Chapter 15
15: Revamp Rules
Max
"SO, ibig sabihin iyong sugar daddy ang ipinalit ni Sadie sa'yo?"
Dapat hindi ko ikinuwento sa isang ito ang past background na mayroon kami ni Sadie kaso ubod ng kulit at matanong pa. I give in, but I won't let her ask more follow-up questions.
"Why?" she added.
"Rule number 4 --"
"Hep! Natatandaan ko kaya wag mo na ulitin. Nagtatanong lang naman ako." Umirap siya.
I smirked. "Let's just eat."
Lumiwanag ang ekpresyon ng mukha niya pagkasabi ko no'n. This woman has a huge appetite for sure despite of having a perfect figure.
We're still in our formal attire. Hindi ko na tinapos ang investors meeting matapos ko makuha ang investment ni Mr. Fallon. Isa siya sa mga successful investor sa buong mundo at malaking achievement na para sa Elixir ang makuha ang tiwala niya. Mr. Fallon loves nightlife, women, cars and alcohol. Marami siyang bar and lounges na pinagkatiwalaan ng pera niya worldwide. May kasunod pa ang meeting namin kanina at may ilang araw pa siyang pananatili dito sa Brooklyn.
Sadie's new boyfriend told me that he visited Elixir the other day. He told me tales about his business as if we're really close. Sinabi pa niyang willing siya mag-invest sa negosyo ko. I don't need his dirty money. Akala ba ni Sadie hindi ko alam ang background ng pinalit niya sa akin? That old fart is cheating behind her back. Hindi ko masabi kung alam ba niya o hindi ang tungkol doon. Sadie won't go after me if she still loves that old fart.
"Buti na lang may nakita akong kakilala kanina doon. Alam mo yung pakiramdam na nasusuka na natatae at the same time? Gano'n ako kanina."
Ang kalat talaga.
"What do you want to eat?" tanong ko sa kanya ng nakarating kami sa The Brooklyn Diner.
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay iniwan niya ako at may nilapitang babae 'di kalayuan sa pwesto ko. Napaka-likot talaga niya. Bea is too friendly to every Pinoy that she encounter here in Brooklyn. Hindi naman kasi siya madaldal kapag may kasamang ibang lahi. Nakikinig lang siya at nababakasan ng pagkabagot sa mukha.
Bea was not herself when she came back to me.
"What's wrong?" tanong ko pa ulit sa kanya.
"W-Wala. Tara, kain na tayo."
Nauna siyang pumasok sa loob ng The Brooklyn Diner. Staffs there accommodated us very well. Nang makapag-order na ako, iniwan na nila kaming dalawa. Tahimik pa rin si Bea na hindi na pangkaraniwan para sa akin. I know her for being loud, opinionated and she loves to utter words from out of this living world.
"Are you sure there's nothing wrong?" I asked her again.
"Gusto mo ba ako Max?"
Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya. Napatuwid ako mula sa pagkakaupo at mataman siyang tinitigan sa mga mata niya.
"The fuck are you asking me, Beatriz?"
Her plump lips protruded. Nagbaba siya ng tingin ngunit agad rin naman ako tingnan pabalik, nakasimangot. My lips curled upward when I saw how pretty she is even when she's scowling.
Maganda talaga... manloloko lang.
"Hindi nga?"
Damn it. What's with her and that question?
Imbes na sagutin siya ay natawa na lang ako. I pinched her rosy cheek that made her frown even more. Sumandal ako sa silya matapos bitawan ang pisngi niya. I folded my arms across my chest and stared at her face.
I thought I already made myself obvious even before you fooled me, Bea.
Pinanood ko lang siyang himasin iyong pisngi niyang kinurot ko kanina. Mukhang wala naman siyang balak na gumanti. Na-kumpirma ko iyon ng dumating ang order namin at doon na nalipat ang buong atensyon ni Bea. Naisip ko na baka gutom lang siya kaya niya nagawa na itanong iyon sa akin. But, I hope she'll notice that I'm too obvious with my feelings...
After our late dinner we both headed outside the The Brooklyn Diners. Lumubog na ng tuluyan ang araw at maliwanag na maliwanag na ang buwan.
"Ang ganda ng buwan... kasing ganda ko."
Where is the lie, but I won't admit it. Imbis na patulan ang banat niya, tinalikuran ko na lang siya at naunang lumakad paalis. A low growl automatically escaped from my throat when she wrapped her hands around my neck, rode on my back and bit my ear. Hindi ko sinasadya na mahawi siya dahilan para mahulog siya mula sa likuran ko. Ngunit imbis na pag-iyak nito ang marinig ko ay malakas na tawa pumailanglang sa paligid namin.
This half-crazy, half-monkey woman will be the cause of my early death, and she even dared to bite my ear!
***
MORNING CAME and I went out to do my usual routine. Jogging and walking around Brooklyn Bridge Park. Huminto ako sa pagtakbo ng makita ko si Bea na may kausap na lalaki. If I'm not mistaken they were exchanging phone numbers. Agad akong lumapit sa gawi ni Bea at hinila siya palayo sa lalaking kausap.
"Wait! Ano ba Max?!" Angil niya na hindi ko pinakinggan. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad, hila-hila siya palayo sa lalaking kausap nito. "Ang lakas mo na naman mang-basag trip. Client ko iyon at may order siya sa akin!"
Doon binitawan ko siya. Lumayo siya sa akin at inayos ang sarili bago nakasimangot tumingin sa akin.
"Client ko iyon at bibilhin na sana niya itong powerbank kung hindi ka pa-bibong umeksena dyan,"
"Another sideline?"
"Aba syempre naman po kailangan ko ng maraming sideline para makabayad sayo agad."
I'm not asking her to pay that heirloom immediately. Kahit siguro kung ano-ano ang pasukin ni Bea dito na sideline, hindi niya mata-tapos bayaran iyon. It costs a lot of money and she only has two months left to stay here in Brooklyn.
"Let's revamp our rules."
"Bakit? Anong idadagdag mo?"
"Secret," I said, turning my back off of her. Narinig ko na sumigaw siya gamit ang alien niyang mga salita. This monkey dared to call me an alien when she could write her dictionary of words from out of this world.
Habang naglalakad kami panay lang bulong niya sa likuran ko ng mga hindi maintindihan salita. Nilingon ko siya pero inirapan lang niya ako. I smirked.
Ngayon ko lang napagtanto na mas maganda siya pag nakasimangot...
"Ano ang idadagdag mo?" Tanong niya saka inabot sa akin ang notebook. Binuksan ko iyon at nagsulat doon na sinubukan ni Bea na silipin ngunit hindi ko siya hinayaan. "Ang corny mababasa ko din naman mamaya,"
"Then, wait till I'm done here."
Inabot ko na sa kanya ang notebook pagkatapos ko maisulat ang dalawang bagong rules. From four it becomes five rules that we both need to abide by.
"Hoy, bakit bawal makipag-usap sa iba kapag nasa paligid ka? Ikaw na parang kabute. Paano ko naman malalaman kung wala ka?"
"Then don't talk to any other guy just to be safe."
"Ang unfair!" Kinuha niya ang ballpen sa akin at aktong buburahin sana ngunit agad ko naagaw sa kanya ang notebook. Humalukipkip siya sa harapan ko. "Confirm, may gusto ka nga sa akin at nagseselos ka dun sa kanong kausap ko, ha!"
"Assumera." Sabi ko at hinilamos sa mukha niya ang isang kamay ko.
"Bwisit ka ang tagal ko inayos ang buhok ko!"
Hindi ko siya nilingon at nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa makabalik kami sa apartment building at hindi siya tumigil sa pagtatanong kung gusto ko ba talaga siya. Sumampa siya sa likuran ko ng hindi ko siya pansinin. Nahinto kaming dalawa ng lumapit sa aming dalawa si Sadie. Nandito na naman siya...
"Max, pwede ba tayo mag-usap?" tanong ni Sadie.
"Hindi. May kailangan pa kami ayusin. So, bye!" ani Bea saka hinila na ako papasok sa apartment building. "Yung ex mo parang Ginebra no?"
Kunot ang noo ko bigla. Eto na naman siya at ang mga banat niyang pang ibang planeta.
"Ano ba? Hindi mo ba alam yung motto ng Ginebra? Never say die! Ang ganda kaya ng laro laban sa Talk N Text." Nailing lang ako at hindi na sumagot. "Fine, 'di mo gets american boy. Hay, na-miss mo ang kalahati ng buhay mo. Anyways, highway, yung ex mo bakit hindi mo na lang kausapin?"
"For what?"
Ang dami niya sinabi iyon lang pala ang itatanong. I know who is Ginebra and Talk N Text. I'm not a nomad in Philippine Basketball scene. Pareho lang naman silang exciting kapag na-laban na sa NBA ang New York Knicks.
"Closure?"
I scoffed.
Una akong pumasok sa elevator ng bumukas iyon at sumunod lang si Bea.
"Bakit? Anong nakakatawa? Baka kailangan niya ng closure kaya sunod siya ng sunod sayo."
"That's the reason why we exist, Bea."
"Pinagseselos mo lang ganern?"
"No." I firmly said to her. Tumingin sa floor number na tumatakbo sa maliit na screen sa bandang itaas ng elevator door. "She tossed me away and chose that old fart. Hindi ako mag-e-effort na lumayo kung pinagseselos ko lang din naman pala."
I don't want to explain myself. Basta pumayag ako sa set up na ito para mapa-layo si Sadie. Hindi ako gagawa ng paraan para pabalikin siya sa akin. Siya ang umalis kaya makuntento na siya sa kung anong pinili niya ngayon.
"May point naman."
"I don't need her. I have my eyes on someone else now."
***
I see dollars kaya may update 🤣
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro