Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 08

08 - Failed Escape Plan

Bea

NANINIWALA na ako kay Gwynette na mahahanap ako ni Max kahit na galingan ko pa ang pagtatago. Oo malaki ang Brooklyn pero mas marami siyang koneksyon. Bakit ba kasi hindi na lang mag-move-on at huwag na bawiin ang singsing? Gaano ba iyon kahalaga sa kanya? Simpleng singsing lang naman iyon na may diamond sa gitna. Maganda, pero hindi ako magsusuot ng gano'n.

I sighed heavily.

Heto na naman ako namomoblema kung paano tatakasan ang Maximo na iyon. I bit my nail while thinking of an escape plan. Lahat ng naisip ko kanina, alam ko na agad na hindi uubra. But, I strongly believe in a saying, gaano 'man katalino ang matsing, ay naiisahan pa rin. Nagliwanag ang mga mata ko ng mag-reply yung naka-chat ko na pwedeng mameke ng passport. Delikado 'man, pero wala na akong ibang paraan na naiisip kung 'di iyon.

Sana lang talaga tumalab...

"Saan mo ba gusto na ilagay ang nunal sa picture na ito?"

Siya si Delilah Diaz, photographer na naka-chat ko online na siyang sagot sa aking malaking problema. I went to Downtown, Brooklyn because of this bright idea that crossed my mind. Del will make a fake passport for me so I can escape Brooklyn and live in Los Angeles, California for a while. Magiging TNT na ako doon, pero mas madali taguan ang mga pulis kaysa kay Max. Wala na din pag-asa na ba ituloy ko ang dahilan kaya ng magtungo ako sa Brooklyn.

"Hindi pwede sa ibabaw ng upper lip ko. I already used that disguise. Kung sa may left temple kaya?"

Maang niya akong sinipat at dinedma ko lang naman iyon. Ever since Brooklyn, I became a woman with too many aliases and disguise. Naging coffee shop owner ako, girlfriend ng multi-billionaire, tennis player at kung ano-ano para lang kumita ng pera. I bet people in Brooklyn already know who I am. Ang mga gamit ko na pangalan ay kinuha ko lamang sa internet.

Genevieve Perez.

Gwen Smith.

Paris Mckenzie.

Erica Cortez.

At pinaka-memorable ay si Summer Davis.

"Magkano ba utang mo at umabot ka pa sa ganitong paraan?"

"Uyy, wala akong inutangan. May tinataguan lang ako na lalaking habol ng habol sa akin,"

"He's into you, then."

Tumawa ako ng malakas.

Si Max, may gusto sa akin? Imposible! Gusto akong dikdikin siguro pwede pa bilang binenta ko ang singsing niya.

"Komedyante ka pala." Natatawa ko na sabi sa kanya. "But, it's impossible." Kumbinsido ko na sabi sa kanya.

"Nothing is impossible, sis."

Hindi na ako sumagot. Nagmumukha na akong defensive masyado kaya pinanood ko na lang siya na gawin ang pekeng passport ko.

I decided to put a mole in my left temple. Del advised me to change my hair color for finishing touches, but I disagree. Natural na pula ang buhok ko at walang treatment akong nilagay dito. Virgin pa kami ng buhok ko... ay mali, yung buhok ko na lang pala. Bwisit na one night stand yun, naalala ko pa rin hanggang ngayon.

Nag-tingin-tingin ako sa apartment ni Del ng mabagot ako kapapanood sa kanya habang ginagawa ang pekeng passport ko. Ang dami niyang gamit sa na may kinalaman sa propesyon niya. May ilang picture na siya ang kumuha siguro ang nakasabit sa pader. Hindi ako mahilig sa mga ganito, pero marunong ako mag-appreciate. I once fooled a guy who loved to go to a museum. Boring pero para sa dolyares tiniis ko lahat ng mga sinasabi niyang nagpasabog sa 1MB ko na utak.

Sabi ng Lola, matalino ako. Sadyang hindi ko pa lang daw na-hahanap iyong tinatawag nilang passion ko. Iyong gusto ko talaga mangyari sa buhay ko after high school graduation. Sa hirap ng buhay namin, uunahin ko pa bang isipin ang passion ko? I may have one, but if I follow it my plate will remain empty.

"Kuha mo ito?" Tanong ko saka pinunasan ang luha na naglandas sa aking pisngi.

Del threw me a glance, then smiled. Mukha siyang kalog kasama kaya lang natameme ako sa konklusyon niya sa amin ni Max. Tila pelikulang umulit sa utak ko yung nangyari sa Coney Island. How Max touched me, kissed me? Bigla akong kinilabutan ng matindi.

"Yeah. Nag-volunteer ako sa mga nabagyo sa Samar. Doon ko 'yan nakuhaan."

"Ang galing mo. Kuhang-kuha iyong emosyon sa mga mata nila."

"That's what other people always say; eyes are the mirror of our emotions."

Hanggang sa pag-alis ko sa apartment ni Del bitbit ang pekeng passport ko ay iniisip ko yun. Hindi lang siya kalog kausap, marami din words of wisdom. Siya yung mga taong i-ke-keep ko para mag-mukha akong matalino lalo.

As I waited for a cab, my eyes sashayed to a familiar guy standing not far from where I was standing. His baby-faced face, neatly combed hair, and cunning smile.

Gregory.

"Hoy, Gregory!" sigaw ko na pumukaw sa lalaki. Tumingin siya sa gawi ko at ilang minuto pa ang lumipas bago niya ako mamukhaan. The brute guy ran fast upon recognizing me. "Bumalik ka dito. Yung pera ko ibalik mo!" I said, running after him.

Huminto pa ako sa kausap niya kanina at tinanong kung ayos lang ba ito bago sinundan ang mokong na yun. Kahit naka-heels ako kaya kong tumakbo. Runner kaya ako kaya lang may mas mabilis pa din sa akin tumakbo. Itong mokong na si Gregory at si Max...

Hay, puro Max! Mamaya na nga siya at kailangan ko mabawi iyong pera ko sa lalaking ito.

Nakarating ako sa Dekalb Avenue kakahabol kay Gregory na mabilis nawala na parang bula.

Lord, bakit hindi ko po siya mahuli?

I sighed heavily again.

Inalis ko yung suot ko na mataas na sapatos. Malinis ang street floors dito 'di kaysa sa Pilipinas kaya pwede mag-yapak. Wala akong dala-dalang pamalit na panapin sa paa ngayon dahil wala naman akong original na raket. Inuna ko kasi ang plano ko na pagtakas kay Max para naman manahimik na ako. Mas marami sigurong mapera sa LA kaysa dito bilang binansagan iyong City of Angels.

The entertainment capital of the world. Mecca of cultural museums. Hollywood sign, Disneyland, and Hollywood Walk of Fame.

Kakaisip ko sa mga nabasa ko tungkol sa LA, hindi ko namalayan na bumangga na pala ako sa isang matipunong pigura.

"I'm sorry..." sabi ko saka yumukod at pinulot iyong mga gamit ko na bumagsak sa lapag. The guy helped me collect my things.

"Beatriz..." Pamilyar ang tinig na narinig ko. Nag-ha-hallucinate na yata ako dahil kanina lang iniisip ko siya ngayon nadidinig ko naman ang boses niya. Baka gutom lang ako? "What's with the fake passport, foxy lady?"

Nag-angat ako agad ng tingin at bumungad sa akin ang asul na mga mata ni Max. Hawak niya ang pareho ko na passport. Ang dami-dami ko namang pwedeng mabangga, bakit siya pa?

"Ibalik mo sa akin yan!" Singhal ko sa kanya saka pilit inaabot iyon. Matangkad siya kaysa sa akin kaya parang balewala ang effort ko na tumingkayad para mabawi ang dalawa ko na passport. Nilagay lang kami pati noon sa awkward na posisyon.

Nagdikit ang mga katawan namin.

Nag-tama ang mga mata.

"At saan ka naman pupunta gamit ito?"

"Wala ka pakialam. Ibalik mo na akin yan at aalis na ako."

"Not until you give back my heirloom."

Literal na bumagsak ang magkabilang balikat ko. Iyong heirloom na naman niya ang hinahanap. Ano ba naman itong si Max hindi marunong mag-move on?

"Wala nga sa akin. Malay ko ba sa heirloom mo. Ayan bag ko halughugin mo para malaman mong wala nga dyan ang hinahanap mo."

Naiirita na ako. Pabarang kong inabot sa kanya ang bag ko. Lumayo ako ng kaunti para may espasyo na ulit sa pagitan naming dalawa. Naunsyami na ang plano ko at ngayon hawak pa niya ang original passport ko. Kabuhayan blocker din itong american boy kahit na kailan!

Ugh!

I watched him as he searched for his heirloom inside my bag. Tingnan lang natin kung makita mo nga dyan ang hinahanap mo. Gwapo ka pero saksakan naman ng kulit at hindi pa marunong mag-move on.

"See? Wala 'di ba? Ayaw mo kasi maniwala sa akin."

"How can you sleep tight at night knowing you fooled too many people?"

Aba, gago 'to! Alam kong kahusga-husga ang trabaho ko, pero iyon ang nakakatulong sa amin ni Gwynette at ni Lola Esme ko sa Pilipinas.

Lumapit siya sa akin at iyong mga mata niya hindi na katulad dati na maamo. Para iyong nag-aapoy sa galit na alam ko naman ang dahilan. I already sold his heirloom. Hindi ko na alam saan mahahanap ang pinagbentahan ko noon. Iyong pera naman nakatulong kay Lola ko kaya siya naoperahan.

At kapag matindi na ang pangangailangan, lulunukin mo na lang ang konsensya na natitira sayo. I know it's wrong, but we're not rich and capable to afford pricy medical treatment. Ayoko ng sisihin si Mama, nakakapagod na din manisi. Aakuin ko na lang lahat kasalanan niya para tapos na at wala ng marinig sa iba. Max's question triggered these thoughts in my head.

"Akala mo ba gusto ko ito? Wala kang alam kaya wag ka basta-basta nanghuhusga dyan. Hindi mo kasi naranasan ang hirap. Stop acting like you know my pain."

Inagaw ko sa kanya ang bag ko at umalis na. Akala siguro ng mokong na yon olats ako sa ingles lagi. Thanks to Daniel Padilla, nagamit ko linya niya sa palabas na Barcelona...

***

DUMIRETSO na ako sa paghahanap ng maloloko kaysa magmukmok at isipin ang panghuhusga sa akin ni Max. Nanghiram ako ng pinaka-sexy na damit ni Gwynette at sinuot ko yung violet na wig na nabili ko noong nakaraan lang. I put a mole on my left temple, and wore thick makeup. Ginawa ko na smokey ang eye makeup ko na papasa na yatang kagaya ng makeup ng mga drag queen. Bakit hindi ko pasukin iyon? Makapag-hanap ka ng bar kung saan makikita ang mga bakla sa susunod.

Abala ako sa paglakad ng makita ang isang pamilyar na babae. Namilog ang mga mata ko at bibig ng masigurong si Thalia nga iyon. Dali-dali akong lumakad palapit sa kanya saka binati siya at inaya na magpunta sa Elixir. Teritoryo ni Max pero wala akong pakialam. Kailangan ko din mabawi ang passport ko sa kanya bilang tatlong buwan na lang ako dito sa Brooklyn.

Marami kami napag-usapan ni Thali bago nakarating sa Elixir. Sumalubong sa amin pareho ang malakas na tugtog at maingay na mga customer. Nightlife in New York is wild and one of a kind. Sa Pilipinas maraming ganitong klaseng bar na pulos mayayaman ang guest. Nakapasok na ako sa gano'n ngunit umalis din dahil sa mga manyak na lalaki.

"Hey foxy," anang ng matandang lalaki na humablot sa aking baywang.

Hindi na tuloy ako naka-sunod kay Thali dahil sa lalaking ito. This old fart offered me dollars for a kiss which I gave to him. I clung my arms around his nape and tried to kiss him back. Naalerto ako ng maglakbay ang kamay siya sa pang-upo ko at agad ko namang pinalis iyon. Hindi kasama iyon sa usapan at sabi ko wala na akong hahayaan na humawak sa akin bukod kay Max.

At si Max nga itong nakatayo sa harapan namin nitong kahalikan ko!

Hiniklat niya ako patayo at lumakad kami palayo sa lalaking humila sa akin kanina.

Yung dollars ko.

I hate this man ever!

***

Bea to Max:

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro