Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

26: Inked

Bea

MATAPOS mag-propose ni Max sa akin, inaya niya akong lumabas ng Chateau Marmont. Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad patungong Cresent Heights. Maraming tao at iyon naman ang hindi nawawala sa kahit saang sulok ng siyudad sa Amerika. Doon agad kaming sumakay ng bus papuntang Downtown, Los Angeles. It takes one and a half-hour ride before we reached Tinta Rebelde Customs Tattoos. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito at ano kinalalaman nito sa proposal niya kani-kanina lamang.

If proposal nga bang matatawag iyon dahil walang singsing na apparently, binenta ko na nga. Hahanapin ko yung pinagbentahan ko para mabawi iyon at mag-iipon na lang ulit para ma-ipadala kay Lola. Kung alam ko lang na iyon pala ang ibibigay niya sa akin sana hindi ko na binenta at ginalingan na lang sa pag-arte at panloloko. Nasa huli talaga ang pagsisi pero ayos na din at least dahil sa singsing na yun buhay pa ang Lola ko. Sayang lang at wala siya para makita at makilala si Max.

I've set and planned our own itinerary for today but because of the unexpected turn of events, we're here, standing outside a custom tattoo shop.

"Anong meron dito, Max?" tanong ko kay Max matapos sipatin ang kabuuan ng shop na nasa harapan namin pareho.

"We'll get inked today." sagot niya saka hinila ako papasok sa loob.

After ng proposal, magpapa-tattoo kami?

Yung totoo?

Ano ba ang trip na meron itong si Max?

All of a sudden he asked me to marry him after I say that I will stay in Brooklyn with him. Matagal ko iniisip ang desisyon na manatili muna sa Brooklyn kahit paso na ang visa ko. Pagbalik ko haharapin ko pa ang sermons ni Gwy, yung hampas ni Del at irap ni Thalia dahil sa desisyon ko na ito. Ayokong iwan si Max agad at parang kulang talaga itong isang buwan para sa aming dalawa. Tatawagan ko na lang si Lola Esme at ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

Sana lang matanggap niya...

Hindi na lang siguro muna ako lalabas para maiwasang mahuli ng mga pulis. Mahirap makulong at tingin ko naman aayusin ni Max ang renewal ng visa ko kahit hindi ko hingin sa kanya. Mamaya pagkatapos nitong lakad namin pa-planuhin ko na ang mga gagawin ko sa apartment ni Max. Sigurado naman kasi ako na hindi na niya ako pababalikin kay Gwy. I'll just invite Gwy there to talk.

And to receive her sermons, and violent reactions....

"Magpa-pa-tattoo tayo? Saan naman?" Sunod-sunod ko na tanong kay Max.

Max has a tribal tattoo on his shoulder and a compass on the chest. Hindi ko pa natatanong ang meaning ng dalawang tattoos niya. Mamaya na lang din siguro kapag kaya ko pa na dumaldal. My ornament tattoo was just a product of my stubbornness. Nagrebelde ako kay Mama kasi sabi ng mga kaibigan ko daw, mapapansin niya ako kapag may ginawa akong kalokohan. Pansin na pansin nga dahil muntik na mamatay si Lola Esme dahil lang sa nakulong ako ng anim na oras. Kick out pa dahil sa ginawa kong kalokohan at tattoo na hanggang ngayon nasa katawan ko pa din. I want to remove it but Max admired it so much.

"A ring tattoo."

A ring tattoo... seryoso ba itong lalaking 'to?

"Seryoso ka ba talaga dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko lang talaga masabi na masakit ang magpa-tattoo at pagkatapos nitong ornament tattoo ko sa likod, nangako ako na hindi na uulit. Kung sa likod masakit na paano pa kaya kapag sa daliri ko na sa kamay. Will the pain be worth it?

"Seryoso ako, Bea. Ikaw, seryoso ka ba na mag-stay sa Brooklyn kasama ko?"

Tumingin ako sa mga mata niya.

Sabi nila, ang mga mata ang salamin ng bawat emosyon na meron ang isang tao. Ngayon habang nakatingin ako sa mga mata ni Max, nakikita ko yung ka-seryosohan niya na gawin ang bagay na ito. Our love story, if I really can call this a story, is a whirlwind one. Nagkakilala kami, nag-usap, sinubukan ko siya iwasan, niloko ko siya at binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon na magbago at mag-enjoy sa Brooklyn habang nagtatrabaho sa malinis na paraan. We started out a deal that eventually bring us together and end up here now.

Seryoso nga ba talaga ako sa desisyon ko?

Isa-isa kong binalikan ang mga masasayang ala-ala na ginawa ko sa Brooklyn at laging kasama doon si Max. Siya ang dulo, gitna at maaaring simula ko. I maybe come to Brooklyn to find my father but that search leads me towards Max. Ang bawat daan ko, kanan 'man o kaliwa ay pabalik patungo sa kanya.

"Seryoso din ako. Gawin na natin 'to."

***

Messenger
Delilah Ysabelle Diaz
June 13, 2021 | 20:35pm

Delilah: BEATRIZ NATIVIDAD!!!

Delilah: Bakit may ganito? Akala ko ba bakasyon lang?

Delilah: Ibig bang sabihin nito ay hindi ka na aalis?

Seen. 21:45pm

21:45pm

Kwento ko pag-uwi namin sa Brooklyn.

Sana hindi mo ako hampasin ng malakas.

Delilah: Sabunot lang at kurot.

Delilah: Ang harot!

Delilah: Congratulations! Hindi mo talaga kayang iwan haha

Seen. 22:10pm

~•~•~•~

INAGAW ni Max sa akin ang cellphone at nilayo iyon. He was telling me a story but I am not listening to him. Nakain kaming dalawa ngayon at t-shirt lang niya ang suot ko. Hindi na kami gumala pa pagkatapos magpa-tattoo dahil sobrang sakit at parang wala lang yun anesthesia na tinurok sa akin. Nawala ang kulit at ingay ko dahil doon na tinatawanan naman ni Max. Iyon lang daw pala ang magpa tahimik at magpapa-pirmi sa akin ng isang buong araw sa isang lugar.

"You posted it online?" tanong niya sa akin ng i-check niya yung chat ni Del.

"Kamay lang natin. Ayoko pa din na i-share ka sa lahat." Napangiwi ako ng kumirot bigla yung balat na may tattoo. Nakita ko na itinabi niya ang cellphone ko. Ginagap iyon ni Max at tiningnan. He entwined our hands showing the ring tattoo that we have. Nagpalagay pa siya ng initials namin sa wrist na ginaya ko naman. Permanente na ang mga iyon sa balat namin ang ibig sabihin wala na talaga iyong atrasan pa. "Paano ang visa ko?"

"I'm fixing it already and before we go back to Brooklyn I have the renewed visa of yours."

"Ang lakas mo lang sa embassy?"

Max chuckles.

Hanga talaga ako sa koneksyon na meron siya sa Brooklyn at kapag nangyari ang sinabi niya, pwede pa din ako lumabas labas. I can apply for a job there also. Iyong pang matagalan na at mas madali makaipon upang madala na si Lola sa Brooklyn. Iyon naman ang original plan ko talaga kapag nahanap si Papa pero hindi siya ang nahanap ko kundi iba. Sana magawan ni Max ng paraan na madala ang Lola ko sa Brooklyn. He is a man who constantly changed everything and made my stay in this foreign land worthwhile.

"My connection isn't illegal, baby. I'm not a mafia leader like the one we already watched on TV."

"Katulad ni Vincenzo? Baka may tinatago ka na gold sa ilalim ng apartment building ni Madam ha,"

"Silly but I do have gold." Nagliwanag ang mga mata ko bigla. Meron siyang gold... Agad akong kumapit sa magkabilang braso niya. "What?"

"Engaged lang ba talaga tayo? Pwede naman tayo na magpakasal na lang direcho,"

Binawi ni Max ang braso niya mula sa pagkakapit ko doon at pinisil ang magkabila kong pisngi.

"Are you after that?"

Pinalis ko ang kamay niya. "Syempre hindi, no! Nagbibiro lang naman ako. Keep up, Max napapag-iwanan ka ng mga modern day jokes."

I touched my face and massaged it. Kapag talaga na-deform ang pisngi ko ng dahil sa kakapisil niya, kukutusan ko siya.

"Enlighten me later but for now let's get into bed." Tumayo siya at naglahad ng kamay sa harap ko. Ang harot niya talaga kahit na kailan at isang hamak na marupok na babae lang naman ako...

***

"SUBUKAN natin 'yon!"

Hinila ko si Max papunta sa isang photobooth na may mukha ni Mickey at Minnie Mouse. Kasalukuyan kaming nag-iikot sa Disneyland Park ngayon at ito iyong lugar na hindi nakakapagod lakarin. Bumalik ako sa pagkabata dahil sa mga rides, mascots at stage performances. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng booth. Parang isang maliit na cubicle iyon kaya kumandong na lang ako para magkasya kami. Sinuot ko yung pinabili ko na headband sa kanya saka nag-pose na sa harapan ng camera.

Malawak ang pagkaka-ngiti ko ng makita ang print out picture naming dalawa. Ang gaganda ng kuha at itong nakahalik sa pisngi ko si Max ang napili ko na ilagay sa likod ng cellphone ko.

"I'll take that one," Max said, referring to a picture of us kissing each other on the lips. Pinamulahan ako ng mukha at nilayo iyon sa kanya. Hindi naman ako mananalo sa iwasan dahil mas matangkad siya kaysa sa akin. "I like when you're blushing, Bea."

"Tigilan mo nga, Max." Sabi ko saka lumakad na palayo sa kanya.

"Why?" tanong niya ng makasabay sa paglakad ko. Perks of having long legs. Umiba ako ng daan at natagalan bago niya ako nasundan ulit. Pinigilan niya ako sa paglakad at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "What's wrong? Did I say something wrong?"

"W-Wala." Mabilis kong sagot. "Tara na at maghanap na ng sasakyan na rides."

Akma akong lalakad ulit kaso hindi 'man lang siya natinag. "I haven't said this to you since the day we decided to make it official."

"Ano naman iyon?"

Parang ang dami na niyang nasasabi palagi kapag magkasama kaming dalawa. Dumoble nga ang daldal niya na marahil ay ako ang dahilan. Sobrang energetic ko at kung minsan napapansin ko na nahihirapan siyang sumabay. Tumabi kaming dalawa para hindi maging sagabal sa daan. Sa likuran namin ay yung Mickey Mouse Fountain na sumasayaw ang tubig. Para kaming nasa loob ng isang pelikula at walang ingay na nadidinig kung di ang tibok ng mga puso namin.

Ilang beses na ba nangyari ito?

Hindi ko na nabilang pero kapag siya ang kasama ko, tila tumitigil ang pag-inog ng mundo. Grabe, nagiging sobrang hopeless romantic ko na pagdating kay Max. Only him can make me think this way. Hindi ko alam kung anong espesyal na katangian ang puno't dulo nitong nararamdaman ko para sa kanya. Ang sabi, kapag nagmamahal hindi na kailangang mahabang listahan ng mga dahilan.

Basta alam mo sa sarili mo na mahal mo yung tao at ako, sigurado na ako na mahal ko nga si Max. Hindi na kailangan pa na maging matagal ang relasyon o pinagsamahan namin dahil bawat segundo ay mahalaga. Nahanap ko na din siya sa wakas...

"I love you, Bea." Max said, bridging the space between us. He cupped my face before lowering down his head and claiming my lips for a breathtaking kiss...

***
Our logo...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro