Chapter 04
04 - Orange Skies at Dumbo
Bea
PAANO ko kaya maiisahan itong si Max? Hindi naman siya boring kausap. Masakit na nga ang panga ko kakatawa sa kwento ng naging buhay niya dito sa Brooklyn. Expressive pati ng mga mata niya na kulay asul. Max is a half Latino, half Filipino businessman here in Brooklyn. Siya may-ari nang Elixir Rooftop and Lounge na pinuntahan ko noong araw na magkakilala kami. Marami sanang prospects kaya lang nakita ko doon yung tina-taguan ko na tao. Sa dami ng niloko ko, kailangan ko na din na mag-disguise kung minsan para lang hindi ako mag-himas ng rehas dito.
Mukhang olats yata ako ngayon at mali na sinabi ko na wala akong ibang lakad. Max doesn't have cash. Kanina, credit card iyong pambayad niya sa kinain naming sandwich. Iyong mga mata niya kasi nakaka-scam. Kailangan ko na umalis para makarami naman ako ngayong araw.
Ang mahal mabuhay dito sa Brooklyn tapos magtatanong pa ako tungkol sa tatay ko. Nakaka-isang buwan na ako dito pero olats pa din sa mga impormasyon tungkol kay Papa. Ayoko namang umuwi na hindi natupad ang pangako ko kay Lola Esme. Sobrang hirap na ang dinanas niya sa pagpapalaki sa akin. Sana lang kapag sinabi ko ang buhay na mayroon ako dito ay hindi siya ma-disappoint.
"Uhm, Max, ano kasi... kailangan ko na umalis. Biglang sumama ang tiyan ko. Sorry ha, bye!"
Dali-dali akong umalis at hindi na siya hinihintay pa na magsalita. Nakakahiya 'man ang palusot ko, okay na din naman para ma-turn off na siya. Sayang ang half blood fish na katulad niya, ngunit wala akong magagawa. My fish bowl doesn't need fish right now. I need to strive hard to live in a place like this where everything is expensive.
Binalikan ko si Gwynette at kinuha sa kanya ang bag ng mga disguise ko. Ngayon, hindi ako si Bea o si Summer. I'll be Gwen Smith, a short hair blonde woman owner of Miss Flimsy Cafè. Magpapanggap lang para makakuha ng pera na paghahatian namin ni Gwy. Makakahabol pa ako sa kota ngayon kahit medyo tanghali na ako nag-umpisa ang daldal kasi ni Max!
"Ikaw nga umamin, may pagnanasa ka ba doon sa lalaki kanina?"
Napatigil ako paglalagay ng eye makeup dahil sa tanong ni Gwy sa akin. She's referring to Max if I'm not mistaken. Buti pala hindi ko na-alis ang nunal sa upper lip kung hindi mabubuking ako agad ni Max. Ngayon ko lang ito aalisin dahil hindi bagay sa disguise ko ngayon.
"Binabalaan na kita, walang magandang maidudulot 'yan. Kung gusto mo mahanap tatay mo, magtrabaho ka lang dito."
"Aye, aye, captain!" Malokong sagot ko.
"Baliw ka talaga kahit kailan. Huwag mo sabihing kailangan pa kita ipagdasal?"
"Oo naman, dzai! Gawin mo ng hobby 'yan kapag naraket ako,"
Nailing lang si Gwy saka tinulungan na akong isuot ang wig ko ba blonde. Bagay yun sa maputi ko nakutis. Mukha talaga akong Americana kaya kapag nagkita kami ni Papa madali lang niya ako makikilala.
"Yung bilin ko h'wag mo kalimutan," paalala pa muli ni Gwy sa akin.
"Yes, mom!"
Binatukan niya ako saka umalis na. Minsan talaga itong si Gwy hindi maintindihan ang ugaling mayroon. She sometimes witty, but uptight most of the time. Lord, sana po madiligan siya para naman mabawasan ang kasungitan...
***
"WE entrust our money to you, Ms. Smith. I hope this venture will be a success,"
Ngumiti ako at naging abot langit ang ngiti ko ng makitang sumusulat na ang ka-transaction ko ng check na nakapay-to-cash. Instant three hundred dollars agad kahit na tanghali na ako nag-umpisa. Pagkatapos nito iba naman ang karakter ko at doon ako banda sa may Dumbo dahil marami rich guy doon. Nakipag-kamay ako sa ka-transaction ko ng ma-i-abot na niya ang cheke sa akin. Good job, Bea!
I waited 'till they're out of my sight before I left that cafè. Ayon sa source ko, mga ganitong oras dumadating ang totoong may-ari kaya kailangan hindi ako maabutan. Binigyan ko ng tip iyong source ko dahil hindi naman ako kikita ng malaki kung 'di dahil sa kanya. Mabilis ko na nilisan ang lugar na iyon at nagtungo sa isang private changing lounge. Oras para magpalit ng katauhan.
I wore a white spaghetti strap v-neck tank top on top of worn out skinny jeans. Mainit naman ngayon sa Brooklyn kaya ayos lang ang ganitong damit. Saka dito, hindi ka huhusgahan kahit kapiranggot lang suot mo. Maganda nga itong pang-akit sa mga lalaking makukunan ko ng pera mamaya.
"Let's go, Bea!" sabi ko sa sariling repleksyon matapos makulayan ng pula ang labi ko.
Ginaya ko kung paano lumakad si Catriona Gray sa Miss Universe stage. Hindi naman nalalayo ang balakang namin maging ang katawan. Guys kept on turning their heads when I passed them. Dibdib ko palang ulam na at hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ako nakaka-kota. Binalik ko yung nunal ko kanina. Bagay naman siya sa wig na napili ko. Straight black hair kaya saktong-sakto ang panggagaya ko kay Catriona.
Pagdating ko sa Dumbo, pumwesto ako sa lugar na maraming lalaki. Orange skies here in Dumbo is breathtaking. I closed my eyes and imagined that I'm with my Lola here. Grabe miss ko na siya, pero kailangan ko mag-focus dahil para din naman sa kanya ito. I intently showed them my cleavage and èt vòila, a guy came and talked to me. Inaya ako ni Frank na kumain restaurant na malapit lang. I observe him while he's talking to me. Importante na malaman ko kung ano ang kahinaan nila para naman marami pa ako kitain ngayon bago umuwi.
Frank is vain. I saw how he sanitized the door handle before opening it for me a while ago. Ngayon naman inaayos niya iyong mga gamit sa ibabaw ng plato namin bilang patunay na may OCD din siya. Boring pero mukhang mayaman kaya keri na.
"Are you here for vacation?"
"Yeah. I love to travel around the world actually," Yes, hindi ako nag buckle. Panalo talaga ang panonood ko ng mga english movie. Marami ako natutunan.
"I'm also a world traveler. I have here a rare souvenir from the Bahamas."
Pangarap ko talaga na pumunta doon. Ewan ko ba pero naakit ako kapag may beach, white sand tapos seashells. Inabot ni Frank sa akin ang isang kwintas na ginto. Base sa disenyo noon mukhang rare nga at kapag nabenta ko malaki din ang kapalit. I cleared my throat and acted like I'm going cough. Nanlaki ang mga mata niya ng magpanggap ako na naubo at pinantakip ko sa ko iyong kamay kung nasaan ang kwintas.
"I'm sorry," I said, giving back the necklace, but he refused to take it back. I kept on clearing my throat that stressed Frank so much. "I guess I have to go. I suddenly felt unwell." Umubo pa ako ulit para mas effective ang acting ko. Frank let me have the necklace and told me to leave already. Akala mo makaka-score ka? I have slain you! Tama ba? Ah basta, bahala na!
***
INALIS ko ang suot ko na wig at pinasok iyon sa malaking bag na nakasukbit sa balikat ko. Naka-kota naman ako kaya eto ako pagod na pagod. Ang sakit na rin ng paa ko kaya mas pinili ko na mag-flat flip flops na lang. It's been a long day and all I want is to lay down on my bed. I hugged myself when the wind blows. Wala akong jacket pero malapit na naman na ako sa amin.
"Summer..." tawag na pumukaw sa akin.
Max? Hindi ba siya umuwi? Mali, Bea, umuwi siya malaman kasi iba na ang suot niyang damit. He looks good in tux. Ang linis niya tingnan tapos iyong mga mata niya talaga na nakaka-rupok.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng makalapit sa kanya.
"Standby here at the bridge,"
Ang gwapo mo namang tambay. Kung ganito lang itsura ng mga tambay at lasinggero sa amin sa Pilipinas baka lagi na ako nasa labas.
"Wala kang ibang ginagawa?"
"Aside from looking for you, wala na." Ang weird ng accent niya kapag tagalog pero gwapo pa din.
"Hala, may utang ba ako sa 'yo? Bakit mo naman ako hinahanap?"
Max shrugged his shoulders as an answer.
"You want ice cream?"
"Sige." Marupok talaga kahit kailan.
Sabay kami lumakad papunta sa outdoor ice cream parlor para bumili. Akala ko talaga ma-turn off na siya kanina ngunit mukhang bigo ako.
"Is your tummy okay now?"
"Ah, oo. Nabigla lang doon sa kinain natin kanina." White lies pa, Bea...
"I bought this. I actually waited for you here. Mukhang dito ka palagi nakatambay at sakto ang dating mo,"
Ang bait naman nito sa akin pero hindi pwede kasi sabi ni Gwynette maantala lang nito ang paghahanap ko. I only have four months to find my roots. Kapag wala pa din, talagang uuwi ako ng Pilipinas na luhaan.
"Thank you." Sabi ko.
Napatili ako ng biglang bumuhos ang ulan. Lintek na, ang init-init kanina tapos uulan. Max finished his ice cream first. He easily removed his coat and use it to cover my head. I felt his firm hands on my shoulder and we both ran towards the shaded area.
Inalis ko iyong coat sa ulo ko at pinagpag. Nabasa na iyon dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Napaka-unpredictable talaga ng panahon, parang tao lang din. Inabot ko sa kanya iyon, ngunit sa halip na isuot ulit ay sa aking balikat niya iyon pinatong.
"You need it." aniya sa akin.
"T-thanks!" sagot ko saka pinanood ang pagbagsak ng ulan mula sa langit. "Ang liwanag at ang ganda ng langit," sabi ko.
"Yeah, it's beautiful."
Tumingin ako sa kanya at doon ko napagtanto na hindi siya sa langit nakating kung 'di sa akin. Inangat niya ang kamay niya saka hinawi ang buhok na humarang sa aking mga mata. Inipit niya iyon sa likuran ng aking tenga. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Max smiled at me also.
Kinikilig ako at pramis ngayon lang ito! Bukas wala na... uwian na talaga....
***
Kilig yarn?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro