TYB 2
Kath POV
*Toot toot toot *
Panira ng moment ang alarm clock ko. Ganda na nga ng panaginip ko pinutul pa, kainis. Bumaba na ako at pagbaba ko naabutan kong natutulog si DJ sa sofa habang bukas ang TV. Ok din toh no, nagsasayang ng kuryente. I switched off the TV at ginising siya.
"DJ, gising na" sabi ko. Ginulo ko buhok niya. "Hmm" DJ. "Gising na! Usap tayo" Sabi ko at minulat na niya ang kanyang mga angelic na mata. "Ano yun?" tanong niya. "Saan tayo punta?" tanong ko. Bored na din ako dito sa bahay. "Mall tayo, pero daan muna tayo sa bahay ko para bisitahin natin si Lelay at Magui, miss ka daw nila" sabi ni DJ. Nalighten up naman ang mood ko. Yes, makikita ko na ulit ang mga chikiting. "Sige, miss ko na din sila, ligo muna ako" i said. "Pwede sa kwarto mo ako manood ng TV?" tanong niya. "Ha? Bakit?" ask ko. "Malamig doon eh, may aircon, ang init init kaya dito" sabi niya. Nagsmile nalang ako. "So is it a yes?" sabi niya. I nodded at pumunta na kami sa kwarto. "O, ayan na ang remote, anong gusto mong color na dress isusuot ko?" tanong ko. Siya naman talaga tinatanong ko kung ano isusuot ko kapag lalabas kami. "Yung Blue nalang para pair tayo" Sabi niya pero nakatitig parin sa TV. "K, Hintay ka lang dito, sigaw kalang kung may kailangan ka" utos ko. Pagkapasok ko sa CR. "Kath, ingat ka, mahal kita" sabi niya. Nakatingin siya saakin. At nagsmile pa. "Yes boss, mahal din kita" sabi ko. Alam ko naman na kapatid ang tingin niya saakin kaya nag i love you nalang din ako para di halata.
DJ POV
"Kath, ingat ka, mahal kita" hala ka. Bakit ko nasabi yun mahal kita?
"Yes boss, mahal din kita" sabi niya. Lumaki bigla mata ko. Pero hindi niya nakita dahil pumunta na siya sa cr. Pero assuming ko naman, akala ko mahal na niya talaga ako. Mahal nga, bilang kapatid nga lang. Oo, crush ko si Kath mula noon at mahal ko siya hanggang ngayon. Kaya nga parang my heart break into pieces noong nalaman kong may boyfriend na siya. Naging bestfriend pa sila bago naging sila. Nawalan na nga siya ng time para saakin eh. Ngayon lang bumalik ang tunay na Kath noong nalaman niyang niloko siya ni Quen. Patay talaga sakin yun kung magpakita siya ulit. Lumabas na si Kath sa cr at nakasuot na ng dress. Grabe ang dali niya magprepare. "Le'go na?" sabi niya. I smiled and turned off the TV and the Aircon at sinirado na ang pinto. Paglabas namin sa gate nila andoon si Quen, naghihintay kay Kath. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Quen. "May date kami ni Kath, masama bah?" sabi niya. Yabang ha. Kaya ayun sinapak ko na. "Kapal din ng mukha mong magpakita dito matapos mong lokohin si Kath!" ayan hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Kath, huwag kang maniwala sa kanya" sabi niya. Umiiyak na si Kath na nasa likod ko. Sinapak ko ulit. Pinipigilan ako ni Kath pero hindi ko talaga matiis. "Gago ka pala, siya nga nagsabi saakin, bobo, walang utak, kung gusto mong magusap kayo ng mga kabarkada mo, hinain din ng konti at isecure yung place bago makipagchikkahan " sigaw ko. Bakla na kung Bakla pero para kay Kath din toh. "Tara na DJ" sabi ni Kath na halatang umiiyak. "Hindi pa tayo tapos, tandaan mo yan" sabi ko kay Quen habang hawak hawak ko ang kamay ni Kath papunta sa bahay ko. Actually magkapitbahay lang kami. Naglakad lang kami papuntang bahay. Umiiyak parin si Kath kaya niyakap ko at hinalikan sa noo. "Everything will be ok, ako bahala" bulong oo sa kanya. I wiped her tears at pumasok na sa bahay. "Magui, pakuha ng tubig para kay Ate Kath mo" utosko kay Magui. "Bakit? What happen?" Magui. " Mamaya ko na sabihin basta kunin mo ng tubig si Kath" sabi ko. Pumunta na siya sa kusina. Umiiyak parin si Kath sa balikat ko at magkayakap pa kami. "Kath, huwag ka ng umiyak andito lang ako" sabi ko sabay kiss sa noo at hinigpitan ang pagkayakap ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro