Chapter 11
"Then, magiging masaya ako... Magiging okay na ang lahat." Pahina ng pahina ang boses ko. "Makakapag pahinga na si Xaviour. At matatahimik na siya."
"Do you love him?!" Malakas pero kalmadong tanong niya.
"Are you concern or what?"
"I am concern. Last night may nangyari sa bonggalo house diyan sa tabi. May mga nakapasok na magnanakaw at muntik ka nang mapahamak." Muli akong natigilan. Naguguluhan ako, paano niya nalaman. Nakasunod ba siya sa akin? "Then that ghost save you." Mahina na ang huling sinabi niya at parang dismayado siya.
"How did you know? Ipaliwanag mo sa akin--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumagot agad siya.
"Because I heard you. Namalayan kong lumabas ka and then I followed you secretly. Pero hindi agad kita nasundan. Naghintay ako sa labas pero mga magnanakaw mula sa bahay na iyon ang naabutan ko. Nag-alala ako so I called the police at bumalik ako sa bonggalo house pero pagbalik ko ay wala ka na," paliwanag niya. Bakit tila wala akong alam na sinundan niya pala ako. "At nang bumalik ako dito ay nadatnan ko na lang na nakabalik ka na sa room mo at mahimbing na natutulog." Pagpapatuloy niya at nanatili akong nakikinig sa kaniya. "I thought that was just a hallucinations but it wasn't."
Kaya pala sabi ni Xaviour ay okay na ang lahat. Iyon pala ang tunay na nangyari.
"So tell me, do you love him?"
Napabuntong hininga ako at nang sasagot na ay bigla namang dumating si Kit.
"Ah, tapos na ba kayong magluto ate, kuya?" Sabay kaming napalingon sa kanya. "Pwede ba akong tumulong?"
"Sure," Yuki answered.
Nakahinga ako ng maluwag siguro at dito na matatapos ang usapan namin ni Yuki.
* * *
Natapos ang usapan namin ni Yuki at ngayon ay katulong ko naman si Krish sa paghahain.
"Yuki, kailan ka ba ulit babalik dito?" tanong ni lola nang maupo si Yuki sa tabi niya sa harap ng hapag kainan. "Malapit na ang ika-18 kaarawan ng aking apo, dadalo ka ba, ijo?"
"Ah, Oo naman po." Hindi maipinta sa mukha ni Yuki na masaya siya bagkus ay mas lamang ang pagkadismaya at hindi ko alam kung bakit. Marahil ay dahil sa naging usapan namin kanina.
Hindi ko na alam kung paano pa. Alam na ni Lola, alam na rin ni Yuki, at maaaring malaman na rin ni Krish at ng kapatid ko. Hindi ko alam kung saan tutungo ito. Kung iisipin naman talaga ay parang ang wierd na... may kasama kaming multo.
"Mabuti kung gano'n, sana ay kasama mo ang papa mo at ang tita Gale mo." Pilit lang siyang nginitian ni Yuki bilang sagot.
Naupo na rin kami ni Krish at kumain. "Eh, wala ka bang plano sa darating na kaarawan mo, apo?" Nakakapanibago, masyado atang maraming tanong ngayon si lola.
"Ah w-wala po. Ayos na sa akin na umuwi sila mommy." Tipid akong ngumiti. Iyon lang naman talaga ang nais ko, ang umuwi sila.
Natahimik naman si lola, kahit siya kasi ay hindi sigurado kung kailan uuwi ang mga magulang namin ni Kit.
Kit stared at me, kita ko ang mga namumuong luha sa kanyang mata na agad naman niyang pinunasan upang hindi namin mapansin. Alam ko na nais na rin ni Kit na muling makita ang mga magulang namin. Kahit mag-text o tumawag man lang ay wala kaming natatanggap kaya't nag-aalala na kami.
"Ah, a-ang sarap naman ng luto mo kuya, Yuki," basag ni Kit sa Katahimikan.
"Really? Thank you, then."
"Wahhh! Hindi ko alam na masarap ka palang magluto my love." Nanlaki na lang ang mata ni Yuki nang narinig 'yon.
"Ah, nagustuhan mo ba, K-krish?" Mukhang patay na patay na siya kay Yuki. Napabuntong hininga na lang ako.
"Oo naman. Ang sarap kaya." Nginitian siya ni Yuki at kasabay nun ay ang sunod-sunod na pagsubo ni Krish.
"How about you, Dream? Nagustuhan mo ba? What can you say?"
"M-masarap. Oo, nagustuhan ko." At nagawa ko na rin ang ngumiti.
Pero sa loob-loob ko ay halos ayaw ko nang tumigil sa pagkain. Napakasarap ng luto ni Yuki. Si Xaviour kaya? Kailan niya ako maipagluluto ng ganito. Mukhang imposible.
***
"So, pa'no? Alis na po ako," paalam ni Yuki kay lola. Ako na ang naghatid kay Yuki palabas dahil may ginagawa pa si Krish.
"Sige, mag-ingat ka, Ijo."
"Ah, Yuki ako na magdadala ng bag mo," I volunteered.
"Nah, I can handle this. Mabigat 'to, Dream."
Isinakay na niya ang kanyang mga gamit sa kotse. Akala ko'y kasunod no'n ay siya na ang sasakay ngunit hindi pa pala. Sumandal siya sa kanyang kotse at saka humarap sa akin.
"Where's Xaviour?" Hindi ko alam kung ano na naman ang gusto niyang pag-usapan namin at itinanong niya 'to.
"Hindi ko alam." Pakalat-kalat lang kasi 'yon sa mansion. "B-bakit mo naitanong?"
"Wala naman," sagot niya. Bahagya siyang lumapit sa akin. "Help him, okay? Para maging maayos na ang lahat." Hinawi niya ang buhok ko nang dahan-dahan at saka hinawakan ang pisnge ko. Grabeng tibok ng puso ko. "Babalik ako, pupunta ako dito sa birthday mo. And I hope, Xaviour will guide you." Nginitian niya ako at saka binitawan.
"Goodbye, Dream." Agad siyang sumakay ng kotse at pinaandar ito.
Ngayon ay nakahinga na ako ng maluwag.
Okay na ba? Ayos na ba sa kanya 'yon?
Pumasok na ako sa loob at naabutan ko naman si Kit na paakyat sa kanyang kwarto kaya't naisipan kong sundan ito. Ilang araw na ring hindi kami nagpapansinang mag kapatid.
Isasara na sana ni Kit ang pinto ng kanyang kwarto pero natigilan ito nang makita ako. Waring nagulat pa siya.
"What is it, ate?" walang ekspresyong sabi niya.
"Ah, pwede ba tayong mag-usap?"
"About what?"
"About... mom and dad?" Tinanguhan lang niya ako at bahagya pang binuksan ang pinto at pinapasok ako. Naupo ako sa kanyang kama habang siya naman ay nasa tabi ko. "Kit, I'm sorry kung hindi na kita masyadong naiintindi, eh kasi--"
"Eh kasi kailangan ka ni Xaviour? Siya ang kailangan mong intindihin?" Hindi ako makaimik dahil dito. Alam din niya?
Nalalaman na nila. What should I do? Itatanggi ko ba?
"Ate?" Hinawakan ni Kit ang kamay ko. "Tell me, I'm your brother so don't hesitate to tell me." Pilit niya akong nginitian. Akala ko ba ay tungkol sa mga magulang namin ang magiging usapan? Bakit nag-iba ata ang ikot ng mundo.
"Kit, ang gusto kong pag-usapan natin ay ang tungkol sa mga magulang natin. I saw you. Nakita kitang lumuluha kanina dahil sa kanila at marahil ay dahil sa akin... nagtatampo ka--"
Hindi ako muling pinatapos ni Kit. "Ate, gusto ko munang malaman ang tungkol kay Xaviour. Narinig ko kayo ni lola'ng nag-uusap last time," aniya. "At narinig ko ang tungkol kay Xaviour. I also heard you talking with kuya Yuki, at tungkol rin kay Xaviour 'yon," dagdag pa niya. "So, explain it ate. Multo na siya."
Humarap ako ng maayos sa kapatid ko at tiningnan siya sa mga mata at ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat.
Hindi ako nagkamali, malalaman at malalaman rin pala nila ito.
Nung una ay hindi pa maintindihan ni Kit pero sa huli ay naunawaan din niya ako.
"Okay. Naiintindihan ko na ngayon, ate. Pero may gusto ko ba sa kanya?"
Hindi ko alam kung bakit ganito ang takbo ng buhay ko ngayon. Laging magpapaliwanag, laging sasagot sa mga tanong, at laging may mga kinikimkim... Mga sikretong dapat ay ipaalam na rin sa iba para maunawaan nila.
"Hindi ko masasagot 'yan, Kit. Pag-usapan na lang natin si--"
"Ate naman..."
"Kit, pwede ba patapusin mo naman ako?" Ito na naman at naiinis na naman ako, kung hindi ko lang talaga 'to kapatid. Hayst!
"Sige na ate, sabihin mo na. Please?" Nag-puppy eyes pa siya. "Please? Pag hindi mo sinabi, sasabihin ko kay kuya Yuki na siya ang gusto mo sige ka." At talagang tinakot pa ako nito. "Ate!"
"Hindi."
"Huh?! Yung totoo, ate."
"Hindi, hindi ko siya gusto."
"Really?"
"Hindi ko siya gusto dahil mahal ko na siya."
"Seriously, ate?" Natigilan siya at napatingin sa likod ko. "A-ate..."
"Bakit? Hindi ka ba makapaniwala? Tsk! Yeah, it's kinda weird pero nahulog ako sa isang multo kagaya niya."
"Ate, kasi..."
"Ano ba 'yon, Kit? Para kang nakakita ng multo--"
"Do you really love me, huh?" Halos hindi na ako makagalaw nang marinig ang boses ni Xaviour sa tabi ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya pala pati si Kit ay hindi na rin makagalaw. Andito si Xaviour at... at narinig niya ang mga sinabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro