Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

You and Me

                “Alex!”

                Agad na napa-angat ang tingin niya mula sa inii-sketch sa drawing pad nang marinig ang boses na iyon na nagmula sa sala ng bahay niya. Napatingin agad siya sa pintuan ng kwarto niya. Alam niyang ilang minuto nalang ang lilipas ay may papasok nang isang maingay na unggoy sa kwarto niya.

                “Alex!” bungad ng magandang pinsan niya nang tuluyan na nga itong nakapasok sa kwarto niya.

                Napailing-iling nalang siya. Hindi na talaga ito nagbago. “Akala ko noong pumunta ka ng Manila ay magbabago ka na. Probinsiyana ka pa rin.”

                “Grabe ka naman magsalita,” anito habang umuupo sa kama niyang katabi lang ng work table niya. “Parang hindi mo naman ako na-miss,” sabi pa nito habang lumalabi pa.

                Natatawang napailing nalang siya. Hindi nga talaga ito nagbago. Halos walong taon na niya itong hindi nakikita dahil nanirahan na ito at ang mga magulang nito sa Manila nang na-transfer ang papa nito sa trabaho doon. Field architect kasi ang papa nito at nang naatasan dito ang mataas na posisyon sa kompanyang pinagtatrabahuan nito, lumipat na ito doon at isinama nito ang pamilya nito. Doon na nakapag-kolehiyo si Kate at nakapag-trabaho. Samantalang siya ay naiwan sa Cebu at doon na tinapos ang pag-aaral hanggang sa nakapag-trabaho rin siya bilang isang Interior Design Associate sa isang kinikilalang Architect and Construction Firm sa siyudad.

                “Mukhang hindi mo nga ako na-miss. Ni hindi mo nga ako sinundo sa airport kanina,” nakalabi pa ring sabi nito.

                “Huwag ka nga. May trabaho pa kasi ako, ‘no. May deadline ako next week at marami pa akong tatapusin,” pagrarason niya dito.

                “Anong deadline iyang pinagsasabi mo? Kahit para sa akin, hindi ba pwedeng exception muna?”

                Napahinto siya sa ginagawa at tumayo mula sa kinauupuan. Lumipat siya sa tabi ng pinsan para ibsan ang pagtatampo kuno nito sa kanya.

                “Ano ba kasi ang pinagda-drama mo diyan?” tanong niya sa pinsan.

                “Eh, hindi mo kasi ako sinundo sa airport. Mukhang mas mahalaga pa iyang trabaho mo kesa sa akin, ah.”

                “Siyempre! Ang trabaho ko ang bumubuhay sa akin, ‘no. Kaya mo ba akong buhayin ha?” biro pa niya dito.

                “Naman eh!” pagmamaktol na naman nito. Para talaga itong bata.

                “O, sige. Ano ba kasi? Ang alam ko lang, nagiging O.A. ka lang kung may sasabihin kang importanteng-importante.”

                “O, iyon nga. May sasabihin ako sa iyong importante at gusto ko ikaw na ikaw ang unang makakaalam na kamag-anak ko dito sa Cebu.”

                “Ano ba kasi iyon? Kailangan mo pa ba ng confetti? Sorry ha, hindi kasi ako nakapaghanda,” asar niya dito.

                Mukhang binale-wala lang nito ang pang-aasar niya. Importante nga ang sasabihin nito.

                “Sige, ano ba iyang sasabihin mo? Dalian mo dahil marami pa akong trabaho,” aniya dito.

                Humarap ito sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. “Huwag kang magugulat sa sasabihin ko, ha.”

                “Sige, susubukan ko.”

                “Okay.” Huminga pa ito nang malalim na para bang sobrang nakakagulat ang sasabihin nito.

                “Anytime now,” naiinip na sabi niya dito.

                “Okay, okay. Gosh, mainipin ka pa rin,” komento nito.

                “Ikaw kasi, eh. Pa-thrilling pa masyado,” sagot niya dito.

                “Oo na, ito na kasi, eh. Teka, ha. Nagmo-moment pa kasi ako.”

                “Oo na! Sige na, bilisan mo na.”

                Biglang itinaas nito ang kaliwang kamay nito at inimuwestra sa harap ng mukha niya.

“Ha?” nagtatakang tanong niya dito.

“Look!!” excited na sabi nito.

Napatingin siya sa kamay nito sa harapan ng mukha niya.

“Oh. So, you bought an expensive diamond ring? Iyon ba ang importanteng bagay ang sasabihin mo sa akin?” wala pa ring kamuwang-muwang na tanong niya dito.

“No, silly. I’m getting married!” shrieked Kate.

                “O, eh ‘di iyon lang naman pala. Ikakasal ka lang pala – “ Napahinto siya sa pagsasalita. She doesn’t know if she heard it right. “Wait, what?”

                “I said, I’m getting married,” nakangiting pag-uulit nito sa kanya.

                “You’re what?” gulat na tanong pa rin niya dito.

                “I’m getting married, you dimwit! Ikakasal na ako!”

                “Yeah, yeah. I heard it, but why are you getting married?”

                “Because, I’m in love,” her cousin dreamily said.

                “But you’re twenty-four! Ang bata-bata mo pa para magpakasal!”

                “So? You’re twenty-four, yet look at you! Interior Design Associate ka na. One more promotion and you’re a big-time Interior Designer,” komento nito.

                “Pinaghirapan kong abutin ang kung ano man ang posisyon ko sa trabaho ko ngayon. But getting married! It’s a different thing!”

                Kate just rolled her eyes at her. “Oh, c’mon. You’re being a little too overdramatic, don’t you think? If I had remember it correctly, I was a sucker at relationship while you were the one optimistic about it. Ano nang nangyari ngayon, ha?”

                Napatayo siya sa kinauupuan. “Pwede ba? Why are you turning the tables on me? Ang pagpapakasal mo ang pinag-uusapan natin dito.”

                “Okay, alam kong magiging ganito ang reaksyon mo kung sasabihin ko ito sa iyo. Kaya nga ikaw ang unang sinabihan ko nito. Because I want you to understand.”

                “Understand what?”

                “That I am in love.”

                “Love is just a temporary thing, Kate. Anytime, pwede itong mawala.”

                “No. I love this guy, Alexandra. He loves me, too. And he just asked me to marry him. So, I said yes.”

                Napailing-iling siya at napatingin sa kisame. “This is absurd.”

                “No, I am in love. And that’s why I’m here.”

                “What?”

                “Umuwi ako sa Cebu kasi dito kami magpapakasal. Nauna lang ako dito, pero susunod din siya. May inasikaso lang siyang last minute na trabaho pero susunod rin siya dito. Bukas pa siya dadating at gusto kong ikaw ang sumundo sa kanya sa airport.”

                “What? Bakit ako? I have work tomorrow.”

                “Sunday bukas. Walang trabaho. So you can’t reason with me kung bakit hindi mo siya masusundo bukas.”

                She rolled her eyes. Talagang wala siyang kawala sa pinsan niya. “Eh, ikaw? Ba’t hindi nalang ikaw ang sumundo sa boyfriend mo?”

                “Correction, he’s my fiancé now. At hindi ako pwede bukas dahil maghahanda pa ako ng lunch para sa kanya at sa best man niya.”

                “Okay, pero bakit ako? Pwede mo namang ipasundo sa driver namin.”

                “No,” pailing-iling na sabi nito. “Ang gusto ko, ikaw ang sumundo. Because you will be my maid of honor.”

                “What?” gulat na naman na tanong niya. Trust Kate to bring the greatest shock of her life.

                “And I won’t take no for an answer.”

                Napabuntong-hininga nalang siya. There’s no way out of this. Especially with Kate.

                “Bro, I can’t believe you’re getting married!”

                Mula sa ini-empakeng maleta ay napadako ang tingin niya sa kaibigan niyang nakatayo sa pintuan ng kwarto niya.

                “I mean, look at you. You’re twenty-seven, still fresh in the flesh. And you’re one of the hottest – no, scratch that, you’re “the” hottest bachelor in town and now you’re giving it up for this woman,” dagdag pa nito at tuluyan nang pumasok sa kwarto. “I mean, I know she’s hot and all, but man, sa tingin ko ay nahihibang ka lang sa babaeng ito.”

                Napailing siya. Sabog talaga ang utak ng kaibigan niya. “Hey, that’s none of your business. At saka, I’m in lo – “

                “Don’t you ever say you’re in love. God, I’ve seen couples in love before and I can say you only fancy this girl and you’re really not in love with her. Plus, you only knew each other for what? For like five months. How can you say that you really love this girl?” komento pa nito.

                “Whatever, Jake. I’m marrying this girl whether everyone agrees or not. And I love her. Period,” he said with finality. Nagsisimula na rin siyang mainis sa kaibigan. Lahat nalang ng taong nakapalibot sa kanya ang nagsasabing simpleng infatuation lang daw ang nadarama niya para kay Kate. But no, he loves Kate and he wants to spend the rest of his life with her.

                Itinaas naman nito ang mga kamay nito. “Sure, ‘pre. Whatever you say,” anito bago, “but man, paano na ang pagiging chickboy mo? Are you retiring?”

                This time, napatawa naman siya sa sinabi ng kaibigan. Wala na talaga itong ibang naiisip kundi ang maghanap ng mga babae.

                “Kuya, wala pa ba kayong balak umalis? You got two hours left before your flight,” biglang sulpot ng nakababatang kapatid niyang babae na nakasandal sa hamba ng pintuan niya.

                Napatingin siya sa alarm clock na nasa bedside table niya.

                Shit, isip niya at binilisan ang pag-eempake. May flight pa pala siyang aabutin. Pahamak talaga ang istorbo niyang kaibigan.

                “Ikaw kasi, ang ingay-ingay mo. Na-distract tuloy ako sa pag-eempake.”

                Napangisi si Jake. “Hey, I’m not the one who does everything in the last minute. Bakit hindi ka tumulad sa akin, ha, Dean? I always prepare everything ahead of time,” wika nito.

                “Whatever. Tulungan mo nga akong mag-empake,” utos nalang niya sa kaibigan habang tatawa-tawa itong tumayo at dali-daling umalis sa kwarto niya.

                “Kung bakit ba kasi binago mo pa ang flight schedule? Bukas pa sana tayo aalis,” narinig pa niyang sabi nito habang lumalabas ng kwarto niya.

                Kaasar. Wala talagang kwenta ang best friend niya. Napapailing nalang siya habang ipinagpatuloy ang pag-eempake.

                “Ma, punta muna ako ng mall. May bibilhin lang ako,” paalam niya sa mama niyang nasa kusina at naghahanda ng hapunan nila.

                “Dito ka pa ba maghahapunan? O doon na sa mall?” tanong ng mama niya habang mina-marinate ang manok sa flour.

                “Dito po ako kakain. Saglit lang po ako doon,” sagot niya dito.

                “Sige. Mag-iingat ka, anak.”

                Tumango lang siya sa nanay bilang sagot dito, saka niya kinuha ang susi ng lumang Toyota Hi-Ace ng papa niya.

                “Anak, iyong kotse nalang ang gamitin mo, huwag na iyong van,” narinig niyang habol ng mama niya sa kanya.

                “Hindi Ma! Okay lang po. Na-miss ko ring ipag-drive ang van, eh,” sagot niya dito habang lumalabas ng bahay at papasok sa van ng papa niya.

                Pinaandar na niya ang van, saka niya minaneho at lumabas sa gate ng bahay niya. Na-miss nga niyang ipagmaneho ang van ng papa niya. Kahit ang papa niya’y name-miss niya na rin. Tatlong taon na rin simula nang pumanaw ang papa niya.

                May binili lang siyang ilang mga gamit niya para sa sketching niya. Hindi nagtagal ay nabili na rin niya ang kailangan niyang bilhin, kaya ay umuwi na kaagad siya para maabutan pa niya ang hapunan sa  bahay.

                Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pagmamaneho nang bigla nalang tumirik ang van sa gitna ng kalsada.

                Napamura siya nang mahina nang mapagtantong wala na palang laman ang gas tank ng van.

                “Ang tanga-tanga mo, Alex. Ba’t hindi mo napansing papaubos na pala ang gas?” nanggigil na wika niya sa sarili. Kinapa niya sa bulsa ang cellphone niya pero wala siyang nakuha na cellphone. Saka lang niya natatandaang hindi pala niya nadala ang cellphone niya.

                Napaungol naman siya. “Paano na ako uuwi nito?”

                Nasa may liblib na lugar pa naman siya at walang masyadong dumadaan na mga sasakyan. Tsaka, gumagabi na rin kaya wala nang masyadong pumupunta o nanggagaling sa bayan na mga sasakyan.

                “Ang tanga-tanga mo talaga, Alex,” turan pa rin niya sa sarili. Sinubukan niyang paandarin ulit ang sasakyan pero ilang saglit lang ay bigla namang umusok ang hood ng van.

                “Ano na naman ba ito?”

                Lumabas muna siya ng van para e-check ang makina. Nang binuksan niya ang hood ay sumungaw agad ang usok mula doon.

                “Ah, sa lahat pa ng panahon, ngayon pa talaga ako naubusan ng gas, at nag-overheat pa ang van,” hindi makapaniwalang sabi niya sa sarili. “Malas naman, o!”

                Baka tama nga ang mama niya. Hindi magandang desisyon na ang van ang ginamit niyang sasakyan papuntang bayan.

                “Pare, are you sure we’re on the right way? Parang naliligaw na kasi tayo, eh,” sabi ng kaibigan na nasa passenger seat habang siya ang nagmamaneho ng kotseng nirentahan nila sa airport.

                “Can you just keep looking on the map. I’m sure tama itong daan natin, eh. Inaral ko na iyan noong isang gabi pa,” sagot niya sa kaibigan.

                “Eh, walang ni isang sasakyan ang dumadaan dito, eh. Mukhang tayo nga lang ang dumadaan ngayon,” anito pa. “Shet, bro. Nakikita ko na ito sa mga movies, eh. Mamaya, may lalabas na na pangit na tao sa gitna ng daan at may dalang chainsaw.”

                Binatukan niya ang kaibigan. “Alam mo ikaw, isip bata ka pa rin, ‘no. Ang tanda-tanda mo na, pero iyong imahinasyon mo, parang pang dise-sais.”

                “I take that as a compliment.”

                “Compliment your ass,” asar niya dito.

                “Nye-nye,” asar din nito.

                Ilang minuto rin silang naging tahimik habang tinatahak ang daan. Pareho silang nagko-concentrate sa mapa at nang hindi sila maligaw ng landas.

                “Pare, is it really worth it to just give up your title as the hottest bachelor for this woman?” tanong na naman ni Jake.

                Here we go again. “Are you really just going to repeat that topic all over again?” balik-tanong niya dito.

                “Alam mo kasi, Dean, sa edad natin ngayon, dapat mag-enjoy muna tayo. Hindi naman kasi kailangang magpakasal agad, eh. Maybe you ought to give it a little more time... you know, to get to know each other a little more better.”

                “Okay na nga ako, eh. I don’t need a little more time. At hindi ba pwedeng after ng kasal, doon na namin kilalanin ang isa’t-isa nang mabuti?”

                “Yeah, but what if you don’t like the way she eats? Or the way she snores? Pare, hindi legal ang divorce sa Pilipinas.”

                “Divorce? Eh, hindi pa nga kami ikinakasal. And heck no! Hindi ako papayag na magfe-fail ang marriage ko. Divorce is never on my vocabulary,” aniya dito.

                Nagbuntong-hininga ito. “Fine. If that’s what you really want. Then go get married and get lost with this woman. Bahala ka sa buhay mo.”

                “Bahala naman talaga ako sa buhay ko, eh,” nakangiting wika niya.

                “I’m just a concerned friend here who just wants the best for you.”

                “This is the best for me. But thank you, though.”

                Tumango-tango ito. “Fine. Fine.”

“Fine,” sagot niya dito.

Nilingon niya ito para tingnan ito pero nakaguhit na sa mga labi nito ang ngiting alam niyang maglalagay sa kanya sa gulo.

“What’s with that smile? Alam ko kung ano ang ngiting iyan. Alam kong may pina-plano ka nang hindi maganda sa utak mo,” banta niya dito.

“It’s nothing, pare. But I was just thinking, before you marry this girl, how about we make a bet first. For old good times’ sake?”

“Oh, no no. I won’t make any more bets with you. The last time we made a bet, you made me hook up with my father’s secretary. Alam mo ba kung gaano kalaking eskandalo iyon para sa pamilya ko?”

“Hey, wala namang nangyari sa inyo, hindi ba?”

“Wala nga. But my mom just saw us torridly kissing each other,” napapailing na sabi niya. “It was not a good event.”

Napatawa naman ito nang malakas. “It was just because you lost the bet. Ang hina mo kasi. You never win any bet with me.”

“That’s because you cheat.”

“I never cheated.”

“Yes you did.”

Nagkibit-balikat lang ito. “C’mon. Let’s make a bet. Just one last bet. Kapag narating na natin ang bahay ng mapapangasawa mo, magiging void na ang bet.”

Napaisip siya sa sinabi nito. “So... what is the bet?”

Lumaki ang pagkakangisi nito. “I bet you... to kiss the first girl we encounter here going to your fiance’s house.”

Kumunot ang noo niya, saka ay umiling-iling. “Oh, no no. I won’t do that bet.”

“Oh, come on. Ang sabi ko nga hindi ba, kapag narating na natin ang bahay ng mapapangasawa mo, magiging void na ang bet.”

“So you’re saying, as long as wala tayong mae-encounter na babae sa daan, at kapag marating na natin ang bahay ni Kate, I don’t have to kiss someone.”

“Kapag narating na natin ang bahay ni Kate at wala ka pang babaeng nahalikan sa daan, talo na ako sa bet at ipapagamit ko sa iyo ang Nissan GT-R ko for a month.”

“Really?” Mukhang maganda ang offer nito sa kanya.

“Oo nga, ang kulit. Nakakaintindi ka ba talaga ng Tagalog?”

Napaisip siya sa sinabi nito. If he would agree to the bet, mas malaki ang chance niyang manalo. The road was already deserted. Gabi na rin at siguro naman wala nang babaeng pagala-gala sa lugar na iyon. At ilang kilometro nalang ang layo mula sa bahay nila Kate kaya talagang maliit lang ang tsansa nga makaka-encounter siya ng isang babae.

“Remember, the first lady we see tonight is the lucky girl. Siya ang makakatikim ng matamis na halik ng isang Dean Ravanes,” nang-uudyok pang sabi ni Jake.

Napatawa siya sa sinabi nito. But after giving it a thought, he decided to give it a go. “Okay. I’m in.”

Napapalakpak naman ito. “Alright! That’s the Dean Ravanes I know!”

“And I bet you, tonight is the night that you finally lose,” wika niya dito.

“Oh, we’ll see,” nakangising wika nito.

Ilang minuto lang ay may nakita silang kotseng nakaparada sa gitna ng daan.

“What’s this van doing in the middle of the road at this hour?” natanong niya nang inihinto niya ang sasakyan sa likuran ng van.

Nagkatinginan sila ng kaibigan niya.

“Maybe you should look at it, bro,” suhestiyon nito.

Kumunot ang noo niya. “Bakit ako? Ikaw nalang kaya,” kontra niya dito.

Ngumisi naman ito. “Bakit? Takot kang baka babae iyong driver at matatalo ka na naman sa pustahan natin?”

“Hindi ‘no.”

“So, what’s stopping you from checking it out?”

Nagbuntong-hininga siya. “Alam mo, mas mabuti kung tayo nalang dalawa ang lumapit sa van. Baka makatulong pa tayo sa problema ng driver ng van,” suhestiyon niya dito.

Ilang saglit itong nag-isip bago, “Okay. Sabay nalang nating alamin kung sino ang driver ng van.”

Sabay na lumabas sila ng kotse para lapitan ang van. Nakataas ang hood sa harapan ng van kaya nang lumapit sila ay hindi nila nakita ang hitsura ng driver. Kahit na kita ang ulo nito ay hindi pa rin niya maaninag nang masyado ang hitsura nito dahil may suot itong cap. Ang nakita lang talaga niya nang mabuti ay ang pang-ibabang anyo nito. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang ang pang-ibabang anyo nito ay nakasuot ng maong na baggy pants, at maruming sneakers.

“Pare, lalaki ang driver,” imporma niya kay Jake. “I guess you’re really losing tonight.”

Nagkibit-balikat lamang ito. “Hindi pa natatapos ang gabi.”

Natawa nalang siya dito. Jake is really losing the bet. He is really confident about that. Pero hindi na lang niya inasar ito. Nilapitan nalang niya ang driver na mukhang ichini-check ang makina ng van para tulungan ito.

“Pare, ano ba ang problema ng van mo?” Tuluyan na siyang lumapit sa driver ng van.

Pero napatda nalang siya sa kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang driver.

“Holy sh – “ Hindi na natuloy ni Jake ang sasabihin dahil siniko niya ito sa tiyan.

Napaangat ang tingin ng driver sa kanila. Through her long lashes ay hinarap siya nito at nagtama ang kanilang mga mata.

“Hi, pwede niyo ba akong tulungan? Nag-overheat kasi ang van at wala akong dalang tubig. Plus, I ran out of gas at sa kabilang bayan pa ang next gasoline station dito,” sabi nito sa magiliw na tono.

Bigla namang napatawa si Jake sa tabi niya. “Oh, fate seems to favor me all the time,” natatawa pang sabi nito.

Kumunot naman ang noo ng babae habang nakatitig kay Jake, pero hindi pa rin naaalis sa hitsura nito ang titig niya.

Damn it. He could’ve just called off the bet at that second, pero parang ayaw rin niyang gawin. The girl in front of him was so pretty despite her rugged clothes that he actually really wanted to kiss her.

“I guess you’re kissing her, bro. You lucky bastard. Good luck,” bulong naman ni Jake, sabay kinindatan pa siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro