CHAPTER 37
CHAPTER 37
Bakasyon na kaya tapos na sa pag-aaral si Xandro. And after he take his license exam sa malayong lugar ay tumawag s'ya sa akin na may masayang balita.
He passed it. Nakapasa s'ya at hindi mapasidlan ang saya ko nang marinig ang masaya n'yang boses nang sabihin iyon sa akin.
Kaya naman balak ko s'yang i-surprise. Pupuntahan ko s'ya kung saan s'ya ngayon. Kasama ko si Zendra dahil gusto rin n'yang makita ang kuya n'ya.
“N-Nov, h'wag muna siguro natin silang puntahan.”
Nagtaka ako sa malamlam na mga mata ni Zendra, agad s'yang napaiwas ng tingin. Tila ba nasasaktan s'yang makita ako.
Hinawakan ko ang balikat n'ya at pinaharap sa akin. Kinakabahan ako sa pinapakita n'ya sa akin. Hindi talaga s'ya nag-angat ng tingin sa akin.
“Anong mero'n? May problema ba?”
“N-Nov...”
Magsasalita sana ako ngunit biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa kama ko. Si Oven pala ang tumatawag kaya naman sinagot ko ito.
“Girl! Nakita mo na ba ang balitang kumakalat ngayon?” bungad kaagad n'ya pagkasagot ko ng tawag.
Tinignan ko saglit si Zendra na hindi mapakali. Umupo ito sa kama habang nakayuko. May problema nga s'ya.
“Wala naman akong balitang nasagap, ah.”
“Gosh,” rinig ko ang problemadong pagbuga n'ya ng hininga. “Listen to me, Novale. Kung ano man ang balitang malaman mo tungkol kay Xandro, sana h'wag kang mag-break down.”
Sa mga oras na iyon ay malakas ang pagkabog ng dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko sa maaaring malaman ko.
“A-Anong balita? May nangyari bang masama sa kan'ya?”
Napaangat ang tingin bigla ni Zendra, nanlalaki ang mga mata.
“Hindi ko sana sasabihin sa 'yo 'to pero kailangan mo pa ring malaman,” seryosong sabi ni Oven.
Akala ko may nangyaring masama kay Xandro. Ngunit gano'n na lang ang pagbagsak ng isang butil ng luha ko nang marinig mismo kay Oven ang tungkol kay Xandro at Perry na kumakalat ngayon.
Nanghihina akong napaupo sa kama at agad akong dinaluhan ni Zendra. Kaya pala gano'n na lang kaproblemado si Zendra dahil may alam na s'ya.
Ayaw ko sanang maniwala dahil naniniwala akong hindi iyon magagawa ni Xandro. Ngunit masyado siguro akong nakampante. Kitang-kita mismo sa sinend na video sa akin ni Oven ang scandal na kumakalat ngayon.
Hindi ko aakalain na makikita ko ang boyfriend ko sa video, na kung saan nakikipagtalik s'ya sa ibang babae.
Ni hindi ko alam na habang nagpapaka-busy ako sa pag-aaral at paghihintay na makauwi s'ya sa akin. Magkasama pala sila ni Perry sa iisang lugar na iyon.
Ayos lang naman sa akin iyon. Pero...bakit may nangyari sa kanila no'ng gabing binalitaan ako ni Xandro na nakapasa s'ya sa board exam? Masaya naman kami no'n, ah. Bakit ganito?
“M-May nangyari sa kanila, Zendra,” umiiyak kong sumbong dito.
Niyakap n'ya ako nang mahigpit at paulit-ulit na sinasabi sa akin na dapat kayanin ko. Humihingi rin s'ya ng pasensya sa ginawa ni Xandro.
Paano ko kakayanin ang emosyon ko ngayon kung ang matagal ko nang boyfriend ay may kalokohan palang ginagawa sa malayo? Umasa ako na hindi n'ya ito magagawa dahil panatag ako na mahal n'ya ako.
Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong umiiyak sa aking kuwarto. Nang medyo nakahinga na ako sa mahabang hagulgol ko ay napansin kong nasa tabi ko lamang si Zendra. Walang tigil n'yang pinapatahan ako.
“Hindi na ako tutuloy,” madiin kong sabi sa galit na nararamdaman ko.
“N-Novale, hindi ba natin kukumpermahin kung totoo ba talaga ang scandal na iyon?” tanong n'ya at nag-aalalang hinawakan ang kamay ko.
Binaling ko ang tingin sa kan'ya. Alam kong hindi rin s'ya makapaniwala na kayang gawin iyon ni Xandro. Ngunit mukhang hindi s'ya naniniwala ro'n.
“Ilang beses ko pa bang dapat paulit-ulitin ang video para makita ko kung paano n'ya ako niloko, Zendra? Boses nilang dalawa iyon ni Perry at hindi ako maaaring magkamali.”
Wala s'yang nagawa sa aking desisyon, hindi na ako makakasama sa kan'ya para sunduin si Xandro at mga kasama nito. Hindi ko kakayanin. Kinuha ang lahat ng lakas at kasiyahan ko dahil sa niloko ako ni Xandro.
Minahal ba n'ya talaga ako? Ano pa ang kulang sa akin at kinaya n'yang gawin iyon? Akala ko ba iba s'ya sa mga lalaki? Nagkamali ba talaga ako sa pinili ko?
Mga katanungan na gusto kong marinig sa kan'ya ang kasagutan. Mas masakit pa siguro kung maririnig ko mismo sa kan'ya na kulang ang binigay kong pagmamahal.
Bakit kailangan pa n'yang magloko? P'wede naman n'ya akong hiwalayan kung sawa na s'ya, ah.
Kumalat nga ang scandal na iyon at bigla ring humupa sa hindi malamang dahilan. May pumigil sa balitang kumalat ngayon.
At simula no'ng malaman ko ang nangyari sa kanila ni Perry, tinadtadan n'ya ako ng tawag at messages. Lahat ng iyon hindi ko sinagot.
I blocked his number, even in social media. Nanginginig ako ang katawan ko sa pinaghalong galit at sakit. Ang tanging gusto ko lang mangyari ngayon ay makalayo sa kan'ya.
“H'wag ka nang magpapakita sa lalaking iyon. Tarantado at manloloko iyon,” nanggagalaiting sambit ni Papa nang tumungo s'ya sa aking apartment.
Hindi ko nga nakakausap si Xandro dahil alam kong pinagsalitaan ito ni Papa. Sobrang galit ang magulang ko dahil kahit sila hindi nila iyon inaasahan.
Tinatawagan din ako ng mga kaibigan ni Xandro pero kahit ni isa sa kanila wala akong kinausap. Kasama sila ni Xandro sa party na iyon at hinayaan nilang makalusot si Perry.
“Hija, kausapin mo ang binata sa labas. Ayaw umalis kahit bumabagyo sa labas, oh.”
Napapikit ako nang mariin. Hindi ko aakalain na mararamdaman ko ang ganitong galit at sakit na emosyon sa aking dibdib. I know how to control my emotions yet I couldn't apply that right now. He cheated on me, hindi ko iyon palalampasin.
Wala na akong nagawa kaya pinuntahan ko sa labas si Xandro. Dala ang payong ko ay sumulong ako sa ulan at nilapitan s'ya.
Wala s'yang payong dala at tanging kapote lamang. Ngunit dahil sa lakas ng bagyo, pareho kaming binabasa ng ulan.
Bumagsak ang puso ko pagkakita sa ko sa kan'ya. Gusto kong ibuhos ang lahat ng kinimkim kong galit at sakit sa kan'ya. Niloko n'ya ako tapos may gana pa s'yang harapin ako ngayon? Ang kapal lang.
Agad s'yang napatayo nang maayos nang makita ako. Sobrang pula ng mga mata n'ya at may eye bags na rin na tila ilang gabi ng walang tulog.
“H-Hon.”
Huh! May lakas-loob pa s'yang tawagin akong hon?!
Ininda ko ang awa kong nararamdaman sa kan'ya at sinampal ito sa magkabilang pisngi. Nanginginig ang labi ko na sigawan s'ya at mga kamay ko na gusto pa s'yang saktan.
“M-Matagal ko na sanang ginawa ito at hindi pa pinatagalan pa,” umiiyak kong sabi sa kan'ya.
Mas lalong bumuhos ang luha n'ya na hindi ko namalayan. His sea-green eyes filled with sadness. Nakikita ko ang sakit at pagkahirap sa mga mata n'ya na abutin ako ngunit winaksi ko ito sa harapan ko.
“H-Hindi iyon totoo, Nov. M-Maniwala ka—”
“Oh, please! H'wag mo ulit akong gawing tanga! Tama na, Xandro! ” hindi ko mapigilan na sigawan s'ya.
Tila sumasang-ayon ang galit na bagyo sa aking nararamdaman. Kumulog ng malakas ngunit hindi namin iyon pinansin. Habang galit ko s'yang tinitignan ay nagagawa pa rin n'yang tignan ako na parang ang sakit sa kan'ya na unti-unti akong mawawala sa kan'ya.
Lumandas ang luha sa aking mga mata, hindi ako kumurap.
“H-Hindi mo na siguro napigilan na gumalaw ng ibang babae dahil wala ako sa tabi mo 'no?”
Umiling-iling s'ya. “H-Hindi, Nov. Please...wala akong ginalaw na ibang babae. H-Hindi ko iyon magagawa.”
“Kitang-kita na nga sa video tapos magsisinungaling ka pa?” inis kong asik. “Hindi mo ba talaga napigilan ang sarili mo o ginusto mo iyong nangyari sa inyo ni Perry? Si Perry pa talaga ang pinatulan mo.”
Alam n'yang ayaw na ayaw ko kay Perry. Pero bakit hinayaan n'yang mapalapit ito ng sobra sa kan'ya at nauwi sa scandal?
Desperado na umiling-iling s'ya at hinawakan na ako sa braso para pigilan ako nang akmang iiwan ko s'ya.
“B-Bitiwan mo ako.”
“H-H'wag mo namang gawin sa akin 'to, hon. Pakinggan mo naman ako, oh. Please, m-mahal na mahal kita,” hagulgol n'yang ani. “P-Pakiusap, Novale. H-Hindi ko ito kakayanin.”
“Kaya mo, Xan. Kakayanin mo.” Marahas kong binaklas ang kamay n'yang mahigpit na nakakapit sa akin.
Napasinghap lamang ako nang lumuhod s'ya bigla sa aking paahan, yakap-yakap ang aking mga binti.
Umalingawngaw ang pag-iyak n'ya sa kalagitnaan ng bagyo. Nanghihina na s'ya at pilit n'yang hinihigpitan ang kapit sa akin.
My heart clenched as I watched him begging me to stay and believed him. But how will I do that? He cheated and for that, wala ng second chance.
“Bitaw, Xandro. Maghiwalay na tayo,” buong boses kong sabi na ikinaguho ng mundo n'ya.
“Hindi! H'wag g-ganito, Novale! Novale, please... Mahal na mahal kita, oh. Ayaw kong maghiwalay tayo.”
Napatingala ako sa langit nang marinig ang desperadong boses n'yang nagmamakaawa sa akin. May parte sa akin na gusto s'yang pakinggan ngunit gaya nga sa sinabi ng magulang ko, h'wag kong pairalin ang awa ko sa ngayon.
Walang excuse kung nagloko ang isang tao.
Blangko na ang isipan ko nang sapilitan na s'yang kinuha ng guard namin. Kahit gaano kahigpit s'yang nakakapit sa akin, hindi nagtagal nakawala s'ya at hindi na makalapit sa akin.
Kasabay ko ang ulan sa pag-iyak. Sa abat kulog ay tila sinasaktan din ang puso ko. Hindi ko maalis sa aking isipan ang ginawang panloloko ni Xandro.
“H'wag na h'wag ka ulit magpapaloko, Novale. There's no other reason for him to get you back. Niloko ka n'ya kaya layuan ka na n'ya kung ayaw n'yang kalabanin ko s'ya,” seryosong sabi ni Papa sa akin matapos n'yang utusan ang mga guard na palabasin ito.
Dahil sa ginawa sa akin ni Xandro ay sumunod ako sa magulang ko. Simula no'ng araw na iyon hindi na n'ya magawang lapitan ako. Hindi na n'ya ako pinilit pa. Hanggang sa bigla na lang s'yang naglaho na parang bola.
•••
Napamulat ang mga mata ko at sandaling tumalala sa kawalan. Naalala ko noon kung paano ko pinagtabuyan si Xandro. Ako mismo ang nakipaghiwalay sa kan'ya habang s'ya'y pilit na inaayos ang gulo namin.
Nasasaktan pa rin ako sa aking ginawa. Sinisisi ko ang sarili ngunit mismo si Xandro na ang nagpagaan ng malungkot kong puso. Hindi s'ya nagalit sa aking ginawa.
“You're back, Novale.”
Napalingon ako sa gilid at nakitang kakaupo lamang ni Wastine sa aking tabi.
Sandaling umidlip muna ako. Naging sunod-sunod ang photoshoot ko dahil inuubos ko na ang mga projects ko. Gusto ko munang magpahinga sa pagmomodelo, temporary lang naman at babalik din.
I suddenly want to finish my ongoing business and to be with Xandro. Dahil kung isisingit ko ang pagmomodelo, baka wala na akong oras kay Xandro.
Gustong-gusto kong mag-model pero kasi matagal ko nang gustong maranasan na makasama si Xandro sa iba't ibang parte ng mundo.
“Yeah, last kong photoshoot ngayon,” nakangiti kong saad na ikinatigil n'ya.
“Did I heard it right? You really going to quit your dream?” nanghihinayang sambit n'ya.
“No, babalik din naman ako sa pagmomodelo. May importanteng bagay lang talaga akong gagawin.”
He was about to speak when suddenly his eyes widen in shock. Nakatingin na pala s'ya sa likuran ko kaya binalingan ko rin ang tinitignan n'ya.
It was Xandro. Papalapit ito sa aking kinaroroonan. Namangha ako sa suot n'yang black suit. Galing s'ya sa isa pa n'yang trabaho na kinuwento n'ya sa akin nakaraan.
At first hindi talaga ako makapaniwala na may gano'ng klaseng tarbaho. Akala n'ya siguro magagalit ako. Pero bakit naman ako magagalit?
Matapos kong marinig na iyon ang dahilan kung bakit namuhay s'ya na hindi nahihirapan mula no'ng iniwan s'ya ng magulang, hanggang sa nakapagtapos s'ya pag-aaral.
It's dangerous to be involve in that kind of job. Right now, masaya at proud ako sa kan'ya. Nakaya n'ya.
“Baby honey.”
Napasinghap ako nang bigla akong hinalikan sa labi ni Xandro. Smack lang iyon pero libo-libong bultahe ang naramdaman ko sa aking katawan.
Wala s'yang pakialam kahit nakita iyon ni Wastine basta mahalikan lang ako. Loko talaga. Alam ko naman kung bakit n'ya iyon ginawa.
Salubong ang kilay n'ya nang binalingan si Wastine. “Oh, nandito pala ang katarbaho mo.”
“Uhm,” hindi magawang nakapagsalita si Wastine. Nagdadalawang isip kung aalis ba ito o hindi.
Napailing ako sa kay Xandro at hinila na ito para maupo sa aking tabi. Napansin kong may dala s'yang paper bags kaya kinuha ko ito. Nagningning naman ang mga mata ko nang makita ang laman.
Malapad ang ngiting napaangat ako ng tingin sa kan'ya. “Yey! Alam mo talaga ang paborito kong beauty products. ”
Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kan'ya. Natatawang tumugon s'ya sa yakap at hinalikan ang tuktok ng buhok ko.
“Anything for my honey,” he huskily said.
“Uhm, aalis na ako, Novale,” biglang salita ni Wastine. Muntik ko na s'yang makalimutan sa sobrang tuwa ko.
Tumango ako rito at kumaway. “Sige, goodbye. Hope to see you again kapag bumalik na ako.”
Nakangiting tumango s'ya. Bago ito umalis ay napatingin pa s'ya sa kasama ko.
“Hey,” agaw pansin sa akin ni Xandro at inikot ang katawan ko paharap sa kan'ya. “You don't mean it, aren't you?”
Napataas ang isa kong kilay. “Ang alin?”
“That you're hoping to see him again,” nakasimangot n'yang sabi. “Now I'm jealous. You won't see him if you come back, okay?”
Natatawang hinampas ko ang dibdib n'ya na mas lalong ikinasimangot n'ya. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang pagiging seloso n'ya.
Hindi na s'ya tulad ng dati na grabe magselos. Hindi ko rin alam sa aking sarili na kahit gano'n, nagugustuhan ko sa tuwing nagseselos s'ya sa mga lalaking kinakausap ko.
Sinuklay ko nang marahan ang buhok n'ya paitaas. “Imposible na hindi ko s'ya makita. Nasa iisang kompanya lang kami.”
Umismid s'ya.
“Thank you pala rito, hon.” Tinaas ko ang paper bags. “I love you.”
Nawala naman kaagad ang pagkabusangot ng mukha n'ya at napangiti.
“I'll give whatever you want. ” He kissed my forehead. “I love you more, hon.”
Humagikgik ako at kinuha ang matte lip stick, nilagyan ko ito sa aking labi. Pinaglapat-lapat ko pa ang labi ko at tinignan sa salamin kung ayos na.
“Magandang lip stick ito dahil hindi basta-basta nabubura,” ani ko at hinarap s'ya.
Nakalolokong ngisi ang pinakita n'ya sa akin. “Really? Tignan ko nga.”
Nagulat ako nang halikan n'ya ako. Medyo napatagal ang halikan namin bago s'ya rin ang humiwalay. He licked his lips, his eyes darted to my lips.
“Ayan, proven and tested na.”
Napanguso ako at mahina s'yang sinabunutan. Natatawang nagnanakaw pa ito ng halik sa akin.
I'll never get tired whenever I'm with him. Hanggang ngayon s'ya pa rin ang kailangan at mamahalin ko, kahit pumuti na ang buhok ko.
“I can't wait to take you home now,” makahulugan n'yang ani at hinalikan ang engagement ring at promise ring sa kamay ko.
Napangiti ako. I knew that he's already excited to marry me. But since I want it to be memorable, inaasikaso pa namin iyon ngayon.
“Let's go home?” yaya n'ya at pinatayo ako.
Tumango ako at ngitian s'ya. “Yeah, let's go home now.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro