Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7.2: She's so childish

Chapter 7.2

"Wag kang matakot, andito lang ako." ang hirap maging lalaki talaga, pag nagpakita ka ng kahinaan pagtatawanan ka nila pero pag babae, cute pa ang tingin nila. Thats so unfair! Marunong din naman kami matakot ah bakit kelangan istereotype na agad nila kami. =___=

"Don't worry, hindi ako matatakutin. Ikaw pag natatakot ka, kapit ka lang sakin okay?" pinisil nya ang kamay ko.

"Ako matatakot? Ha! Ha! Ha! Asa pa!" ang yabang ko talaga kahit kelan, ngatal na mga tuhod ko pero kung anu ano pa sinasabi ko. 

"Sabi mo eh," nakangiti nya akong hinila papasok hanggang sa sobrang dilim na sa loob na kakarampot na ilaw lang mula sa floorstep ang merong liwanag. Patuloy kami sa paglalakad, patuloy ko ring naririnig ang naglalakasang sigawan ng mga tao sa loob.

"Boo!"

"Uwaaaa!" sobrang nabigla ako sa pagsulpot ng isang puting nilalang sa gilid ko na agad namang nawala.

"Uy okay ka lang? Bakit ka sumigaw?"

"Ha? Ako sumigaw? Hindi ah, yung nasa likod ko yun." tinignan nya ako with great doubt tapos shinake nya lang ang ulo nya.

"Fine. If you say so but one thing, dont get a heart attack ok? They aint real." tapos tumalikod na agad sya at hinigit ako sa paglalakad while giggling.

"A-anong... Hindi... Asar. Pero... Argh. Buset." i curse under my breath. 

"kyaa!"

"aah!"

"eee!"

Nakarating kami dun sa part na madaming tao, ansikip sikip tapos ang ingay. Lakas ng sigawan kasi andaming nambibigla, pati ako napapasigaw. Pakshett, ambading ko. =__=

"eeek!" 

"anong meron?" nagpapanic kong tanong ng sumigaw sya. For the first time sumigaw sya, all this time kasi parang wala lang sa kanya yung mga pananakot kaya naman sobrang nacatch nya ang attention ko sa bigla nyang pagsigaw.

"Ano kasi---"

"O ano?" hindi na sya nagsalita ulit.

"EEK!"

"Huy! Anong nangyayari sayo?" hindi ko masyadong makita mukha nya eh, madilim kasi eh.

"Ano! Ano kasi, merong humahawak sakin!"

"Anong humahawak? Wala namang humahawak sakin." well except na lang kung may tumutulak saking mga taong tumatakbo o natatakot. Sa sobrang sikip kasi at sa daming natatakot dagdag pa ang kadiliman ng palagid ay nagkakaapakan na ng paa at nagkakatulakan na.

"Ano.. eh... EEEEK!" sumigaw nanaman sya.

"Huy, ano ng nangyayari? Anong humahawak sayo?" nagpapanic na ako sa babaeng ito, hindi ko malaman kung anong nangyayari sa kanya.

"MAY---- MAY--- MAY NANGHAHAWAK SA PWET KO! MAY NANGMAMANYAK SAKIN!!" humigpit yung hawak nya sakin at maririnig mo sa boses nya yung takot.

Naalarma naman ako sa sinabi nya, nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin yung sinasabi nyang nanghahawak sa kanya pero sa sobrang dilim at dami ng tao hindi ko magawang mahanap kung asan yung manyakis.

"Halika dito," wala na akong naisip na paraan kundi higitin sya palapit sakin at yakapin para maprotektahan sya sa nangmamanyak sa kanya.

"T-teka..." nabigla nyang sabi habang nakahawak sya sa dibdib ko.

"Ssh. Ganto tayo hanggang sa makalabas tayo para hindi ka mahawakan ng kung sinu sino dyan."

"Eh? Pero paano tayo maglalakad?"

"Eh... oo nga noh?" antanga ko. Paano nga kami maglalakad ng magkayakap. =__=

"Wag na, baka wala na din naman yun." tinulak nya ako ng mahina para makawala sa yakap ko.

Pero as soon as nahiwalay sya sa yakap ko eh bigla ulit syang sumigaw, "EEEK!!!"

This time, mas aware ako sa pangyayari kaya naman pagkasigaw na pagkasigaw nya ay hinanap ko kaagad ang manyakis at nahuli ko ang isang lalaking nakangisi na malapit sa kanya na palayo pa lang ang kamay sa pang-ibaba ng babaeng ito. Hinawakan ko kaagad ang kamay ng manyakis bago pa ito makalayo.

"HOY, KANINA KA PA HA!" sigaw ko dito.

"Eh? Anong nangyayari? Sino kausap mo?" naguguluhang tanong sakin ng babaeng ito.

Hinigit ko lang sya palapit saking tabi para mailayo sa lalaking kasalukuyang hawak hawak ko pa rin ang kamay.

"NAHULI KO NA ANG NANGMAMANYAK SAYO! ETO SYA OH!"

"Hoy brad, bitawan mo kamay ko!" sigaw sakin nung manyakis, "Anong nangmamanyak? Anong pinagsasabi mo?!"

"Wag ka ng magdeny pa, huling huli ka na eh." pinilit nyang tanggalin ang kamay nya sa pagkakahawak ko pero hinigpitan ko lang ang hawak ko dun para hindi sya makatakas.

"Sabi ng  bitawan mo ako eh!" hindi ko inaasahan ang susunod nyang gagawin, bigla nya akong sinuntok gamit ang free hand nya.

Nakabawi naman agad ako sa suntok nya kaya bago pa sya makatakas eh hinigit ko ang shirt nya mula sa likod nya at iniharap sakin para masuntok ko din sya sa mukha nya, "Manyak ka na nga, duwag ka pa!"

"Tangshett 'to ah, sino ka ba? Angas mo?" babalikan nya sana ako ng suntok pero this time nailagan ko ito. Tinuhod ko sya at tinulak ng malakas at dahil dun napasubsob sya dun sa mga tabing props ng haunted house, nasira tuloy ito at naka-caught ng attention ng maraming tao kabilang na ang mga operator ng haunted house.

"Hoy, hoy ano yan!" may mga dumadating ng staff.

"Pagbabayaran mo 'to, tandaan mo yan. Hindi ako marunong makalimot ng mukha." binantaan nya pa ako bago tumayo at nagmadaling lumabas ng haunted house. Hinabol sya ng mga staff pero ewan ko lang kung nahabol sya.

Nag-explain na rin kami sa kanila pero hindi nila kami pinakinggan kaya pinalabas na nila kami ng park.  =__=

"Ampupu. Sayang naman, bakit ganun sila pinalabas nila tayo!" nakaupo kami sa isang bench at yung mga siko nya nakapatong sa binti nya habang nakahalumbaba sya at humahaba ang nguso.

Kung titignan mo talaga, yung mga ugali at kilos nya parang ugali ng isang 5yrs old.

Number 7: That girl is so childish.

Akalain mo yun, malapit na akong matapos sa list ko? 3 na lang. Yezzz!!

"Wala tayong magagawa, nagcause tayo ng gulo eh so we ended up being kicked out."

"Eh hindi naman tayo ang nagsimula eh, yung manyakis na yun! Hala speaking of manyakis," bigla syang umayos ng upo at lumapit sakin, "Ayos lang ba ang sugat mo?"

Tinutukoy nya yung pumutok kong labi dahil sa suntok na natamo ko kanina, hindi naman grabe eh konting dugo lang yung lumabas sa gilid ng labi ko pero ngayon hindi na sya nagdudugo pero namumula pa rin.

"H-ha? Wala 'to." lumayo ako ng tingin sa kanya, bigla kasi akong nailang eh.

"Hindi masakit?"

"Hindi, hindi. Don't worry."

"Hindi masakit kung," nabigla ako kasi bigla nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at iniharap nya ako sa kanya, nagmeet yung mga mata namin, "Hahalikan ko?"

Then she kissed me.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro