Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Loving You

             "Christian.”

Napalingon siya sa kanyang ama na kakapasok lang ng kwarto niya, saka ibinalik ang tingin sa repleksiyon niya sa salamin at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng kanyang neck tie.

“Are you ready, son?” tanong nito sa kanya habang tinutulungan siyang ayusin ang suot niyang suit.

Binigyan pa niya ng last look ang porma niya sa salamin saka ay hinarap ang ama. He slowly nodded and his dad gave him a pat in his shoulder.

“Good luck, son. And congratulations. Again,” ngiting sabi ng ama niya.

Napangiti siya sa sinabi ng ama. “Thanks, Pa.”

“Nandito lang kami ng mama mo parati para damayan ka,” panimula ng papa niya.

“Pa, hindi pa ako ikinakasal. Save that for the reception later. Right now, I don’t want my bride to wait,” natatawang awat niya sa papa niyang magbibigay na yata ng speech.

Natawa rin ang kanyang ama. “Alright, alright. I’ll stop.”

Bigla na lamang siyang niyakap ng ama. Damang-dama niya ang pagmamahal nito para sa kanya.

“Thanks, Pa. Really,” pagpapasalamat ulit niya sa ama.

His father just gave another pat on his shoulder before leaving his room. Nang siya nalang ang mag-isa sa kwarto ay napahugot siya ng malalim na hininga.

This is it. Today’s his wedding day.

Yes, ikakasal na siya. He’s getting married to the girl he loves and it’s got to be the best feeling in the world. Wala na siyang ibang nararamdaman nang panahong iyon kundi kaba, excitement at saya. Talagang ito na ang pagkakataong hinihintay niya. He’s not only marrying the girl he loves, but he’s also marrying the girl he trusts, he cares for, and the girl who makes him feel loved and special too.

It didn’t took long for him to offer marriage to Madison, his girlfriend of eight months. Sa walong buwan kasing iyon, alam niyang ito na ang hinahanap niya at ang gusto niyang makasama sa habang buhay. Halos lahat na ng katangian na hinahanap niya sa isang babae ay nakita niya kay Mady. Kahit na walong buwan lang sila, naramdaman na niyang kaya siya nitong alagaan at bigyan ng kailangan niya sa buhay. In addition to that, isa pang successful career woman si Mady. She’s one of the most sought-after architect in town. Ano pa ba ang mahihiling niya mula sa babaeng pangarap niya?

“Pare,” bati ng pinakamatalik na kaibigan niyang si Aaron na kakapasok lang ng kwarto niya. Ito ang bestman niya sa kasal.

Tinanguan naman niya ito. “Pare.”

“You ready, man?”

“Yeah,” sagot niya dito.

“Are you really sure about this?” tanong nito sa kanya. Alam niyang nagdududa pa rin ito sa intensiyon niyang pagpapakasal kay Mady. Pero hindi nalang niya iyon binigyan ng importansiya. He would do this and this is his final decision.

“What do you mean? Sure na ako.”

“Hey man, I’m your bestfriend and you know that I’m just looking out for you. Ayokong makita kang padalus-dalos lang sa isang bagay at sa huli’y pagsisihan mo pa,” anito.

Hinarap niya ang kaibigan. “I’m not rushing things. Decided na ako.”

“Alam ko naman iyon, pare. At alam kong kapag decided ka na, decided ka na. Pero may oras pa, pwede ka pang mag-back out.”

Inis na binatukan niya ang kaibigan niya. “Ano ba ang pinagsasabi mo diyan? Are you hearing what you’re saying?”

Napakamot ito sa ulo nitong binatukan niya. “Baka kasi ginagawa mo lang ito dahil sa nangyari sa inyo noon ni – “

“C’mon, man,” putol niya sa sasabihin nito. “That was five years ago. I’ve moved on.”

Tumaas naman ang kilay ni Aaron. “Really? You’ve moved on?”

“Yes, I’ve moved on.”

“Then i-explain mo nga sa akin kung bakit halos magkatulad lang sila ni Mady ng katangian? They were both smart, funny, beautiful, understanding, at pareho rin sila ng kinuhang kurso. Hindi ba’t architect din ang kinuha noon ni – “

“Aaron, huwag ka na ngang magsalita diyan. Isa nalang, tatadyakan na talaga kita,” sita niya dito.

“Why won’t you just let me mention her name?” his friend ridiculously asked.

“Kasi ayokong marinig ang pangalan niya sa araw ng kasal ko,” sagot niya.

“Why? Kasi everytime na ini-mention ko ang pangalan niya, nag-iiba pa rin ang tibok ng puso mo, ganoon?” anito. “Geez, you’re too cheesy, man. Ang baduy mo.”

Napailing-iling nalang siya. “Wala akong sinabing ganoon. At saka, I have told you already. I’ve moved on.”

“Yeah, yeah. Whatever. You can fool everybody else, but you can’t fool me.”

“Can’t you just be happy for me and be the best man that you ought to be?”

Nagbuntong-hininga lang ito bago siya nito inakbayan. “Okay, pare. If that’s what you want. Alam mo namang andito lang ako parati para suportahan ka. Kahit na alam kong tama ako, pagbibigyan nalang kita kasi kaibigan mo ako.”

Siniko niya ito sa tiyan. Napahiyaw naman ito sa sakit.

“Grabe ka naman kung makasiko. Wagas, eh,” anito habang namimilipit pa rin sa sakit.

Bigla na lamang lumitaw ang ulo ng mama niya sa pintuan.

“O, guys, hindi pa ba kayo tapos? Ready na si Mady, kayo nalang ang hinihintay,” sabi ng mama niya.

Nilapitan niya ang mama niya at binigyan ito ng napakahigpit na yakap.

“Oh, son. I can’t believe how grown up you are already. Natatandaan ko pa noon, humihingi ka pa ng allowance para sa mga dates mo. But look at you now, you’re getting married,” natatawa pang sabi ni mama niya.

Hinigpitan nalang niya ang yakap sa ina. “Thanks, Mom. You’re the best.”

Tinapik-tapik naman nito ang kanyang likuran bago ito kumalas sa yakap niya. “Okay, okay. Christian, stop. Baka masira ang mascara ko at magiging pangit pa ako sa mga pictures. I don’t want that to happen.”

“Okay, Mom,” napapailing na lang na wika niya.

“Come on. Hindi magandang ipinaghihintay ang bride mo. Baka lumayas pa iyon, hala ka,” asar pa ng mama niya. Napatawa nalang siya sa sinabi nito.

Sabay na lumabas silang tatlo mula sa kwarto niya at nagtungo patungo sa likuran ng kanilang bahay. His wedding will only take place at his parent’s house, something that he had dream on since he was still a little boy. Noon pa man, pangarap na talaga niyang ikasal sa may hardin sa likuran ng kanilang bahay. He grew up at that house and witnessed his parents’ love in there, so he wanted to take part of that and maybe let the house witness his love to that special person in his life. At tsaka, mas gusto rin niya doon kasi solemn ang paligid. He only invited a few of his friends and dear ones to witness that special day in his life. Mas gusto niya ang ganoon.

Narinig niya ang mahinang pagsinghot ng mama niya.

“Mom.”

Hindi na napigilan ng mama niya ang pagtulo ng luha nito. “Oh, son. I just couldn’t really believe that you’re leaving us now. Ano nalang ang gagawin namin ng papa mo kung iiwan mo na kami dito sa bahay. This house will just be a lonely house without you in it.”

“Mom, I promise, bibisitahin ko naman kayo ni Papa, eh. Nandito pa rin ako. Hinding-hindi ko kayo iiwan. It’s just that, may bagong addition lang tayo sa pamilyang ito. Mady will be with us now. Magkakaroon na kayo ng bagong anak,” pagpapakalma niya sa mama niya.

Tumango-tango naman ito. “You’re right, son. Hindi ko lang talaga mapigilan. You know how much I love you, son. And as much as possible, I want to keep you with me forever. Pero alam ko namang hindi posible iyon. You are a handsome man, at kahit sinong babae ay talagang aagawin ka sa akin.”

Napatawa na naman siya nang malakas. “Mom, kahit na naagaw na ako sa ibang babae sa iyo, ikaw pa rin ang number one na babae sa buhay ko. Okay?”

“It better be, young man. Kung hindi, naku, talagang malilintikan ka sa akin,” anito pa at kinuha mula sa purse nito ang isang handkerchief pampunas sa natuyong luha nito sa pisngi.

Niyakap niya sa huling pagkakataon ang mama niya bago hinarap ang altar. Ilang minuto nalang ay mag-uumpisa na ang kasal niya.

Hindi nagtagal ay tumugtog na ang piano na nagsisilbing instrumento ng kanilang paglalakad patungo sa altar. Wala na siyang ibang naiisip noong naglalakad siya patungo sa altar kung hindi ang makita na ang mukha ng napakaganda niyang magiging asawa. Katulad pa rin ng normal na kasal, nasaksihan niya ang pagparada ng entourage patungo sa altar. At hindi na siya naghintay nang matagal bago binuksan ang pintuan mula sa bahay palabas sa hardin at iniluwa doon ang kanyang bride.

 Halos hindi siya makapaniwala na sa ilang oras nalang ay magiging asawa na niya ang babaeng naglalakad patungo sa altar... patungo sa kanya, nang magtama ang kanilang mga mata. Wala sa sariling napakapa siya sa dibdib para damahin ang nag-uumapaw na ligaya at pagmamahal na nararamdaman niya sa pagkakataong iyon para sa babaeng mahal niya. Pero sa hindi malamang dahilan ay hindi niya inaasahang ibang hitsura ng babae ang nakikita niya. He saw the face of the girl he loved five years ago, and still made his heart beat fast everytime he thinks of her.

This is not good.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro