Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

"Yeah, I know. Isipin mo na lang na parang ninakawan kita ng perang halagang isang libo at ang ibabalik ko ay isang milyon. My kiss is a treasure."

Bawat katagang binibitawan niya ay damang-dama ko. Mukhang bibigay na ata ako. Naku, huwag naman sana.
Baka hanaphanapin ko ang mga halik niya.

"So, ibabalik ko na ang pera mo at may dagdag pa ito. Deal?"

"Deal..."

Bigla siyang nawala sa likod ko at halos bumagsak ako sa lupa mula sa duyan pero nahawakan niya ang kamay ko at inalalayan ako.

"Ano ba, Xaviour?!" iritang sabi ko. Natawa lang siya.

"Sorry." Umayos na ako ng pagakakaupo habang hawak pa rin ni Xaviour ang mga kamay ko. Unti-unti niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha. Alam ko na ang gagawin niya kaya't agad akong pumikit.

"You're so beautiful, Dream." Akala ko ay hahalikan na niya ako. "Mamaya na lang kita babayaran. Hahaha!"

Pagmulat ko ay dumistansya at tumatawa na si Xaviour habang ako ay tulala. Akala ko talaga... akala ko talaga hahalikan niya ako.

Tumayo ako habang naka-Cross arms at pinilit na mawalan ng ekspresyon ang aking mukha. "Xaviour, lumapit ka nga dito." Natigilan naman siya nang pagtawa at naging seryoso.

"Why?"

"Basta lumapit ka." Nginitian ko siya.

"Ah, huh..." He swallowed. "Sige." Napakamot rin siya sa kanyang ulo na parang ewan. Siguro ay nagtataka siya.

"B-bakit, milady?" nauutal na tanong niya nang makalapit siya sa akin at ngayon ay nasa harap ko na siya.

Bogshhh!

Agad ko siyang sinuntok sa tiyan. "Uhg! D*mn!" Napadaing na lang siya. Akala ko tatagos lang ang kamay ko pero natamaan ko siya. I feel sorry for that.

Siguro ay nabigla rin siya kaya't nagawa kong suntukin siya nang hindi tumatagos ang mga suntok ko.

"What is that for, Dream?!" Nakahawak siya sa tiyan niya at halata sa mukha niya na nasaktan siya. Nasasaktan rin pala siya physically. Maaari ba 'yon?

"Dahil hindi ka tumupad sa usapan!" He looked at me curiously. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"What do you mean? Yung kiss ba? Oh, sorry milady, I don't want to disappoint you." Medyo natatawa pa siya.

"Baliw ka ba?!"

"Baliw? No. But... baliw sayo? Oo."

Napangiti ako dahil do'n pero agad ring napawi 'yon. Hindi niya maaaring makita na kinikilig ko. Hindi ako marupok.

"And Dream, I told you it would be later. Don't worry, ikaw lang ang makakatikim nito..."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ng masama sa kanya. Heck?! I hate my d*mn mind!

"Ano bang pinagsasabi mo? Bahala ka nga diyan!" Padabog akong umalis at iniwan siya. Pero parang balewala lang sa kanya dahil tawa pa rin siya ng tawa.

You're driving me crazy ~~

"Uhg! Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko? Ako ata ang nababaliw na." Halos sabunutan ko ang sarili ko habang naglalakad pauwi.

Nakarating ako sa mansion ay hapon na at palubog na ang araw. Bakit ang bilis naman ata ng oras? Hayst! Nagmadali akong umakyat sa taas at nang makarating ako doon ay nakasalubong ko si lola na may dalang mga tela.

"Oh, apo mukhang hindi mo ata kasama si..."

"Lola, huwag kang maingay baka po marinig nila mommy."

"Haha! Pasensya na, apo. May nais nga pala akong sabihin sa iyo."

"Ano po 'yon?" Saglit na natahimik si lola at nang magsasalita na siya' y bigla namang dumating si Kit kasama si Mommy. Nagmamadali silang lumapit sa akin.

"Dream, come here..." tawag sa akin ni Mommy at nang makalapit siya sa amin ay bigla niya akong hinila. Napatingin naman ako kay lola 'yung Anong-nangyayari-look pero nginitian lang niya ako na parang pinauubaya kay mommy.

"Halika na po sa baba, lola." Sinamahan ni Kit si lola pababa habang ako ay patuloy na hinihila ni mommy hanggang makarating kami sa aking silid pero hindi muna kami pumasok.

"Mom, ano po bang gagawin natin?" May kinuha siyang tela sa bulsa niya at biglang nagdilim ang paningin ko. Shocks! Tinabunan ni mom ang mata ko. What's happening? Akala ko ay nabulag na ako.

"Just wait." Narinig ko ang pagbukas ng pinto at inalalayan ako ni mommy patungo sa loob. Wala akong makita kaya nangangapa na lang ako hanggang muli kaming huminto. "Are you ready? Tatanggalin ko ang piring mo in a count of three," sabi ni mommy.

"One..." Sinimulan niya ang pagbibilang

"Two..." Napabuntong hininga ako. Ano kayang mayroon?

"Mom, is this a surprise?" tanong ko pero hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagbibilang habang unti-unting tinatanggal ang piring sa mga mata ko.

"Three!" At tuluyan nang naalis ang tabon sa mata ko.

Parang biglang lumukso ang puso ko. Isang maganda at kumikinang na ball gown ang bumungad sa akin. It is blue and has floral ornaments. Halos maluha ako. Para sa akin ba ito? Anong kaganapan?

"Do you like it?" tanong ni mommy. Hindi agad ako sumagot but I hug her.

"Yes, mom. I really did. Ang ganda." Umalis si mommy mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako ng maayos at marahan niyang hinaplos ang aking pisnge.

"You're more beautiful, my daughter. Sige na, isuot mo na 'yan at marami nang naghihintay sa'yo sa labas."

"Po? Bakit po, anong meron?" Nginitian lang niya ako.

"Basta isuot mo na 'yan at aayusan pa kita."



















( Try to play "Dancing With Your Ghost"  By: Sasha Alex Sloan, while reading this.)

***

Matapos akong ayusan ni Mommy ay lumabas na siya ng kwarto at naiwan akong mag-isa sa loob. Humarap muna ako sa salamin. Ibang-iba ang itsura ko ngayon. Hinaplos ko ang aking mukha... Ako pa ba ito?

Bahagya akong umikot at pinagmasdan ang suot ko. The blue gown fitted me well. Ang sexy ko pala. Para akong isang prinsesa na noo'y napapanood ko lang. This is my first time wearing this dahil kapag may okasyon sa school ay hindi naman ako dumadalo dahil hindi ko pwedeng iwan si Kit.

Lalabas na sana ako pero nagulat at natigilan. Kita ko mula sa salamin na nasa likod ko na si Xaviour. Nakasimangot siya at mukhang bad trip. Anong nangyari dito?

"Lalabas ka na?" seryosong tanong niya.

"Oo, bakit?"

"Lalabas ka without wearing this?" Itinaas niya ang kanyang kanang kamay habang hawak ang isang kuwintas.

Iyong kuwintas na binili namin sa bayan noong nakaraan. Bakit nakalimutan ko ito?

"Wear this."

"Hindi na kailangan--"

"You're ugly if you're not wearing this. So, please wear this... Always." Nag-puppy eyes pa siya.

"Okay, sige na. Ibigay mo saakin--"
Hindi ko muling natapos ang sasabihin ko nang muli siyang magsalita.

"Ako na ang magsusuot sa'yo, milady." Kita ang pamumula ng aking pisnge mula sa salamin.

Maayos na isinuot sa akin ni Xaviour ito. Hanggang ngayon ay kumikinang pa rin ito sa mga mata ko. This one of the best gift I receive.

"Hmmm... Better." Yumakap sa akin si Xaviour mula sa likod ko. "You're more beautiful kapag suot mo 'yan. Promise me that you will always wear that necklace." Nginitian ko siya.

"Yes, I promise, " Sagot ko.

Inilahad niya ang kanyang palad sa harap ko. "Can I dance with my dream girl?" he asked. Napangiti ako at saka ibinigay ang aking kamay sa kanya.

We fell in step, letting the rhythm control our movements.

We dance as if there is music that only the two of us can hear.

Uncontrollable feelings surged through my body, and my fingers tingles in delight. His hand brushed across my cheek. My body was acting on its own, no chains to hold me back from this pure paradise.

He held me close, his arms fully embracing my back.

Hanggang sa kami'y huminto sa pagsayaw ay nakayakap pa rin sa akin si Xaviour at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Pakiramdam ko ay lagi akong ligtas kapag kasama si Xaviour. How I wish we can be like this forever...

"I love you, Dream."




Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro