Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 02

02 - Summer is Bea, Bea is Summer

Bea

BIG LIGHTS.

Concrete jungles.

This is where mostly of dreams made.

That is Brooklyn, New York City.

One of the busiest city in America, perhaps of the world. Hindi naman ako masyado sa history noon at hanggang ngayon. Tinulugan ko nga iyan isang beses kasi bukod sa boring ang klase, nakaka-antok pa magturo iyong teacher ko. Pagpapasok siya kailangan tuwid kaming naka-upo lahat at para bang may karapatan lang kami magsalita kapag recitation. I am a very opinionated kind of woman, and I'm also a loud person to the point that I even talking to myself.

"Hindi naman kami maniningil ng renta agad-agad. Base sa kwento mo, naloko ka kaya hahayaan muna kitang makabawi," sabi ni Gwynette sa akin.

Isa siyang Filipino immigrant dito na nahingahan ko ng problema kanina sa parke. Doon na ako dinala ng mga paa ko matapos magising sa harapan ng Montague Apartments. Hindi na ako nagtangka pa na i-claim ang apartment ko doon dahil wala na din naman akong ipambabayad sa susunod na mga buwan.

"Ang sabi mo, kano ang tatay mo, 'di ba? May picture ka ba dyan para mapagtanong-tanong ko din." Pinakita ko sa kanya ang picture ni Papa at kinunan niya iyon gamit ang cellphone. Hindi ko sukat akalain na may tutulong sa akin agad. Hindi ako pinabayaan ng Diyos na mahabagin at hinayaan Niya pa akong makilala si Gwynette. "Hoy, Bea, bukas hindi ka na pwedeng pa-iyak-iyak. Brooklyn, New York itong pinuntahan mo kaya kailangan matapang ka."

Huminga akong malalim saka pilit na ngumiti sa kanya. Tama si Gwynette, kailangan ko maging matapang dito. Sabi nga sa kanta, if I can make it here, I can make it anywhere. Ito na yata ang susubok sa tulad ko na lumaki sa Tondo.

Again, this is pansit...

"Kaya mo ba 'yan, Bea?" tanong ni Gwynette sa akin.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang restaurant dito sa Crowne Plaza Hotel and Resort. Ang sabi, pinaka-sikat daw ito at iyong may-ari, bukod sa mayaman, ay gwapo din. Pinakita sa akin ni Gwynette ang mukha noong may-ari ng Crowne Hotel nang isang araw at halos malaglag ang panga ko. Paano ba namang hindi eh itsura palang ulam na? Plus points na single pa pero hindi paglalandi ang priority sa ngayon.

"Kaya ko naman, Gwy. Best actress ako kaya magkakaroon tayo pera, pero may isa pa akong kailangan," aniya sa kaibigan.

"Ano na naman 'yon? Ang daming commercial, ha?"

"Kailangan ko nang prayers. Baka effective pag dalawa tayo, alam mo iyon?" Naiiling na iniwan ako ni Gwynette. "Hoy, seryoso ako. Ipagdasal mo ako!"

Minsan, nakakaba itong trabahong napili ko, pero dahil dito nakakain kami ni Gwynette araw-araw. It's been two a week since I started to work as a con-artist. Ganito din trabaho ni Gwynette dito at siya ang nagturo sa akin dahil naloko din siya dati. Out na ang usapang konsensya dito dahil mamamatay kaming dalawa sa gutom.

Kaya mo 'to, Bea! Now or never eat at least three times a day.

I walked confidently towards the white couple not far from the restaurant entrance. Ginawa kong mas kulot pa ang pulang buhok ko at sinuot ang pinaka-sexy na dami ni Gwynette para effective. I put a mole above my upper lips to produce a different version of me. Today, I am Summer Davis not Beatriz Natividad. Ginamit ko na apelyido ni Papa para mabilis lang din niya malamang nandito sa Brooklyn ang kanyang anak na kumakapit na sa patalim.

"David Jones..." I said, looking straight to the white guy's eyes.

Napatingin din sa akin halos lahat ng customer na naroroon dahil napalakas ang salita ko. Keber na, kailangan ko magtrabaho at ngayon pa ba ako mahihiya? Ilan na ba ang naloko sa loob ng dalawang linggong pamamalagi dito? Hindi ko na mabilang dahil itong si Gwynette 'di ako hinayaan na mag-emote. Pag-ginawa ko daw pa iyon, baka naka-kahon na akong uuwi sa Pilipinas.

"Who is she, babe?" tanong noong blonde na babaeng nasa tabi ni David.

Buntis siya pero wala naman akong pakialam sa kanila. I need to pull this act to earn money. Nakilala ko si David sa isang dating application na Mumble. Actually, it was Gwynette whom he's talking almost every night. Boses at picture ko lang ang pang-front paano walang kumpyansa sa sarili itong kaibigan ko.

"I am his girlfriend. He promised a lot of things to me," I said, wailing in front of them. Everyone eyed the the three of us maybe because of my best actress skills. Bakit nga hindi ako nag-artista noon?

"Girlfriend -- no, babe. I don't know her!" Giit nung David Jones sa asawa nito.

Lokong ito, ang lakas makahingi ng nudes kay Gwynette tapos itatanggi ako? Personal collection mo lang, kuya? Inalis ko sa balikat ang pekeng louis vuitton bag na nabili ko dyan sa tabi-tabi. Pinakita ko cellphone conversation naming dalawa ni David kasama na iyong nudes at phone sex. Recorded din ang voice mail na umaabot ng higit dalawang oras halos araw-araw. Kuhang-kuha ni Gwynette ang loob ng kolokoy na manyakis na ito kaya ngayon magdusa ka David!

"What is the meaning of this?"

"You said that you'll leave her for me. That will go to Bahamas and stay there."

"W-what? No, I really don't --" Bago pa 'man matapos ni David ang sasabihin ay nasampal na siya ng kanyang asawa.

Ang lakas noong pagkakasampal kay David kaya naman bahagya akong lumayo. Sabi nila, kantiin mo na lahat huwag lang ang babaeng buntis na niloko ng asawa. I'm not here, creating this scene for the sake of love. Kailangan ko ng pera, pera, pera at gano'n din ang motto ni Gwynette. Umalis iyong blonde na babae pagkatingin sa akin ng masama na hindi ko naman inurungan. Aba, hindi ko naman kasalanan kung gustong sumawsaw ng asawa niya sa iba. Akmang aalis si David, ngunit napigil ng pasigaw kong iyak.

"You're leaving again? What about me?" Tunay iyong luha ko at hindi pilit. Kung ano-anong masasakit na nakaraan ang inisip ko para lang mapaiyak ng ganito.

"I don't know you so get lost." I stopped him again. "Ugh, how much do you want?"

Mas lumakas ang iyak ang iyak ko. Naging samu't sari ang bulungan sa paligid ko. Sigurado naman akong lahat sila ay nakikisimpatya sa akin. Baka award-an na ako ni Gwynette nito mamaya kapag natapos na ang palabas na 'to.

"Don't you love me anymore?" David didn't answer me back instead, he put bundle of dollars in front me then leave.

Nag-iyak-iyakan pa din ako habang pasimpleng sinusuksok sa bag ko iyong pera. Someone dared to come closer to me and handed a handkerchief before leaving. Mamahaling panyo na pwedeng ibenta pa. I stayed there for more minutes to compose myself. When I'm done, I immediately leave Crowne Plaza Hotel and Resort.

I met Gwynette in the park where she picked me up before. Para kasi talaga akong kuting noon na walang magulang. Totoo namang wala akong magulang dito at daig ko pa ang kuting na pagagala saka nakatira sa ilalim ng pamosong tulay ng Brooklyn.

"Winner talaga ang acting mo, girl!" wika ni Gwynette sa akin.

We're currently under the red maple tree and I'm counting the bundle of dollars that David left in front of me. Humigit kumulang isang libo at limang daang dolyares iyon. I separated the seven hundred bucks, and give Gwynette the remaining.

"Hati na tayo dahil alam ko namang pinagdasal mo ako," sabi ko sa kanya. Kapag kasi raket niya, 80 percent sa kanya, 20 percent sa akin pero itong kay David Jones, raket ko ito at pinili ko pa din na mag-share para makatulog ako ng ayos sa gabi. Nakokonsensya ako syempre pero kapag naalala ko yung demonyong si Gregory, naiisip ko na lang tama itong ginagawa ko.

"May pupuntahan ka pa?" tanong sa akin ni Gwynette.

"Babalik ako sa Crowne Plaza at iinom baka may makilala pa ako doon."

I bade goodbye to Gwynette then walk again towards the hotel...

***

"YOU LIVE HERE?" tanong ni Max sa akin nang huminto sa harapan ng isang malaking bahay ang sinasakyan naming black Ford F-150 niya.

Ka-echosan lang syempre at hindi ko din naman sasabihin sa kanya kung sino talaga ako. Max was there when I created a scene and became my symphatizer. Gano'n kagaling ang acting ko at nakakuha pa akong ng mayaman, gwapo, at mabangong lalaki. Noong una, ayoko siyang pansinin kasi blue eyes na naman. Blue eyes din iyong dahilan kaya ko ginagawa ang panloloko na 'to. But Max was different, maybe, yes, no? Basta ang daldal niya at napakwento na din ako ng kung ano-ano na pinaniwalaan naman niya.

"Yes. It's too big and sometimes I felt lonely there."

Sige lang, Bea panindigan mo pa ang pagsisinungaling. Mali pa yata english ko, pero keber na lang. Hindi naman niya napansin.

I introduced myself as Summer Davis to Max. Owner siya ng isang sikat din na rooftop and lounge dito sa Brooklyn. Jackpot na naman si Summer dahil nakabingwit ng mayamang lalaki na mag-aahon sa akin sa hirap dito.

"Uhm, thanks for this and the company awhile ago," wika ko pa saka pinakita iyong mga take out na pagkain. Galante siya kaya nilubos-lubos ko na talaga ang pag-ku-kwento ng mga pang-FAMAS award eksena. " I have to go now."

"When will I see you again?"

"I don't know, but I'm literally everywhere."

Nakita kong may kinuha siya sa wallet na ang buong akala ko ay cash. Kanina nakita ko iyon pero walang lamang cash sa loob at puro credit card lang. Hindi ba siya talaga mahilig mag-sibi ng cash? Max handed me a business card.

Elixir Rooftop and Lounge...

"You can find me there. Look for Claudel and he'll bring you to me,"

"Okay, so, bye?"

He softly chuckles. "Bye, Summer. It's nice to meet you."

Ngumiti ako at nag-alis ng seat belt saka bumaba bitbit ang mga pagkain na na-take out ko. Ang dami ko in-order at kaunti lang nabawas namin dahil puro kami kwetuhan dalawa.

"Thanks and see you when I see you, Max."

I bade my goodbye to him. Tumabi ako at inabanggan na makaalis siya bago pumasok sa maliit na eskinita sa gilid noong malaking bahay. May daan doon papuntang bahay ni Gwynette at madaming katulad naming mga Pinoy na nakatira doon. Some were illegally staying here while the other's choose to live in this kind of environment. Hindi pa din naman kasi mukhang mahirap kahit na sa ganitong lugar nakatira.

"Bakla ka, saan galing itong mga 'to?" tanong sa akin ni Gwynette. Inisa-isa na niya ang mga pagkaing pasalubong ko.

"May bago akong biktima," simple kong sabi saka kinuha iyong ceasar salad pack at nilantakan iyon. Iniwan ko na siya sa living room at pumasok sa kwarto ko. Nakakapagod ngayong araw kahit pa puro pagkuda lamang ang ginawa ko. Susubo na dapat ako ng mag-ring ang aking cellphone. Si Lola Esme natawag kaya dali-dali ako nag-ayos ng sarili bago pinindot ang answer call button. "Hi, Lola!"

"Apo, ngayon ka palang nakain? Saka bakit maliwanag pa dyan? Hindi ba dapat gabi na?"

"Dinner po, 'La." I showed her the salad I'm eating. "Mamaya pa po sunset dito. Ibang-iba sa Pilipinas pero mas mainit dyan."

"Kailan ka pa naging kambing?" tanong nito na kinatawa ko. Hindi kasi uso ang kanin dito at puro ganito o kaya steak ang pagkain.

"Malapit na, 'La." Parehas kaming natawa. "Hindi pa po siya nahahanap." Malungkot kong sabi sa kanya. "pero hindi po ako uuwi hangga't hindi siya nakikita."

"Hindi mo makikita ang kumag mong ama dyan," komento ni Mama na dumaan sa likuran ni Lola.

"Iniwan na naman kaya masungit." Pabulong na sabi sa akin ni Lola. I smiled. "Kapag hindi mo pa din nahahanap, umuwi ka na lang apo. Okay naman tayo dito. Kakain tatlong beses isang araw kaysa maging kambing ka dyan,"

"Hindi mo po ako pinalaking basta-basta sumusuko,"

"Alam ko pero kapag wala talaga, uwi ka na dito. Miss na kita, Bea."

I tried to hide my sadness. Nakakalungkot dito dahil mag-isa lang ako at wala pa gaano kilala. Akala lang pala talaga ng mga tiga-Pilipinas na madali dito at instant mayaman na kapag nakatapak sa Amerika.

"Sige na po, 'La. Matutulog na ako." Paalam ko kay Lola Esme.

Bago natapos ang tawag, katakot-takot na bilin ang nilitanya ni Lola sa akin. Binilinan niya din akong h'wag makakalimot na magdasal kahit pa napaka-undeserving ko na dahil sa mga nagawa ko dito sa loob ng dalawang linggo. Kulang pa iyon at hindi pa nababawi sa nawala sa akin. Kailangan ko pa kumayod ng kumayod dito habang hinahanap si Papa. Isasama ko na din sa paghananap ang walanghiyang Gregory na iyon na kilay lang ang walang latay kapag makita ko siya.

You can do this, Bea! Walang tiga-Tondo na duwag...

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro