Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE 03

EPILOGUE 03

“I love you since then, Xandro. Alam mo iyan. Kahit hindi mo ako tinuturing kaibigan ay nand'yan pa rin ako sa 'yo,” madamdaming pag-amin sa akin ni Perry sa hindi inaasang pagkakataon.

Napailing ako sa kan'yang sinabi. “Ilang beses mo na itong sinasabi sa akin, Perry. What are you really wanted to say?”

Kahihiwalay lang nila ng gagong Wastine na iyon tapos sasabihin n'ya ito sa akin? Nilinaw ko na sa kan'ya na wala s'yang pag-asa na magustuhan ko, alam n'yang si Novale pa rin.

She breathe out. “S-Sa tingin ko karapat-dapat ako na mahalin mo ako, Xandro. Matagal na tayong magkakilala kaya bakit ang babaeng iyon ang nagustuhan mo?”

Agad na nagsalubong ang kilay ko sa kan'yang sinabi. “H'wag mo akong pilitin na gustuhin ka. Bakit s'ya? Obviously s'ya ang pinili ng puso ko. Hindi pinipilit ang puso na mahalin kung iyan ang iniisip mo. I'm not like you.”

I was referring to her ex which is Wastine. Kahihiwalay lang nila tapos nagkakaganito s'ya. Hindi ako tulad ng iba na kung sino-sino lang ang nirerelasyon nila. Masyado akong seryoso sa pag-ibig na hindi ko magawang maglaro.

Napakagat s'ya sa sariling labi. “Hindi ka nakakasigurado na magugustuhan ka n'ya, Xandro. Alam mo kung anong klaseng tarbaho ang mero'n ka. At kung anong klaseng magulang ang mero'n ka.”

Napayukom ang kamao ko. I knew that very well. Isa sa rason kung bakit natatakot pa rin ako sa maaaring maging reaksyon ni Novale kapag nalaman n'ya ang trabaho ko at anong klaseng magulang ang mero'n ako.

Instead to drag myself down, hindi ko iyon hinayaan. I clenched my jaw.

“Wala ka ng pakialam do'n. I will make her fall hard that she wouldn't think leaving me then.”

Hindi iyon ang dahilan upang tumigil ako. I courted her, treat her the way she deserved. I really hate people like Perry, always meddling with my personal life. Ayaw kong sinisiraan ang mga plano at gusto ko.

Gano'n na lang ang pagkabahala ko nang hindi n'ya ako pinansin. I texted her if we're alright, at sabi naman n'ya wala kaming problema. Hindi ko kumbinsido roon.

Tinanggihan n'ya ang alok ko na ihatid s'ya. Ngayon lang talaga ito nangyari at hindi ko alam kung anong ginawa kong mali. Kaya naman sumunod ako sa kan'ya.

I'm holding her hands until we arrived in her apartment. I tried to asked her again if there's a problem, but she won't tell me.

Naiinis na ako sa sitwasyon pero sa huli inintindi ko na lamang s'ya. I won't forced her. Baka nga pagod lang s'ya at hindi pa n'ya kayang sabihin sa akin. At least she let me hold her hand and to be with her.

Hindi ko nakayanan na hindi s'ya nakakausap habang s'ya'y nakikita ko lamang sa paligid. Kaya naman humingi na ako ng tulong sa kaibigan n'ya at umayon naman sa plano.

Wala nang magawa si Novale kundi kausapin ako ngayon mismo. I desperately asked her about our problems. Ang hirap na wala akong kaalam-alam sa dinadamdam n'ya at nag-o-overthink ako palagi.

Halos gumuho ang mundo ko at hindi mapakali nang marinig sa kan'ya mismo na gusto na n'yang itigil ko ang panliligaw. Hindi ko matatanggap ito.

“Ayaw ko sa police...kung hindi mo pa alam,” she said as she breathe heavily. “A lot of girls out their likes you. May mahahanap kang babae na para sa 'y—”

“The hell I care about them! I more than like you, kaya bakit mo ako pinamimigay?” pasinghal kong saad at hindi mapigilan ang inis ko. Sobrang sakit na pinamimigay n'ya ako sa iba gayong alam n'yang s'ya ang gusto ko.

“Ayaw ko nga sa police,” she whispered, inulit n'ya ang unang kataga kanina.

Ayaw n'ya sa police, ibig sabihin ayaw n'ya sa akin. Why? Magandang propesyon naman ang kinuha ko kaya bakit ayaw n'ya?

Hindi ko kayang nakikita ang takot sa mga mata n'ya. As if she's afraid to me. Is that the reason why she doesn't like me?

Napasandig ang noo ko sa balikat n'ya. I tried to compose myself, I don't want her to see even the glimped of evilness inside of me. Ayaw kong dagdagan ang takot n'ya.

“Hindi kita kayang saktan, Novale. Do you think I can hurt you just because of my profession?”

Wala sa isip ko na saktan si Novale. Ni hindi ko ma-imagine ang sarili na may gawin akong masama sa kan'ya. Iniingatan ko s'ya. Kahit no'ng hindi pa n'ya ako kilala, I always wanted her safe because I knew that there's someone trying to stalked and hurt her.

Naiintindihan ko ang magulang n'ya kung bakit ayaw nila sa katulad ko. Ngunit patutunayan ko na hindi ko ilalagay sa kapahamakan si Novale. Lalo na kabilang ako sa organization namin, mas magiging safe s'ya ro'n.

After the kissed and confession, we're officially in relationship. Parang nasa panaginip lamang ako. She's really my girlfriend now, and that's makes me so happy.

Sa isang taon na panakaw-tingin lamang ako, ngayon hindi ko na kailangan na sekretong titigan s'ya dahil p'wede ko nang tignan nang malapitan ang kan'yang mukha.

“You see this lady in front of the crowd?” Tinapat ko ang cellphone ko sa gawi ni Novale na nakatayo sa gitna. I'm taking a video on her very important day.

“That's my girlfriend. She's so beautiful, isn't she?” I chuckled and looked at her with so much admiration. “I'm so proud of her. I love her so much.”

Napayuko ako at tinapos ang video nang makitang may kasama na si Novale sa pagrampa. Iyong lalaki na pinagseselosan ko ito. They are silently whispering to each other and it pains me seeing her in the arms of someone else.

Pero alam kong mahal na ako ni Novale. She love me kaya may tiwala ako. Hindi s'ya iyong tipo na babae na magloloko. Wala lang kong tiwala sa mga lalaking nakapaligid sa kan'ya dahil kahit alam nilang may boyfriend na si Novale, hindi pa rin sila titigil.

Sobrang kinabahan ako nang harapin ko ang magulang ni Novale. Hindi ko alam kung magugustuhan pa rin nila ako para sa kanilang anak pero gagawin ko ang lahat para sa aming relasyon.

“I'm a former police officer, so I know how my job is dangerous. Umalis ako sa tarbahong iyon para makaiwas,” seryosong sabi ng Ama ni Novale sa akin. And I totally understand what he is trying to point out. “I don't like my daughter to be involved in it. I think you'll be graduated next year? At kapag naging kayo pa rin ni Novale, magiging parte rin s'ya sa buhay mo.”

I already think about it. Matagal ko nang napagpasyahan na ibigay ang proteksyon ko kay Novale. My brotherhood will help me for sure, they won't leave me hanging if there's a problem.

“I promise to protect your daughter, Sir. Hindi ko hahayaan na masaktan ang anak n'yo. Marami po akong plano sa aming dalawa at isa na iyon sa pananatilihing ligtas s'ya sa kamay ko.”

Hindi makapaniwala si Novale sa aking sinabi habang nakatingin sa akin. My honey is still shocked, huh? My love for her isn't that shollow, it was deep that I couldn't get out.

Napatango ang Ama ni Novale da akin. “I'm holding on that, hijo. Kay Novale pa rin ang desisyon. Hahayaan ko s'yang magmahal ng gusto n'ya.”

Nakahinga ako roon ng maluwag. I also expect them to ask me some other questions on how serious I am to Novale. And I will always answered them honestly.

“Hindi ko po kayang magloko kay Novale. I'm in love with her and I'm contented to what we have now,” ani ko at inakbayan ang babaeng pinakamamahal ko.

Namamangha pa rin ako sa tuwing tinititigan n'ya ako. Ito pala ang pakiramdam na mapansin ng taong minamahal mo. Sobra pa sa saya ang puso ko na sa wakas legal na kami sa magulang n'ya.

“Look at this picture, Xan.”

Katatapos lang namin mag-ensayo at agad akong nilapitan ni Perry.Kahit anong gawin sa kan'ya ayaw n'yang umiwas sa akin.

Nang tignan ko ang cellphone n'ya kung saan tinutukoy n'yang picture, nanigas ako. It was Novale, may kasamang lalaki sa parking lot.

Napaasik si Perry, napailing-iling. “Nakita ko silang magkasama kahapon at isang oras silang nag-uusap. Do you even know that this girl is still entertaining other men?”

Napaiwas ako sa litratong pinakita n'ya at nahagip ang mga mata ng kasama ko. They looked disappointed. Nakikita ko ang awa sa mga mata nila sa akin.

What the f*ck is that for? Hindi kayang gawin ito ni Novale sa akin at walang matibay na proweba si Perry na may something nga ang lalaking ito at si Novale.

But even I tried to convinced myself that Novale would never do that to me. Hindi ko mapigilan na magselos ng sobra. Nagagalit na ako sa lalaking kasama n'ya kahapon, galit ako sa lahat ng lalaking lumalapit kay Novale.

Gusto kong linawin kay Novale ang tungkol sa totoong rason kung bakit may kasama s'yang lalaki kahapon. Ngunit nang makita s'yang nakangiti sa aking harapan, hindi ko mapigilan na maging malambot pagdating sa kan'ya. I kissed her, not just her lips.

“H-Honey, ayos lang sa akin kung hanggang halik lang tayo.” Hinaplos ko ang buhok n'ya, I love this girl. “Pigilan mo ako palagi kung sa tingin mo sumusobra na ako. Iba ang sinasabi ng katawan ko kapag usapang ikaw na ang hinahalikan ko. Baka sa susunod hindi ko na mapigilan ang sarili ko pagdating sa 'yo.”

Masyadong mabilis ang lahat kaya dahan-dahanin ko muna. I knew that she wanted me so badly, na may epekto ako sa kan'ya kaya gustong-gusto n'yang halikan ko pa s'ya. Even I love it, hindi pa ngayon ang tamang oras para r'yan.

“I trust you, Xan,” she whispered. And then she kissed my slightly opened lips. Ninamnam ko iyon ng buong pagmamahal.

Natatakot ako na baka tama ang sinasabi ng mga kasama ko. Halong-halo na ang nararamdaman kong pangamba sa magiging kahinatnan ng relasyon namin ni Novale dahil lang sa maliit na bagay.

They are just talking right? I trust her, I should. Mahal n'ya ako. Hindi ko hahayaan na makawala s'ya gayong nasa bisig ko na s'ya. I don't care anymore.

Kahit naalala ko pa rin ang litratong iyon ay nagawa ko naman isawalang bahala. Ayos na sana na wala s'yang alam tungkol do'n ngunit nakarating sa kan'ya ang tungkol sa pagkuha ng litrato sa kan'ya.

I already told Perry that she shouldn't meddle in our problem, but it turns out that my other friends also saw it. Iba na tuloy ang iniisip nila kay Novale at ayaw kong may isipin silang masama kay Novale.

I swear, hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ni Perry sa department namin. Ngayon lang s'ya nagtangkang pumasok gayong noon sumusunod naman s'ya sa aking utos na h'wag akong lapitan.

Nadatnan pa kami ni Novale na sabay na lumabas sa student council office. Pinuntahan pala n'ya ako para ipaliwanag ang totoong nangyari no'ng magkasama sila ng lalaking iyon.

Pinipiga ang dibdib ko dahil nagsisi ako na naniwala ako no'ng una sa mga sinabi ni Perry. Hindi ko naman sinasadya na makaramdam ng pangamba na baka totoo iyon. I was wrong.

“I trust you, Novale,” I said.

“Pero nang binigyan ka ng fake news ni Perry naniwala ka, 'di ba?”

Agad akong napailing, nanghihina sa pagkabigo sa kan'yang mga mata. Inaamin ko na ang kamalian ko. Ngunit gano'n na lang ang taranta ko nang umatras s'ya nang tangkain kong hawakan ang braso n'ya.

She's mad and disappointed to me. Kahit hindi tumataas ang boses n'ya, ramdam ko naman na gusto n'yang sumabog. Ayaw kong kinikimkim n'ya ang sakit. Natatakot na ako sa mahina n'yang boses ngunit bakas ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa kan'yang labi.

Hindi s'ya sumabay sa akin kumain. Sinundo ko s'ya sa kanilang room ngunit wala na raw s'ya ro'n. Hindi ko na alam kung saan s'ya at halos buong departments hinanap ko s'ya.

“I'm sorry, Xandro. Nagalit yata si Novale sa amin dahil sa inakala naming may ginagawa s'yang kalokohan,” mahina at malungkot na saad ng kasama ko.

Humingi sila lahat ng pasensya dahil sa ginawa nila kay Novale. Sabi ko naman sa kanila, kay Novale na sila humingi ng tawad. Dahil kahit ako gusto kong humingi ng tawad kay Novale sa mali kong iniisip.

I tried to call her. Hindi n'ya sinasagot hanggang sa hindi na ako nakakain ng tanghalian. Hindi ako nakaramdam ng gutom dahil nag-aalala ako ngayon sa kan'ya. Hindi ko ma-track ang location n'ya.

Ngunit nabuhayan ang loob ko nang makitang tumawag s'ya makalipas ng ilang minuto.

“Let's talk and fix this, hon. Where are you? Can we meet? Please?”

“X-Xandro.”

Napapikit ako at nanlambot na lamang. Para s'yang iiyak. Siguro dahil sa nangyari kanina sa amin. Ayaw kong dagdagan ang problema namin kaya ako mismo ang aayos nito.

“I'm not mad, okay? Bakit ka umiiyak? Wala kang kasalanan kundi ako.”

“P-Puwedeng pumunta ka rito sa shoe shop? Sa mall mismo. I need y-you here.”

Natigilan ako sa kan'yang sinabi. “What happened? Turn on your location and I'll be there,” taranta kong sabi sa isipang may problema s'ya ngayon. Baka kung anong nangyaring masama sa kan'ya.

It happened that Novale was accused as a thief. Syempre ayaw kong magkulong si Novale na wala namang ginawang masama. I know her. Kaya naman nang makita sa CCTV na sinet-up lang pala s'ya, ro'n na ako nagalit.

I'm willing to cut the closeness with Perry. Hinayaan ko s'ya na maging malapit sa akin at sa mga kaibigan ka. Tapos ito ang ibubungad n'ya sa akin? Dapat lang itanggal s'ya. Gumagawa s'ya ng bagay na ikakapahamak ni Novale.

“Kahit anong mangyari, lagi mong iisipin na ikaw ang paniniwalaan ko. You're my other half, and I know that you couldn't capable to do bad things,” I said. I smiled as I brushed her right cheeks using my thumb. “You're too innocent to be involved in my messy world, hon. I will protect you in everything. I love you so much.”

Tumutulo pa ang nga luha n'ya sa mga mata habang nakatingin sa akin. Her tears of joy are too precious for me, especially if the reason behind it was me.

And that moment, I felt relief to the thought that we're already fine. She even let me kissed her lips and her precious eyes, clouded by tears.

I am belong to her, and she's belong to me. That's matter to me at this moment.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro