Chapter 12
12: Deal or No Deal
Bea
"HINDI mo sinabi sa akin na pamangkin ni Madam si Max."
Nabitin ang dapat sanang pag-iinat ko paglabas ng kwartong tinutulugan ko. Did Gwynette wake up on the wrong side of her bed? Ang aga niya manita na para bang malaking kasalanan na iyong hindi ko pagsasabi sa kanya. Dapat nga mas alam niya iyon dahil siya ang tulay kaya ko nakilala si Madam. Si Madam na laging may pabaon na ulam sa akin kada uuwi ko at pinapa-hatid pa ako lagi kay Max.
"Akala ko alam mo." Tinuloy ko na ang pag-iinat na binitin niya kanina. I walked past Gwynette and went straight to our kitchen. Baka kailangan niya ng kape para mabawasan ang init ng ulo. Aga-aga naman niya mag-ganito gayong dapat ay mamaya pa. Nang maihanda ko yung kape namin, dumulog na ako agad sa hapag-kainan.
"Mababayaran mo ba yung utang mo sa kanya? Two months ka na lang dito, Bea tapos sa kita mo ngayon, mukhang malabo na makabayad ka ng buo."
Tama si Gwynette kaso wala naman akong ibang choice. Ayoko na bumalik sa pagiging con-artist at makulong uli. Kinikilabutan ako kapag naalala iyong pakiramdam na nasa loob ng selda. Buti nga nakakulong pa rin si Gregory kaso yung pera ko hindi na maibabalik pa. Kailangan ko pa humanap ng raket na matino. Magpapadala pa pala ako kay Lola Esme.
"Kaya kong bayaran yun. Ako pa ba?" sabi ko kay Gwy.
"Yung sa tatay mo?"
Nanahimik ako bigla. Malabo ko na yata talagang makita si Papa dito. Kung saan-saan ko na siya hinanap dito sa Brooklyn. Hindi na ako nagsalita pa at alam naman na ni Gwy iyon. Sigurado akong naiintindihan niya ang pananahimik ko.
Pagkatapos magkape, nag-ayos na ako para pumasok sa sideline kong trabaho. Ilalabas ko yung asong si Sasha at dollars na agad ang kapalit. Mabait naman mga amo ni Sasha sa akin at kung minsan nagbibigay pa ng bonus. Mga italyano na nakatira sa Brooklyn ang amo ni Sasha na parehong abala sa trabaho kaya nag-hire ng katulad ko na mag-aalaga sa aso nila. Dati hindi ko maintindihan bakit tila tao turing nila sa aso, iyon pala nakakawala sila talaga ng stress.
"Buongiorno, signora Ricci! Buongiorno, Sasha!" (Good morning, madame Ricci. Good morning, Sasha!) Iyon lang ang alam kong italian word. Narinig ko lang rin naman yan sa palabas na pinanood ko.
"A Sasha piace molto Bea." (Sasha likes Bea a lot.) sabi nung asawa ni madame Ricci na hindi ko maintindihan.
Tumawa si madame at naki-tawa na lang din kahit para akong tanga.
"He said, Sasha likes you a lot." Napatango-tango-tango lang ako. Hindi ako nakasagot agad dahil itong si Sasha ginawang breakfast ang mukha ko. "We're leaving now, Bea. Take care of Sasha, hmm?"
Nagpaalam na kami ni Sasha sa mga amo niya. Mabilis ko inayos yung bag ng pagkain at diaper ng alaga ko bago kami lumabas sa condo nila. Isasama ko siya sa building ni madame Zeny at ibalik kapag out ko na doon. Para naman may kausap ako dahil nakakabagot doon! Super! Tapos puro alien pa mga nakatira dahil hindi ko maintindihan mga pinag-kwentuhan nila.
"Buti ka pa gusto mo ako." sabi ko habang hinahaplos ang katawan ni Sasha na abala sa pagkain.
"You're talking to a dog?" Agad akong napalingon ng marinig ang tanong na 'yon.
"Kausap ko nga siya at mas may sense," sagot ko kay Max. Isa pang nang-wa-warshock itong lalaking 'to. Ano ba mayroon ngayon araw at ang init ng ulo ng mga tao? "Good morning pala. Ayan binati na kita, ha at wala ng Daddeh." Agad kong natuptop ang bibig ko ng tingnan niya ako ng masama. Mabilis akong umayos ng upo at kinuha iyong pagkain na dinala ng delivery guy kanina. "May nagpadala pala sayo. From Sadie..."
"Just throw it." Simple niyang sabi.
"Grabe ka! Itatapon ko 'to? Alam mo bang milyon-milyon ang nagugutom ngayon worldwide."
"Then eat it if you want." Tuloy-tuloy siyang lumabas ng building pagkasabi noon.
"Ang sungit-sungit akala mo naman dumagdag ka kagwapuhan niya. Well, gwapo nga siya pero masungit pa din. Bakit ko naman kakainin ang galing sa ex niya? Mamaya may gayuma at sumakit pa tiyan ko."
Binitbit ko yung mga pagkain saka nilabas. Eksaktong naroroon iyong homeless old lady at sa kanya ko na lang binigay. Binalikan ko na si Sasha sa loob at nag-umpisa na akong magtrabaho. I sorted all the bills, letters, and packages for today. This is my third day here, and I can proudly say that I did a good job.
Nabawasan ang pagliliwaliw ko hindi tulad noon na halos 'di ko magawang ma-pirmi sa isang lugar. Kapag uuwi ako sa galing dito, natutulog na lang ako para maaga akong magising. Eksaktong alas-otso ng umaga naalis ang mga amo ni Sasha kaya pagka-kuha sa aso, dito na ako agad pupunta. Nasanay na din ang katawan ko sa ganitong routine at para bang gusto ko na lang sulitin iyong nalalabing dalawang buwan ko dito sa Brooklyn sa paggawa ng makabuluhang bagay. Hindi naman ako namama-alam na pero ayon talaga ang gusto kong gawin.
Maglibot dito at umastang turista. Simula kasi ng tumapak ang paa ko dito, pulos paghahanap, pagtakbo at kung ano-ano ang ginawa ko. I didn't enjoy Brooklyn that much. Binigyan ako ni madame ng day-off na tinanggihan ko noong una kaso pinilit at kailangan ko daw. Huwag daw ako puro trabaho lang at hindi masamang magpahinga paminsan-minsan. Nagtataka talaga ako paano sila naging mag-tiyahin ni Max ngunit sumagi din sa isip ko na mabait naman dati ang mokong na yun at kasalanan ko kaya siya nagbago.
I fool him and sell his ring.
"Ito po nanay ni Max?" Ngumiti si madam pagka-rinig sa tanong ko. "Ang ganda po pala niya. Expressive ng mga mata at mukha siyang mabait gaya niyo po."
"Mas mabait siya kaysa sa akin. Piling-pili ang kinakausap ko hindi katulad niyang si Teresa at sa kanya nag-mana si Max."
Parang ayokong maniwala pero joke lang talaga iyon. Max was nice to me and he even volunteered to help me look for my father. Tama baka nga matulungan ako ni Max kaso paano ko hihingin kung may malaki akong atraso sa kanya.
"Madam, mukhang masarap yang niluluto mo."
"Bea, ilabas mo na yung tupperware sa bag mo." Tumawa ako at sinunod siya. Nakakatuwa na iilang araw palang kami magkakilala ay na-kalagayan ko na siya ng loob. I remember Lola Esme with madam. Pareho silang madaldal at maraming litanya na nakakatulong din naman sa akin.
"Maglilinis na po ako ha tapos madam dagdagan mo na po yung sharon ko. Dalawa kaming kakain ni Gwy,"
Another sideline that I enter so I can easily earn more money. Wala naman akong problema kay Sasha dahil ayun lang siya natutulog sa gilid. Iniwan ko na si madam saka nag-ayos na doon sa apartment nila ni Max. Iyong kwarto lang daw ni Max ang bawal ko pasukin dahil ayaw ng masungit na lalaking iyon na ginagalaw ang gamit niya. Pinunasan ko iyong mga picture frames at patungan noon. Iyong mga larawan doon mula noong bata pa si Max hanggang sa pinaka-recent.
"Akalain mo yun naging successful si Max dito. Eh, kung dito na lang kaya ako tapos humanap ako sugar Daddy?" Nailing ako bigla dahil sa naisip.
Ano ba naman Bea, bagong buhay nga 'di ba? Saka nakaka-awa naman si Lola Esme kung hindi na ako uuwi. Nangako ako sa kanya na babalik ako kapag wala talaga akong nahanap na tatay dito. Masaya naman kami ni Lola na kaming dalawa lang. Si Mama lang naman ang hindi kuntento sa buhay namin doon. Gusto ko pa din umangat pero yung simple lang at malinis na paraan. Si Mama kasi gusto niya instant lahat kaya ayan, ako ang instant baby sa buhay niya na iniwan rin naman sa huli.
Binalik ko na yung hawak ko na picture frame at tinuloy ang pag-aayos doon hanggang sa matapos. Pabalik na ako sa kusina ng naabutan ko si Max na pumasok sa pinto.
"What are you --"
"Kalmahan mo lang. Inupahan ako ng tiyahin mo na maglinis at hindi ko pinasok ang kwarto mo dahil sabi niya ayaw mo daw ginagalaw mga gamit mo."
Hindi siya kumibo at nag-tuloy-tuloy lang sa pagpasok sa bahay. Nagpaalam na ako kay madam na babalik sa pwesto dahil tapos na naman ako sa gawain ko sa apartment nila. Dinala ko na si Sasha palabas doon at isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pintuan.
"Is Max there?" tanong niya sa akin.
"Hun..." Maang akong napalingon kay Max. Ako ba tinatawag niya o itong si Sadie? Nakumpirma kong ako nga ang tinawag niya ng akbayan niya ako at marahang hilahin papasok sa loob. He never let Sadie speak by slamming the door closed.
"Ano yun? Bakit damay ako?"
"Just go with the flow, Bea."
"Go with the flow ka dyan." Sinundan ko siya papasok sa bahay ulit. Bakit ba kasi niya iniiwasan si Sadie? Ano ba nangyari noon? "FYI, marunong akong mamangka ha."
"Row, then." Gusto ko siyang takpan ng unan sa mukha. Pilosopo pa ang hayup! Paano kung bigla na akong sabunutan ng ex niya? Binaba ko si Sasha at hinayaan na maglakad iyon sa kabuuan ng apartment. "You're not allowed to ask questions, Bea. Wala na yun sa labas kaya pwede ka na umalis."
Mokong na 'to na talaga ang lakas ng loob mandamay tapos hahayaan lang akong lumabas mag-isa.
"Gusto mo talaga siyang tumigil kaka-habol sa 'yo?"
"Anong plano mo?"
"Ituloy na ang pagpapanggap hanggang sa manawa siya kakahabol sayo." Magaling naman akong artista kaya tingin ko effective ang planong naisip ko. Syempre hindi libre ang serbisyo ko. Hindi ako pwedeng magpa-gamit sa kanya ng walang kapalit.
"What will you ask in return?"
Mabilis akong naupo sa tabi niya na kinatak niya agad. "Yung tatay ko... tingin ko mahahanap mo siya bago 'man lang ako umuwi sa Pilipinas. Hindi na ako nagpapabayad ng pera sa pag-arte bilang fake girlfriend mo. May utang pa nga ako 'di ba? Iyon lang ang hinihingi ko na kapalit."
"I'm not an FBI agent, Bea."
"Eh, may koneksyon ka na wala ako. Baka nagiging customer mo pala siya sa Elixir. Malaki ang Brooklyn pero karamihan ng mga tao dito, doon sa bar mo nagpupunta kaya possible na nagagawi siya doon. Nagkakilala sila ni Mama sa bar at nabuo ako dahil pareho silang lasing." Seryoso akong tumingin sa kanya. "Deal or no deal?"
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro