Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Before i could start the epilogue, may gusto lang akong sabihin.

Huhuhuhuhu! Magtatapos na ang Thank You Best! Nakakaiyak at nakakamiss pero kailangan dahil may magrequest na gumawa raw ako ng one shot stories. Sabi ko naman gagawa ako ng one shot pagkatapos nito kaya, tatapusin ko na ito para makagawa na ako. Mamimiss ko ang lahat ng mga private messages ninyo saakin na magupdate na ako. Mamimiss ko lahat ng kakulitan ninyo! Pero wag mag alala, may marami pa akon gagawing story kaya ito na. Kailangan ko ng simulan ang epilogue.


Kath's POV

3 years later.

Ang saya isipin na ang ganda na ng takbo ng buhay namin. Tapos na kami ng pagaaral at ibinigay na ng mga magulang namin ang aming mga kumpanya. Kasal na silang lahat. Except ako. Ikakasal na ako 5 hours after.
Si Julia at Diego may anak na lalaki na sila. Si Juliego. One year at six months na siya ngayon.
Si Yen at Niel naman may baby girl na. Si Yeniella. One years old na siya.
Si Lia at Iñigo naman, kakakasal lang. On the way na ang baby.
Si Janella at Nicolo naman kasal na din. 4 weeks ng buntis si Lia. Di pa nila alam ang gender.
Si Kiray at EJ naman, kasal na rin pero on the way na ang baby.
Si Nadine at Quen may twins na. Babae at lalaki. SI Nadine Jane at Enrique Jr. 2 years old na sila.
Ako naman gagawa pa kami.


5 hours later.

Eto na. Andito na ako sa harap ng simbahan. Nagaantay si Groom. Di pa daw dumating. Kadama ko si Mama sa sasakyan. Alalang alala ako. Baka nagbago isip niya. Baka di siya sumulpot. Baka di niya ako gusto. "Darating yun Kath! Natrafic lang siguro yun" sabi ni mama kaya nagsmile nalang ako.

DJ's POV

Anak ng Palaka naman oh! Kung kailan kasal ko chaka pa may traffic. Nananadya talaga ang tadhana sakin eh. Bigla naman umusod ang traffic. Narinig siguro ni Tadhana ang iniisip ko. Andito na ako sa simbahan. Nakia ko narin ang sasakyan ng sinakyan ni Kath. Hay, ikakasal na talaga ako! Nagsimula na ang misa. Isa isa ng naglakad ang mga tao. Andito rin ang barkada kasama ang mga anak nila. Grabe, ang bilis talaga ng panahon. Noon, bestfriend ko pa siya pero ngayon, ikakasal na kami! Agad naman pumasok sa simbahan ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Habang palapit siya ng palapit, di ko mapigilang umiyak. Salamat po at pinaubaya niyo sakin ang babaeng nagpatibok ng puso ko.

Andito na siya sa harapan ko. Nagbeso mula sila ni Tita Min at binigay na ni Tita ang kamay ni Kath. Ngumiti ako at kinuha. Naglakad kami sa altar. Umupo kami sa upuan habang hawak hawak ang kamay namin pareho. Hinalikan ko muna noo niya bago nagsimula.

***@#%& Fast Forward &%#@***

"I, Daniel John Ford Padilla, promise to love Kathryn Chandria Manuel Bernardo, for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do us apart, in my heart I swear" He faced me at nagsmile sabay suot ng singsing sakin.

"I, Kathryn Chandria Manuel Bernardo, promise to love Daniel Padilla, for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do us apart, in my heart I swear" 
Sabi ko at nagsmile sakanya at sinuot ang singsing sakanya. Nagsalita na ang pari. "And now, I pronounced you as husband and wife. You may now kiss the bride" sabi ni Father. Tinanggal ni DJ ang nakatakip sa mukha ko at hinawakan niya ang pisngi ko. "Can I?" Tanong niya. Tumawa lang ako. "Yes" sagot ko. "I love you Kath" sabi niya. "I love you too DJ" sabi ko. May biglang sumigaw. "Kiss na! Ano ba yan! Tagal ha! Pabitin effect!" Sabi ni Niel kaya tumawa ang lahat. "Eto na" sabi niya. Nakikita kong kinabahan siya kaya ako na mismo ang humalik sa kanya. Nagpalakpakan an lahat kaya bumitaw na kami. "Ikaw ha! Dumadamoves ka na Mrs. Padilla!" Sabi niya. Kiniss niya ulit ako sa labi. Naghiyawan ulit ang mga tao. "Nakascore ka na, Hubby ha!" Sabi ko. Nagsmile lang siya at humarap na kami sa lahat.


1 year later

"Hubby!!!! Manganganak na ako!" Sigaw ko kay DJ. Nataranta si DJ kaya kinuha niya agad ang susi ng kotse at tinawagan silang lahat. Pinasok niya ako sa sasakyan. "DJ! Bilisin mo! Malapit na talaga silang lumabas!" Sabi ko. Sobrang sakit na kasi ng tiyan ko. "Babies! Wag niyo pahirapan mommy niyo! Relax lang kao dyan!" Sabi niya. " kesa sa kausapin mo sila bilisan mong magdrive!" Sigaw ko. Nakaabot na kami ng ospital at talagang nauna pa talaga sila mama at papa pai na rin yung barkada sa ospital. Agad nila akong dinala sa OR.

DJ's POV

Dinala na nila si Kath sa OR. Sumama rin ako dahil kailangan daw ni Kath ng suporta.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ni Kath. "Misis Padila, one last push lalabas na si first baby!" Sabi ni Doctora. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw niya at narinig ko na ang iyak ng unang bata. "Its a boy! May isa pa po! Push!" Sabi ni Doc. "Ahhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ni Kath. Hinawakan ko kama niya at pinupunasan ko ang mga luha at pawis niyasa mukha. "One last big push po !" Sabi ni doctora. Huminga ng malalim si Kath. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw niya sabay pikit ng mata. "Kath! Gising!" Sabi ko. "Nakatulo lang siya Mr. Padilla. Napagod lang" sabi ni Doc at rinig na rinig ko ang iyak ng kambal namin. Salamat po Lord at may bonus pang dalawang bata!

Kath's POV

Nagising ako dahil rinig na rinig ko ang tawanan nila. Nakita ko si DJ na hawak ang dalawang anak namin. "Kath! Salamat naman at gising kana" sabi niya sabay smack na halik sa lips ko. Nagsmile lang ako. Binigay ni DJ ang babaeng anak namin. "Ella Casandra Padilla at Patrick John Padilla" sabi namin pareho. Masayang masaya ako dahil ibinigay ng Diyos ang tatlong mahalagang tao sa buhay ko.

Dito pa lang nagsisimula ang bagong chapter sa buhay namin na kasama si John at Cassy. Ngayon, napatunayan kong Love Conquers All. Dahil nagkaayos kami lahat sa pamamagitan ng pagmamahal at ito rin ang gagamitin namin para mas tumibay ang pagsasama namin lahat. Nagsimula ang isang kwento ng dalawang magbestfriends na na inlove sa isat isa at naging mag asawa. Masaya ako dahil di lang ako ng nagkaroon ng asawa at ama ng mga anak ko. Nagkaroon din ako ng bestfriend na katulad ni DJ.

.

.

.

.

."Thank you, Best!"


@itsmekerstyncasandra is temporarily signing off!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro