Chapter 05
05 - Isn't She Lovely?
Max
"THANK YOU, Max!"
Summer took off my coat and dusted it before returning it to me. I accepted it with a smile on my face. That never left my face, actually, from when I met her at the bridge until now.
"Default na iyan sa mukha mo? Mukha ba akong clown?"
This witty girl in front of me pertains to the smile on my face. Default na nga yata ang ngiting ito kapag siya ang kasama ko.
"Do you have any plans tomorrow?" Nag-isip si Summer bago sumagot sa akin na wala naman siyang ibang lakad. "Do you want to roam around? Do you have a particular place you want to visit?"
"Libre mo ba? Kasi kung oo, sino ba naman ako para tumanggi, 'di ba?"
I chuckled softly. "My treat."
"Eh 'di gora ako." Pareho kaming natawa na dalawa. "Sige na, aliw na aliw ka na naman sa akin baka mahipan ka na ng hangin dyan. Bye, Max. See you tomorrow!"
She bade her goodbye to me and got out of my car. Pinaalis niya muna ako bago siya pumasok sa loob ng bahay niya. Habang nasa byahe ako pauwi, siya lang ang nasa isip ko. Nahihibang na nga yata ako at ngayon ko lang ito naramdaman. Hanggang sa ma-i-park ko ang sasakyan ko at pumasok sa apartment ay hindi umalis ang ngiting iyon.
"May nangyari ba na maganda, hijo? Ang ganda ng mood mo," puna sa akin ni Nana Zeny.
"It's nothing. Good night, Nana. I love you." I hugged Nana Zeny and kissed her forehead. Alam ko na nagtataka siya pero masyado pang maaga para sabihin ang tungkol kay Summer. Saka na kapag sigurado na ako.
Kapag sigurado na.
Kinabukasan, nagkita kami ni Summer kung saan ko siya nakita kahapon. She's wearing an above the knee length spaghetti strap yellow summer dress, bangle earrings and her red curly hair are all down. Kumaway siya ng makita ako at mabilis na lumapit sa akin. She turns around in front of me flaunting her gorgeous body that gives unexplainable heat. Napalunok ako habang nanatiling nakatingin sa kanya.
"Gandang-ganda ka na naman dyan," tukso niya na pumukaw sa akin. "Tara, kain tayo ng almusal. Masamang gumala ng gutom. Libre ko na pero sa mura lang ha? Wala bang tusok-tusok dito?"
Hindi ako sumunod. Iniisip ko ano ang ibig sabihin ng tusok-tusok na sinasabi niya.
"What's that?" Hindi ko na napigilan magtanong.
"Edi, fishball, squidball, kwek-kwek, hotdog, kikiam. Jusmiyo, Pinoy ka ba talaga? Hindi ka pa nakakain noon? Rich kid ka siguro, ano?"
"I said I'm half-blood. I know those foods, but is that what you call street foods?"
Sinampal ni Summer ang noo niya.
"Oo yun nga tawag doon pero sa amin, tusok-tusok ang tamang terms. Saka mas madaling sabihin, try mo."
Inaya niya ulit ako at naghanap kami ng makakainan. Apparently, wala akong alam na nagbebenta ng tusok-tusok dito sa America. Iyong mga food stalls sa tabing kalye, street foods na ang tawag doon. Dedicated para sa mga taong palaging on the go. Dito sa NYC, hindi humihinto ang oras. Lahat ng mga tao abala o 'di kaya ay may hinahabol na oras. Lalaki, babae, bata, matanda, lahat may trabaho o role na kailangan gampanan.
"Why New York?" I asked after placing our order. We choose a cafe across my Elixir that serves breakfast meals.
"Hinahanap ko ang tatay ko. May nakapag-sabi na nandito siya sa Brooklyn, New York."
"And David... he fools you?"
Naging malikot ang mga mata ni Summer bigla. Hindi niya inaasahan na babanggitin ko at mali ko yun.
"Nakilala ko siya sa dating app. Ayun chat-chat kami, nagka-palagayan ng loob, send nudes, gano'n."
"You sent nudes?" I couldn't believe what I had just heard. That brute married man asked Summer to send nudes.
"OA. Dibdib ko lang naman pinadala ko tapos ayon nga magkita daw kami kaso ang hinayupak may asawa pala at buntis pa." Natuptop agad ni Summer ang kanyang bibig pagkatapos magsalita. "I'm sorry. Ikaw kasi binanggit-banggit mo pa yun. Change topic na nga!"
I smiled.
"Have you found him? Your Dad?"
"Hindi pa nga, eh. Ang laki masyado ng Brooklyn at limited lang pera ko kaya hindi ako maka-ikot."
Summer said if she can't find her father, she has no choice but to return home.
"I'll help you,"
"Talaga ba? Ano naman kapalit?" I arched my brow and flashed a devilish grin on my face. Nakita ko na pinag-krus niya ang dalawang braso sa bandang dibdib. "Hahanapin ko lang tatay ko. Wala akong balak ipamigay ang virginity ko dito. Saka no DTR, no entry."
"DTR?"
"Ang hirap naman ng buong mundo mo'y umikot na dito. Pati mga simpleng slang na salita ay 'di mo alam. Para akong may kausap na alien,"
I laughed. I don't know why and what's the reason but one thing is sure, Summer can make my life long. Nang dumating ang order namin, nag-umpisa na kami kumain habang nag-ku-kwento siya tungkol sa naiwan niyang Lola sa Pilipinas. May similarities iyon kay Nana Zeny na kung minsan ay makulit na paulit-ulit na din.
Pagkatapos namin kumain, nagtungo na kami sa mga pwedeng galaan dito sa Brooklyn. One month na siya dito ngunit ngayon lang daw nakagala dahil pulos pagtatrabaho ang ginagawa. Six months visa at naghahanap ng nagbibigay ng permanenteng trabaho para mabago ang status noon.
"What is your current job?"
"Artist." Mabilis niyang sagot sa akin. Hindi na ako nag-follow up question. Bagay naman sa kanya ang trabaho niya at papasa nga siyang modelo. "Pero 'di pa ako kilala kaya kailangan ko pa ng mga sideline dito."
"That big house?"
"Ah... yun? In six months time, mareremata na kasi nga hindi na hinuhulugan ng Mama ko. Nasa Pilipinas na siya pati at hindi na babalik dito. Doon niya ako pinanganak tapos pumunta lang dito para hanapin si Papa."
Magulo ang kwento niya pero hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin. Maayos naman siya kausap sa ibang bagay at maloko pa nga. Baka lang hindi pa siya kumportable na pinag-uusapan ang personal niyang buhay. People have secrets that they don't want to confide with a stranger. Miski naman sino at kahit ako na natural ng ugali.
We reached Time Square via subway. Iyon pagkamangha sa mga mata ni Summer habang nag-iikot kami ay kapares ng nakikita ko sa mga mata ng bata. May mga mascots sa paligid na kumakaway sa mga turista at citizens dito sa New York. Nilapitan ni Summer iyong mascot na si Winnie The Pooh at nagpapicture doon ng ilang beses. Mas maraming tao doo at maingay. Wala na pakialam kung nagkakabanggaan pa iyong mga naglalakad.
"Ang cute namin, tingnan mo! Parehas pa kaming naka-dilaw." Masayang sabi sa akin ni Summer. My attention got halted when my phone suddenly rang.
"Excuse me; I have to take this call."
"Sige okay lang. Doon lang muna ako,"
I take a few steps away from Summer before answering Chris' call. Pinanood ko lang siya habang kausap ko ang kaibigan ko na gusto may karamay sa pagiging broken hearted. Hanggang ngayon si Cheska pa din kahit may asawa na yung tao.
[Where are you? Nandito ako sa Elixir ngayon.]
"I'm in Times Square and busy right now. I'll call Claudel to assist and give everything you need, Chris."
[May kasama kang babae, tama? You'll hurry back here if you're alone. Knowing that your friend requires a companion.]
"Whatever, Ricaforte. Ang dami mo na namang alam."
Chris is not as talkative as me. Minsan lang siya ganyan kapag lasing na. Pinakinggan ko lang ang mga linya ni Chris hanggang sa matapos siya at patayan na lang ako bigla ng tawag. Weird, but a beautiful view captured my eyes suddenly. It is Summer dancing and hugging a snowman mascot. I aimed my cellphone camera and took a stolen photo of her.
"Sino yung tumawag?" Pukaw na tanong sa akin ni Summer na 'di ko namalayan na kalapit ko na pala. Masyado ako naging focus sa nakunan ko na picture niya.
"A business partner." Agad ko isinuksok sa bulsa ang cellphone. "Shall we go there?" Tinuro ko iyong Empire State Building. Pinakasikat na landmark dito sa New York at para mabilis na makapunta doon mag-sa-subway nalang kami ulit.
"Ang promising nitong lugar na ito. Iyong nakikita ko sa mga postcards front lang pala kasi kapag sumisid ka mas malalaman mo paano tumatakbo ang lugar ito."
I have to agree with Summer. Marami nga ang nagsasabi na kapag nandito ka, angat na agad ang buhay. Mali silang lahat. Dito sa New York kailangan kumayod at gawing araw ang gabi para lang maka-survive. Isa ako sa mga maswerteng survivor ng concrete jungles na ito. If I didn't use my brain and skills in business well, I may have ended up going back and accepting that I'm a no life goal man.
"If you can make it here -"
"You can make it anywhere. Alam ko 'yan at thanks God hindi ako nag-buckle!"
I laughed at what she just said.
"Are you always like that? Unproblematic kind of person?"
"Uyy, namomoblema din naman kaso hindi ko dinidibdib kasi may likod naman ako," I laughed again. "Maniningil na talaga ako. Grabe ha, kanina ka pa tawa ng tawa."
I cleared my throat and tried to conceal a laugh once again.
"If you find your father -"
"Hihingi ako sustento syempre. Mag-aaral ako tapos ipapamukha ko sa mga kapitbahay naming judgemental na hindi ako katulad ng iba... ni Mama na taga-bigay ng aliw..."
That touches my heart. Iyong pangarap na alam ko namang kayang-kaya niya abutin. She's brave, funny and lovely.
"Wait here," sabi ko saka may nilapitan akong lalaki. "¿Puedo pedirte un favor?" (Can I ask a favor?)
"Si." Tugon ng lalaki sa akin. I smiled and handed him my cell phone.
"¿Puedes sacarnos una foto juntos?" (Can you take us a photo together?)
Tumango ito saka lumapit ako uli kay Summer.
"Alien ka nga talaga. Anong tinanong mo sa kanya? Binenta mo ba ako?"
"Silly," I said, bridging the space between us. I place my hand on Bea's shoulder. "He will take us a photo for remembrance."
Bumilang na iyong pinakiusapan ko at kinuhaan kami ng litrato sa iba't-ibang anggulo bago isinauli sa akin ang cell phone.
"¿Ella es tu novia?" (Is she your girlfriend?)
Ngumiti lang ako bilang sagot. "¿No es adorable?" (Isn't she lovely?)
"Indeed." Nagpaalam sa akin iyong matapos ko magpasalamat.
"Ano daw yung tinanong mo sa kanya? Saka may tinanong siya sa 'yo. Hindi ko maintindihan pero alam ko na tanong iyon,"
"Wala yun. Let's go there now." I said to her.
***
Teehee 🤣
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro