Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

16: Raw

Bea

NALILITO na ako kung saan ba ang kanan at kaliwa. Kung bakit naman kasi sa edad kong ito ay hindi ko pa din alam ito. Ngayon pa yata ako maliligaw dito sa Brooklyn kung kailan konti na lang ay babalik na ako sa Pilipinas. Nakausap ko si Lola Esme noong nakaraang araw at pina-uuwi na niya ako. Hindi na daw importante pa na makilala ko si Papa dahil miss na miss nya na ako. Miss ko na din siya, yung luto niya at pagsita sa akin kapag may kalokohan akong ginawa.

Konting tiis na lang, Bea uuwi ka na. Siguro sa Pilipinas ko na lang pagtatrabaho-an ang pambayad sa utang kay Max. I'll set aside my plan of going back to school once again. Saka ko na siguro iisipin na bumalik sa pag-aaral kapag stable na kaming mag-Lola. Parang buong buhay ko nag-se-set aside ako ng mga plano. Gaya iyong paghahanap kay Papa.

I sighed heavily.

Scam yata iyong chat sa akin na nakita nila sa lugar na ito si Richard Davis. I posted on my dummy social media account that I'm looking for my father. Naka-post ang picture noong nagkakilala sila ni Mama. Bata pa siya doon kaya malabo talaga na may makakilala sa kanya. Bagsak balikat akong lumakad pabalik sa Elixir. Negative itong lakad ko na hindi ko pa 'man din nasabi kay Max. Hindi din naman siya nagtanong at bakit ba niya ako tatanungin?

Ang gulo mo, Bea!

"What are you doing?" tanong na pumukaw sa akin. Mas tama yatang umistorbo sa ginagawa kong pag-ri-ritual. Nag-angat ako ng tingin at ang laking pagsisisi na ginawa ko pa iyon. Sa dami naman ng makakasalubong bakit ito pang ex-jowa ni Max?

In fairness, hindi siya napapagod kaka-habol sa jowa ko este fake jowa pala. Fake nga, Bea. Iyon kayong dalawa ni Max at sana wag mo alisin sa isip mo 'yan!

"Stretching." Simple kong sagot sa kanya. Nagkunwari akong nag-i-stretch para hindi halatang may ginagawa akong weirdong bagay. Syempre hindi nila ma-ge-gets kasi mga alien sila at ipinanganak yatang perfect. Pero si Max naha-hawaan ko na ng kabaliwan at mas malala pa nga siya kung minsan sa akin.

Akto akong lalakad paalis ngunit nahinto ng magsalita siya.

"I don't know what Max sees in you. You're just a regular girl just like his flings."

Aba't... bastos bunganga nitong babaita na ito! Inano ko ba siya?

Hinarap ko siya at sinipat mula ulo hanggang paa. She's indeed a runway model, a Victoria Secret's angel or should I say devil? Mas bagay sa kanya iyon dahil kulang na lang sungay, karit at buntot. Demonyita!

"Hindi ko din naman makita kung ano nakita niya sayo noon. Sabagay, likas na kay Max pagiging mabait at baka wala lang siyang choice noon."

"What did you say?"

"You already heard it loud and clear," sagot ko.

Akala mo ha! Marunong din ako mag-ingles kahit na high school diploma palang ang mayroon ako. Thanks God, hindi ulit ako nag-buckle!

Akma akong tatalikod ngunit naisip ko na lalo pa siyang asarin.

"Yung sa amin ni Max hindi lang siya panandalian. Seryoso siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa tagal na magkakilala ang dalawang tao. Marami na ilang buwan palang pero sa kasal nauwi ang lahat. It's all about connection and compatibility not chemistry."

Hindi ko alam saan ko napulot ito pero parang kahit ako ay gusto ko na maniwala sa sinabi ko. Ganito pala ka-effective na con-artist? My stories really can moved someone. Sana lang talaga tumalab sa babaitang ito ang mga sinabi ko para matapos na itong kalokohan na ito. Para kasing kapag tumagal pa ang set-up namin ni Max ay matalo ako.

"Max isn't just a regular guy here. He's well known even outside this borough's border."

"Kaya ba hinahabol mo siya ngayon? Dahil hindi na siya ordinaryong lalaking pinagpalit mo sa matandang mayaman na malapit na makipagkita kay San Pedro?"

This ex-girlfriend of Max deserved this kind of treatment that I'm giving her now. I may sound like palikera, but I won't let her step me just like dog shit.

"You don't know me,"

"Back at you, Ms. Sadie."

Tinalikuran ko siya at nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad pabalik sa Elixir. Kailangan ko iinom ito at idadagdag lang naman ni Max sa utang ko ang makukuha ko ngayong araw.

I need beer and cigarettes.

***

MATAMA ko binuksan ang kaha ng sigarilyo na nabili ko kanina bago pumunta dito sa Elixir. Dahil para na akong regular customer dito, alam na agad ni Claudel kung ano ang ibibigay sa akin kahit hindi ako magsalita. I'm still thinking about the little scene that happened between me and that devil ex-girlfriend of Max a while ago. We both don't know each other yet she judges me as if we're long time friends. Eh, ano kung regular girl lang ako? Masama ba maging simple na maganda lang?

You can get cancer from smoking.

Parang naririnig ko pa din ang sinabing iyon ni Max noong itinapon niya ang yosi ko. Napatingin ako sa paligid, wala siya at nasabi naman sa akin ni Claudel na umalis ito ng Brooklyn. Sobra akong na-stress sa failed lead na natanggap ko tungkol kay Papa at dumagdag pa itong ex ng mokong na si Max. Alam ko sa sarili ko na hindi lang ako basta regular girl. I'm extraordinary, and foxy.

"Kailangan ko 'to ngayon. Ngayon lang ulit." I said, holding up the cigarette stick to my face. Suddenly, it felt like I had the New York City skyline wafting up into my eyeballs.

Marami kami sa smoking lounge ng Elixir pero ako lang ang walang kausap. Loud chattering around me made me lit up another stick. Mukhang mauubos ko itong isang kaha ngayon dahil sa sobrang stress. Uminom ako sa basong bitbit ko roon na may lamang beer. Tinuon ko ang atensyon ko sa view sa labas ng smoking lounge na kinaroroonan ko.

New York City. Brooklyn Bridge.

Being in this country is a dream come true for other people. Baka hindi ako para dito? Pinipilit ko lang ang sarili ko sa lugar na akala ko'y tatanggap na sa akin kahit hindi ako buo.

"Miss mo na si Boss?" Pukaw na tanong sa akin ng pamilyar na tinig.

Maang akong napatingin sa nagtanong na walang iba kung 'di si Claudel. Ang tsismosong assistant ni Max. Paano niya nasabi na miss ko na ang boss niya? Sabagay, kanina pa din siya natakbo sa isip ko. Sana hindi pa siya pagod...

Ang corny, Bea!

Bwisit na ex-girlfriend niya na parang kabute din dito sa Brooklyn. Kung hindi siya biglang sumulpot at kung ano-ano sinabi na ginatungan ko naman, eh, 'di wala sana itong raw feelings na nararamdaman ko.

"Bakit ko naman ma-mi-miss boss mo?" Sarkastiko kong balik tanong. Para hindi mahalata na may pinagdadaanan ako. Max is out of my league, that's the truth...

"Ayun na siya, oh." Agad akong napalingon pero wala naman akong Max na nakita. "See, hanap hanap mo talaga."

"Gago 'to."

Inis kong sabi saka tumayo na at binalik ang kaha ng sigarilyo sa bag ko. Maka-uwi na nga lang at magpahinga. Nagpaalam ako kay madam na day off muna pati doon sa mag-asawa italyano na amo ni Sasha. Dumating ako sa bahay at naabutan ko sa living room si Gwynette. Himala na nandito siya ng ganitong oras. Wala kaya siyang raket? Bakit ba hindi ko na lang siya tanungin kaysa kinakausap ko sarili ko?

"Kumusta ang paghahanap mo?" Tanong niya sa akin.

Pabagsak akong naupo sa couch katabi niya. Malalim akong bumuntong hininga bago nagsalita.

"Negative. Naligaw lang ako pati." Binalingan ko siya at maang niya akong tiningnan. "Gwy, may itatanong ako, pero hindi talaga ako yung may kailangan ng sagot. Asking for a friend lang ganern."

"Okay? Go, fire away."

"Itong friend ko pumayag sa set up na gusto na niyang tapusin kasi nga lugi siya. May rules na bawal magkagusto sa fake boyfriend niya na siya din naman may gawa. Para iwas drama daw pero parang doon pa din papunta ang lahat."

"So, gusto mo na itong fake boyfriend mo pero dahil ayaw mo ng drama, kaya ang tapusin na lang ang set up ang naiisip mong solusyon, ganun ba?"

"Oo... I mean, oo iyon nga naisip niya. Hindi ako Gwy, friend ko nga!"

Ang pangit ka-bonding minsan nitong babae na ito.

"Wag nga ako, Beatriz Natividad! Wala ka namang ibang kaibigan dito bukod sa akin."

"Hoy meron naman! Si Thali, yung babaeng may magandang tattoo tapos naka-dreadlocks ang buhok." Giit ko sa kanya.

"Friend ka ba niya?"

"Oo... yata!" Hindi ko din sure kasi ang tahimik niya na opposite ko. Uptight pero pero mukha naman nagkasundo kaming dalawa. Dapat yata si Thali na lang kinausap ko kaya itong si Gwy.

"So, gusto mo na? Ay mali ang tanong ko. Mehel me ne?"

"Sira ka, hindi."

"Asus, Beatriz. Sinasabi ko na nga ba't sa una palang ikaw ang magiging marupok sa set up niyo. Ang yabang mo pa mag-offer at gumawa ng rules."

I mocked her.

Pangit niya talaga ka-bonding.

"Sort it out, Bea. Ipapa-alala ko lang sayo na aalis ka dito at hindi ka pwede magtagal. Mahirap ang buhay ng mga TNT dito. Nakita mo naman ang mga kapitbahay natin. Saka mas ayos kung babalik ka na doon sa Pilipinas para may kasama na ang Lola mo."

Ayun naman talaga ang balak ko kaso itong... ugh! Ayoko na nga!

"Paano hindi mahalata?"

"Na nahuhulog ka na?" Hinampas ko siya throw pillow. "Nako, itulog mo lang iyan at wag gawing issue. Most men here are flirts, Beatriz. Natural na yung galawan ng Max na kahit sabihin pang half blood Latino siya."

Tumayo si Gwy at binitbit iyong flyer ng paborito niyang chicken restaurant.

"Kain na lang tayo tapos tulog. Bukas wala na 'yan." Natatawang sambit ni Gwy sa akin.

"Ang hirap maging adult!"

***

Mehel me ne?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro