CHAPTER 31
CHAPTER 31
Dahil siguro sa pagod ko at sa kalambutan na rin ng kama ay nagising ako. Madilim ang kuwarto kaya gabi pa rin ngayon, o baka nga madaling araw na.
Napahawak ako sa aking tiyan nang kumulo ito. Kaunti lang ang kinain ko kanina bago sumunod kay Nervia.
Si Nervia! Alam kong nabihag din s'ya ni Xandre kanina. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Kung magagalit ba ako o makaramdam ng pagkatraidor n'ya.
Ginawa n'ya bang girlfriend si Nervia para madali lamang sa kan'ya na kunin ito pati ako? Muntik na akong maniwala kanina na tunay na may paki s'ya sa amin. S'ya pa mismo ang naglagay ng pampatulog sa akin.
“You're awake.”
Agad akong napaupo nang narinig ko ang boses n'ya. Nilukuban kaagad ako ng kaba sa aking dibdib, na dapat kapayapaan na nandito s'ya. Takot na ako kanina nang malaman na kinidnap ako pero mas lalo akong kinabahan na s'ya pala ang may pakana ng lahat.
Nakaupo s'ya sa paahan ng kama na sa tingin ko'y kanina pa s'ya r'yan. Wala s'yang suot na damit sa pang-itaas kaya nakabalandra ang namumutok n'yang muscle at abs a katawan.
Inalis ko rin kaagad ang tingin do'n at baka makita n'ya ang klaseng tingin ko sa kan'ya.
“N-Nasa'n si Nervia? H'wag n'yo s'yang sasaktan!” galit at kaba kong sabi. Mabilis kong hinila ang kumot at niyakap ito sa aking katawan nang makitang nakatingin s'ya sa damit ko. “Eyes up here!”
His eyes reflected with anger, I don't know the reason behind it. Bigla na lang nanliksik ang mga mata n'ya sa pagkaangat ng tingin sa akin.
“She's fine,” he said in almost whispered.
“Anong fine ka r'yan?! Mga kasama mo pinatulog s'ya. At ang kapatid mo,” napaasik ako nang maalala si Xandre, that assh*le! “You two planned this. Ano ba ang kailangan n'yo sa akin, huh?”
He intently stared at me, like he's also looking at my souls. Nilampasan n'ya ang tanong ko.
“Bakit gan'yan lang ang suot mo? Kaninong damit iyan?” He's referring to my oversize t-shirt, his jaw clenched and darkly stared at it. “And you're just wearing your panty for God sake!”
Sh*t! Nakita n'ya kanina ang suot ko sa pang-ibaba? Mas lalo ko tuloy na tinabunan ang katawan ko lalo na sa pang-ibaba ko.
“H'wag ka nga tumingin sa katawan ko. You pervert! Panty short iyon, hindi panty!”
Nailamos n'ya ang kan'yang palad sa mukha, naiinis na iyan kapag gan'yan. S'ya pa ang may ganang mainis, eh, s'ya itong naninilip.
“It's still panty,” aniya at napabuga nang hininga, there's something on his throat stopping him to breathe. His face hardened. “At h'wag mo nga niwawala ang usapan natin. Kaninong damit iyan?”
Napatingin din tuloy ako sa aking suot na t-shirt. Kanino pa ba ang damit na ito, kundi akin.
“It's my shirt,” humina na ang boses ko.
Para bang bumalik ulit sa casual na conversation, animo'y hindi s'ya kinatatakutan gayong kinidnap n'ya ako. Ikinulong n'ya ako rito at iginapos pa.
“Mukhang damit ng lalaki iyan,” inis na aniya at umiwas ng tingin.
Naningkit ang mga mata ko. Parang nakahinga ito nang maluwag nang malaman na sa akin ang t-shirt na 'to. Iniisip ba n'ya na ang damit na ito ay sa lalaki ko?
“Damit ko nga 'to,” inis ko na ring sabi at sinamaan ito ng tingin. Natabunan ang kasabikan at takot ko na rin sa kan'ya dahil sa ibang iniisip n'ya sa akin. Galit s'ya sa isipang suot ko ang damit ng lalaki?
Seryoso ang mukha n'ya ngunit parang napanatag na s'ya sa sagot ko. Marahan s'yang napatango at hindi makatingin sa akin. Parang may pumipigil sa kan'ya na tignan ako. Kanina naman grabe s'ya kung makatingin.
Tumayo s'ya sa pagkakaupo at tumungo sa bintana na may malaking harang na nakalagay. May kaunting siwang naman na makikita para mapagmasdan ang buwan. Kahit sa bintana hindi ako makatakas, sinadya talaga.
Namayani ang katahimikan sa loob ng kuwarto. Bumalik ulit ang pakiramdam na nasa iisang silid lamang ako ng masamang tao.
Masamang tao nga ba talaga si Xandro? Matagal ko na s'yang kilala at ni minsan hindi n'ya ako sinaktan. Nawala na ba ang Xandro na nakilala ko? Nasa'n na ang Xandro na pinapangarap na maging Pulis? Why he became like this?
“I t-thought you're a police now... What happened?” I nervously asked. He's not making any noise kaya kinakabahan na ako sa presensya na pinapakita n'ya.
Hindi s'ya nagulat sa aking tanong. Malamig na titig s'yang bumaling sa akin. Wala na iyong pagkakunot ng noo n'ya kanina sa inis. Lumapit ulit s'ya sa akin. Ang dalawang kamay ay nasa magkabilang bulsa nakalagay.
“Shut up your mouth and go back to sleep.”
“Are you a criminal? What kind of criminal, huh?!”I couldn't stop myself from bursting my anger towards him.
Naiiyak na ako sa isipan na iyong pangarap na gusto n'ya noon ay tuluyan na naglaho. Tapos na s'ya sa pag-aaral. Ano itong pinasok n'ya? At ano ang kailangan n'ya sa pamilya ko? Sa akin?
He sarcastically laughed in a low voice that gave me a ghost bumps.
“Criminal, huh?” he emphasized it. Mas inilapit n'ya ang mukha sa akin at hindi ko nagawang umurong. “You don't care if what kind of criminal I am. Bihag kita rito kaya sumunod ka sa gusto ko. H'wag kang tanong ng tanong. Don't expect me to be good to you.”
Nanlumo ako sa kan'yang sinabi. Pinipiga ang puso ko sa mga salitang sapol sa aking dibdib. Iyong mga tingin n'ya noon sa akin ay ibang-iba na kumapara ngayon.
Iyong mga tingin n'ya na may pagmamahal, ngayon ay napalitan ng pagkagalit at pagkawalan ng pasensya.
Napayuko ako at iniyukom ang kumot na hawak ko. Natahimik ako at gano'n din naman s'ya. Lumayo s'ya sa akin kaya nailabas ko ang aking hininga na kanina pa pinipigilan.
Lumabas s'ya at isinara ang pinto ng kuwarto. Roon ko pinakawalan ang luha na pinipigilan ko.
Saan ba ako umiiyak? Sa isipang mag-isa ako rito sa delikadong lugar o dahil ine-expect kong kahit papaano maging mabait sa akin si Xandro?
May pinagsamahan din naman kami. Isang taon ang naging relasyon namin at mahal namin ang isa't isa. Nagmakaawa s'ya ng panahon na iniwan ko s'ya. Mahal na mahal n'ya ako, eh.
Kasalanan ko ba kung bakit s'ya naging ganito? Did I made him like this?
Dapat hindi ako nag-expect na ililigtas n'ya ako rito. May gagawin s'yang masama sa akin at wala s'yang pakialam do'n. Tinali nga n'ya ako rito at hindi na kagaya noon na malambing s'ya kung magsalita.
Matagal na iyon. Hindi ko naisip na hindi ibig sabihin na kunga no'ng mero'n noon ay gano'n pa rin hanggang ngayon. Nagbabago ang panahon...at gano'n din siguro ang kan'yang puso.
I slept with empty stomach. Kaya sobrang sakit ng tiyan ko pagkagising ko ulit. Umaga na at nagpapasalamat ako na wala s'ya rito sa kuwarto.
Medyo madilim pa rin dito sa kuwarto dahil tago ito. Kaunting liwanag lamang ang tumatagos.
Inis kong binabaklas ang pagkagapos sa aking kaliwang kamay ngunit kinakailangan talaga ng susi para mabaklas ito. Gag*ng Xandro.
Sumuko na lamang ako at dumapa sa pagkakahiga. Hawak ko pa rin ang nananakit kong tiyan. Gusto kong kumain na pero walang binigay si Xandro. Papagutumin siguro ako bilang torture.
Ngunit kahit bigyan n'ya ako, hindi ako kakain kahit gutom na ako. Malay ko 'bang may lason iyon. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa utak n'ya kaya baka kaya n'yang gawin iyon sa akin.
Naipikit ko ang aking mga mata nang narinig ang pagkabukas ng pinto at pagkasara rin. Hindi ko alam kung sino ang pumasok. Mas tinuon ko na lang ang pansin ko sa nanakit kong tiyan. Malalagpasan ko rin ito.
“What happened to you?” I heard him asking me.
Hindi ako nagsalita. Ngunit napamulat ang mga mata ko nang makitang umupo s'ya sa gilid ng kama malapit sa akin. Sinilip n'ya ang aking mukha at tinarayan ko ito pagkatapos kong inilipat ang mukha sa kabila para hindi s'ya tignan.
“Look at me. What's wrong?” desperadong tanong n'ya, na parang ikakakamatay n'ya kung hindi malaman ang mali sa akin.
Hindi n'ya ako hinayaan na magtanong sa kan'ya pero s'ya itong nangungulit na tanungin ako.
Napansin n'yang may dinadamdam ako. Alam pa rin n'ya ang bawat galaw ko. Kilang-kilala n'ya ako samantalang naguguluhan na ako sa pinapakita n'ya ngayon.
I painfully blink and stared blankly to the wall that I am facing. It's hurt but I endured it. “Tumahimik ka at umalis ka rin dito.”
Muntik na akong mapatili nang hinila n'ya ang balikat ko para pahigain ako ng maayos. Nahigit ko ang aking hininga nang sumampa s'ya sa kama at idiniin ang katawan ko para wala na akong balak pang iwasan s'ya.
“May masakit sa 'yo?” seryosong tanong n'ya habang pinapasadahan ako ng tingin sa mukha. Kita ko ang paglunok n'ya.
“Wala!” agap kong sagot. Hindi na ako nagpumilit pang makawala sa kan'ya. Ang sakit na ng tiyan ko kaya mauubos na lamang ang lakas ko kapag nagmatigas ako.
Ngunit hindi s'ya naniniwala. Sinipat n'ya ang katawan ko kahit may suot pa rin naman ako. Hindi ko na sana hahawakan ang tiyan ko para hindi n'ya mahalata ang masakit sa akin ngunit sa sobrang sakit, hindi ko na napigilan.
“Are you in your period?” tanong n'ya at hinawakan ang tiyan ko.
Napakagat ako sa aking labi. Kahit papaano naibsan ang sakit sa aking tiyan dahil sa mainit n'yang kamay na lumapat kahit may suot pa rin akong damit. Taas-baba ang hininga ko nang napagtantong sobrang lapit ng katawan namin.
Gusto kong suminghap sa paghagod ng kamay n'ya sa aking tiyan. Bigla ko tuloy naalala na sa tuwing dinadatnan ako at masakit ang tiyan ko, alagang-alaga n'ya ako. Hihimasin n'ya ang tiyan ko na parang iniibsan n'ya ang sakit ko.
“Nadatnan ka ba?” ulit n'yang tanong. Kahit seryoso ang mga mata n'ya ay kita ko ang nakasilip na pag-alala rito. Sinipat pa n'ya ang katawan ko para tignan kung may sugat ba ako o ano.
Hindi ako nakasagot. For almost years of not seeing him, hindi ko pa rin nakalimutan ang tungkol sa kan'ya, lalo na ang kan'yang mukha.
Gano'n pa rin naman ang mukha n'ya ngayon ngunit nag-mature lamang. Nadepina ang hugis ng kan'yang baba at naging mas malalim pa ang boses n'ya.
His sea-green eyes became more intense than before. My heart filled with happiness when I saw him, but I knew that he wasn't happy to see me. He wants me to suffer here.
May nararamdaman pa rin ako sa kan'ya at nakakatakot na malaman n'ya pa iyon. Siguro naman iisipin n'ya na tuluyan nang nawala ang nararamdaman ko. Ano naman kung malaman n'ya?
I don't know what kind of people are in this place, kasama na s'ya ro'n. But I know that I'm not safe here. Dapat hindi ko pinapairal ang nararamdaman ko sa kan'ya. Walang mangyayari sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro