Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Introduction

Mabait in general, gagawin ang lahat para kay lead girl kahit masaktan pa ang sarili, superior in all aspects (ehem) kay bidang lalaki.

Lahat ito ay katangian ng second lead guys.

Ginawa sila para makapag-spice up ng K-drama, para paibigin tayo nang todo-todo sa mga effort, simpleng sulyap at ngiti, pero sa huli ay hindi pa rin pipiliin ng bidang babae.

Second lead syndrome sa K-dramas, anyone?

Most K-dramas, if not all the time, tend to not give second leads what they deserve (whispers: true love). Kaya nga sa contest na ito, may what ifs tayo:

What if may chance tayo to change the second lead's love life?

Or better yet!

What if galing tayo sa concert nina idol at nakasalubong natin sila somewhere in Korea? Oh no! Isa ka bang fan na mahihimatay for a dream come true or ikaw 'yong patay malisya kahit kinukumbulsyon na sa kilig deep inside?

https://youtu.be/8pOzVIdTZ6w

Sa collaboration ng FanficPH at RomancePH, bibigyan ka namin ng chance para baguhin ang ikot ng sawing love life ni second lead. Sasamahan ka rin namin sa iyong daydream na makapunta sa concert ng idols mo sa Korea at makasalubong sila after concert!

Magsisimula sa annyeonghaseyo, mapupunta ba sa saranghae, oppa?

Sa That Korean Chance contest, ikaw ang masusunod sa ikot ng kilig. Ready?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro