Chapter 14
"Akala ko hindi kayo makakauwi." Kasalukuyang magkayakap pa rin kami ni mommy habang sila Kit at dad naman ay nag-uusap habang iniaabot sa kanya ang mga mamahaling damit.
"Maaari ba 'yon? This is your special day, anak. Hindi kami pwedeng mawala." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakita ko ang ngiti sa kanyang labi ngunit panghihinayang naman sa kanyang mga mata. "Hayaan mo, anak. Ito na ang huling taon na aalis kami. Babalik kami sa abroad ngunit dito pa rin kami uuwi at hindi na tayo magkakahiwalay pa." Alam kong alam ni mommy na may pagtatampo kami sa kanya kaya't sinasabi niya ito.
"Alam ko po. Naiintindihan ko. Ang mahalaga ay umuwi kayo ngayon." At muli kaming nagyakap.
"Oh, ate, tama na ang yakapan. Tingnan mo ito," tawag sa akin ni Kit at inilabas sa kahong dala nila daddy ang isa pang malaking kahon na kulay asul... isa sa mga paborito kong kulay. Tumingin muna ako kay mommy na ipinapahiwatig na lumapit kami kay Yuki at sinangayunan naman ito ng kanyang mga tingin. "Para sa iyo raw ito, ate."
Napangiti ako do'n, kukunin ko sana sa kanya ito. "Ops! Bawal pa, ate. Mamaya mo pa ito dapat buksan. Surprise gift." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
"Eh, ano ba'ng laman niyan?" Napakunot naman ang noo niya.
"Ate, surprise nga diba? Kulang ka na naman ba sa tulog?" inis na saad niya at napakamot pa sa kanyang ulo. Nagtawanan naman sila daddy kaya't napatawa na rin ako.
Na-miss ko ito. Na-miss ko ang ganitong samahan namin, sana ay maulit muli at hindi ako magsasawang tumawa kasama sila.
Lumabas ako sa pan'samantalang silid ng mga magulang ko. Ngayon ay nagpapahinga sila dahil mamaya ay magiging abala daw sila at hindi ko alam kung bakit kaya't hinayaan ko na lang sila. Saktong labas ko ay nakasalubong ko si Kit na mukhang dito rin tutungo.
"Ate, tulog na sila?" tanong niya.
"Oo, eh. Bakit?"
"Wala lang. Ate, alam mo ang saya-saya ko ngayon. Parang ako nga ang may birthday, eh," masayang sabi niya at napabuntong hininga naman ako saka ngumiti.
"Dapat lang na maging masaya ka, Kit kahit hindi mo kaarawan." Muling napangiti si Kit.
"Pero, ate dapat mas masaya ka. It's your birthday kaya. Alam mo ba, Xaviour is waiting for you." Lalong lumawak ang mga ngiti ko nang banggitin niya 'yon. "Nakausap ko siya at mabait naman siya, ate. Pinagkakatiwalaan mo siya kaya't may tiwala na rin ako sa kanya." Bigla kong niyakap ang kapatid ko at halos maluha ako. "Ugh, ate mamaya ka na magdrama. Xaviour is waiting for you kanina pa." Agad akong bumitaw sa pagkakayakap at pinunasan ang luha ko. Masaya lang ako dahil sa kapatid ko.
"Saan ba siya naghihintay?" tanong ko upang mapuntahan ko na si Xaviour.
"Ahmmm, somewhere? I dunno, pero sabi niya sa may duyan daw. Ate, saan 'yon?" parang batang tanong niya at parang nais pa niyang sumama.
"Secret. Hahaha! Sige na, pupuntahan ko muna siya." May sasabihin pa sana si Kit pero nagmadali akong umalis, sabi kasi ni Kit ay kanina pa naghihintay si Xaviour.
Sa pagmamadali ko pa ay nakabangga ko si Krish at nataktak ang dala niyang juice ngunit hindi sa akin kun'di sa sahig. "S-sorry."
"Ano ba? Magdahan-dahan ka naman, bakit ka ba nagmamadali?!" iritadong tanong niya.
"Ah, w-wala. Ahmmm, lilinisin ko na lang 'yan." Akmang tatalikuran ko siya upang kumuha ng pamunas ngunit pinigilan niya ako.
"Huwag na, ako na ang bahala dito. Sige na, you can go." Mukhang nawala ang init ng ulo niya sa akin. Sana ay ganito na lang siya lagi.
"Sige, salamat!" Agad akong umalis ngunit nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin ngunit umiwas rin ito ng tingin.
Nakarating ako sa kung saan ako pupunta pero napahinto ako nang makitang wala si Xaviour. Pinagloloko ba ako ng kapatid ko? D*mn!
"Xaviour?!" sigaw ko sa kawalan. "Xaviour, andito ka ba? Magpakita ka naman oh. Xaviour?!" Lumingon ako sa paligid ngunit wala ito.
Humakbang ako papalapit sa duyan habang nililingon ang paligid at nagbabakasakaling makita ko si Xaviour. Ano ba kasing gagawin namin dito?
"Xaviour, magpakita ka naman na, please!" Muli akong napabuntong hininga. Walang Xaviour na sumasagot at nagpapakita.
Ilang saglit pa ay napagod ako kakasigaw at akmang uupo sa duyan ng biglang lumabas si Xaviour.
Wahhh! Halos hindi ako makagalaw nang mapagtantong nakakalong ako sa kanya. D*mn, Xaviour! Napakagaling mo talagang dumiskarte.
"Pinaghintay mo ako ng matagal, milady." Aalis sana ako ngunit hindi ko magawa dahil yaka ako ni Xaviour habang nakakandong sa kanya.
"P-pinaghintay mo rin naman ako ah, kanina pa ako sigaw ng sigaw dito," reklamo ko. "At saka, bitawan mo nga ako. Bakit mo ba ako pinapunta rito?"
"Paano kung ayaw kong bitawan ka? Handa akong hawakan ka. Handa akong kumapit hanggang dulo."
"Ano na namang hugot 'yan, huh?"
"That's true. Hayst! By the way, how's your day, huh? Alam kong masaya ka dahil umuwi ang mga magulang mo." Humigpit ang yakap sa akin ni Xaviour at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. Mukhang namimihasa na siya sa ganitong posisyon.
"Tama ka. Masaya ako dahil do'n"
"Great. Masaya rin ako para sayo. Pinapunta kita dito dahil gusto kitang makasama."
"Eh? Lagi naman tayong magkasama, ah."
"Yeah, I know... but I want privacy."
At bigla niya akong hinalikan sa pisnge na siyang ikinagulat kong muli.
"Xaviour! Ano ba?!"
"Ayaw mo bang hinahalikan kita, huh?" malamig na boses na tanong niya.
"Oo! Ninakawan mo kaya ako ng halik. Hindi ka man lang nagpapaalam."
"So, gusto mo nagpapaalam ako?"
"Oo!" Nagulat pa ako sa naging sagot ko. Ibig sabihin kasi ay maaari niya akong halikan pero kailangan muna niyang magpaalam. "H-hindi... Hindi."
"Nah, Hahaha! Iyon lang pala. Sige, magpapaalam na ako, milady. Maari na ba kitang halikan?" Waring nang-aakit ang boses niya. Unti-unting dumidikit ang kanyang malamig na mga labi sa aking tainga na siyang nagdulot ng kiliti sa aking katawan kaya't napaigtad pa ako nang hindi inaasahan. "I want to kiss you."
"H-hinalikan mo na ako at tama na 'yon---"
"Ngunit nakaw iyon, at isasauli ko na. And I also need your permission, milady. Please, let me kiss your lips."
"Huy! Kanina sa pisnge lang tapos ngayon sa lips? Luh, asa ka!" Bahagya pa siyang natawa.
"Yeah, I know. Isipin mo na lang na parang ninakawan kita ng perang halagang isang libo at ang ibabalik ko ay isang milyon. My kiss is a treasure."
Bawat katagang binibitawan niya ay damang-dama ko. Mukhang bibigay na ata ako. Naku, huwag naman sana.
Baka hanaphanapin ko ang mga halik niya.
"So, ibabalik ko na ang pera mo at may dagdag pa ito. Deal?"
Wahhh! Deal or No Deal ba ito? Ang hirap, ah. But actually alam ko naman na ang isasagot ko...
"Deal..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro