Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2


"Ate! Ate, gising! Bubuhusan na kita ng tubig sige ka." Gising sa'kin ni Kit.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa 'kin si Krish at si Kit na may dalang isang basong tubig. Aba't balak talaga akong buhusan ng tubig nito.

Bumangon ako at naupo sa kama ko. Wait what? Kama ko?! Paano ako na punta dito eh kagabi lang...

Hala!

Flashback

"Waaahhhh!!! Multo!" napasigaw ako ng napakalakas, at halos mapaos na ako.

Sabi na e, may multo dito sa mansion na ito at nasa kwarto ko pa talaga ah.

Halos madapa ako sa pagtakbo habang habol ang hininga ko. Sanay na akong makakita ng mga multo dahil sa third eye ko, pero hindi ko alam kung bakit sobra akong kinabahan ng makita ko yung lalaking 'yon. Kakaiba yung kaba eh.

Nakarating na ako sa tapat ng hagdan at nasa punto na ako ng pagbaba ng biglang may kumudlit sa likod ko at dahil sa takot at gulat ko ay nahulog ako.

"Waaahhhh!" Ay charot 'di pala ako nahulog, muntik lang.

Kasalukuyan akong nakapikit ngayon at ramdam ko na may nakahawak sa bewang ako. Hala sino sumambot sa'ken? Oh my gosh! Oh my gosh! Ayaw kong imulat ang mga mata ko dahil baka yung multo ito.

"Hey! open your eyes, Dream. You're safe now," dinig ko ang malamig na boses ng isang lalaki. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o kinikilabutan sa takot. Bakit alam niya ang name ko?

Hindi pa rin ako binibitawan ng lalaking sumambot sa'kin, at alam kong yung multo iyon dahil ako lang naman ang tao dito sa bahay at siya. Pero tao ba siya? Waaahhh! I can't take this anymore! Oh I forgot. Narito rin sila lola, Kit, at Krish pero nasa loob sila ng kanilang mga silid.

"Please open your eyes, come on," sabi pa niya. Susundin ko ba siya? Wala naman sigurong mangyayaring masama kung susubukan ko diba. Mukhang hindi naman siya nakakatakot eh.

Ito na. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at sa puntong iyon ay nakaramdam ako muli ng kaba. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Bakit ganito ang feeling? Can someone explain?


"Pwede bang b-bitawan mo na ako?" nauutal na sabi ko, at bahagya s'yang natawa. Baliw.

"Kapag ginawa ko 'yon, mahuhulog ka milady." Ay oo nga may point siya, ba't di ko naisip yun?

Nangangalay na ako sa pwesto namen pero bakit parang okay lang ang pakiramdam? I mean, bakit parang walang reklamo ang katawan ko sa posisyong ito?.

Dahan-dahan niyang binago ang puwesto namin at sa puntong ito ay binitawan na niya ako. Nakaligtas ako sa pag kahulog dahil sa kanya, pero hindi rin naman mangyayari 'to kung 'di dahil sa kanya. Eh kung di naman siya bigla na lang susulpot sa kwarto ko.

"takot ka ba sa'kin?" tanong niya, habang hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi.

"Ha? A-ako takot? S-sayo? Hahaha, of course not!"

"totoo ba?"

"Oo!"

"Eh bakit halos madapa at mahulog ka na dahil sa pagtakbo? Hindi pa ba takot ang tawag don?" medyo natatawa niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko do'n.

"Sino ka ba ha? A-anong kailangan mo sa'ken? Bakit andito ka?" tanong ko, kase gusto kong malaman kung bakit andito siya sa mansion ni lola.

"I'm Xaiviour and I need your help Dream... Para makatawid na ako," parang nalungkot siya sa sinabi niya.

Bakit sa'kin? Bakit ako? Anong kaya kong gawin?

"Hindi ko alam kung pano ako makakatawid sa heaven," malungkot niyang saad.

"Eh hindi ko rin alam kung pa'no eh, at saka bakit ba ako ang hiningan mo ng tulong?"

"Dahil ikaw lang ang nakakakita sa'kin, and I know na mabait ka."

"Hahaha! Ako? mabait?"

"Please help me, milady," pag mamaka-awa niya.

"Okay, so pa'no nga? Paano ka ba namatay, at sino ang pamilya mo?"

"I don't know," malungkot pa ring sagot niya. Para siyang multo na walang alam sa buhay pero siya yung multong nakakaawa.

"H-hindi ko alam kung pa'no, but I'll try."

"Thank you so much milady," masiglang sabi niya.

"Ate what's happening?" narinig ko ang boses ni Kit. Halata sa kanyang boses na inaantok pa siya at nagising nang dahil sa amin.

Dali-dali akong tumakbo sa kwarto ko. Nagmadali akong bumalik sa kuwarto ko pero naunahan pa rin ako ni Xaviour.

Katangahan ko pa dahil sa pag takbo ko ay nadulas ako. Nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto ko tapos ganito pa ang nangyari, buwiset! Naka bulagta na ako ngayon sa sahig at iniinda ang sakit ng likod ko.

I saw Xaviour staring at me until everything went black.

End of flashback









Totoo pala lahat ng 'yon, at totoo rin si Xaviour. That ghost in my room is real. Napatakip ako ng bibig sa naalala ko.

"Hey ate, what's wrong? At saka ano bang nangyari sayo kagabi? Narinig ko na may kausap ka at paglabas ko naman ay wala ka na," Kit calmly said.

"Ah ako m-may kausap?" nauutal kong tanong na waring walang alam sa totoong nangyari. "Haha! sarili ko ang kausap ko," palusot ko pero kumunot lang ang noo ni Kit.

"Hahaha! Baliw kasi 'yang ate mo Kit," sabi ni Krish habang tumatawa.

"Quiet!" seryosong sabi ni Kit kay Krish dahilan kaya't napairap na naman ito. "Okay, mag-almusal na tayo ate," aniya at saka lumabas kasabay ni Krish. "Sumunod ka na ate," he added.

Naiwan na naman akong mag-isa dito sa kwarto. Totoo nga ba talaga 'yung nangyari kagabi? Kung totoo man 'yon ay 'di ko na alam ang mga gagawin ko para tulungan si Xaviour.

Nag-ayos na ako at ngayon ay nasa harap na ng salamin at nagsusuklay. Patuloy ako sa ginagawa ko nang makaramdam ako ng pamilyar na presensiya. Medyo masakit pa ang likod ko pero 'di ko na lang ininda.

"X-Xaviour?" tanong ko dahil baka nga siya iyon. Saglit pa akong naghintay ngunit walang sumagot.

"Hayst! Hindi 'yon totoo Dream, panaginip lamang 'yon," pagkombinsi ko sa sarili ko.

Maaaring panaginip nga lamang iyon. Pero kung panaginip iyon ay bakit parang totoo ang pakiramdam. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa aking alaala ang kanyang maamong mukha. Ang boses niya na mala-anghel at ang mga mata niya na puno ng lungkot. May mga panaginip talaga tayo na sa pakiramdam natin ay totoo.

Napabuntong hininga ako sa naisip ko. Kung totoo siya ay nais ko siyang tulungan. Ang mga mata niya ang hindi ko makakalimutan sa lahat, puno ng lungkot. Nakaramdam na rin ako ng lungkot sa puso ko nang maalala ang mga mata niya at paghingi niya ng tulong.

"Xaviour, kung totoo ka man, pwede kang magpakita sa 'kin. Handa na akong tulungan ka," saad ko sa kawalan.


Parang ang bilis kung makapag-decide ako pero ewan ko ba. Basta parang may nagtutulak sa akin na tulungan ang kaawa-awang nilalang na iyon. It's wierd, right?

Tumayo na ako at akmang kukunin ang cellphone ko na nasa kama ko nang biglang...


"Peek-A-boo!"

He's real! Nasa harap ko nang muli si Xaviour the ghost. Galanteng nakaupo siya sa kama ko habang nakangiti sa akin, hindi rin nangingibabaw ang lungkot sa mga mata niya sa mga oras na ito at masaya akong makita 'yon.

"Totoo ba ang narinig ko na tutulungan mo na ako, milady?" tanong niya habang nakangiti pa rin.


"Oo, pero basta ikukuwento mo sa 'kin ang tungkol sa buhay mo," saad ko. "Ang mga multo raw kasi ay may mga unfinish business kaya hindi pa makatawid, so baka ganoon ka rin."

"Okay," maikling saad niya.

"Sige mamaya na tayo mag-usap, mag-aalmusal muna ako."

"Can I share with you?" tanong niya at tiningnan ko lang siya awkwardly. "Please, gutom na ako."

"Kumakain pala ang mga ghost?"

"Ako lang ata, I'm unique and kinda cute," he said and smile genuinely.


"Okay, dadalhin ko na lang ang pagkain ko rito. Just wait for me," sabi ko bago umalis at awtomatiko naman siyang napangiti.













***

Pagbaba ko ay kumakain na sila Kit. "Ang tagal mo naman ate," sermon na naman ni Kit. May mga kapatid talaga tayo na 'kala mo e mas matanda pa sa'tin.

"Ahmmm, may inayos lang ako," palusot ko saka umupo na rin at nagsandok ng pagkain.

"Oo nga pala mga apo, darating 'yung anak ng mayor ngayon at dito muna siya pan'samantala," sabi ni lola kaya't natigilan ako sa pagsandok. "Alam niyo namang kaibigan ng lolo niyo si mayor, kaya habang inaayos pa ang bahay nila ay dito muna ang anak niya pangsamantala," paliwanag pa ni lola.

"Ah sige po, sa kuwarto na lang ako kakain," sabi ko habang nakayuko at akmang aalis na nang may kumatok sa pinto kaya muli akong natigilan. "Ako na po ang mag bubukas ng pinto," presenta ko saka ibinaba ang dala ko at nagtungo sa may pinto.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa 'kin ang isang lalaki. Matangkad, may matangos na ilong, maayos ang damit at galanteng tingnan at tama lang ang hubog ng katawan.

"Hi!" bati niya sa 'kin.

"OMG! Siya ba yung anak ng mayor, lola?" tanong ni Krish at nagmadaling tumayo at lumapit sa'min. "Hi! I'm Krish," pagpapakilala niya sa lalaking ngayon ay nasa harap namin.

"I'm Chen Yuki," pagpapakilala naman ng lalaki na mukhang hapon na koreano, eh? ewan ko.


"P-pasok ka," maikling sabi ko.

"Oh! And you are?" tanong nito sa akin nang mapansin akong muli.


"Ako si Dream," I answered. Inilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko iyon bilang pagkilala.

"Nice name," nakangiti niyang sabi bago tuluyang pumasok. Agad namang sumunod sa kanya si Krish.





Dadalhin ko na sana ang pagkain sa itaas nang utusan ako ni lola.

"Ihatid mo nga si Yuki sa kwarto niya, sa tapat lamang ng silid mo iyon." Tinanguhan ko lang si lola.

"Halika na Yuki." At hinila siya ni Krish patungo sa itaas.

Akala ko ba ako ang mag hahatid?!

Sumunod na lamang ako sa kanila dala ang isang trey ng pagkain na malamang ay kanina pa hinihintay ni Xaviour.

Bakit nga ba sa tapat pa ng kwarto ko tutuloy iyang lalaking iyan tapos 'yung kapatid ko malayo?!

Nanguna sila Krish sa paglalakad hanggang makarating sa kwarto kung saan tutuloy si Yuki.

"Dito ka oh," pabebeng sabi ni Krish at pinagbuksan ng pinto si Yuki.

Pumasok na si Yuki "Thanks!" maikling sabi niya. Umalis na rin si Krish at kita ko pa ang kilig sa mga lakad niya, halos mapatalon.

Iyon lang ang kaganapan?

Akala ko ay magpapahinga na nga si Yuki pero nang makaalis si Krish ay muli siyang lumabas at pinigilan ako sa gagawin kong pagpasok sa aking kwarto. Ngayon ay hawak na niya ang kamay ko.

Ang bilis ng pintig ng puso ko, kinakabahan ako na ewan. Pero habang hawak niya ang kamay ko ay ramdam ko rin na may nakatingin sa amin, at kung iisipin ay parang may malisya ang paghawak sa 'kin ni Yuki.


Tumingin sa mga mata ko si Yuki. "I want to be your friend Dream, habang narito pa ako," sabi niya saka binitawan ang kamay ko at pumasok nang muli sa kwarto niya.


Ang weird ng feeling.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kwarto ko. Akala ko ay bubungad sa'kin ang naghihintay na si Xaviour pero wala ito.


Nasaan siya?

Ibinaba ko na lamang ang pagkain sa side table ko at saka hinanap si Xaviour. Mga ilang minuto rin akong tulala habang naka-upo sa kama ko, hinintay ko si Xaviour pero wala siya.

Yung kanina ba ay hallucinations lang? Hindi ba talaga totoo si Xaviour, baka nakita ko lang siya kanina dahil sa paniniwala kong totoo siya.

Hindi ko na nagawa pang kumain, ibinalik ko na lang ang pagkain sa ibaba bago muling bumalik sa silid ko at nag-cellphone na lang.

Ganito na agad ang nangyari sa pangalawang araw ko dito sa mansion. Una ay 'yung kay Xaviour na hindi ko alam kung hallucinations lang at pangalawa ay 'yung kay Yuki na parang hindi ako komportable. Para atang ang awkward na kasama namin siya sa iisang bahay, tapos mag kalapit pa kami ng kwarto. Kahit 'yung iba siguro ay magiging awkward din ang feeling lalo pa't 'di pa sila ganong magkakilala.

"Xaviour asan ka na ba?" Namalayan ko na lang ang sarili kong sinabi ang mga katagang 'yon. Bakit ko ba siya hinahanap? Dahil ba nais ko siyang tulungan?

Itinigil ko ang pagpindot sa cellphone ko at tumayo para sana kumuha ng libro at magbasa na lang. Lumapit ako sa book shelves kung saan maraming mga librong naka salansan. Binasa ko ang bawat pamagat at nang makapili na ako ay akmang aabutin ko na ito pero may humawak sa kamay ko kaya halos atakihin na ako sa puso sa gulat.


Ang lamig ng mga kamay na nakahawak sa akin. Dahan-dahan kong tiningnan kung sino ito at muling bumilis ang pintig ng puso ko nang makita kung sino ito. Ngayon ay naniniwala na talaga akong totoo nga si Xaviour.


"Xaviour," bulong ko at napangiti na lang ako sa 'di malamang dahilan.

Iba ang timpla ng kanyang mukha ngayon kaya naman nagtaka ako. Nakasimangot siya ngayon pero kahit ganon ay nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan niya.

Eh? Napailing na lang ako sa naisip ko. Hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Xaviour ang mga kamay ko na nakahawak sa libro.

"Ginutom mo ako Dream," seryosong sabi niya. "Pinaghintay mo ang cute na katulad ko." Binitawan na niya ang kamay ko at umupo siya sa kama ko habang ang mga tingin at hindi inaalis sa akin. Napapayuko na lang tuloy ako dahil dito.

"Eh bakit kasi ngayon ka lang ulit nagpakita? Hindi kanina na may pagkain pa." Lumapit ako sa kanya dala ang libro. Mag kaharap na kami ngayon.

"Tsk! Ang tagal mo kaya," reklamo niya. "Nakipag hawakan ka pa ng kamay sa Yuki na 'yon." Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil halos pabulong na lang iyon, pero kita ko pa rin ang ekspresyon niya na parang naiinis.

"Ano?!" tanong ko.

"Wala."

"Anong wala? Eh may binulong ka, eh narinig ko!"

"Oh, eh narinig mo naman pala eh nagtanong ka pa!" Nagtatalo na kami sa mga oras na ito.

"Bwesit kang multo ka!"


"Ikaw ang bwesit!" Agad siyang tumayo at dali-daling lumapit sa 'kin habang pag-antras naman ang ginawa ko. Mas lalong bumulis ang tibok ng puso ko kumpara sa kanina.


Patuloy lang ang paglapit niya at pag-antras ko hanggang sa tumama na ang likod ko sa pader. Ang dalawang kamay ko ay hinawakan niya ng mahigpit.




Nakatitig na siya sa 'kin ngayon, mga titig na nakakatakot. Napapikit na lang ako nang lumapit ang mukha niya sa 'kin. Sobrang lapit niya at ramdam ko ang kanyang malalim na paghinga. Ramdam ko rin na inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko at tsaka may binulong na nakapag palambot ng puso ko.





"Don't do that again Dream, nasasaktan ako. Sawa na akong mag-isa." Binitawan niya ako at sa pagmulat ko ay wala na naman siya.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro