Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Mula nang mangyari ang eksena sa pagitan namin ni Xaviour kahapon ay hindi na siya muling nagpakita pa. Akala ko ba ay ayaw na niyang mag-isa, tapos ngayon ay 'di na siya nagpaparamdam.

"Dream?" tawag ni Yuki mula sa labas ng aking silid. "Puwede mo ba akong samahan sa bayan?" Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Bumungad ang malawak niyang ngiti.

"Sure," maikling sagot ko. "Wait for me, mag bibihis lang ako." Tinanguhan niya lang ako.














Ngayon ay nasa Bayan na kami at masyadong awkward ang pakiramdam sa pagitan namin ni Yuki. Walang nag sasalita habang nasa biyahe kami hanggang ngayon.

"Saan ba tayo pupunta? Mamimili ka ba?" tanong ko pang basag sa katahimikan.

"Ah, kukunin ko lang 'yung pinaayos kong gitara," medyo nahihiyang tugon niya.

Nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang makarating sa isang music shop, at siguro ay dito niya pinaayos ang gitara niya.

"Mahilig ka pala sa music? Marunong ka palang mag gitara?" Nasa labas na kami ng shop at sumusunod lang ako kay Yuki kung saang direksiyon siya tutungo.

"Yeah, I love music and marunong akong mag-guitar. Gusto mo turuan kita?" he asked then smiled at me.

"Naku! 'wag na, baka makaabala ako." Hindi gano'n kakapal ang face ko para magpaturo o abalahin ang tulad niyang anak ng mayor.

"It's okay." Hindi ko na siya sinagot pa hanggang makarating kami kung saan naka-park ang sasakyan niya at laking gulat na lang namin dahil ang dami ng tao at mga camera man.

Inaabangan yata nila si Yuki at ayaw kong madamay. "Oh here we go again," inis na sabi niya ng makalapit ang mga tao sa kanya para mag pa-picture at upang mag-interview. Ganyan ang buhay ng anak ng mayor dito. Sikat 'di lang dahil anak ng mayor kun'di gwapo rin kaya tinitilian ng mga babae, maliban lang yata sa 'kin.

Halos maipit na ako sa dami ng taong nakapaligid kay Yuki pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko na kinapitan niya mula ng dumugin siya ng mga tao.

Nasasaktan na ako kaya pilit akong bumitaw.

Ganyan naman diba? Kailangan mo ring bumitaw kapag sobrang sakit na.

Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis sa pagkarami-raming mga tao. Dumeretso na lang ako sa kotse ni Yuki. Sumandal ako at saglit na pumukit para ipagpahinga ang katawan ko. Ilang saglit lang akong pumikit at pagmulat ko ay may naka upo na sa tabi ko.

Pamilyar ang presensiyang 'yon, dahan-dahan akong lumingon at tama ako ng hinala.

"A-anong ginagawa mo dito? Pa'nong--" Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko nang takpan niya ng kanyang malamig na kamay ang bibig ko.

"Sorry for what happened yesterday," napatungo siya sa sinabi niya. "Dream, tutulungan mo pa rin ba ako?"

Tinanggal na niya ang kanyang kamay sa bibig ko.

"No!" Iniwas ko ang tingin sa kanya at nag-cross arms.

"Attitude!" I heard him chuckled. "Don't be like that milady, sige na tulungan mo na ako." Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ito habang nakakunot ang noo.

"Hayst! That Yuki is a-- shit! Anong ginawa niya sa kamay mo at namumula ito?" he asked. Siguro ay namula ito dahil sa higpit ng hawak ni Yuki pero ang 'di ko maintindihan ay bakit ganito na lang kung maka-react si Xaviour.


"W-wala 'yan." Agad kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang pansin sa napakaraming tao na nakapalibot ngayon kay Yuki sa labas.

"Dream, answer me." Tumingin na akong muli sa kanya, yung tingin na may pagtatanong sa mga mata. "Tutulungan mo pa rin ba ako, my lady?" tanong niyang muli.

Hayst, kahit 'di ko alam kung paano ay nais ko pa ring subukan.

"Okay," maikling sagot ko.

"Talaga?! Thank you so much!" masaya niyang saad. "So pano, my lady? hintayin na lang kita sa mansion."  At bigla na siyang naglaho na parang bula.


Bakit parang ang bigat sa pakiramdam na nag laho siya sa harap ko?


"Dream!" I heard Yuki's voice outside the car. Mahina lang 'yon kaya ngayon ko lang napansin na kanina pa siya kumakatok. Nakita niya kaya si Xaviour o nakita niya kaya na may kausap ako?

Binuksan ko ang pinto ng kotse na na-i-lock ko pala. Huminga siya ng malalim nang makapasok siya at maupo sa tabi ko. "Ganyan ang buhay ko, mahirap diba?"

"Ahmmm, okay ka na ba? Uwi na tayo," walang ganang sabi ko dahil gusto ko na talagang umuwi.

"Okay." Nagmaneho na siya pauwi.

Tulad kanina ay tahimik pa rin kami hanggang makarating sa mansion. Wala na akong iba pang ginawa kun'di ang pumunta sa kwarto ko agad-agad.

Naabutan ko na lang si Xaviour 'don na nag babasa ng libro. "Ang tagal niyo naman," parang kung sinong sabi niya. Parang kapatid ko lang ah.

"Ah, traffic."

"Walang traffic dito, Dream." Ay 'di gumana palusot ko.

"Eh bakit ba? Bakit ganyan ka? Ano ba kita?!"

"Kaibigan mo... I think?" Nag kibit balikat siya. "Or maybe your boyfriend if you want." Napangiti siya sa sinabi niya. Nakatuon pa rin sa libro ang kanyang pansin at hindi tumitingin sa akin magmula kanina.

"W-what? Tutulungan na nga kita ganyan ka pa!" Padabog akong umupo sa kabilang side ng kama habang naka-cross arms pa.


"I'm just kidding, 'wag mong seryosohin," medyo natatawang saad niya.

"So pa'no? Kuwentuha mo ako about sa'yo, baka may dahilan kung bakit hindi ka makaalis dito sa mundo ng mga buhay."

"Dream, I told you, wala akong natatandaan. Kaming mga kaluluwa ay may mga alaalang nabubura kapag kami ay namatay na. Kaunti na lang ang natitirang alaala sa akin, at darating ang araw na pati 'yon ay mawawala na rin hanggang sa tuluyang 'di na ako makatawid pa," paliwanag niya.

I felt suddenly pain, parang nasasaktan ako sa sitwasyon ni Xaviour... And I don't know why?

"Don't worry Xaviour, gagawa tayo ng mga panibagong alaala." Nginitian ko siya at may pag tataka man sa mga mata niya ay nagawa na rin niyang ngumiti.

***

Maaga akong nagising nang maramdaman na parang may nag mamasid sa 'kin. Pagmulat ko ay si Xaviour ito at nakasuot ng bagong damit.

"Good morning." Bumangon na ako at naupo sa kama ko.

"Saan galing ang suot mo?" tanong ko. Sumeryosos muna ang mukha niya bago bahagyang natawa at umiling-iling pa.  "Xaviour, answer me!"

"Hahaha! I just borrowed this from Yuki... Ang bait niya diba?" sagot niya pero alam kong hindi totoo 'yon, dahil imposibleng mangyari.

"You don't borrowed it, you stole it... Do you?" Umupo siya sa tabi ko.

"Ibabalik ko rin sa kanya. May date tayo diba kaya humiram muna ako ng damit."

"W-what? A d-date? No! Ipapasiyal lang kita, but... That's not a date!"

"Okay, fine." Tumayo na siya at naupo sa sofa malapit sa bintana. "I'll wait until we call it a date," pag paparinig niya,at nang harapin ko siya at wala na siya.

Bigla-bigla na lang nawawala, ganiyan ba ang mga lalaki? A f*cking ghoster.

Tumayo na ako at nag-ayos at pagkatapos ay bumaba na rin para mag almusal at kamustahin naman ang kapatid ko.

"Good morning ate," bati ni Kit, habang si Krish naman ay naghahain na ng almusal. Nadatnan ko naman si lola na nakaupo na sa hapag kainan at naghihintay sa mga ihahain. Napansin ko na mukhang wala pa si Yuki, baka tulog pa.


"Kain na," saad ni Krish, agad naman kaming naupo. "Gigisingin ko po muna si Yuki." Krish volunteer. Tinanguhan lang siya ni lola saka humarap sa 'kin.

"Ija... May pupuntahan ka ba?" Medyo nagulat ako, maaaring nagkataon lang na alam ni lola.


"Paano niyo po nalaman?" tanong ko pero nginitian niya lang ako, ngiting parang may nalalaman siya.

"Hey! Ate, saan ka pupunta? Pwedeng sumama?" Nag-puppy eyes pa sa akin si Kit at nagpatuloy sa pagsubo ng pandesal.

"Somewhere... Mamamasyal lang." Dinig ko ang tawa ni Yuki at Krish habang pababa ng hagdan. Anong meron?

"Good morning," bati sa amin ni Kit at naupo na rin kasabay ni Krish. Mag kaharap kami ni Kit at katabi niya si Krish, samantalang si Kit naman ang katabi ko, at nasa gitnang parte naman si lola.

"Hahahaha!" Hanggang ngayon ay tumatawa pa rin si Krish at Yuki. "So, Kit saan tayo pupunta?" nakangiting tanong ni Krish. Aba't may pupuntahan rin pala 'tong dalawa.

"Somewhere, kung saan payapa at maganda ang tanawin," Yuki answered.

"Ohhh! Ang simple naman ng gusto mo. Sige, love ko 'yan, basta kasama ka." Halos tumili na si Krish dahil sa kilig.


"Uyyy, saan 'yan? Sama ako ah!" Tinanguhan lang ni Yuki si Kit.

"How about you, Dream?" Napahinto naman ako sa pagsubo ng hotdog at napatingin kay Yuki.

"H-huh? Saan?" No! Paano ang lakad namin ni Xaviour?

"Somewhere, marami namang pwedeng pasyalan dito right?" Nginitian niya ako, yung ngiting parang nang hihikayat, or should I say, nang-aakit? Waaahhh! No way! "Hey?! Sasama ka ba?" muli niyang tanong. Anong isasagot ko?

Paano si Xaviour? Mag-iisa na naman siya. I don't want to make him sad and alone... Again.

"Ah..." Hindi pa rin ako makaimik. Ano ba ang isasagot ko? Pero, pwede pa rin naman diba? Isasama ko na lang si Xaviour? Yes! That's right, isasama ko na lang siya. "Okay, sasama ako." At ngumiti ng napaka lapad sa'kin si Yuki.

"Yes!" mahina pero pasigaw na sabi ni Yuki, at dinig ko 'yon. "I'm excited!" Yuki giggled.

***

"Xaviour, it is really okay with you?" tanong ko habang naka harap sa salamin at nag susulat ng buhok. Sinabi ko na kay Xaviour kung saan kami pupunta at kung sino ang kasama, pero hindi pa rin sya umiimik.


"Yeah!" At sa wakas! Sumagot din siya. "Basta lagi mo akong sasamahan at papansinin, I don't want to be out of place." At bigla siyang nag laho. Ang bigla niyang pag laho ang kinaiinisan ko sa lahat, grrr!


Naguguluhan ako sa sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa maikling araw na nakilala ko siya. Nasasaktan ako kapag naglalaho siyang bigla, at hindi ko alam kung bakit.











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro