Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4


"Ate?!" Kumatok sa pinto ko si Kit at agad ko naman itong pinagbuksan at pinapasok. "Wow ang ganda ng damit mo ah." Naupo siya sa kama ko.

"Damit ko lang talaga?" Muli akong humarap sa salamin at pinagmasdan ang suot ko. Malamig ang panahon ngayon kaya't naka sweater ako at skirt na gamusa ang tela. Nakasuot rin ako ng kumportableng sapatos.

"Bagay sa'yo ang simpleng kasuotan." Dinig ko ang boses ni Xaviour na bumulong sa aking tainga. Lumingon naman ako sa kanan ko kung saan pakiramdam ko ay naroon siya, pero nag kamali ako sapagkat 'di ko siya nakita.

"What is it, ate?" Kit asked, umiling lang ako bilang sagot.

"Hey!" Napalingon kami sa may pinto at bumungad sa amin si Yuki na simple lang rin ang suot, plain maroon shirt with jacket. "Let's go na?" Tinanguhan namin siya ni Kit.

Nauna silang dalawang bumaba, bago ako. Where the hell is Xaviour? Naupo muna ako sa kama ko at nag hintay, mga limang minuto pa ay walang Xaviour na nag pakita. I'm just wasting my time for that ghost.

Padabog kong kinuha ang aking bag at tsaka binuksan ang pinto,pero laking gulat ko ng bumungad sa 'kin ang naka  sandal sa pader at naka-cross arms na si Xaviour. His eyebrow arch when he see the whole me. Patay ang ilaw dito sa hall way, at tanging liwanag mula sa sikat ng palubog na araw lamang  ang nag silbing liwanag. He's waring Yuki's white shirt and denim jacket 'again'. Pero mas malakas ang dating ni Xaviour kumpara kay Yuki.

"Bakit ang tagal mong lumabas? Kanina pa ako nag hihintay sayo. Remember what I said? Hindi dapat pinag hihintay ang mga cute na multong katulad ko," saad niya at agad na nag lakad. Ngayon ay nasa unahan ko na siya at patungo na kami sa baba.

Wala siyang pakialam sa 'kin? Eh samantalang ang tagal kong naghintay sa kwarto! Eh wala nga siyang pasabi man lang na nasa labas na siya. What an idiot ghost.

"Hoy multong 'di naman cute! Hintayin mo nga ako. Feeling buhay, patay naman!" Para akong na-guilty dahil sa huli kong sinabi. Ang immature ko masyado.

"Yeah!" Huminto siya sa pag lalakad at humarap sa 'kin habang nakapamulsa.

"I'm not alive, I'm dead. Are you happy now? Look, Dream. I need your help not your damn words that makes me hurt!"

Hindi ako makaimik, nakatitig lamang ako sa kanya at 'di alam ang isasagot.

"S-sorry," tanging naisagot ko. Napayuko na lang ako.

"It's okay, haha! 'di pa ako nasanay." Hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang lamig niya, pero napapainit niya ang pakiramdam ko. Eh? Weird. "Let's go." At sabay na kaming nag lakad.



























***

Nangibabaw ang katahimikan habang nasa biyahe kami. Pinapunta muna ni Yuki ang isa sa kasambahay nila upang samahan at bantayan si lola habang wala kami.

Katahimikan lang at wala ng iba, ang weird. Ngayon ay nasa likod kami at katabi ko si Xaviour, habang si Kit ay nasa unahan. Si Krish naman ay sa tabi ng driver's sit kung saan nakaupo si Yuki at nag mamaneho. Waring 'di nila nararamdaman ang presensiya ni Xaviour.

Nakatuon lamang ang pansin ni Xaviour sa labas ng bintana. "Hey! Soundtrack naman diyan!" pambasag ni Kit sa katahimikan.

"Oh yeah, sure." Yuki opened the stereo.

I want to tell you something.

I really, really, really like you.

I want you, do you want me, do you want me too~~

Pagsabay ni Kit sa kanta, bahagya naman akong natawa.

"Ang swerte mo, may kapatid kang ganiyan." Dinig kong sabi ni Xaviour, ngunit nasa labas pa rin ang tingin.


"Anong swerte do'n?" Humarap na siya sa akin habang naka ngiti.

"Because you have a brother like him, makulit, cute, at higit sa lahat... inaalagaan ka," paliwanag niya. Wala na bang ibang masabi 'to kaya ito ang topic namin ngayon?

"Wala ka bang kapatid?"

" I don't know, hindi ko ramdam na may kapatid ako." Napapansin ko na naman ang pag lungkot ng mga mata niya.

"But you still feel your family... Right?"

"Yeah, pero hindi ko pa rin alam kung sino at nasaan sila." Malungkot na naman ang usapan namin. Ang sabi ko pa naman masasayang alaala ang bubuohin namin, not like this. A sad memories.

"Crap! Let just enjoy the day," putol niya sa malungkot na usapan.

Malapit na kami at wala ng mga bahay sa parteng ito, gubat na lang, sa bundok yata kami pupunta eh. Hahaha!

"Hey, ate. May foods ba diyan?" Mula sa unahan ay sumilip sa'min si Kit at naghahanap ng makakain. Inabot ko ang mga pagkain na pinamili nila Krish, nasa puntong ibibigay ko na ito kay Kit ng biglang tumigil ang sasakyan. Muntik na akong mauntog pero maramdaman ko na inalalayan ako ni Xaviour.

"What heppend?" tanong ko. Nakita ko namang bumaba si Yuki at may tiningnan sa unahan ng sasakyan.

"What is it?" tanong naman ni Kit. Sumilip rin siya mula sa bintana.

"OMG!" sigaw ni Krish kaya't agad kaming na alarma.

"What's wrong Krish?" Lumapit ako kay Kit at Krish, at ngayon ay nasa pagitan na nila ako.

"Shit!" I heard Yuki's voice, agad akong lumabas. Madilim na at sa tingin ko ay 6:00 na. Tapos dito pa kami huminto sa kawalan.

"Anong nangyari Yu--" Napatapik ako sa noo ko ng makita na butas ang gulong.

"A gun shot!" Bahagya kong nilingon si Xaviour na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Huh? Gun shot?" Nagtataka pa rin ako at halo-halo na ang iniisip ko. Gun shot?

"Dream, are you sure?" Lumingon sa'kin si Yuki. I'm not sure, si Xaviour ang nag sabi.

"It's gun shot from nowhere. Someone is following us a-and..."  hindi naituloy ni Xaviour ang sasabihin niya nang biglang lumiwanag sa gawi namin.

Ang liwanag ay nag mula sa paparating na sasakyan. Hinintay namin ito hanggang sa huminto sa tapat namin.

Lumabas mula sa kotse ang isang magandang babae na sa tingin ko ay edad 35 pataas. Ang ganda niya at... Napatingin ako kay Xaviour ng marinig ko ang pagdaing niya.

Nakahawak na siya sa kaniyang ulo habang nakatitig sa babaeng papalapit sa'min. Lumapit ako agad sa kanya at inalalayan siya. Sana ay hindi mapansin ito ng iba, baka mag taka sila sa ikinikilos ko.

"Okay ka lang?"

"Y-yeah, I'm fine." Pinilit niyang umayos ng tayo.

"Oh, thank you so much. I'm glad to see you again tita," sabi ni Yuki sa babaeng kaharap niya. Tita? Tita niya ang napaka-gandang babaeng 'to?

"Hey guys! Dito na muna tayo sa kotse ni tita Gale, tutal malapit na raw ang pupuntahan natin." Agad na kinuha ni Yuki ang mga gamit sa sasakyan at pinababa na sila Kit.

Lumapit naman sakin ang tinutukoy ni Yuki na tita Gale.

"Hi! Ang ganda mo naman, ija. You look so familiar,"aniya.

"P-po? Hmmm... I don't remember anything." Nginitian niya lang ako, nakita ko na may lungkot sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako.

"A-ano pong problema?" tanong ko.

Umiling lang siya. "Nothing ija, I'm fine. I just feel something weird, a familiar presence that makes me feel sad."

Nagtaka naman ako kung ano 'yon. Nanatili si Xaviour sa tabi ko at pinagmamasdan ang babaeng ngayon ay kaharap ko.

"Let's go tita Gale, malapit nang dumilim," Sabi ni Yuki habang sinasakay ang mga gamit sa kotse ni tita Gale.

"Let's go, ija?" Hinawakan niya ako sa braso at nagtungo na kami sa sasakyan.

Pag lpasok ko ay espasyo na lamang para sa akin ang mayroon, at wala ng para kay Xaviour. Damn! Naiinis ako sa puntong ito. Paano si Xaviour? Mag lalaho na naman ba siya?

Agad hinanap ng mga mata ko si Xaviour pero wala na ito sa paligid. Shit! Sorry Xaviour.

Matamlay akong sumakay sa kotse. Hanggang kelan magiging ganito? Hanggang kelan mararamdaman ni Xaviour na 'di na siya belong sa mundong 'to? Sa mundo ng mga buhay.





***

"Kailangang malaman ng daddy mo 'yon Yuki," sabi ni tita Gale kay Yuki, habang nag mamaneho. Ihahatid na raw kami ni tita Gale sa pupuntahan namin at ipapasundo na lang kami.

"Nahhh! No need." Ganon lang' yon? Damn, Yuki!

Gusto kong sumabat sa usapan pero may kung anong pumupigil sa'kin at sinasabing manahimik na lang.

"It's a gun shot, Yuki! Hindi basta-basta na-flat ang gulong niyo!" mariing sabi ni tita Gale, and I'm agree with that.

"Yeah, I know tita... But please don't tell this to my dad, I can handle this." Mayabang na sabi ni Yuki. Damn! Naiinis ako sa lalaking 'to.

Nanatiling tahimik kaming dalawa ni Kit, samantalang si Krish ay nakatulog na.  Nakikinig lang kami sa usapan nila Yuki. Akala ko ay magandang alaala ang maibibigay ko kay Xaviour. I really feel sorry for him.

"Okay then. Pero sa nangyari, tutuloy pa rin kayo sa pupuntahan niyo?"  Sasagot na sana si Yuki kay tita Gale ng bigla akong sumabat.

"I suggest, no. Huwag na lang, maybe next time. Hindi ganon kadali ang pangyayari, hindi natin alam kung saan nag mula ang bala ng baril na tumama sa gulong ng sasakyan natin." Napakunot na lang ang noo ni Yuki.

"Malay mo ligaw na bala lang iyon," usal niya. "Tsk! Don't mind it anyway, let's go home na lang." Hindi na nagawang kumontra pa sa'kin ni Yuki.

























Nakauwi na kami, and thanks to tita Gale. Agad na dumeretso sa kaniya-kaniyang silid sila Yuki, at naiwan kami ni tita Gale sa labas.


"Hey ija, dito ka pala nakatira. Kaya pala, you're look so familiar to me." Nakita ko na naman na parang naiiyak si tita Gale at 'di ko na naman maintindihan kung bakit.

"O-okay ka lang po?" Nag tanong na'ko dahil baka sakaling maintindihan ko na ang lahat.

"Yeah, I'm fine. Don't mind me, ija. Sige na pumasok ka na." Patagong nag pahid ng luha si tita Gale. Wala na akong magawa kun'di ang hayaan na lang siya at hayaan na lang rin ang mga katanungan sa isip ko.


Isinara ko na ang pinto at alam ko na nag papahinga na sila lola kaya dumeretso na lang rin ako sa kwarto ko.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at nag hihintay na muling magpakita si Xaviour. Nasaan na naman kaya ang multong 'yon.

Halos mapapikit na 'ko sa pagod at antok pero wala pa rin si Xaviour... Hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog.

Malalim na ang tulog ko pero ramdam ko parin ang pamilyar na presensiya ni Xaviour, naramdaman ko na umupo siya sa gilid ng kama ko.

"X-Xaviour?" mahinang usal ko.

"Yeah, it's me. I'm okay, now back to sleep" malamig na boses na sabi niya. "Goodnight, sweet dreams, milady."

At naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking noo na nakapagpagaan ng pakiramdam ko.

Goodnight, Xaviour. Huwag ka sanang umalis sa tabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro