Chapter 14
Author's note: Listen to Keiko Necesario's Away from the Current while reading. Her "Through It All" album is TSIB mood songs. Stream now on Spotify.
***
14: Away From The Current
Bea
"BEA..."
Nag-angat ako ng tingin pagkakarinig sa boses na iyon ni Max. I was busy talking to Sasha again while she's eating her breakfast. Nasa isang sulok kaming dalawa kung saan hindi makaka-istorbo sa mga tenants. Dahan-dahan akong tumayo at hinarap si Max.
"Ano yun? May kailangan ka sa akin?" Tanong ko sa kanya.
Hindi naman naka-sagot agad ang mokong at nakatitig lang siya sa akin kaya winasiwas ko pa ang kamay ko sa harap niya. Dinaig pa niya iyon sinapian bigla ng masamang espiritu.
"Come with me tonight. I have an investors meeting at Crowne Plaza Hotel and Resorts." Iyon lang saka tinalikuran niya na ako agad.
"Huy, ano susuotin ko?" sigaw ko sa kanya na nagpalingon naman agad dito.
"Not that." Simple niyang sabi saka naglakad na paalis.
Anong ibig sabihin niya sa not that? Maayos naman ang suot ko ngayon. Light off-the-shoulder top to tuck into a faded denim skirt paired with gladiators sandals. Nakakainis talaga minsan itong si Max. Hindi kumpleto magbigay ng details sa mga pupuntahan na events. Corporate event kaya yun? Nakakairita talaga yung lalaki na yon!
Eksaktong tapos na kumain si Sasha ng damputin ko siya at isama pa-akyat sa apartment nina Max. Si madam ang nagbukas sa akin ng pinto at pinatuloy niya ako agad. Sinundan ko siya hanggang sa kusina ng apartment nila.
"Para kanino po ito?" Tanong ko saka inisa-isang tingnan iyong mga damit na nakasabit sa bawat upuan doon.
"Pinayagan na ako ni Max na piliin ang mga damit ng Mama niya na pwedeng ibenta online." May mga dress doon mapa-formal 'man o pang-simpleng handaan. "Isukat mo nga ito, Bea." Utos niya na sinunod ko naman. Binaba ko si Sasha at hinubad ang sapatos ko para masukat iyong damit na sinasabi ni madam.
Sakto lang iyong damit sa akin. Maganda yon at hakab na hakab sa katawan ko. Lumabas ako pagka-tali ko sa buhok pataas kaya mas lalong umangat ang natural na ganda ng damit.
"Bagay nga sayo!" Bulalas ni madam saka pina-ikot ikot ako na parang buhay na manika. "Max, halika at tingnan mo si Bea. Bagay sa kanya 'diba?"
Inayos ko ang tayo ko saka ngumiti kay Max.
"Hindi bagay." Literal na bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. "I'll leave now, Nana. I'll be back before sunset to fetch her. Help her to find a presentable dress to wear later."
"Hindi ba bagay talaga yung suot niya ngayon?" Tanong ulit ni madam. Nakita kong may inabot itong black card na malamang ay pambili ng damit na sinasabi niyang presentable.
"Nope." Mabilis na sagot ni Max saka umalis na.
Kung pwede ko lang siya batukan sa harap ni madam, kanina ko pa ginawa. Presentable naman ang suot ko at hindi ako mukhang yagit. Akala mo talaga dumagdag sa ka-gwapo-han niya ang pagiging ma-lait niya. May araw ka din, Maximilien Lewis! Hahabulin mo din ako... char lang asa naman ako agad.
Tinulungan ko na magligpit si madam ng mga kalat niya bago kami umalis. Tuwang-tuwa siya noong malaman kami ni Max pero peke lang at naka-konsensyang lokohin itong si madam. Last na talaga ito at kailangan ko lang talaga ng tulong ni Max. Kailangan niya rin ng tulong ko para itaboy na si Sadie. And speaking of the Devil.
The devil is here.
"Tita!" Masayang sambit ni Sadie ng makita si madam. Neutral lang reaksyon ni madam at tama nga si Max, hindi mabait sa lahat ang tiyahin niya. Siguro noon ng 'di pa nangyayari ang kung anumang nakaraan na bawal ko itanong kay Max. Ang hirap talaga kapag hobby ang pag-sagap ng tsismis. "Kumusta na po?"
Lumayo ako ng kaunti para makapag-usap sila. Nag-tingin-tingin lang ng mga damit roon sa kinaroroonan naming high end clothing store. Maganda lahat ng damit at halos panga-pusan ako ng hininga ng makita ang mga presyo. Isang taong budget na namin ni Lola Esme iyon tapos yung matira, pang-ipon o kaya negosyo. Isang classy gray and beige cocktail dress ang nakakuha sa aking atensyon. Sigurado akong papasa na kay Max ang itsura ng dress na ito.
May size kaya na kasya sa akin?
May dumaan na staff na agad ko tinawag kaso hindi ako pinansin. Ano ba naman itong store na 'to? Napaka-unprofessional ng mga empleyado. May isa pang dumaan pero pinabalik niya lang sa akin yung damit dahil baka madumihan ko daw.
Seriously?
"Ang pangit naman customer service dito." Bulong ko saka nilapitan na si madam ulit.
"Si Bea, girlfriend ni Max." Pakilala ni madam sa akin kay Sadie. Girlfriend ako sorry ka na lang. "May napili ka na bang damit?" tanong para sa akin ni madam.
"Wala po akong magustuhan. Baka meron po sa ibang store." I heard Sadie scoffed.
Hindi ko na pinansin at nag-vibrate ang cellphone kong de uling na. Si Max iyon at hinahanap niya pareho ni madam. Sinabi ko kung nasaan kami at wala pang kinse minutos ay nakarating na siya agad. Wala talaga siyang matinong schedule araw-araw. Para nga lang talaga siyang turista dito sa Brooklyn at kumikita siya kahit na hindi mag-stay sa Elixir buong maghapon o magdamag.
"What's wrong with the clothes here?"
Walang mali sa mga damit dito. Doon lang sa mga staff na parang maamong tupa na ngayon na nakatayo sa likuran ni Max. Kanina ng dumating siya, lagpasan ang tingin niya sa aming dalawa ni Sadie. His eyes were looking into my soul. Tama ba? Basta ang hirap i-explain at nakaka-rupok din. Ang sarap niya talagang batukan, as in ngayon na.
"Beatriz..."
"Huh? Maganda naman lalo na iyon kaso pinabalik niya kasi baka madumihan ko daw." Turo ko sa gray and beige cocktail dress na hawak ko kanina.
Para akong bata kung mag-sumbong kay Max. To the rescue naman isang manager ng store at nagpaliwanag kay Max agad-agad. Siya nga yung nagpa-balik ng damit sa akin kanina. Hindi nagustuhan ni Max ang nangyari kaya binitbit niya kami ni madam papunta sa kabilang store. Leaving there his ex-girlfriend who's trying to get his precious attention.
"I don't like it." Tiningnan ko ng masama si Max.
Napapagod na ako kapalit-palit ng damit! Salitan pa sila ni madam ng komento kaya sa huli, nag-palit na ako. Paano ko ba i-p-please itong dalawa na 'to? Dinaig pa yung judge sa napanood ko fashion TV show noong isang gabi. At gaano ba kagarbo iyong da-daluhan naming investors meeting?
Pinili ko yung kulay pulang damit na kinuha ng staff na asikaso sa akin. It features a flattering, off-the-shoulder cut with flared, three-quarter-length sleeves and a figure-hugging, bodycon fit that's sure to grab everyone's attention. The dress I'm wearing now shows off my body shape. Siguro naman papasa na ito kay Max na ubod ng arte. Kapag hindi pa, sisigaw na ako ng I quit at uuwi na sa Pilipinas. Agad ko napagtanto na wala nga pala sa akin ang passport ko kaya erase yung uuwi ng Pilipinas.
"Ayan! Ayos na sa akin 'to, Max. Sayo ba, ayos na din ito?"
Nag-angat ng tingin si Max sa akin mula sa hawak niya na cellphone. Inayos ni madam ang buhok ko na tingin ko'y bagay na suot ko na damit. Iyong staff naman pinasuot sa akin iyong sapatos na bagay sa damit na suot ko. Matagal na nakatitig sa akin si Max bago siya nagsalita.
"Pwede na." Simple niyang sagot saka tumayo na at tinalikuran na kami. Nakuyom ko ang magkabila kong kamao dahil sa inis sa kanya. May araw ka din sa akin.
Buset na lalaking 'to!
***
ANG BORING, isang salita na sumagi sa isipan ko habang nakatayo ako sa tabi ni Max. Abala siyang kausapin ang mga kasama namin sa cocktail table. Spanish ang lenggwahe na gamit nila kaya lalong hindi ako maka-relate. Wag lang ako ma-tanong tungkol sa business dito talagang mag-w-walk out ako. Hindi ako prepared na ganito ka-formal ang lahat at hindi rin naman ako na-inform ni Max. Ang tahimik lang niya kasi habang nasa biyahe kami kanina.
Isang tikhim mula sa kabilang side ni Max ang umagaw sa atensyon ko. It was Sadie... again. May lalaking umakbay sa kanya na bahagyang kinataas ng isang kilay ko. May jowa pala siya pero bakit hinahabol niya itong si Max. Matanda kay Max yung lalaking naka-akbay dito at ng tingnan ko kasama ko, parang wala lang sa kanya ang view. Hindi siya affected o magaling lang talaga siya magtago?
"Can I borrow your girl, Max?" Nilapitan niya ako saka kumapit sa braso ko. Parang linta kung maka-kapit eh hindi naman kami close dalawa. "Let's leave them with their business topics. Join us there."
Tumingin ako kay Max at sinubukan ko na magpa-rescue sa kanya pero wala siyang nagawa dahil may kuma-usap sa kanya. Wala bang tutulong sa akin dito? Nahila ako palayo ni Sadie sa grupo nina Max at habang palapit kami sa mga tropa niya, panay lang ang linga ko sa paligid hanggang sa mamataan ko ang isang pamilyar na babae. Hindi ba't siya iyong gumawa ng pekeng passport ko? She's holding a camera and a wine glass.
"Wait, I think I saw a ghost. Excuse me," wika ko saka binawi na ang kamay ko sa kanya at lumakad papunta sa pwesto ni Del.
Paglapit ko binati ko siya at nagpakilala sa kanya at bigla na lang niya ako niyakap ng mahigpit. Inaya niya akong lumabas para sumagap ng hangin. Nakaka-suffocate talaga sa loob lalo kung katulad ko na 'di sanay sa ganon.
"Plakadong plakado ka, bakla." wika ni Del sa akin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"May kasama ako sa loob na pinabighis ako ng presentable." sagot ko sa kanya. "Buti na lang malinaw ang mata ko at nakilala kita agad kanina. Baka nag-end na ang buhay ko kung hindi kita nakita."
"OA mo. Bakit? Saan ka ba dapat pumunta?" tanong niya at kinuwento ko sa kanya lahat pati yung set up namin ni Max. May tiwala naman akong hindi niya ipagkakalat ang lahat saka kami lang ang nandito sa labas ngayon. "So, kailangan mo ng tulong nitong fake boyfriend mo para mahanap mo ang tatay mo?"
"May connection siya at wala ako noon."
"Uhm, ito bang fake boyfriend mo ay kulay blue ang expressive na mga mata, gwapo, matangkad at mukhang mabango?"
"Kilala mo si Max?" Lahat naman ng mga tao dito kilala si Max. Ang tanga ng tanong ko.
"Hindi. Dinescribe ko lang itong lalaking naglalakad palapit sa ating dalawa." Nag-angat ako agad ng tingin sa sinabi niya at si Max nga iyong tinutukoy niya. "So, bisitahin mo na lang ako sa apartment ko kapag may time ka?"
Tumayo ako at sinuot ulit iyong sapatos na hinubad ko. Ang sakit kasi ng mga daliri ko sa paa at hindi na makahinga kaya hinubad ko muna. Niyakap ako uli ni Del saka nagpaalam na aalis na. Lintek ang hirap naman isuot nitong sapatos na 'to. Masisira yung damit na suot ko kapag yumuko ako para ayusin na mukhang napansin naman ni Max.
He walked towards me and kneel down. Inangat niya ang paa ko kaya napakapit ako sa magkabilang balikat niya para sa suporta. Siya na ang nag-suot noon sa akin saka tumingin direcho sa mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tila naging slow motion ang lahat at ang tanging ingay lang naririnig ko ay ang tibok ng aking puso.
Little by little, I'm falling.
Mali yata na naisip ko itong naisip kong plano para itaboy si Sadie.
Can someone swim and take me away from the current?
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro