Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Text Conversations

*one message recieved*

August 12, 20**

From: Robi
Micah tulungan mo nman ako sa bestfriend mo. Li2gawan ko sana sya eh.

To: Robi
Suyuin mo lang. Bigyan mo ng stuffs na color yellow. Matutuwa 'yun promise :)
sent.

From: Robi
Sge gagawin ko 'yun. Salamat :)

▣▣▣

August 15, 20**

From: Robi
Micah ayaw pa ring magpaligaw ni Ara eh. Anong gagawin ko? :(

To: Robi
Alam mo gusto ng mga babae 'yong mahilig magpatawa. Mag pick-up line ka kahit waley. Haha tiwala lang.
sent.

From: Robi
Okay sge susubukan ko haha.

▣▣▣

August 23, 20**

From: Robi
Musta school mo micah? Nakita kita kanina nagkasabay 'yong jeep na snakyan natin nung nag traffic. Haha

To: Robi
Haha akala mo ikaw lang? Nakita rin kita. Nakanganga ka nga e. Haha.
sent.

From: Robi
Ano? Ikaw nga nakasimangot parang si Chucky. Haha

To: Robi
Huwat? Ang sama mo Robi :(
sent.

From: Robi
Haha joke lang. To naman di mabiro.

▣▣▣

August 25, 20**

From: Robi
Anong ginagawa mo ngayong micah?

To: Robi
Ito gumagawa ng assignments. Wala na nga akong maisagot eh :3
sent.

From: Robi
Ganun? Basta sagutin mo lang ako, okay na 'yan XD

To: Robi
Ha? Hahaha ang korny mo XD
sent.

From: Robi
Ok lang maging korny bsta para sayo. Hahaha.

To: Robi
Hahaha anong nangyayari sayo? Gutom lang 'yan.
sent.

From: Robi
Haha to naman ayaw sumakay. Nagpra2ktis ako para kay Ara eh :D

To: Robi
Ah okay. Kala ko kung ano na eh. Haha sge magpakakorny ka sa kanya :)
sent.

▣▣▣

August 27, 20**

From: Robi
Haha salamat sa time. Ang sarap mong kausap. Tawagan kita uli mamaya ah? xx

To: Robi
Haha okay ikaw din. Baliw kang kausap haha. Si Ara hndi mo tatawagan?
sent.

From: Robi.
Hndi siya sumasagot eh. Busy ata.

To: Robi.
Busy nga ata. I'try mo ulit.
sending..

Robi calling..

▣▣▣

August 28, 20**

Robi calling..

▣▣▣

August 30, 20**

From: Robi
May concert ang banda namin sa saturday. Gusto mong pumunta? Bi2gyan kta ng ticket :)

To: Robi
Talaga? Sige ba!Yeey!
sent.

From: Robi
Haha bsta ba isama mo si Ara :D

To: Robi
Ay may kapalit pala. Hmp. Wag nalang.
sent.

From: Robi
Haha joke lang. Bsta ibibigay ko sayo 'yong ticket. May Ara man o wala :)

▣▣▣

September 04, 20**

From: Robi
Micah hinahanap mo ba 'yung bullcup mo? Nasa akin. Hahaha

To: Robi
Walanhya ka kaya pala nwawala! Kala ko nhulog nung concert. Ibalik mooo!
sent.

From: Robi
Anong 'mooo'? Hahaha ano ka kambing? Haha akin na 'to :P

To: Robi
Anong kambing? 'Meehee' yun tanga hahaha. Kalabaw kamo! Pero wag mong ibahn 'yong storya dahil ba2wiin ko 'yong bullcup! :3
sent.

From: Robi
Haha pareho lang 'yun XD akin na 'to. Di ko na ibabalik. Thanks luv you. Hahaha.

To: Robi
Tsk. Kainis ka! Pasalamat ka talaga at.. hay naku!
sent.

From: Robi
Na anu? Haha na mahal mo'ko? Haha your welcome micah XD

To: Robi
Hay naku ewan ko sayo.
sent.

▣▣▣

September 07, 20**

Robi calling..

▣▣▣

September 9, 20**

From: Robi
Micah asan ka ngaun?

To: Robi
Kasama ko bf ko. Bakit ba? :P
sent.

From: Robi
may bf ka? Sabi mo wala? Kainis ka naman eh ><

To: Robi
Haha joke lang. Bakit seselos ka? XD Andito ako sa Mcdo. Punta ka dito, ilibre mo ako dali.
sent.

From: Robi
Hay salamat mbuti naman at wala. Sge papunta na ako dyan.

▣▣▣

September 12, 20**

From: Robi
Micaaaah!!! XD

To: Robi
nung problema mo? Namimiss mo na2man ako nu? XD
sent.

From: Robi
Ou eh. May itatanong ako sayo.

To: Robi
Anu yun? Ang seryuso mo ah. Haha.
sent.

From: Robi
Haha. Ita2nong ko lang, mhirap ba akong mahalin?

To: Robi
Uy nagdra2ma oh. Sumulat kna lang sa MMK. haha. Jk lang. Hndi naman eh. Mdali ka lang mhalin kc mbait kat baliw :)
sent.

From: Robi
Tlaga? Eh bat ayaw skn ni Ara? Gwapo nman ako eh. Dba? Haha. Pero sryuso, Ikaw nla kaya ligawan ko?

To: Robi
Ano? Sira ka tlaga. Gnawa mo pa akong option. Kung gsto mo tlaga si Ara, kaya mong mghintay.
sent.

From: Robi
Nghi2ntay nman ako eh. Pero ayw nya parin. Ikaw na nga lang kc. Sge na sinasagot na nga kta eh ayaw mo pa rin. Hahaha.

To: Robi
Hahaha baliw! Di kta type XD Mtulog ka na nga.
sent.

From: Robi
Ouch ha? Haha. sge na nga Good Night na :)

▣▣▣

September 16, 20**

From: Robi
Goodmorning micah! Kumain ka na kasi ang payat'payat mo na. kasing payat ng walis tingting namin. Hahaha.

To: Robi
Ang sweet mo talaga! Gandang pampa goodvibes ng umaga :3
sent.

From: Robi
Haha joke lang. Bsta wag kang magpa gutom. Ingat :)

▣▣▣

September 18, 20**

Robi calling..

▣▣▣

September 25, 20**

From: Robi
Micah? Miss na kita. Haha. Ilang days kang hndi ngparamdam ah? :3 Smahan mo nman ako sa SM. May inutos si mama skin,

To: Robi
Sus Miss daw! Inuuto mo lang ako eh. Haha. Sge samahan kta pero rob may aaminin ako sayo. haha
sent.

From: Robi
Na anu? Na mahal mo na ako? Haha.

To: Robi
Oo mahal na kita! Naiinis ako sa nararamdaman ko pero feeling ko inlove na ako sayo. Hndi kta tnxt nung nkaraang araw para ikonfirm tong nra2mdman ko pero wala eh. Na miss kta ng sobra at nrealze kong love na talaga kta.
message not sent. Saved in draft.

To: Robi
Hindi! Haha. Inaamin kong ako si darna! Hahaha.
sent.

From: Robi
Sus kala ko aamin ka nang mahal m'ko. Hahaha jk. Wag kng mgalala ako rin nman si batman eh. At skreto lang ntin na prating nkalabas ang brief ko. Hahaha XD

To: Robi
Baliw! Mdami ng may alam nyan. Hahaha.
sent.

▣▣▣

September 30, 20××

To: Robi
Hoy bat hndi kna nagtetext? Wala knang perang pangload? Haha.
sent.

(No reply)

▣▣▣

October 01, 20××

To: Robi
Hoy? ang tagal mo nang hndi nagtetext ah? Namimiss na kta. Ang daya mo! Araw-araw akong gumagwa ng message pero sa draft ko lang sinesave. Nsa2nay kc akong ikaw ang unang nagttxt. Haha. Sge na magtext kna. I love you.
message saved in draft.

▣▣▣

October 03, 20**

To: Robi
Hoy Robi anyare sayo at di kna nagtetext? Haha.
sent.

(No Reply)

▣▣▣

October 07, 20**

To: Robi
Hoy magtext kna pls? Miss na kita! Miss ko na ang pangu2lit mo oh! Please mag pop out na ang name mo sa inbox ko oh. Pagmagtxt ka pramis aamin na ako sa nra2mdaman ko sau.
Message saved in draft.

▣▣▣

October 10, 20**

Robi dialing..

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later.

▣▣▣

October 15, 20**

From: Robi
Micaah! XD

To: Robi
Letchi ka! Bat ngayon kalang nagtext? Haha. Anong nangyari sayo?
sent.

From: Robi
Namiss mo'ko nu? Haha. Uy may sasabihin nga pala ako sayo. Haha.

To: Robi
Ako rin may sasabihin sayo. ikaw muna :)
sent.

From: Robi
Uy anu yan? Haha. Alam mo micah, angsaya ko kasi kme na ni Ara! Wooh! Sa wakas! Npasagot ko na sya! Haha bilib kna skin nu? XD

From: Robi
Uy micah andyan kpa ba?

To: Robi
Ah haha wow! Mbuti nman at kayo na! Ansaya ko para sainyo! Kaw ha! Kaya pla hndi kna nagttxt kc may gf kna!
sent.

From: Robi
Haha sorie. Npaka seloso pla ng bestfriend mo eh. Kaya 'yun. At prati kc kaming mgkasama kya hndi na ako msyadong nagttxt :) oh dba ang swrte ni Ara skin? Haha. ikaw micah anu nga pla 'yong sa2bhin mo?

To: Robi
Ah haha kaya pala. Ahm, wala sa2bihn ko lang rn na may bf na ako :)
sent.

From: Robi
Talaga? Wow dalaga na si micah oh. Haha kala ko magtotomboy ka eh. Hahaha XD mag double date tayo nxt tym ah? Oh cge andito na si Ara. Andto kc ako sa bahay nila eh. Tyl :)

To: Robi
Okay
sent.

▣▣▣

October 16, 20**

To: Robi
Robi naman eh! Ang unfair mo! Masyado kang pa'fall pero hndi mo nman pala ako sa2luhin. Nag assume ako na may feelings ka skin dahil parati kang sweet at caring skin. Lage dn tayong magkatxt at tawag nun. Nra2mdaman ko pang msaya ka kung mgkasama tayo. Pro bat ganun? Si Ara parin ang gusto mo? Ano bng meron sa knya na wala ako? At hndi ko pa nga naaamin ang nra2mdaman ko sau, basted na agad ako. Wala pa ngang tayo nsaktan agad ako. Haay Robi! Naka2inis! Mahal kta eh! Sana hndi mo nlang ako nilandi nang hndi ako nhi2rapan ng ganito!
Message saved in draft.

▣▣▣

October 20, 20**

To: Robi
Ang malas ko buyset! Ba't kasi sa Mcdo pa ako kumain. Nakita ko pa tuloy kyo at nksibay pa kayo sa pgkain ko! Letche naman! Hrap'hrapan pa tlga kayong ngpa2kasweet. Bwiset ka Robi nagse2los ako! Iniisp ko, dapat ako 'yun eh. Dpat ako ang ksama mo at hndi si Ara! Alam kong mali dhil bestfriend ko si Ara pro naiinis na dn ako sa knya! Gsto ko na ngang umiyak sa harap ninyo pro piniglan ko dhil mukha akong tanga pro lintek lang! Mahal parin kta Robi! Nami2ss ko na ang mkulit na convrsation ntin!
Message saved in draft.

▣▣▣

October 22, 20**

To: Robi
Ilang araw na ba akong umiiyk ng dhil sayo letche ka! Sana mghwalay na kayo ni Ara. Hay naku ang bad ko na tuloy.
Message saved in draft

▣▣▣

December 25, 20**

To: Robi
Merry Christmas! Grabe ah! Ang tatag niyo ni Ara! Hndi pa tlaga kayo nghi2walay. ako mymbro ng SMP ngayon. Ewan ko ba! May nanli2gaw nman skn pro ayw kong sgutin. Naka2inis kc eh! Mahal pa rin kta!
Message saved in draft.

▣▣▣

January 01, 20**

To: Robi
Happy New Year Robi! Kmusta na kayo ni Ara? Balita ko nag away kayo? Kung kailangan mo ng kausap andto lang ako. Syanga pla, sorie hndi ko maibgay ang rgalo ko sau nung pasko, hindi kana kc nagtetxt eh. itatago ko lang muna to ah?
Message saved in draft.

▣▣▣

August 12, 20**

To: Robi
Wow. It's been 5 years, but sad to say, mahal pa rin kita. Ilang message na ba ang nakasave sa drafts ko? at dahil sa dami, sa memo na rin ako nagtatype. Pmunta na nga ako sa maynila pero nkabalik na lang ako't lahat dto satin, ikw prin ang iniicp ko. Sorie nga pla at hndi ako nka attnd sa wedding ninyo ni Ara. Gusto ko sna pro bka msaktan lang ako. Balita ko, bniyayaan narin dw kayo ng baby? Wow sguradong kamukha mo siya. Congrats! Mabuti kpa ang saya mo na.
Message saved in draft.

To: Robi
Ang saya mo na sa buhay mo ngayon, smantalang ako ito nkakulong prin sa nkaraan. Alam kong msaya kna pro iniicp ko pa rin tlaga, kung panu kayo kung naging tayo noon? Sguradong ako ang ksama mo hanggang ngayon. Ako ang katabi mo sa pag gising mo, ipnagha2nda ka ng almusal at ako ang nag'aalaga ng mga anak ntin. Kay sarap isipin pero hanggang pngarap lang tlaga un.
Message saved in draft.

▣▣▣

September 02, 20**

To: Robi
Alam mo inimbtahan ako ni Ara sa birthday ng anak nyo. Hndi ko alam kung pu2nta ako. Hndi ko alam kung ano ang ga2win ko kung mkita kta. Pro gusto kong pmunta dhil miss na kta. At ng mrealize ko na rin na wala na. Na wala na tlagang pag-asa ang pgma2hal ko. Ng mtigil na rn ang khibangan ko.
Message saved in draft.

▣▣▣

To: Robi
Ahrg! Hindi ko alam kung mlu2ngkot o maiinis ako e. Mlulungkot kc nki2ta na ktang msaya sa pamilya mo pro naiinis at the same tym dhil yong pnsan mo pa2nsin. gwapo nga myabang nman! Mgkaiba kayo eh. Sana pla tlaga hndi na ako pmunta sa b-day ng anak mo eh.
Message saved in draft.

▣▣▣

September 07, 20**

To: Robi
Robi pkibatukan nga 'yong pinsan mo pls! Naka2buyset eh! Bat ba kc kme nagkta uli? At ang hnayupak na 'yun, ngkakilala plang kme, ang kapal na ng mukhang manligaw. Wow ha. Di ko siya type. Ikaw lang ang gusto ko. Haay.
Message saved in draft.

▣▣▣

September 30, 20**

To: Robi
Anubayang pinsan mo Robi! Hndi ko alam kung sryuso siya o naglo2ko lang eh! Aba'y pursgido ba namang manligaw? Ewan ko pro nki2ta ko ang ibang side nya. Mbait dn nman pla sya. Nasa tabi ko siya tuwing nalu2ngkot ako dahil sayo. Iknwento ko pa nga skanya na may gusto ako pro never ko ng mkukuha. At alam mo ang sabi nya? Tu2lungan nya dw akong mka move on. Sana nga.
Message saved in draft.

▣▣▣

October 27, 20**

To: Robi
Uy mdyo mag iisang buwan na nung huli akong magtype dto ah? Grabe nman kc ang pinsan mo. Nili2bang ako msyado. Alam mo, lumalambot na ang puso ko skanya. Sryuso kc siya at pursigido. Tinotoo niya talaga ung snabi nyang tu2lungan nya akong mag move on. Alam mo prati nya rn akong snusundo. Ewan ko ba! Npa2saya nya ako. Sa2gutin ko nba sya?
Message saved in draft.

▣▣▣

November 8, 20**

To: Robi
Hi Rob! Salamat sa lahat! Salamat sa mga ala'ala. Natu2wa ako at minahal kta. Pro stingin ko ito na ang huli kong message sayo. Kami na ng pnsan mo. At natu2wa ako dhil maayos ang relasyon namin. Hndi man tayo ang ngkatuluyan ngpa2salamat parin ako na nging magkaibigan tau. Na nging parte ka ng buhay ko. Masaya rin ako na masaya kna ngaun ksama si Ara at ang mga anak mo. Bu2rahin ko na pala lahat ng mga message ko na hindi sinend sau at sinave lang sa drafts ko, kasi 'yun ang unang step para mkamove on ako at ayusin ang future ko. at stingin ko, mga bagong conversations naman ang mabobuo ko ksama ang pinsan mo. Kaya salamat. Salamat na khit hndi mo nba2sa lahat ng mga mensahe ko noon. Ikaw parin ang ngsilbing diary ng buhay ko. At kahit hndi ko man naamin sayo ang nra2mdaman ko noon, kaht nsaktan ako dahil umasa ako saatin. ngpa2salamat parin ako na dumating ang pinsan mo, si Jiro, na nandito at minamahal ako ng lubos. Yun lang. Ito na ang huli. Salamat uli.
SENT.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro