Final
Nakaupo si Chanyeol sa isang mahabang bench sa loob ng ospital habang umiiyak. Nababalot ng dugo ang kanyang damit at ang mga mata nya'y kasing kulay na nito dahil sa sobrang kakaiyak. Hindi nya kayang tumigil dahil hindi lang isang normal na trahedya ang nangyari sakanya. Hindi lang pala sakanya, kundi sakanila.
"Dok, gawin nyo po ang lahat pakiusap." Hinila nya ang kamay ng doktor na papasok palang sa emergency room. Hindi tumigil si Chanyeol sa kakahikbi. Lumuhod pa sya sa harapan nito para magmakaawang gawin ang lahat. "Ibibigay ko ang lahat sainyo, wag nyo lang syang hayaang mamatay," sabi nito. Tinanguan lang sya ng doktor tapos pumasok na ito sa loob habang naiwan si Chanyeol na nakaluhod sa malamig na sahig.
Bago pa mangyari ito masaya silang dalawa. Sila ni Baekhyun, ang asawa nya. Papunta sana sila sa isang lugar kung saan silang dalawa lang, pero dahil sa isang maling salita na sinabi ni Chanyeol, nagbago ang destinasyon ng buhay nila. Si Chanyeol ay may sakit sa puso simula noong bata pa sya at si Baekhyun ang naging inspirasyon nya para mabuhay. Kaya sya galit na galit sa sarili nya ngayon dahil hinayaan nyang mangyari ito kay Baekhyun.
"Chanyeol, mag-ampon kaya tayo ng bata pag-uwi natin? Hindi ba masaya kung may anak tayo," sambit ni Baekhyun habang minamasahe ang kanang kamay ni Chanyeol na nakapatong sa hita nya. "Baekhyun, sabi ko sayo hindi pa diba? At tsaka ako ang magdedesisyon," sagot sakanya ni Chanyeol. Yumuko si Baekhyun habang tinititigan ang mga daliri ng asawa nya. "Pero gusto mong magka-anak, 'di ba? Akala ko ba gusto mong magkaroon ng masayang pamil—"
"Tumahimik ka na, Baekhyun. Hindi ako nakakapagmaneho ng maayos."
Sumilip si Chanyeol sa bintana ng emergency room. Nakita nya ang duguang mukha ni Baekhyun. Lalo syang naluha dahil doon. "Baekhyun, please, live for me. Wag mong hahayaang mangyari 'to sayo. B-Baek." Sinuntok nya na't sinipa ang pintuan ng kwartong 'yon. Sa sobrang galit nya, nagawa nyang sabunutan ang
sarili nya. Nagmumukha na syang baliw kung makikita mo.
Tumahimik si Baekhyun dahil sa sinabi ni Chanyeol. Ngumiti sya ng kaunti sa sarili nya habang tinitignan ang singsing nilang magasawa. "Ch-Chanyeol.." mahinahon nyang sinabi. Hindi sya sinagot ni Chanyeol. Binawi nya ang kamay nyang nasa hita ni Baekhyun tapos ginamit nya rin ito sa pagmamaneho.
"Chanyeol, bakit ka ba ganyan? Kapag tungkol sa bata ang pinapagusapan natin nagagalit ka kaagad? Dahil ba 'yon sa hindi kita mabigyan ng anak, ha?"
Isang nurse ang lumabas mula sa loob ng kwarto. "Sir, we just found this in your husband's pocket. Nakita ko rin po yung wedding ring nyo," sabi nito at inabot kay Chanyeol ang isang ziplock na may laman sa loob. May singsing ito at papel.
Kinuha ni Chanyeol ang papel na nasa loob tapos binasa nya ang nakasulat dito. Sa pinakataas nito ay may address ng isang orphanage at pangalan ng isang lalaki. Jesper Chu ang nakalagay doon. Sumakit ang dibdib ni Chanyeol dahil doon pero hindi sya pwedeng umalis ngayon. He's going to wait for his husband.
Sa bandang baba naman hanggang sa likod ay nakasulat ang mga gagawin nila sa lugar na pupuntahan nila. Ang nasa pinakasimula ay 'Kiss Chanyeol when we get there'.
"Ano bang pinagsasabi mo, ha?! Wala akong binanggit na ganyan!"
"Bakit ka sumisigaw ngayon? Pwede bang pakiusapan mo lang ako ng maayos?"
"Argh, just shut up, will you?"
Chanyeol can hear Baekhyun sob, but he ignored it. He just continued on driving. Pinunasan ni Baekhyun ang luha nya tapos kinuha nya ang cellphone nya nasa bulsa nya. "Sinong kinakausap mo, ha? Kinekwento mo nanaman ba kayla Luhan ang away natin?" Hininto ni Chanyeol ang sasakyan sa isang tabi.
"Chanyeol, ganun lang ba ang ginagawa ko kapag ginagamit ko ang cellphone ko? Oh, yan! Sayo na para makita mo!" Hinagis ni Baekhyun ang cellphone nya kay Chanyeol. "Hindi ka naman kasi magagalit kung hindi ko binanggit yung tungkol doon. I'm sorr—"
"Well, yes! I can't accept the fact that you can't give me a child. Kaya wag mo na sanang binabanggit ang mga tungkol dyan!"
Lumabas na ang mga nurse at ang doktor mula sa emergency room. "Ano po? Nabuhay po ba sya?! Sabihin nyo!" sigaw ni Chanyeol. Inalis ng doktor ang suot nyang mask tapos tumingin sya kay Chanyeol na may halong lungkot. "Malala ang pagkatama ng ulo nya at dahil doon, nacoma sya. We tried our best believe me. Kung hindi namin ginawa ang lahat, he probably won't live by now." Niyakap ni Chanyeol ng mahigpit ang doktor. The doctor just nodded.
"Ch-Chanyeol, it's not my fault that I can't give you a child. We have the same sex. Kailangan mong tanggapin 'yon," nanginginig na sinabi ni Baekhyun. Chanyeol just shook his head then continued on driving the car. "Chanyeol, bakit hindi mo 'ko sinasagot? We can't go there kung magkaaway tayo. Come on, let's fix this."
Dinala na si Baekhyun sa isang magandang kwarto sa loob ng hospital. Umupo si Chanyeol sa tabi ni Baekhyun tapos hinalikan nya ito sa noo. "Uhm.. sabi nila naririnig mo daw ako. Kung ganon, I just want to tell you I'm sorry and.. I love you so much, Park Baekhyun," sabi nya.
Sumakit ang dibdib ni Chanyeol dahil sa away nilang mag-asawa. Hindi sya makapagmaneho ng maayos dahil doon. "Chanyeol, speak to me," pagpupumilit ni Baekhyun. "Ch-Chanyeol, s-stop the car!" Sinubukan din ni Baekhyun itigil ang kotse nang makita nya ang panginginig ni Chanyeol.
They didn't get to stop the car.
Nahulog ang kotse sa isang mababang bangin at pagkatapos nun, nabangga ito sa isang puno. Parehas silang nawalan ng malay ni Chanyeol.
Mas maayos ang kalagayan ni Chanyeol kumpara kay Baekhyun na natamaan ang ulo sa salamin. Natusok din ang mukha nya ng mga bubog na galing doon sa nabasag na salamin.
{Play the song below or the one at the mm}
Limang linggo na ang lumipas pero wala paring malay si Baekhyun. The doctors said it's hopeless. Hindi na daw sya magigising. Si Chanyeol naman lumalala na daw ang sakit. Sabi ng mga doktor kailangan nya na ring magstay sa ospital pero mas pinili nyang samahan si Baekhyun dahil mahal na mahal nya ito.
"Baekhyun, I'm so sorry. Hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko sayo. Mahal na mahal kita. Ikaw ang naging inspirasyon ko kung bakit ako nabubuhay ngayon. Gumising ka na please?"
Days have passed. Hindi nya sinukuuan si Baekhyun. At dahil gusto nyang surpresahin ito kapag nagising, kinuha nya si Jesper mula sa orphanage na nakasulat doon sa papel. Sabay silang pumunta kay Baekhyun at sinasanay na rin nya si Jesper na tawaging 'eomma' si Baekhyun.
"Baekhyun, hindi ako aalis sa tabi mo. I'll be right here beside you."
Habang natutulog si Jesper sa isang higaan doon, si Chanyeol ay nakaupo sa isang upuan habang hinahawakan ang kamay ni Baekhyun. Umiiyak parin sya kasabay ng malakas na hikbi. Hindi sya susuko kahit na sabi na ng doktor na lilipas na si Baekhyun sa hindi alam na panahon.
"Baekhyun, ang tagal mo namang matulog. Nauunahan na kitang magising palagi. Namiss ko na yung mga niluluto mo tuwing umaga. Yung kape mong tinitimpla para saakin. I love you," bulong nya.
Tumingin sya sa daliri ni Baekhyun. Ibinalik nya ang singsing sa daliri nito tapos hinalikan nya ito. "Ang ganda mo talaga. I'm so lucky to have you," sabi pa nito.
Maya-maya lang ay may hindi inaasang pangyayari. Lumuha si Baekhyun sa kaliwang mata nya. "Baek, kaya mo yan! Lumaban ka lang please," hinalikan ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun habang kinakausap nya si Baekhyun. Gumalaw ang isang daliri ni Baekhyun sa kabilang kamay.
Agad syang tumakbo palabas ng kwarto. Pero sa hindi inaasang panahon inatake sya ng sakit nya. Sumakit ng husto ang kanyang dibdib. Inasikaso sya ng mga nurse pero hindi nya nasabi ang tungkol kay Baekhyun.
_
"Park, what happened to Baekhyun was a miracle that night but sadly, hindi natin sya naagapan. He's still in the same condition right now and I don't think he's fighting anymore. Hindi nya na kaya, Chanyeol. You should let him go."
"Park, you need to get a heart transplant soon."
-
Baekhyun is still in me. Mamamatay na sana sya nung araw na nakausap ko yung mga doktor pero I made a decision to let him go. His heart is transplanted to me and his other organs helped the other people. Right now I'm living a normal life with Jesper.
Sometimes I see him in my dreams. I know I'll meet him again someday. And on that day, I won't let him go again.
___
Okay, first time ko gumawa ng ganitong klase ng story :( it made me really sad. I hope you guys liked it. Thanks for reading!
ps. There are grammatical errors, wrong spelling and punctuation in this story. Hindi ko na po dinouble check.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro