Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

20: Slow Down

Bea

"Inch by inch, we're moving closer. It feels like a fairytale ending. Take my heart; this is the moment. I'm moving closer to you. I'm moving closer to you..."

NANATILI akong nakatingin kay Max habang hawak niya ang kamay ko. Unti-unti na nawala ang mga tao sa paligid namin at iyong malamyos na kanta ay wala na rin. Hindi ko alam kung naririnig niya din itong tibok ng puso ko na para bang nais na lumabas sa aking dibdib. Mali ito at kung magpapatuloy pareho lang kaming masasaktan. Aalis ako sa bansang ito at iiwan siya bitbit ang mga alaala na meron kaming dalawa.

"Bea!" tawag na pumukaw sa amin pareho. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at nilingon iyong tumawag.

It was Del and Thalia.

Kinawayan ko silang dalawa bago muling binalingan si Max.

"M-Mauna ka ng bumalik sa Brooklyn. Dito muna ako kasama sila." sabi ko sa kanya. Akma akong aalis na ngunit naharang niya ang isang kamay ko. "May sasabihin ka pa?"

Ano ang inaabangan ko na sasabihin niya? Na aaminin niyang gusto niya ako pagkatapos hawakan ang kamay ko? Hinawakan lang naman niya at maraming ibig sabihin iyon. I shook my head secretly.

Muli akong tinawag ni Del.

Babaeng ito atat-atat lagi gumala tapos panira ng moment!

"Max, aalis na ako. Yung kamay ko pwede ko na ba mabawi?"

Sinubukan ko na haluan ng biro para mawala ang tensyon sa pagitan namin. O ako lang talaga ang nag-iisip noon? Suddenly, a flashback memory of Max and Sadie kissing each other flashed into my mind. Binitawan niya iyon at hindi naman na nagsalita pa. Dahan-dahan akong umalis at lumapit sa mga kaibigan ko.

Ang confusing.

Ganito ba ang love? Parang hindi naman ganito naramdaman ko ng inamin sa akin ang crush ko na crush niya din daw ako. Sabagay iyong crush ko na iyon crush ang lahat ng babaeng morena na maganda ang legs. Meron ako noon kaya crush niya na na din ako. Manyakol din.

"May date ka pala tapos inaya mo pa kami dito. May balak ka ba na gawin kaming third wheel?" sabi sa akin ni Del.

Pinagitnaan nila ako ni Thalia at pumapalibot ang kamay nila sa braso ko. In fairness kay Thalia, touchy na din siya. Success ang panghahawa ko ng kalokohan sa kanya! Si Del naman sa una akala mo seryoso pero ng lumaon ang dami na din nasasabi. Siya ang dahilan kaya ako ganito ka-confuse.

That night, after ng investors meeting ni Max nakita ko siya sa labas ng The Brooklyn Diners. Nilapitan ko at kung ano-ano ang sinabi niya sa akin na kesyo may gusto sa akin si Max. Na kesyo natotorpe lang yung isa at tanungin ko nga na ginawa ko naman. But Max didn't answer my question straight. He just pinched my cheek, that's why I bit his ear.

"Wala yun. May sinabi lang siya sa akin." Kahit wala naman talaga...

"Habang hawak kamay mo?" takang tanong ni Thali.

"Oohh! Improving ka na talaga Thalia. Proud Mama here."

Sinabunutan niya ang buhok ko dahil sa inis. Tumawa lang si Del habang pinapanood kami ni Thalia na mag-away. Ginamitan naman niya ako ng mga alien niyang salita. Kapag talaga natuto ako humanda itong si Thalia at Max. Pero baka lusaw na ako nun at pilipit ang dila. Ah, basta!

"Okay, let's forget about your boys. Me time natin ito at walang uuwi na hindi gumagapang!"

All three of us shouted, then laughed as we walked the street at Williamsburg. Ako naman muna ngayon... bukas na si Max.

***

SIGURADO ako na sa aming tatlo ni Del at Thalia, ako yung hindi gaanong lasing. Naihatid ko pa silang dalawa sa mga bahay nila bago ako umuwi ngayon. Sanay-sanay akong uminom kaya nga natalo ko si Max kahit pa sinabi niyang hindi din siya nalalasing. Pinaghalo-halo ko kasi iyong mga alak kaya malakas ang naging tama sa kanya. At siya na naman ang iniisip ko... hays!

"Bakit hindi na lang niya sabihin na gusto niya ako? Ang daming ligoy-ligoy ng unggoy na yun!" sigaw ko.

"Would you accept my confession if I said it a while ago?" tanong na nagbigay kilabot sa buong katawan ko.

"Hala! Ano ba ang nainom ko? Bakit nadidinig ko ang boses niya?" Nag-hallucinate lang talaga ako o baka nga lasing na talaga ako.

"It's not your imagination, Beatriz."

Dahan-dahan ako na lumingon at kukurap-kurap pa para masigurong hindi ako dinadaya ng paningin ko. Si Max nga itong nakatayo sa harapan at sa likod niya iyong high tech niyang sasakyan. Hindi ko alam ang dapat sabihin sa kanya. Miski nga ang gumalaw sa kinatatayuan ko ay hindi ko na magawa. Hindi nga ako pinaglalaruan ng paningin at pandinig ko.

Tinatanong niya ako kung tatanggapin ko ba yung confession niya kung nagawa niyang sabihin kanina... sa harap ng maraming tao.

"Uhm, hi?" Parang tanga lang, Bea.

Max chuckles softly, shaking his head as if I uttered a ridiculous answer. I am ridiculous, and that's the truth. Nalilito ako at hindi ko alam ang gagawin. Kailan ba mabibiyak ang lupa para lamunin na ako ng tuluyan?

"Hello, earth to you." Sabi niya sa akin.

"B-Bukas na tayo mag-usap. Lasing ako!" sabi ko saka tumakbo palayo sa kanya...

Kinabukasan, simpleng damit lang sinuot ko. White fitted long sleeve crop top, faded blue jeans, and white sneakers. I tied my red curly hair into a pigtail bun once again. Nagsuot ako ng black shades para hindi halata yung eyebag ko na kahit tinakpan ko na ng concealer at namumutok pa din. Kasalanan ng unggoy na yun kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Luminga-linga ako para tingnan kung nasa paligid ba si Max. Nang masiguro kong wala, lumakad na ako ngunit hindi pa 'man ako naka-dalawang hakbang ay may tumawag na sa pangalan ko.

"Where do you think you're going, Beatriz?"

Huli na naman ako pero hindi kulong...

Hindi ba siya umuwi at dito sa labas nag-camping? Imposible, Bea. He's wearing different clothes now and looks more handsome in my eyes now. Hangover pa ba ito? Sabi ko na dapat nag-kape muna ako bago umalis. 

"P-Pasok na sa trabaho ko. Susunduin ko si Sasha tapos lilinisin yung apartment mo. Magbibilang din alikabok sa reception area tapos --"

"Hindi mo kailangan sabihin lahat ng gagawin mo, Bea. Magbibilang ng alikabok, what the hell is that?"

Hobby ko talaga magbilang ng alikabok at kung minsan may pangalan pa sila. Loner ako, walang ibang kaibigan na matatawag at sina Gwy, Del at Thali lang ang masasabi ko na kaibigan ko. 

"Eh, nagtatanong ka natural na sagutin ko."

"But not in detail. God, why am I arguing with you?"

"Malay ko sayo. Ang aga-aga mong mang-away dyan."

Hindi naman niya ako inaaway. Sinabi ko lang iyon para tatalikod na lang sana ako kaso hindi nangyari!

"You said last night that we will be going to talk,"

"Sinabi ko yun? Teka, nandito ka kagabi? Bakit hindi ko maalala?" Kunwari kong sabi saka hinawakan ang magkabila side ng ulo ko para effective ang drama ko.

"Let's just pick up the dog and go home, Bea."

Effective naman, yata?

***

DINAIG ko pa ngayon ang estudyanteng nasa loob ng guidance office. Nakatingin sa bawat kilos ko si Max at miski ang pagsunod ko kay Sasha binabantayan niya. Itong Sasha, ma-attitude ngayon at lagi akong iniiwan. Mas gusto niya doon sa sulok at matulog ng matulog. Naupo ako sa couch at nakipaglabanan na din ng tingin kay Max pero natalo ako sa bandang huli.

"Ano ba kasi yung pag-uusapan natin?"

"Us..."

"Nanaginip ka ba? Wala namang tayo, Max." Pinapaasa lang ako ng mokong na ito. "Nasa rules natin na bawal ka o ako ma-inlove sa kahit sino sa atin. Saka kayo na ulit nung ex mo Victoria's Secret devil, mukhang anghel, ugaling demonyo."

Max chuckles. "Where did that came from?"

Aba naman itong lalaki na 'to may amnesia din. Akala ba niya tatalab yan sa akin?

"Nag-kiss kayo!" Buti wala si Madam ngayon at may prayer meeting sila ng mga amiga niya.

"She kissed me, but I didn't kiss back."

"Kiss pa din kahit hindi ka nag-kiss back!"

"Are you jealous?"

"Hindi..." Tumayo siya at lumapit sa pwesto ko. Syempre ako umiwas at para kaming sirang dalawa naghahabulan sa palibot ng couch.

"Can you just sit down, Bea?"

"Basta dyan ka lang at wag ka lalapit dito. Marupok ako kaya dyan ka lang!"

"Okay fine." Max seated on the couch's armrest. Ako nasa kabilang dulo at sapat na yung layo namin sa isa't isa para hindi maging marupok. "Hindi ka nga nagseselos?"

"Hindi nga." Yata? Bakit may second thought, Bea?

"I don't know what got into me. I'm on my second guess, or maybe, you're my second best. I don't know what to do or to say. It's just that I don't want to lose you,"

"Pareho natin na ayaw sa drama kaya nga may rules --"

"Fuck that rules, Bea. I like you, and I won't slow down. I'm ready to retake the risk."

Suddenly, everything makes sense to me now. Tama si Del at hindi lang talaga umamin si Max agad. Pero hindi pwede...

"Hindi pwede..." sabi ko. Kailangan ko sabihin para malaman niya.

Tumayo siya at lumakad palapit sa akin. I didn't stop him and I don't know why.

"Bakit hindi, Bea?"

Anong isasagot ko? Pa-prangkahin ko ba siya? Ipaalala yung nauna ko ng dahilan kaya hindi pwede na may mabuong drama sa pagitan namin.

"A-Aalis ako Max..." Bahala na kung ano isipin niya. Jackpot na 'to na may nagkagusto sa akin kaso hindi pwede. "Sinabi ko na iyan noon. I can't stay here long. Kung ayaw ni Papa na makita ako, fine aalis ako after one month. One month na lang ako dito."

Max sighs heavily.

Ginagap niya iyong kamay ko saka lumuhod sa harapan ko.

"I'll be contented and cherish the remaining month with you. After that, I'll bring you to the airport by myself; give us a chance, Bea."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro