Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Tatlong araw... Tatlong araw na hindi nagpakita at nagparamdam sa akin si Xaviour mula nang mangyari ang 'di inaasahan.

Gusto niya ako at gusto ko rin siya, pero hindi kami pwede. Buhay ako at siya'y patay na.

Patuloy ako sa pagsuklay ng buhok ko ng bigla kong makita sa salamin si Kit na papasok. Ano na naman kayang ginagawa niya dito?

"Ate!" Agad siyang lumapit sa'kin at bahagya pa akong niyakap bago umupo sa kama ko. "Hayst! Ate, wala ka bang plano?"

Pinagsasabi nito?

"Plano? Para saan?" nagtatakang tanong ko. "Ano bang ganap?"

"Ate, ano ka ba? It's your 18th birthday next week," mariing sagot niya na hindi ko na ikinagulat pa. Alam kong kaarawan ko na pero wala naman akong pakialam.

"Hmmmm. So, ano ngayon?" Nakita ko sa repleksiyon ng salamin ang pagsimangot niya. Akala mo naman siya itong may birthday kung maka-react.

"Ate, 18th birthday are special. Once ka lang mag ce-celebrate noon. Oh com'on, ate!" Ibinaba ko na ang suklay at tumayo para harapin siya.

"Walang special sa akin, Kit." Pilit ko siyang nginitian. "Okay na sa aking buhay ako at nakarating sa edad na iyon. That's all, Kit." Umupo ako sa tabi niya at huminga ng malalim. "Maybe, there's no celebration--"

Hindi niya ako pinatapos at agad siyang nagsalita. "Okay, fine." At 'yon, nag-walk out siya.

Yeah, Kit always remember me. Sana gano'n din ang mga magulang ko, at sana... Sana gano'n din si Xaviour.

Mariin akong napapikit nang muli siyang maalala. Narito pa rin kaya siya?













Ilang saglit pa ay lumabas na rin ako ng kuwarto at nagtungo sa ibaba kung saan nadatnan kong nag-uusap si lola at Kit, pero nang makita ako ni Kit ay agad din siyang umalis at nagtungo sa kusina. Napailing na lang ako ng dahil do'n.

"Apo," tawag sa akin ni lola at agad naman akong lumapit sa kaniya. "Mukhang may problema ata kayo ng kapatid mo."

Umupo ako sa tabi niya. "Ahm, nag tampo lang po siguro si Kit," sagot ko na lang.

"Gano'n ba? E, si Xaviour?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon. Hindi agad ako nakasagot. "Apo?"

"Ah, s-sino po, lola?"

"Apo, alam kong kilala mo siya." Nginitian ako ni lola, pero may kung anong pinapahiwatig 'yon na hindi ko naman maintindihan.

"K-kilala ko nga po, pero ikaw po? B-bakit kilala mo rin siya?" Hinawakan ni lola ang kamay ko.

"Dahil dito siya nakatira, at dahil nakikita ko siya. Pero ngayon, wala siya. Anong nangyari sa inyo, apo?"

Sasabihin ko ba kay lola? Natatakot ako.

"Lola, maaari ba 'yon?" Nakatitig lamang siya sa akin at alam kong handa siyang makinig. "Posible po ba 'yon? Posible bang mag mahal ka ng isang kaluluwa na lamang?" Ramdam ko ang panggigilid ng mga luha ko. "Lola, mahirap eh. Nahulog ako sa tulad niya, pero natatakot ako na baka... Baka isang araw tuloyan na siyang m-mawala." At tuloyan na ngang pumatak ang mga luha ko.

Lola hugs me tight. "Apo, may mga bagay talaga na imposible, pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan mo na patuloy siyang mahalin. Face your fears, apo," saad niya. "Alam mo ba, ang lolo mo nagpaparamdam siya sa'kin. At ito, kahit kaluluwa na lamang siya ay patuloy ko pa rin siyang inaalala at minamahal." Patuloy pa niya.

Umayos ako ng upo at tiningnan siya. "T-talaga po?" Tinanguhan niya ako at muling nginitian. Muli ko naman siyang niyakap ng mahigpit. Thank you, lola.


***

Sumapit na naman ang gabi at nanatili lamang akong tulala sa kawalan. Naghihintay at umaasa na makita kong muli si Xaviour.

Oo, hindi pa ako handang umamin sa kaniya pero hindi ko siya kakalimutan at patuloy ko pa rin siyang mamahalin, buhay man siya o patay na.

Lumapit ako sa may bintana at tinanaw ang bonggalo house. Maaari kayang nariyan si Xaviour ngayon? Muli kong naalala ang nangyari sa kaniya nang pumasok siya riyan.

Nakaramdam ako ng kung ano, parang may kung anong tumatawag sa akin upang pasukin rin ang bahay. Delikado kaya?













Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Ngayon ay naglalakad na ako patungo sa bonggalo house habang dala ang isang lampara. Napakatahimik, nakabibinging katahimikan.

Huminga ako ng malalim nang makarating ako sa tapat ng bahay. Naka-lock ito, pero susubukan kong buksan muli. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero basta ang alam ko lang ay may matutuklasan ako sa loob.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at nagtaka ako dahil nabuksan ko 'yon. Hindi ba't naka-lock ito? Nakita ko ang sirang kandado sa sahig. Anong meron? Anong nangyari?

Lalo akong nahingkayat na pasukin ang bahay. Tuloyan ko nang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Halos ubohin na ako dahil sa mga alikabok.
Kahit madilim ay pansin ko pa rin ang napakaraming kalat. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa tapat ng hagdan. Aakyat na sana ako pero natigilan ako nang marinig ang ingay na parang may mga taong nagbubulongan. Hindi ko pinansin 'yon. Nakarating na ako sa ikalawang palapag nang biglang may muli akong marinig na ingay. Parang may kung anong gamit na nabagsak. Kinakabahan na ako pero hindi ko magawang umalis, may kung ano akong dapat matuklasan.


May anino akong napansin sa pinto ng isang silid. Napangiti ako dahil dito, si Xaviour kaya ito?


"Xaviour?" Walang sumagot. "X-Xaviour i-ikaw ba 'yan?" Wala pa ring sumagot.


Teka, may anino ba ang multo?



Hahakbang na sana akong muli pero hindi ko na nagawa pa nang makita ang tatlong lalaki na lumabas sa isang silid. May mga dala silang patalim at mga gamit na sa tingin ko ninakaw nila. Mga magnanakaw. Ano ba 'tong pinasok ko?!




Unti-unti akong napaantras. Nais kong tumago ngunit nakita na nila ako. Halu-halo ang nararamdaman ko ngayon. Anong gagawin ko? Hahayaan ko na lang ba sila at tumakas na lamang ako?


"Uyyy, pare, babae!" Dinig kong sabi ng isang lalaki.


"Pag sinu-suwerte ka nga naman oh. Tsk, tsk, tsk." Papalapit na sila sa akin.




Kaunti na lang...


Agad akong tumakbo pero naabutan ako ng isa sa kanila at hinila ang buhok ko. "Wahhhh!" Napasigaw na lang ako dahil sa sakit ng pagkakapit niya sa buhok ko, sinasabunotan na niya ako. Grrr!

"Ano ba, bitawan mo 'ko, Wahhh!"

"E, pano kung ayaw ko? Ano ba kasing ginagawa mo dito, miss?"

"Blessing! Whahahaha!" Dinig ko ang mga usapan nila.

Pilit akong kumakawala hanggang sa lumapit na ang dalawa at hawakan ang mga kamay ko. Lalong hindi ako makapalag.

"A-anong bang kailangan niyo sa 'kin? Bitawan niyo 'ko!" Sigaw ako ng sigaw at umaasang may makakarinig sa akin. Nahulog na ang lamparang dala ko. Nanghihina na ako sa kakapalag. Wala pa silang nagagawa sa akin dahil pilit akong kumakawala pero nawawalan na ako ng lakas.

"Hayaan mo na kasi kami, gagamitin ka lang naman namin eh, sige na, miss beautiful." At nagtawanan sila.

Akala ko ay tuloyan na nila akong gagamitin pero nagulat na lang ako ng dumating siya...

"Walang pwedeng gumalaw sa kaniya!"

"X-Xaviour," mahinang usal ko.

"At sino ka naman? Prince Charming? Hahahaha!"


"Huwag ka nang mangialam, pare, baka masaktan ka lang."



"Oh really? Sinong tinakot mo? And don't call me 'pare' tsk!" Napangiti na lang ako, that's my Xaviour.



"Aba, ang yabang mo ah!" Agad na sumugod sa kaniya ang dalawa at nabitawan ang kamay ko pero hindi pa rin ako pinapakawalan ng isa sa kanila na ngayon ay kapit pa rin ang buhok ko habang nakapulupot sa akin ang kaniyang mga braso, sinasakal niya ako.

Agad na nagpakawala ng suntok ang isa at ang isa naman ay hahawakan sana si Xaviour pero laking gulat nila dahil tumagos lamang ang mga banat nila kay Xaviour.

Nagkatinginan ang dalawang kumag nang bigla ring maglaho si Xaviour sa harap nila.

"Boo!" At nasa likod na nila si Xaviour ko.

"Wahhh! Multoooo!" Agad silang tumakbo at naiwan ang gamit na ninakaw nila.


"A-ano? M-multo? Wahhh!" Napasigaw na rin ang may hawak sa akin dahil sa takot at hindi na rin nagdalawang isip pang tumakbo.


Natumba na lang ako nang bitawan na niya ako. Nakakapanghina.

"Hey, Dream!" Agad namang lumapit sa akin si Xaviour at inalalayan ako. "Kaya mo pa ba?" Tumango ako.

"Yeah, k-kaya ko pa." Pilit akong tumayo ng maayos at humarap sa kaniya. "S-saan ka galing?"

"Ah, somewhere---" Hindi ko na siya pinatapos pa at agad ko siyang niyakap ng mahigpit na ikinagulat naman niya.

"Huwag ka nang biglang maglalaho pa nang walang paalam," bulong ko.

"I can't promise, Dream, but I will."
Then he hugs me back.
















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro