Chapter 6
"There's something weird. Bakit may mga alaala na hindi ko maintindihan?" bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig ito ni Xaviour.
Sa mga oras na ito ay naglalakad na kami pabalik sa mansion.
"Hmmmm, we're same." Hindi na ako umimik pa, ayaw ko na pag-usapan pa 'to, lalo lang gumugulo ang isip ko.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa mansion. Napakaraming armadong tao ang nakapaligid sa bahay. Anong nangyayari?
Dali-dali akong pumasok at natagpuan kong magkausap ang Mayor at si Yuki. Marahil ay nalaman na niya ang nangyari kagabi.
"Damn, Yuki! Wala ka talagang balak ipaalam sa'kin?!" Nanginginig na sa galit si Mayor Chen. Ganito nga siguro ang anak niya, pasaway at nagsasarili ng mga problema. "Alam mo namang marami akong kalaban sa politika at ano mang oras ay maari kang mapahamak!"
"D-dad, please! I'm so sorry but, dad I can handle this naman. Please, magtiwala ka."
Napakamot na lang ng ulo si Mayor Chen. "Can't you understand? Pwedeng ikaw ang target nila because you're my weakness, you're my son! D*mn it! Nawala na ang pinsan mo, at ayaw ko nang maulit iyon."
Pinsan? May pinsan si Yuki?
Napabuntong hininga naman si Yuki. "Fine dad, mag-iingat ako."
Akala ko ay hindi nila ako napapansin pero naramdaman pa rin nila ang prisensiya ko. Si Yuki ang unang naka pansin sa'kin at napitingin na rin pati sila mayor.
God! Nakakahiya, mukhang hindi ko dapat narinig ang mga 'yon.
"Hey, Dream!" Pilit akong nginitian ni Yuki. Napayuko na lang ako.
"S-sorry po, akyat lang muna ako." Nakayuko akong naglakad patungo sa kwarto ko. Tahimik na nakasunod lamang sa akin si Xaviour. Hindi ko makuha kung ano man ang maaaring iniisip ni Xaviour sa mga oras na ito. Nakatingin lang siya sa'kin pero kakaiba. Hindi ko talaga maintindihan.
Dumeretso ako sa kuwarto ko at kumuha na lang ng libro upang mag basa.
"Dream?"
"What?" Tinaasan ko ng kilay si Xaviour.
"Nothing..." Batid kong may gustong sabihin si Xaviour pero hindi niya lang magawa, at kung ano man ito ay dapat kong malaman.
Lumabas ako ng kuwarto ko ay hapon na, naiwan si Xaviour mag-isa at nagbabasa lang ng libro. Paglabas ko ng aking silid ay bumungad sa akin ang mga tingin ni Yuki.
"Anong kai--" Hindi niya ako pinatapos at agad na hinili papalayo sa tapat ng kuwarto ko.
"Wait, saan mo'ko dadalhin?" Hindi niya ako sinagot. Namalayan ko na lang na nasa kabilang side na kami nitong mansion, sa may terrace.
Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala rito.
"Dream, sorry for what happened last night and kanina..." Napayuko siya sa harap ko.
"No, It's okay. Pero, Yuki bakit ba kasi?"
"Why?" nagtatakang tanong niya.
"Bakit lagi mong sinasabi na kaya mo, na ikaw na bahala, Yuki hindi naman siguro kailangang sarilihin mo. I'm sure sinasabi mo lang na kaya mo pero---" Hindi niya ako muling pinatapos.
"Pero hindi naman? Yeah, I know. Masyado na yata akong bilib sa sarili ko. Sorry. Nasanay na akong mag-isa, mag-isang gawin ang lahat, mag-isang mag plano, at mag-isang kayanin ang lahat. Nakakapagod, Dream but I need to, para naman kahit papano maging proud din sa'kin ang mga magulang ko, lalo na si dad." paliwanag niya.
"Don't worry, I know naman na proud sila sayo. And Yuki, hindi ka nag-iisa andito ako, andito kami." tinapik ko pa siya sa balikat niya. Sana makatulong 'to.
"Really?" Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mga balikat niya. Hindi na ako makagalaw pa, tanging nagawa ko na lang ay ang tingnan ito.
"Thanks, Dream!" At ngumiti siya sa'kin ng napakalapad. I'm happy, kahit papano ay natutulungan ko ang iba na maging okay. Yeah, not really okay pero at least diba?
Akala ko ay hanggang dito na lang ang usapan namin ni Yuki pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. My heart beat so fast. Wala na akong ibang ginawa kun'di ang yakapin siya pabalik. Sana ay mas lalo siyang maging komportable... Habang ako ay hindi.
We hug each other so tight, then I saw Xaviour watching us... Then his tears falls down.
God! What I've done?!
Agad akong bumitaw sa pagkakayakap kay Yuki.
"Y-yuki, ah sige b-balik na ako sa kuwarto ko." Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Yuki at agad akong tumakbo upang habulin si Xaviour.
Sana ay hindi siya biglang mag laho.
"Hey! Xaviour!" I don't know, but I feel guilty for that.
Hindi niya ako nilingon, sigaw ako ng sigaw. Pangalan lang niya ang tanging lumalabas sa bibig ko. Oh my, Xaviour.
"Xaviour, please." At sa wakas ay huminto na siya.
Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay. Ano nga bang dahilan at bakit siya nagkakaganito?
"Xaviour, sorry. Hindi ko alam kung anong dahilan pero basta sorry." Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Mga matang puno ng pag-aalala, lungkot, at sakit.
"A-ano bang nagawa kong mali? Please, tell me." Halos maluha na rin ako, hindi ko siya kayang tingnan ng diretso sa kaniyang mga mata. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay bibigay na rin ang mga luha ko.
Bakit ang sakit na makita siyang ganito?
"I don't néed to explain pa, Dream. Huwag mo na lang akong pansinin, b-baliw na nga siguro ako. Haha!" Nagawa niyang tumawa pero yung tawang pilit, yung tawang... Malungkot.
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya.
"Xaviour, hindi kita maintindihan."
"Yeah, Dream, you can't."
"Then, ipaintindi mo sa'kin!"
"G-gusto mo talagang malaman kung bakit?" Sa puntong 'yon ay parang bigla na lang akong kinabahan at hindi na makasagot pa. "Hey, Dream, tell me. Gusto mo ba talagang malaman?" Ngayon ay parang bumaliktad na ang lahat.
"Oo," maikling sagot ko.
"Because..."
"Because of what, Xaviour?!" Natataranta na ako.
"Because, I want you!"
And then again... my heart beat so fast, hindi ako makapaniwala. Niloloko lang ba ako ni Xaviour? Hindi e, hindi maaari. Napaka imposible.
"W-what?" Gusto ko ulit marinig, gusto kong makasigurado.
"Because I want you, Dream." Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. "Yeah, I want You, I really did."
"Pero Xaviour, hindi maaari. Buhay ako at ikaw... P-patay ka na." At naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na napigilan pa.
"Yeah, I know. Kaya nga I'm scared to confess," saad niya habang naka-yuko. "But, Dream, you don't need to like me or l-love me back." Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti.
"Good bye for now." At muli siyang nag laho.
Bakit ang sakit? Hindi ba talaga kami pwede. Hindi ko masabi sa kaniya na gusto ko rin siya, pero natatakot ako. Natatakot ako na isang araw bigla na lang siyang mawala, na isang araw bigla na lang niya akong iwan. At hindi ko kakayanin 'yon.
Bakit ganito? Can anyone answer me? Anong dapat kong gawin? I l-like him, mahal ko na nga ata siya sa loob ng ilang araw naming pagsasama. Yeah, I don't know how, basta ang alam ko lang ay nahulog na ako sa kaniya. Parang matagal na kaming may koneksyon sa isa't isa kaya ganito na lang ang nararamdaman namin. Pero mali ito...
Nahulog ako sa maling tao.
Hindi!
Nahulog ako sa maling panahon, at iyon ang masakit do'n.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro