sa naglilihim siya sa akin.

"You're my home, Bea."

"Pagmamahal pa din naman kahit magkalayo tayo." I said as I hugged from the back.

Pinakinggan ko ang bawat pag hugot niya ng malalim na hinga. Ngunit sandali lang iyon dahil mabilis niyang kinalas ang dalawang kamay ko na nakayakap sa kanya.

"Kung gusto mong umuwi, umuwi ka."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro