Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


¦ Lost in words, Hidden in Lies. Memories forgotten. Silent Goodbye.¦

~Imanuel


****

Tanghali na akong nagising at nakita ko na lang si Xaviour sa may bintana habang pinag mamasdan ang bonggalo house na malapit dito sa mansion.

Dahan-dahan akong tumayo at nag-inat ng katawan bago lumapit kay Xaviour. Alam kong alam ni Xaviour na papalapit ako sa kaniya pero 'di man lang siya humarap.

Umupo ako sa tabi ni Xaviour at tumingin rin sa pinag mamasdan niya.

"How's your sleep, Dream?" tanong niya pero hindi pa rin ako nililingon.

"Maayos naman." Tipid akong ngumiti. "Ikaw ba?" tanong ko pabalik.

"Nahhh, hindi ako natutulog, magdamag lang kitang binantayan."

Talaga?

"Ahmmm, l-labas tayo. Alam mo gusto kong puntahan 'yang bonggalo at 'yang gubat, gusto kong malaman kung anong meron."

"Let's go, then."

***

Tahimik lang kaming naglakad ni Xaviour hanggang makarating kami sa tapat ng bonggalo house, at tama nga ako na matagal na talagang walang nakatira dito. Lumapit kami sa may pinto at sinubukang buksan ito pero nabigo kami.

"Naka-lock, Xaviour pano 'to? Mukhang sa gubat na lang ata ang punta natin." Hindi pinansin ni Xaviour ang sinabi ko at dali-dali siyang nag lakad patungo sa pinto. Akala ko ay susubukan niyang buksan pero hindi, tuloy-tuloy lang siya sa pag lakad hanggang lumampas na siya sa pinto.

Wahhhh! Tumagos siya sa pinto? Malamang, multo eh. Pero, OMG!

Akala ko rin ay pagbubuksan niya ako ng pinto mula sa loob pero ilang minuto ang lumipas ay walang pintong bumukas at walang Xaviour na lumabas.

"Xaviour? Andyan ka pa ba? Pabukas naman ng pinto oh, Xaviour?" Halos mag dabog na ako sa labas pero wala pa ring nangyari. Hindi ko alam kung anong problema ni Xaviour 'di ko pa rin talaga siya maintindihan.

Napaupo na lang ako sa gilid at yumuko sa mga tuhod ko, halos makaidlip na ako sa kakahintay kay Xaviour hanggang sa...

Narinig ko na lang ang pagdaing ni Xaviour sa gilid ko. Ngayon ay nakaupo na rin siya sa tabi ko at nakahawak sa kaniyang ulo habang iniinda ang sakit.

"O-okay ka lang?" Hindi ko na naman alam ang gagawin ko, hindi ko nga rin alam kung bakit nangyayari ito kay Xaviour.

"Dream, some memories.... Ahhh!" Hindi maituloy ni Xaviour ang sasabihin dahil sa sakit ng kaniyang ulo. Tanging nagawa ko na lang ay ang hawakan ang mga kamay niya at alalayan siya.

"It's okay,Xaviour. Huwag mo munang piliting alalahanin ang lahat." Ilang saglit pa ay may mga luha nang tumulo sa mga kamay ko na nakahawak kay Xaviour.

Umiiyak siya? Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya nakitang lumuha. Mukhang hindi na talaga niya kaya.

"How can I comfort you, Xaviour?" Lalong humigpit ang hawak ko kay Xaviour dahil pati ako ay nakakaramdam na rin ng sakit, nasasaktan ako dahil nakikita kong nahihirapan at nasasaktan si Xaviour.

Isinandal ko si Xaviour sa mga balikat ko. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin, tanging ito lang ang alam ko. Sana ay mapakalma ko na si Xaviour. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya sa loob at kung bakit rin nangyayari sa kaniya 'to.

Ilang minuto kaming mag kasama ni Xaviour, sa tapat ng bonggalo house habang magkahawak ang aming mga kamay, habang nakasandal siya sa mga balikat ko... Sana ay okay na siya, sana'y napakalma ko siya sa ganitong paraan.




















"I'm okay now, Dream." Umalis sa pagkakasandal sa balikat ko si Xaviour. "Thank you! Pwede bang kalimutan na lang natin 'to? Halika na." Tumayo siya at iniabot niya sa akin ang kamay niya. Inalalayan niya akong tumayo.

Okay na nga ba talaga siya?

"Uuwi na ba tayo?"

"No. May gubat pa. Hahaha!" Okay na nga siya.







Magkasama kaming nagtungo sa gubat. Dinig ang bawat yapak namin sa mga dahong nagkalat sa daan. Malamig ang simoy ng hangin, bawat kumpas ng mga sanga ng puno ay kasabay ng malalim kong paghinga, ano kaya ang mayroon sa gubat na ito at ganito na lang ang pakiramdam ko?

Nakarating kami sa bandang gitna ng kabutan at napangiti na lang ako sa 'di malamang dahilan nang makita ang duyan na gawa sa kawayan at lubid na nakatali lamang sa dalawang magkalapit na puno. May pintura pa itong kulay asul pero unti-unti nang kumukupas. Dali-dali akong tumakbo patungo roon at iniwan si Xaviour na mag-isang kalmadong naglalakad.

Agad akong umupo sa duyan at dinama ang hangin. Hindi ko maintindihan, basta masaya ako, basta ang gaan ng pakiramdam ko, basta gustong-gusto ko rito.

Nakalapit na sa akin si Xaviour at nagtungo siya sa likod ko. "Gusto mo bang iduyan kita?" tanong niya. Hinawakan niya ang magkabilang lubid.

"Sige ba!" masiglang sagot ko.

Dahan-dahan niya akong idinuyan. Dama ko ang masarap na simoy ng hangin. Nakangiti lang ako sa bawat galaw ng duyan. Masaya na ako sa ganito. Tahimik ang paligid, malaya kang makakapag-isip, at kasama ko pa ang isang multong tulad ni Xaviour. Sana'y lagi na lang ganito.

Pagbigyan sana ang hiling ko.

Akala ko ay ayos na ang lahat... Habang bumibilis ang galaw ng duyan ay siyang kasabay ng pagbalik ng mga alaala sa aking isipan. Hindi ko alam kung saan nag mula ang mga alaalang ito. Hindi ko maintindihan. Magulo.

"Paunahan, kung sino ang mahuhuli manlilibre ng empanada!" tinig ng isang batang babae. May mga bata na nagtatakbuhan patungo sa lugar na ito.

Dito mismo sa lugar na ito, dito mismo sa duyan... May dalawang bata, isang babae at lalaki pero malabo ang mga mukha nila at hindi ko kilala. Nagtatawan sila nang biglang naglaho ang lahat.

Madilim at may babaeng umiiyak sa isang madilim na silid habang yakap ang isang jacket. Pamilyar sa akin ang jacket.

Muling naglaho ang lahat hanggang sa isang binatang lalaki pero malabo ang mukha na lang ang nakikita ko, at nakahandusay siya sa sahig na puno ng dugo na siyang nag mula sa kaniyang ulo.

Ano ito? Anong meron? Sino sila? Sino siya?

"Xaviour..." tinawag ko ang pangalan niya pero hindi siya sumagot. "Xaviour, hinto! Ihinto mo!" Itinigil naman niya ang pagduyan sa akin.

Napahawak na lang ako sa aking sintido dahil sa mga nangyari. Kaninong alaala 'yon? Sa'kin ba? Pero imposible.

"What happened, Dream? Are you okay?" nagaalalang tanong ni Xaviour, tinanguhan ko lang ito.

"S-siguro mabuti kung umuwi muna tayo, medyo masakit kasi ang ulo ko. B-balik na lang tayo dito bukas." Pinilit kong ngumiti.

"Are you sure you're okay? Okay then, uuwi na tayo but tell me what really happened first? Nahilo ka ba sa lakas ng pagduyan ko?"

"May mga alaala..." Napayuko ako, bakit hindi ko masabi? Muling nawawala ang mga alaala sa utak ko, alaala nga ba 'yon o nananaginip lang ako ng gising? "Hindi ko maintindihan, Xaviour... uwi na lang tayo." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Xaviour, agad akong nag lakad paalis.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro