Chapter 11
11: Daddeh!
Max
MY forehead slightly creased when I saw Bea at the apartment building's reception area. She's standing there talking to a tall guy whom I believe is a Latino. They're talking about the package on the guy's hand. Alam ko na hindi maalam si Bea spanish language dahil noong narinig niya ako magsalita kung ano-ano ang iniisip. Bea's eyes widened upon seeing me; she excused herself and walked immediately towards me.
"Max, patulong. Hindi ko maintindihan ang ibang sinasabi niya bukod sa may package na dumating." Pakiusap niya sa akin.
"Won't you greet me first before asking a favor? Like, oh, hello Max, good morning! I'm happy to see you again."
"Kailangan ko pa ba gawin 'yan? Talaga ba?" Akmang ko siyang tatalikuran ngunit pinigil niya ako. "Oh, hello Max, good morning! I'm happy to see you again. Pwede mo na ba akong tulungan ngayon?"
I smirked and walked towards the tall guy to talk. She really followed what I just said. I heard Bea mumbled words that I couldn't understand. Para bang nag-o-orasyon siya sa likuran ko. Two days have passed since our little scene in my office happened. Hindi ko siya na pagkikita nitong mga nakaraang araw kaya pakiramdam ko tuluyan na siyang nakatakas.
"Why are you here?" I asked after handing her the package from the Latino delivery guy.
"Nagtatrabaho ako dito." Simple niyang sagot.
"As for what?"
"Receptionist." Nilagay niya ang mga package na na-deliver sa loob ng reception cubicle. "Ni-recommend ako ni Gwynette sa may-ari nitong building noong nakaraan at nagustuhan niya ako kaya eto may work na akong matino."
I crossed both of my arms. "Is the owner an old lady living on the fourth floor of this building? Is her name Zenaida Lewis?"
"Oo... teka bakit mo alam? Anong bang ginagawa mo dito? Hindi mo naman ako sinusundan 'di ba?"
I flashed a smile.
"I live here, Bea. Zenaida Zamora is my aunt, so, hello again, I'm Maximilien Lewis. I am your boss' handsome nephew."
Bea sigh of disbelief. Parang siya pa ang dehado.
Miski naman ako hindi inexpect na dito pa siya makakahanap ng trabahong matino. I know that Nana Zeny is looking for a receptionist but, my aunt didn't mention that she already hired one. Dumadaan naman ako dito tuwing umaga pero hindi ko nakita si Bea. Kahit pagbabalik na ako galing Elixir wala siya sa pwesto niya. Paano sila nagkakilala na dalawa?
"Max, hijo, anong ginagawa mo dyan?" tanong na pumukaw sa akin. Ngumiti ako ng makita si Nana Zeny may bitbit na tupperware na may lamang pagkain. "Nakilala mo na yung bagong receptionist? Siya si Bea. Bea, pamangkin ko, si Max."
Napatingin ako kay Bea ng bigla akong hawakan ng mahigpit sa braso nakatago sa likuran ko.
I felt her pinching my arm.
"Yeah, I helped her talk to a Latino delivery guy a while ago." Binawi ko agad ang braso ko sa kanya bago pa iyon magkapasa. "She needs to learn to speak the Latin language since most of our tenants are Latinos."
"Hay, hindi na. Nag-i-ingles naman sila dito." Lumapit si Nana at inabot iyong tupperware kay Bea. "Halika na sa taas at ng makapag-almusal na." Pag-aya ni Nana saka lumakad na papunta sa elevator lobby.
Pumihit ako kay Bea agad pag-alis ng tiyahin ko.
"What did you do to her? She's not nice to everyone."
Humalukipkip si Bea sa harap ko.
"Sa lahat except sa akin. Makisama ka naman wag mo akong ibuko sa tiyahin mo na ako yung nanloko sayo. Saka yung sasahurin ko dito pambayad sa singsing mo na naibenta ko,"
"Is this what they called new me, new work in New York?"
"Ewan ko sayo. Ayan na mga sulat para na nakapangalan sayo."
Tinalikuran niya ako saka bumalik na sa pag-so-sort ulit ng mga package at sulat. Kaya nag-hire si Nana Zeny para may nag-aayos ng mga iyon at sinisino ang mga pumapasok sa apartment. I left Bea alone there and went straight to our apartment. Kailan lang nalipat sa pangalan ng tiyahin ko buong building at para siguro maiba sa ilang apartment building na nakapalibot dito sa 360 Furman Street nag-hire siya ng receptionist. The same street where my Elixir is situated.
"Mabait na bata si Bea." Ayokong maniwala sa mabait. Gusto kong kontrahin si Nana Zeny. Kapag tulog siguro siya gano'n pero pag gising na, saksakan na ng kulit, ingay at kalat. "Kanina nag-host siya zumba session sa rooftop sa taas na nagustuhan ng mga amiga ko,"
Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Nana Zeny.
"Zumba?"
"Uso iyon sa Pilipinas at sa ibang street dito sa Brooklyn. Marami na ang Pinoy dito kaya hindi na malabong naimpluwensyahan maging ang mga puti."
"With loud music early in the morning? I don't think it's a good idea."
"Iyong mga tenant natin ang may gusto at bilang owner, susundin ko ang gusto nila."
"This is a one-of-a-kind apartment," I said, sipping my coffee.
"May lakad ka ba? Anong oras ka makakabalik?" Pag-iiba ni Nana da usapan namin. Bihira niya ako tanungin sa mga lakad ko at kapag gano'n na nga, tiyak na may ipapagawa siya sa akin.
"I'll visit Crowne Plaza, talk with Chris, and check Elixir. Maybe, I'll be back around eight; why?"
"Hatid mo si Bea pag-uwi mamaya." I look at Nana in disbelief. "Nakatira siya doon sa maraming illegal immigrants kaya delikado kung uuwi siya mag-isa."
"Aren't you treating her too nice? Hindi mo pa siya kilala, Nana."
"Kinu-kwestyon mo ba ang pamamalakad ko, Maximilien?" Her brow arched. "Hindi ka pinalaki na judgemental."
I'm not judging Bea. It's based on experience. Sana talaga pwede kong sabihin sa kanya iyong tungkol sa singsing ni Mama. Kung anong nangyari at saan dinala ni Bea.
"No..." Hindi bumaba ang isang kilay niyang nakataas. "Okay fine, I'll be back before eight and take her home as you say." I concede.
"Good."
I shook my head secretly. Nana Zeny flashed those creepy smiles as if she was planning something disastrous. I need patience for these two crazy ladies I have in my life. Did I say two? I'm crazy.
***
"ISN'T that Thalia?"
Nag-angat ng tingin si Chris pagkabanggit ko sa pangalan ni Thalia. I can't be wrong. I know that pretty face of hers. Chris heaved deep breaths before talking.
"Yeah, she's working here now as a housekeeper. I rarely see her with your girl. Beatriz, right?"
Hindi na makakaalis kung saan-saan ang isang iyon dahil may whole day regular work na. Tingnan lang natin kung hindi siya mabagot doon. Bea can't stay still in any secluded place just like Nana's apartment. She's literally everywhere and everyone knows him. Kasama na yung mga niloko niya kagaya ko.
I still doubt Bea's move of changing herself, her job, everything. Sabi niya dalawang buwan na lang siya dito at babayaran iyong napagbentahan sa singsing. Magkano nga ba niya binenta ang singsing? Saan niya ginamit ang perang napagbentahan? I still don't have the courage to ask because of the fear that I will get more disappointed in her.
The heirloom was an eighteen-carat handmade pear-shaped diamond ring that cost a hundred thousand bucks in the market. Sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ng sinabi na ni Bea na naibenta niya ang singsing ko. That childish pinky promise that we made before she told the whole truth. Maybe, I'm crazy in other people's eyes because I still let her wander around me. I don't know what got into me up until now.
"Are you still seeing this, Bea?"
"Yeah. Bea is working as my aunt's apartment building receptionist."
"You hired her?"
"Nana did, not me. Hindi ko alam paano sila nagkakilala na dalawa."
I really smell something crazy, but I just ignore it. Marami ng pinapares sa akin si Nana dahil hindi na raw ako buma-bata pa para maglaro lagi. I need someone who will look after me in behalf of her. Ang advance niya mag-isip kung minsan na binabalewala ko lang naman.
"Good luck on that. I think your Nana won't stop unless you take someone seriously now and marry."
I just shook my head.
Marriage crossed my mind like a speed of light when I met Bea as Summer. I don't know why I suddenly think that. Maybe, because of the compatibility?
Damn, I don't know.
"Sa wakas dumating din." Nana Zeny grabbed my arms as soon as I reached them. Na-late ako sa usapan namin kanina na dapat bago mag alas otso ng gabi. Palubog pa lang ang araw na kaiba sa Pilipinas. "Pwede ka na umuwi Bea."
Nagpaalam si Bea kay Nana bago sumakay sa sasakyan ko.
"What spell did you cast on my Aunt?"
"Wala. Judgemental mo! Sa ganda kong ito, mangkukulam tingin mo sa akin? Alam mo mabait siya... mag-tiyahin talaga kayo?"
"I was nice to you... before." I wasn't just nice to her. I am very fond of her to the point of giving that damn heirloom which she sold already.
"I'm sorry, okay? Kailangan ko ng pera kasi nga inatake sa puso si Lola noong nasa Coney Island tayo. Naalala mo si Lola na na-kwento ko sayo dati? Siya yung nag-iisang pamilya na mayroon ako ngayon."
Hindi ako nagsalita at in-start ko lang ang sasakyan. Of course I remember that story of hers, but it's hard to believe now. I don't know if I can really find truth to her words. Tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa tapat ng malaking bahay na sinabi niya noon na sa kanya.
"S-salamat." Tumango lang ako bilang sagot. "Mababayaran kita... pero 'di ngayon. Sa-sideline pa ako."
"What kind of sideline?"
"Kahit ano basta ako na bahala,"
"Now I'm afraid."
"Don't you trust me, Daddeh?"
"Oh stop, Bea." Binalik ko ang tingin sa daan saglit tapos tiningnan siya ulit dahil may nakalimutan akong sagutin. "And, yes, I don't trust you."
"Ang harsh mo naman!" I just shook my head and asked her to get out. "Sungit!" Sigaw pa niya bago bumaba. Hindi ko na sya inantay pa na makapasok kung saan ba talaga siya nauwi. Pina-sibat ko na agad ang sasakyan ko palayo doon.
***
THE NEXT MORNING, my forehead creased once again when I saw Bea walking with a dog at Cadman Park Plaza. She's wearing a simple get-up today. Jeans, white sneakers, brown plaid puff sleeves crop top. Iyong buhok niyang pula ay naka-pigtail bun. Is that the sideline she was referring to me last night? A dog sitter? Is she serious?
"Good morning, Daddeh!" Napayuko ako ng makuha ng sigaw na iyon ang atensyon ng lahat. Lumakad ako palayo sa lugar na iyon kahit pa naririnig ko na tinatawag ako niya ako. "Wait, Max!"
"What?" Bigla akong lumingon dahilan para ma-out of balance siya. Naging maagap ako at hinawakan siya agad sa baywang niya.
"Anong pabango mo?" Doon agad ko siyang binitiwan. "Aray!" Dahan-dahan siyang tumayo at masama akong tiningnan.
"What do you want?" Tanong ko sa kanya.
"Wala babatiin lang kita kasi 'di ba required?"
"I do not require you."
"Akala ko required. Anyway, good morning! Meet Sasha at siya yung sideline na sinasabi ko. Matino nga sideline ko bagong buhay na ito."
"Whatever, Bea." I heard she mocked me. "Stop calling me, Daddy," I hissed before turning my back off of her.
I shook my head as I walked away. My life is getting crazier day by day. May God give me more patience to handle Bea.
***
Daddeh Max 🤣
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro