chapter 1
Chapter 1
Nandito ako ngayon sa room. Katabi ko ang crush ko na ngayon ay papunta na sa girlfriend nito. Hayst, bakit ba nagbago ang feelings niya sa'kin? Eh, crush din naman niya ako noon. Bakit ganoon? kung kailan crush ko na s'ya, tsaka naman nawala 'yung paghanga n'ya.
"Magpapakita ng motibo, hindi naman pala totoo." Bulong ko.
Nakatulala ako sa kawalan habang nakahalungbaba. Inaalala ko ang lahat ng pasakit na naranasan ko dahil sa pang-bubully noong ako'y nasa ikaanim ng pangkat sa elementarya.
-
"Look, who's here? The cry baby, right girls?" Nakangising turan ni Genesis sa kaniyang mga alipores. Ayaw ko ng gulo. Kapag nilabanan ko pa sila, ako pa mapapalabas na masama. Lalagpasan ko sana sila pero hinaharangan nila ako. Napakuyom na lang ako ng kamao dahil sa inis.
'Self, kalma. Kakasermon lang ni Mrs. Samoy kanina.'
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.
"Si ma'am." I distracted them kaya nabigyan ako ng tiyansa na makaupo sa upuan.
Nakaupo naman ako ng matiwasay at biglang dumating ang aming guro sa Matematika.
Kaya panandalian nanahimik ang buong klase at tinuon ang buong atensyon kay Ma'am Logdat.
May malapad na salamin ang ginang. Palaging siyang may hawak-hawak na libro at box na naglalaman ng mga white board marker at white board eraser.
''Good morning, class." walang ekspresyon pagbati nito sa'min.
"Good morning ma'am Logdat. Welcome to our section," masiglang namin pagbati.
Nagtaka naman ako na tumawa ng pagkalakas-lakas ang aking mga kaklase. Naguguluhang ko naman silang tiningnan pero mas lumakas ang pagtawa nila. Napadako ang tingin ko kay Genesis na halatang nagpipigil ng tawa. Anong problema nila?
"Ms. Precious Ara Dela Cruz," maawtoridad na tawag ni Ma'am Logdat sa'kin.
"Ma'am?" Naguguluhang kong turan sa kaniya.
"Are you on your red days? You should take a look at your back." Iminustra ni Ma'am ang aking likod na mas kinalakas ng tawa ng mga kaklase ko.
"Tahimik!" Panandalian tumahimik naman ang aking kaklase pero may munting hagikhik pa rin ako naririnig, at ang mga kaklase kong lalaki ay namumula ang magkabilaang pisngi dahil siguro sa katatawa.
Nagtataka ko naman tiningnan ang aking likuran. Laking gulat ko na may kulay pulang mantsa sa likod ng aking palda. Dahan-dahan ko itong hinawakan. Madulas at malagkit ito. Amoy floor wax. Nagkalat pa ang ibang floor wax sa upuan ko.
"Ma'am floor wax po ito. Hindi ko po alam biglang nagkaroon-" Hindi natapos ang aking sasabihin na magsalita ito.
"Go to the comfort room and change your uniform. Mag-usap tayo mamaya pagbalik mo." Tumango na lang ako at tinungo ang banyo.
Walang duda, alam ko na kung sino ang gumawa nito.
-
Kinokopya ko ang mga notes na nakasulat sa pisara. Nagulat na lang ako nang may biglang umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.
"Oh...the crybaby loser! How are you?" May halong pagsarkastikong pagkakasabi ni Genesis sa'kin.
Tinapunan ko lang ito ng walang ganang tingin at bumalik sa ginagawa kong pagsusulat ng notes.
"Huwag mo ako ginaganyan! Abnormal ka lang, at wala kang lugar dito. Dapat sa'yo sa special school dahil doon ka nababagay."
Medyo nasaktan ako sa sinabi niya, pero hindi ko pinahalata na naaapektuhan ako kasi uulitin at uulitin niya lang din naman ang panlalait niya sa'kin.
"Oh gurl, hindi ka pinapansin oh," natatawang aniya ng bakla na si Gemnick na isa sa mga alipores niya.
"Patikimin mo nga," suhesiyong naman ni Eryl na isa pang alipores niya.
"Just watch and learn." Nagulat na lang ako na bigla niya inagaw ang lapis ko at pinagtatapon 'yon.
"What the hell are you doing!?" Nagtitimping kong turan at pilit pinupulot ang project na dapat kong ipasa kagabi. Nanginginig na aking kamay sa inis na mas nasira lalo nasira ito.
"Ano ba problema mo?!" Singhal ko at tinulak siya ng malakas kaya napaatras ito.
"Gurl, lalaban na si isip bata!' natatawang turan ni Gemnick kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Tinulak ka, gurl! Payag ka no'n?" Mapang-asar na turan ni Eryl sa kaniya.
"No."
"Oh I'm just surprised na ngayon lumalaban ka na. The abnormal fighter queen, right classmate? Ayan na ang itatawag natin sa kaniya simula ngayon." Sinang-ayunan naman ito ng mga kaklase kong loko-loko.
Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko na anumang oras ay tutulo ang mga ito. Bakit ba 'ko ganito? Bakit hindi ko nanaman maipagtanggol ang sarili ko? I'm weak.
"Oh girl, baka umiyak yan!"
"Magsumbong pa yan sa Lola niya!''
"Cry baby talaga!"
"Abnormal talaga!"
Nagtawanan ang mga kaklase ko-
Napabalik na lang ako sa reyalidad nang makaramdam ako ng pagbuhos ng malamig na tubig mula sa ulo ko.
"S-Shete naman... A-Ang lamig!" naiusal ko.
Nang lingunin ko ang gumawa no'n, lumantad ang bruhang si Chai at 'yung mga alipores nito'ng nakangisi tila nang aasar. Akala mo naman ikinaganda nila 'yon.
Naikuyom ko ang kamay ko nang marinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Nanginginig na din ang buong sistema ko dahil sa napakalamig na juice na binuhos sa'kin. Nangangati na din ang akin katawan kasi napalagkit ko na.
"Ano bang problema mo? Ha?!" singhal ko sabay tulak kay Chai.
Mukhang napalakas ang tulak kaya na out-of-balance si Chai at natumba.
"A-Aray!" maarte nitong daing. Agad naman s'yang tinulungan ng mga alipores n'ya. Nang makatayo ito, binigyan ako ni Chai ng isang masamang tingin.
"Aba, lumalaban ka na, ah! Sino ka ba sa tingin mo? Abnormal!" sigaw nito na akmang sasampalin ako na agad ko namang napigilan.
"Sino ba talaga ang abnormal sa'tin, Chai? Ako ba 'yung babaeng takot malaman ng kanyang Tita na lumalandi s'ya?" mapangasar kong tanong habang hindi ko pa binibitawan ang kaniyang kamay na dapat isasampal sa'kin.
Nagbubulungan ang aming mga kaklase dahil nakaagaw atensyon sa kanila ang aking sinabi kay Chai.
"Grabe naman siya! Hindi ba siya natatakot kay queen?"
"Totoo naman ang sinasabi ni Ara na malandi 'yan, eh. Lagi kasi nakahawak kay bebe Henrik ko na parang linta."
"May tinatago rin pala itong kati."
Samot-saring bulungan ang nangingibabaw sa aming silid dahil nakaagaw kami ng atensyon. Sinamaan naman ng tingin ni Chai ang aming mga kaklase na binabato siya ng mga masasakit na salita. Lihim naman ako napangiti. Totoo nga talaga ang salitang 'karma'.
"Sumusobra ka na, ah!" Sigaw nito sabay sampal sakin. Binalik ko sa ayos ang mukha ko bago s'ya sampalin ng mas malakas na sampal kaya nag-iwan ito ng malaking bakat sa kanyang mukha.
Hahawakan na sana ako at ng mga alipores n'ya pero biglang dumating si Sir Nero, ang adviser namin.
Ang kaninang malakas na bulungan ng aming mga kaklase ay ngayo'y napalitan ng katahimikan. Dali-daling bumalik ang aming mga kaklase na nakikisusyo sa'min sa kani-kanilang upuan na animo'y na nagbabasa at nagsusulat.
"What's happening here?" pigil inis nitong tanong.
Magsasalita na sana ako pero naunahan agad ako ni Chai.
"Sir, she slapped me! Look oh! My face is now red!" maarteng sumbong nito.
Napakuyom na lang ako ng aking kamao dahil sa inis. Mukhang may balak pa 'kong baliktarin ni Chai.
"Ah, ganon? Ang kapal, ha! Ikaw nga 'tong nauna! Matapos mo akong buhusan ng tubig?! Sir, s'ya po talaga 'yung nauna!"
"Sir, 'wag kang maniniwala sa abnormal na 'yan! Kahit tanungin n'yo pa sila. Right girls?" Pinandilatan naman ng mata ni Chai ang mga alipores niya na tila bang pinaparating na sakyan na lang nila ang palabas na 'to. Labag naman sa kalooban ng mga alipores niya ay napilitan na lang ang mga ito at tumango.
"Pero sir-"
"Enough! All of you, go to the guidance office!" Umaalingawngaw na sigaw ni sir sa buong silid.
Tinignan ko muna ng masama si Chai bago ako sumunod papuntang guidance.
Nang makarating kami sa office, bumungad sa'min ang strikto naming principal.
"Good morning po, Ma'am," bati namin.
"Morning. Mag si-upo na kayo." Masungit nitong utos. Umupo naman agad kami. Katapat ko ngayon si Chai.
"Sino nagsimula ng away? 'Yung totoong sagot!" ma-otoridad nitong tanong.
"S'ya po!" sabay na usal namin ni Chai habang naka-turo sa isa't isa.
"Sino ba talaga?" inis na tanong nito.
"Ma'am, kung gusto n'yo, i-check nalang po natin yung CCTV. Tutal, ay hindi din naman tayo magkakaliwanagan dito, eh." suhestyon ko. Napatingin ako kay Chai na parang binuhusan ng malamig na tubig at nanginginig na din ang kaniyang mga kamay.
Manginig ka na sa takot, bitch.
"Ma'am, 'w-wag po k-kayong maniwala sa kanya. Sinungaling po ang isang 'yan," utal-utal na paliwanag nito at pinagpapawisan na ang kaniyang kamay kaya kiniskis niya ang kaniyang dalawang palad.
"Oh, Chai? Bakit ka nauutal? Papanoorin lang naman 'yung CCTV, hindi ka naman bibitayin," nakangisi kong saad na tilang nang-aasar.
"Enough of that! Paki-check na ang CCTV!" utos ni Ma'am.
Sumunod naman si Sir at kinuha ang footage ng CCTV. Pinanood namin ang pangbubuhos ng bruha at kung paano kami nagsigawan at nagsampalan hanggang sa dumating si Sir.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro