Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Truly, Madly, Deeply

”Oh, my gulay! Nakita ko si Miguel Cervantes sa hallway ng building natin kanina nang papunta ako dito! Sheet of paper! Ningitian niya pa nga ako! Grabe! As in! Hindi ako makapaniwala! As in… Eeeeh! Kinikilig ako!”

“Oh, my gulay! Really? Ang swerte mo, bruha!”

Biglang napatayo si Elai mula sa pagkakaupo sa toilet seat nang marinig ang pag-uusap ng ilang kababaihan sa labas ng cubicle. Nasa girls’ rest room siya at nagko-call of nature nang marinig ang nag-iisang pangalan na siyang nakakapagpabilis ng tibok ng puso niya.

“Gosh! Swear! Ningitian niya talaga ako! Ang cute-cute niya talaga!”

“Hindi siya cute, ‘no! Gwapo siya! Ang gwapo-gwapo talaga niya! Naku, kung naging boyfriend ko lang si Miguel, hinding-hindi ko na siya pakakawalan.”

“In your dreams, mare! May girlfriend na kaya si Miguel.”

“For your information, break na sila ni Paula. Kaya vacant na naman ang position bilang girlfriend niya.”

Binilisan niya ang pagkilos at nagbihis para itapat ang tenga sa pintuan ng cubicle at pakinggan ang pag-uusap ng mga ito.

“Eeeeh! Mag-a-apply na ako!” tili ng isa sa mga babae. “For sure, ako ang pipiliin ni Miguel dahil hindi lang ako maganda, maunawain pa akong girlfriend.”

“Nangangarap ka na naman nang gising, hija. Kung may pipiliin mang girlfriend si Miguel, sisiguraduhin kong magiging ako iyon!”

Biglang naglaho ang mga boses ng mga babaeng nag-uusap kaya ay lumabas na siya ng cubicle. She couldn’t dare to see at their blushing faces habang nag-uusap sila tungkol sa nag-iisang lalaki sa buhay niya.

Agad na nagtungo siya sa bathroom sink at nag-retouch ng mukha niya. Kung totoo ngang nakasalubong ng babaeng iyon si Miguel sa hallway ng building nila, malamang ay makakasalubong niya rin ito.

“Eeeeh!” napatili rin siya sa kilig. Makikita niya rin ang gwapong mukha ng nag-iisang irog niyang si Miguel Cervantes.

“Elai? Anong nangyayari sa iyo?”

Napalingon agad siya kay Julie, ang best friend niyang siyang tanging pinapatulan ang kagagahan niya kay Miguel, na kalalabas lang din sa isang cubicle doon.

“Julie, narinig mo ba iyon? Nandito daw si Miguel sa building natin!”

Her friend just rolled her eyes on her. “Oo, narinig ko. Eh, naniwala ka naman agad sa kanila?”

“Huy, totoo siguro iyon ‘no. Nandito talaga si Miguel! Kaya ay dapat talaga kapalan ko na ang lipstick ko. Naku, baka magkasalubong pa kami, dapat maganda ako at ako ang piliin niyang maging susunod na girlfriend niya.”

“Talaga? Mag-a-apply ka rin?”

“Ha-ha. Funny, Juls,” sabi niya sa kaibigan habang tumatawa ito.

Lumabas naman sila ng restroom nang tapos na silang dalawang mag-retouch. Tinatahak na nila ngayon ang hallway ng college building nila papuntang classroom. Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase nila sa hapon.

“Ano ba kasi ang nakita mo sa Miguel Cervantes na iyan, ha?” biglang tanong ng kaibigan niya.

She looked at her in awed shock. “Seriously? Tinatanong pa ba iyan?”

Nagkibit-balikat naman ito. “What? I don’t see why every girl in this campus is swooning all over him. He’s handsome, all right. Pero hanggang doon lang iyon.”

“Hoy, magaling rin siyang maglaro ng basketball,” pag-depensa niya sa irog.

“Okay, pero sa tingin ko may mas magaling pang maglaro ng basketball sa kanya,” sagot din naman nito.

“Eh, ano – ano…” Nahihirapan na siyang maghanap pa ng ibang ida-dahilan sa kaibigan. Ano pa nga ba ang nagustuhan niya kay Miguel Cervantes?

Well, for one, he’s really handsome. He looks drop-dead gorgeous especially when he flashes that charming smile of his. At saka, ang galing-galing pa nitong maglaro ng basketball. Popular pa ito sa school, pero given na iyon dahil anak ito ng president ng college na iyon.

Ano pa ba?

“Well, he smells nice,” sagot niya dito.

Bigla namang tumawa si Julie. Napahinto pa nga ito sa paglalakad dahil sa lakas ng tawa nito.

“He smells nice?”

Kunot-noong tinanguan niya ang kaibigan. “Yes, he smells nice. Bakit ba?”

“Iyon lang? Iyon lang ang nagustuhan mo sa kanya?”

“Ah, basta! Gusto ko siya. Period,” she said with finality.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Sinundan naman siya ng kaibigan.

“Bakit ba parang ayaw na ayaw mong gusto ko si Miguel, ha?”

“Hindi naman sa ayaw. Curious lang ako, okay?” pagdepensa naman ni Julie sa sarili. “There’s nothing really special about him.”

“There is.”

Napailing-iling nalang ang kaibigan niya. “There isn’t. Ni hindi mo nga talaga masabi sa akin kung ano ang nagustuhan mo sa kanya, eh.”

Siya naman ang napahinto sa paglalakad. Hinarap naman niya ang kaibigan kaya ay napahinto na rin ito.

“Kasi, I need time to think, okay?”

 “Time to think? Sino ba ang nagkakagusto sa isang tao at kailangan pang pag-isipan kung ano talaga ang nagustuhan niya sa taong iyon?”

“Ako, okay? Kaya, pwede ba? Huwag mo nga akong i-pressure?” wika niya sa kaibigan.

Nagkibit-balikat lang ang kaibigan niya bago niya napagpasyahang magpatuloy sa paglalakad. Pero nang akmang lalakad na siya ay may nakabanggaan siyang tao. Malapit na siyang mag-out-of-balance pero buti nalang at nahawakan siya ng kung sino man ang nakabangga sa kanya sa baywang niya.

“Ooops.”

Narinig niyang nagsalita ang nakabunggo sa kanya. Sisigawan na sana niya itong tumingin ito sa dinaraanan nito nang bigla nalang nag-stuck ang boses niya sa kalagitnaan ng lalamunan niya.

“Sorry. My bad,” sabi pa nito. He was even giving her a sheepish smile.

Napatanga naman siya sa kagwapuhan nito. Oh my.

“Okay ka lang ba?” May nahimigan pa nga siyang pag-aalala sa boses nito.

Sheeet! Totoo ba ito?

Hindi pa niya nalaman na nanatiling nakahawak pala sa baywang niya ang kamay nito kung hindi pa nito inalis iyon mula doon.

She can’t believe this! Miguel Cervantes was actually in front of her! And he was touching her hips! His actual hands – flesh and bones – were actually touching her body.

I could die!

“Miss? Okay ka lang ba?”

Saka lang siya natauhan nang may naramdaman siyang mahinang pagsiko sa may likuran niya. Sigurado siyang si Julie ang may gawa noon.

“Ah. Yes. Okay. Ako,” sagot niya na siyang agad na pinanghinayangan niya. Na-mali pa yata ang grammar niya.

Narinig niya ang mahinang tawa nito. “Okay. I’m sorry again… miss - ?”

“E-Elai,” sagot niya dito.

Napakunot naman ang noo nito. “Elai?”

Sunod-sunod lang na tango ang ibinigay niya dito. Somehow, she couldn’t find her voice.

“Interesting name,” ngiting sabi nito. “Well, nice to meet you, Elai. And sorry again.”

“Okay,” wala pa rin sa sariling sagot niya dito.

“Sige. I have to go. Bye,” paalam pa nito sa kanya.

“Bye.”

Ngumiti ulit ito sa kanya bago ito tuluyang umalis sa harapan niya at naglakad na papalayo sa kanya. Nang masigurado niyang tuluyan na nga itong nakalayo sa kinaroroonan niya, doon lang siya tuluyang nagpakawala ng tiling kanina pa niya pinipigilan.

“Hoy, manang. Iyang laway mo, umabot na hanggang sahig. Punasan mo nga,” asar pa ng kaibigan niya.

Pero hindi na niya inintindi iyon. Lumulutang pa siya sa cloud nine sa ngayon kaya bahala na si Julie kung ano ang sasabihin nito. She doesn’t care a bit.

Hay, Miguel Cervantes. Is this the start of something new?

*

“Hay, can you believe it, Julie? Kinausap niya ako! Kinausap ako ni Miguel!” tili niya habang nakaupo sila sa bleachers sa may soccer field ng university.

Narinig niyang nagbuntong-hininga ang kaibigan niya. Alam niyang sawang-sawa na ang kaibigan niya sa kakarinig ng mga pagpapantasya niya tungkol sa binata pero nanatiling tahimik lang ito at nagbabasa sa libro nito.

“Ito na ba ang umpisa ng great love story namin? Eeeeeh!” tili niya pa rin.

Pinagtitinginan na siya ng ibang mga estudyanteng naka-stambay sa bleachers pero hindi na niya ininda iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagkabungguan sila’t nagkausap ni Miguel.

“Siguro bukas, aakyat na siya ng ligaw sa akin. Ano sa tingin mo, ha, Julie?” tanong niya dito.

Napailing-iling nalang ito. “Nagha-hallucinate ka na naman, Elai.”

Napatingin siya sa kaibigan. “Bahala ka diyan, Julie. Hindi ako nagha-hallucinate. Totoo lahat ng mga sinasabi ko. Makikita mo. Balang araw, lalapit si Miguel sa akin at tatanungin niya ako kung gusto ko bang lumabas kasama siya. Makikita mo.”

Alam niya, nafi-feel niya, balang araw ay talagang magkakatotoo ang mga sinasabi niya. Aakyat ng ligaw sa kanya si Miguel.

“Sige, whatever you say, Elai. Kung iyan ang gusto mo, suportahan kita,” wika nito.

Ngiting-aso lang ang ibinigay niya sa kaibigan. Alam niyang ginu-good time na naman siya nito.

“Girls! Girls! Nasa gym ngayon si Miguel at naglalaro ng basketball kasama ang mga kaibigan niya,” narinig niyang sabi ng mga ilang babaeng estudyanteng naka-stambay rin sa bleachers.

Agad na nabuhay ang kanyang pagka-usisera nang marinig ang pag-uusap ng mga babae.

“Let’s go, girls! Mukhang matatapos na ang game nila. Fifteen minutes nalang. Let’s go!”

Nang marinig ang sinabi sa isa sa mga babae ay napatayo rin siya kaagad.

“O, saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ng kaibigan niya.

“Julie, halika! Alis na tayo!”

“What? Saan tayo pupunta?” tanong pa rin nito.

“Basta! Halika na!” wika niya at dali-daling dinampot ang mga gamit niya.

“What?” Napatayo na rin ito at niligpit ang mga gamit nito. “Saan ba kasi tayo pupunta?”

“Basta!”

*

“Julie! Bilisan mo! Hindi na natin siya maaabutan!” sigaw niya sa kaibigan habang tumatakbo sa hallway ng college building nila patungong university gymnasium nila. Doon na siya dumaan para makahabol pa siya sa game ni Miguel at ng mga kaibigan nito.

Napatingin siya sa wristwatch niya. No, malapit nang matapos ang game!

Nagpa-panic na ang utak niya. Hindi siya pwedeng mahuli!

”Elai! Dahan-dahan nga! Ang bilis mo,” sigaw ni Julie na nakabuntot pa sa kanyang tumatakbo.

“Dalian mo kasi Julie, eh! Matatapos na ang game nila. Dali!” sigaw niya sa kaibigan at mas binilisan pa ang takbo niya.

Kailangan maabutan niya ang game nila. Hindi niya pwedeng ma-miss iyon. Sa buong buhay niya, hindi pa siya nakaka-miss ng basketball game ni Miguel. Kaya kailangan na niyang madaliin ang pagtatakbo niya.

Akmang liliko n asana siya patungong hagdanan nang may makabangga siyang isang tao. Tumilapon naman ang dala-dala niyang libro sa sahig. Kahit siya’y natumba din dahil sa lakas ng pagkakabunggo nila.

“Hey, watch where you’re going!”

Napa-angat ang tingin niya sa boses ng lalaking nakabungguan niya. Medyo nasilaw pa siya ilaw ng fluorescent light ng building. Sinubukan niyang gumalaw pero bigla siyang may naramdamang kirot sa pang-upo niya. Mukhang napasama yata ang bagsak niya.

“Hindi ka kasi nag-iingat, eh,” turan pa nito sa kanya.

Nakita niyang napayuko ito sa sahig. Uminit naman ang bumbunan niya. Ito pa ang may ganang magalit gayong siya naman ang natumba at nasaktan.

Kahit na masakit pa rin ang pang-upo niya, pinilit niya pa ring tumayo. “Hoy! Excuse me? Ikaw pa ang may ganang magalit gayong ako naman ang nasaktan sa ating dalawa. Ang kapal din ng mukha mo, eh ‘no?”

Narinig niyang napatawa ito saka ito umangat ng tingin. At muntikan na siyang nabilaukan ng sarili niyang laway nang makita ang mukha nito.

Napakunot naman ang noo nito nang makita nito ang mukha niya. “Excuse me rin, Miss, pero hindi ako iyong hindi tumitingin sa dinadaanan nila,” sagot nito.

“Eh, ikaw ang hindi tumitingin sa dinaraanan mo, eh. Alam mo bang ang sakit-sakit ng puwet ko. Kung may na-dislocate na bones ko sa katawan, naku, talagang malalagot ka talaga sa akin!”

Natatawang napapailing ito. “I doubt that. And thanks to you, nasira na ang bago pang bili kong cellphone.” Nakita niyang pinupunas pa nito ang cellphone nito sa kamay nito. Doon lang niya nakitang may crack nga sa screen ng cellphone nito. Mukhang totoo nga ang sinasabi nito.

Pero hindi pa rin siya nagpatinag. Taas-noong hinarap niya ito. “So? Ano ba ang mas mahalaga sa iyo? Iyang cellphone mo? Or ang buhay ng isang tao?”

He huffed. “I bet you, mas mahal pa itong cellphone ko kesa sa buhay mo.”

“Aba! Makapal nga talaga ang mukha mo, eh ‘no?” Pasugod n asana siya dito nang biglang itinaas nito ang isang kamay nito sa harap ng mukha niya.

Ibinulsa nalang nito ang cellphone nito. “You know what, Miss? You’re just wasting my time. You broke my phone, insult me by not saying sorry, tapos sa tingin mo ako pa ang may kasalanan dito. Yeah, you’re just a waste of time,” anito pa bago siya nito tinalikuran at iniwan siya doong nakamaang lang sa sinabi nito.

“Aba, eh wala ka palang modo, eh! Bakla!” pahabol na sigaw niya dito pero hindi naman siya nito nilingon. Mukhang binabale-wala pa talaga siya nito.

“Bes, okay ka lang?”

Doon lang siya napatingin kay Julie. Andoon pa rin pala ito. Tinanguan nalang niya ito bilang sagot.

“Sino ba iyon?” tanong nito habang inisa-isang nililigpit ang mga gamit niya sa sahig.

“Aba, ewan!” Nanggigil na niligpit niya ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig. Pero nang akmang yuyuko na siya, sumasakit talaga ang puwet niya. “Aw!”

Napapalatak nalang ang bestfriend niya. “Huwag ka nang gumalaw. Ako nalang dito.”

Sinunod naman niya ang utos nito. Napasandal nalang siya sa hamba ng hagdanan. “Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon. Sabihan ba naman akong waste of time ba daw ako? Tapos ako pa daw ang may kasalanan ng lahat! Eh, siya naman talaga ang hindi tumitingin sa dinaraanan niya, ‘di ba?”

Natatawang hinarap siya ng best friend niya. “Pero, in fairness, cute siya, ha?”

She rolled her eyes at her best friend. “Oh, c’mon. Ano bang cute doon?”

“Weh? Eh, noong nakita mo nga ang mukha niya, halos mapanganga ka na nga! Aminin mo, naga-gwapuhan ka sa kanya, ‘no?”

“Psh, please! Wala nang ibang gwapo sa akin kundi si Miguel lang,” sagot naman niya sa kaibigan.

Hindi pa rin nawala ang pangungutiya sa mukha nito. “Talaga lang, ha? Sa tingin ko nga, mukhang nakalimutan mo na ang irog mo nang makita mo ang mukha ni cutie pie, eh.”

Napakunot ang noo niya. “What? Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?”

Natatawang umiling ito. “You just missed his game.”

Nang ma-realize ang sinabi nito, agad na nanlaki ang mga mata niya. Napatingin siya sa relos niya, at na-confirm nga ang sinabi nito.

Shit! She just missed his game. For the first time in her life, she just missed one of his game.

“NO!” sigaw pa niya dahil sa realisasyong iyon. Kasalanan talaga ng lalaking iyon ang lahat! Kung hindi lang sana ito paharang-harang sa dinaraanan niya, eh ‘di sana ay nakaabot pa siya sa basketball game ni Miguel.

Naramdaman naman niya ang mahinang pagpitik ni Julie sa balikat niya. “O.A lang kung maka-react?”

“Kasalanan talaga ng lalaking iyon ang lahat! Siya ang dahilan kung bakit hindi ko naabutan ang game ni Miguel! Siya ang dahilan kung bakit hindi ko nagawang mag-cheer sa pinakamamahal kong irog!” galit na wika niya.

“O, ‘di ba, tama ako? Nakalimutan mo nga si Miguel dahil kay cutie pie,” ngising wika ng kaibigan niya.

Hinarap niya ito. “Pwede ba, Julie? Huwag mo siyang matawag-tawag na cutie pie? Hindi siya cutie pie! Isa siyang demonyo! Isa siyang bakla! Sinira niya ang araw ko!” galit pa rin na turan niya.

“Hindi, ah. Mukhang mabait pa nga siya, eh. Ikaw ang demonyita. Kung makapag-bintang ka sa kanya, parang wala ka ring kasalanan kanina,” anito pa.

“Aba! At sino ba ang kinakampihan mo, ha? Siya ba ang kinakampihan mo?”

Napapailing nalang ang kaibigan niya at nagsimula nang bumaba sa hagdanan. “Ewan ko sa iyo, Elizabeth Aiko Pedrosa!”

“Hoy, Julie! Hindi pa ako tapos!” habol niya sa kaibigan.

*

“Pare, sa’n ka galing?”

Napaupo si Drew sa bench sa loob ng locker room ng mga varsity players ng basketball team ng university.

“Nowhere,” simpleng sagot niya, saka ay inilabas mula sa bulsa niya ang nasirang cellphone. May malaking crack sa touch screen ng cellphone niya. Natatandaan pa rin niya ang babaeng siyang dahilan sa pagkasira ng cellphone niya.

Damn it! Hindi naman talaga importante sa kanya na nasira ang cellphone niya. He could just buy another phone if he wants to. Pero hindi lang talaga maalis sa isip niya ang babaeng iyon. Parang na-attached na ang utak niya sa mukha nito. Iyon talaga ang kinaiinisan niya.

“What happened to your phone, man?”

Napatingin siya sa matalik na kaibigan. Bagong transfer palang siya sa university na iyon kaya ito pa ang kasa-kasama niya. Galing kasi siya sa Australia at nang nagpasya ang mga magulang niyang umuwi ng Pilipinas ay nagpasya rin siyang sa unibersidad ng kababata niyang si Miguel siya magpapatuloy sa kanyang kolehiyo.

“I just bumped into this girl,” sagot niya dito at ibinalik ulit sa bulsa ang cellphone.

“Ooooh, what does she look like? Was she hot?” ngiting-pilyo ng kaibigan niya.

“Was she hot?” pag-uulit niya sa tanong nito. He wouldn’t say she was hot. She was pretty all right, but the term “hot” does not fit her. “I wouldn’t say that.”

“Bakit, bro? How does she look like ba? Baka kilala ko iyan,” anito habang inaayos ang mga gamit nito sa locker.

Napailing-iling na siya. “It doesn’t matter. She’s no special, anyway. Masasayang lang ang oras ko kapag inintindi ko pa siya.”

Napatawa naman ito. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Drew. Ever since your break-up with Carlene, girls for you are just a waste of time.”

“No. I just don’t want to waste any more of my time in relationships that isn’t worth it in the end. Maganda lang kasi iyan sa umpisa, pero after a while, mawawala na ang lahat nang iginugol mong pagmamahal at pag-aaruga sa relasyon ninyo.”

Napailing-iling nalang ang kaibigan niya. Yes, he could be pessimistic about it. But he learned that in relationships, nothing would ever last a lifetime. Life experience na niya iyon.

“Then, why don’t you just be like me? You know, chill lang pagdating sa mga ganoon. Walang sineseryosong relasyon. Kumbaga, pampalipas lang ng oras,” mayabang pang sabi nito.

“I’m not like you. And I don’t wanna be like you,” sagot niya sa kaibigan.

“Ouch, pare,” natatawang sabi nito. Pabiro pa nitong tinapik-tapik ang puso nitong para bang kumikirot talaga ang puso. “Ang sakit mo namang magsalita.”

“What? You change girls as fast as you change your basketball jersey. Hindi ka ba nagsasawa?”

Umiling-iling ito. “You see, that word is never in my dictionary.”

Napapailing na rin siya. “Whatever.”

“You know what kasi, Drew, girls crave for my company. Well, a lot of girls crave for my company. Binibigyan ko lang silang lahat ng chance,” anito pa. “Ayokong maging madamot.”

Bumuntong-hininga siya. “Okay, do as you please. Can we just change the topic now?”

“You really have no interests in girls, do you?”

“Nope,” wika niya at tiningnang muli ang screen ng nasira niyang cellphone. Saka na naman niya natandaan ang mukha ng babaeng nakabungguan niya kanina.

Shit. Bakit hindi niya maalis-alis sa isipan niya ang babaeng iyon?

*

“Hoy, inday! Nakatunganga ka na naman diyan!”

Nawala lang si Elai sa kanyang pagpapantasya kay Miguel sa malayo nang marinig ang boses ni Julie.

Panira talaga ng moment itong isang ‘to, isip-isip niya habang sumusubo ng sandwich na in-order niya. Nasa canteen siya ngayon at kumakain ng merienda. Tapos na ang klase niya sa araw na iyon. Ayaw pa niyang umuwi hanggang alam niyang nakauwi na rin si Miguel. But she doubt about that. May basketball practice pa ang team nito at mukhang gagabihin na naman ito sa campus.

“Uuwi ka na pagkatapos nito?” tanong ni Julie sa kanya habang kumakain rin ito ng binili nitong chips sa canteen.

“Um…” Napatingin siya sa kaibigan.

Sasabihin ba niya ditong maghihintay pa siyang matapos si Miguel sa basketball practice nito bago siya uuwi? Alam niyang sesermunan na naman siya nito kaya minabuti nalang niyang ilihim iyon.

“Ah, oo. Uuwi na ako,” sagot niya dito.

“Ah, sige. Sabay nalang tayo.”

“No!” Napasigaw tuloy siya nang wala sa oras. Halos lahat ng mga estudyante sa canteen ay napatingin sa kanya. Nahihiyang napaubo nalang siya para maibsan ang pagkapahiya. Ilang minuto lang ay bumalik na ang mga ito sa pinaggagawa nito bago pa man ang pagsigaw niya.

“Don’t tell me maghihintay ka na naman kay Miguel?” wika ni Julie.

She sheepishly looked at her friend. “Busted.”

Napaikot na naman ang mga mata nito. “Elai, pwede ba? Pwede bang ihinto mo na iyang kahibangan mo sa Miguel na iyan?”

Napabuntong-hininga siya. Pang-ilang litanya na ito ni Julie sa kanya.

“You deserve better than stalking some guy who isn’t even that special.”

“Huy, anong hindi special?” kontra niya dito. “Special siya, ‘no. Special siya sa puso ko.”

“Oh, c’mon,” suko ng kaibigan niya. “Bahala ka diyan sa buhay mo, Elai.”

“Bahala naman talaga ako sa buhay ko, eh. Kaya go na. Mauna ka nalang, Jul. I can go home by myself,” pagtataboy niya sa kaibigan.

Napailing-iling pa ito bago nito kinuha ang mga gamit at walang dalawang-salitang umalis na sa harapan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro