Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

CHAPTER 28


“You look sexier in your swim suit, Novale! No wonder why almost of your albums and magazines are sold out in just one hour.”

Ngumiti ako sa hiya at inabala ang sarili sa pagligpit ng gamit ko. I'm a bit tired of our photo shoot since I traveled more than five hours just to get here in one of the famous garden. Bumiyahe talaga ako nang matagal. Tingin ko'y babagsak na ang katawan ko sa sobrang pagod ko.

“Hindi naman. The company is popular, so talagang bibilhin nila iyon,” I reasoned out, nagkibat-balikat ako.

She just smirked at me playfully like she wouldn't believed of what I have said. Talagang sure na s'ya na ako ang dahilan kung bakit bumenta ang mga albums at magazines ko.

“Are you going to go home now?” tanong ni Nervia paglabas ko, dala ang mga bag ko.

“No, I'm going to stay in this place, iyong malapit sa lugar kung saan tayo mag-photoshoot.”

“Wait!” Dali-dali n'yang kinuha ang maleta n'ya sa loob ng tent kung saan nagpapahinga kaming mga models.

Iginuyod n'ya ang kan'yang maleta papunta sa akin. “May room ka na ba sa hotel? Or may na-reseve ka na?”

Umiling ako at nauna nang naglakad. May mga kumakaway sa akin na mga bata at gano'n din ang ginawa ko, ngumiti ako sa kanila. They looked happier when they saw me.

“Tamang-tama, may alam akong hotel na malapit dito. We can stay there. Gusto mo iisang room na tayo?” Humabol s'ya sa akin para sabayan ako sa paglalakad.

Bumaling ako sa kan'ya. She's smiling so wide, she's really a friendly type of girl. Kaya marami ring umaasa sa kanya na lalaki dahil na-mi-misinterpret nila ang mga lahat na pinapakita nito. Every men would gladly to do anything for her.

“That would be great,” tugon ko at sinuklian ito ng ngiti. “Ayaw mo rin sumama sa ibang models sa hotel, that the company provided?” tanong ko pa.

Mabilis s'yang umiling at agad na umismid. Nawala na tuloy ang ngiti n'ya. “Ayaw ko talaga, ikaw lang naman ang gusto kong makasama. Ang sasama ng ugali nila. Pareho-pareho lang naman tayong models do'n, but I could feel their hatred towards us.”

That's why ayaw ko rin sumama sa hotel na mismo ang company ang nag-provide para may matutuluyan kami. Ilang beses na akong nakarinig ng masasamang komento mula sa mga kapwa models ko.

Actually I don't care of what people say about me. Ang mahalaga lang naman sa akin ay makapagtarbaho at makuha ang gusto kong tinatamasang pangarap. At ito na ang pangarap ko.

I knew that their hatred comes from envy. Their heart was wrapped by hatred because they are envy on something that they wanted to achieve.

Naranasan ko rin iyan at nakikita ko rin naman sa ibang tao. Hindi rin maganda sa kapag nakaramdam ng inggit dahil nauuwi ito sa galit at pagdegusto.

Walking distance lang naman ang hotel na tutulugan namin kaya naglakad na lamang kami. Malapit nang mag-ala-sais ng gabi. Buti na lang may slots pa na room kaya may tutuluyan na kami.

“Sleep muna ako, ah? I'm so tired.”

Binagsak n'ya ang katawan sa isang kama sa kaliwa pagkapasok namin. And just like that, bumagsak kaagad ang talukap ng mga mata n'ya sa sobrang pagod.

Hinayaan ko naman s'ya at inabala na lamang ang sarili na ayusin ang aking gamit. We're going to stay here in five days kaya madami-dami rin ang dinala kong mga damit.

Tapos ko nang ayusin ang mga gamit ko at madilim na talaga sa labas. Naligo muna ako at nagsuot ng oversize na t-shirt bago pinagmasdan ulit ang kadiliman sa labas.

Sumilip ako sa glass sliding door kung saan nasa labas ang veranda. The sky is dark but still the moon and stars are bright, it's breathetaking.

Binuksan ko ang sliding door na glass at lumabas. Itinukod ko ang mga siko ko sa railings ng veranda at pinagmasdan ang paligid.

Malapit ang hotel na tinutuluyan ko sa dagat at gano'n din sa gubat at bundok. Hindi gano'n kadami ang tao sa labas pero mukhang masaya naman dito. I could live here forever, it's beautiful and peaceful.

Bumalik ako sa ulirat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mga ilang segundo ko itong tinitigan bago sinagot.

“Hello, anak?”

“Papa,” tawag ko.

Rinig ko ang tikhim n'ya sa kabilang linya, ilang segundo sumagot s'ya, “Are you busy? Nakaistorbo ba ako ngayon?”

Kung nasa harapan ko lang s'ya ngayon ay baka nag-aalangan na s'yang nakatingin sa akin. Alam kong hanggang ngayon sinisisi pa rin n'ya ang sarili sa nangyari noon.

“Hindi ka nakaistorbo pa. Tapos na ang photoshoot namin,” tugon ko, hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot ngayon.

Hanggang ngayon sa tuwing may nakikita akong mga bagay, naaalala ko s'ya. Nalulungkot at nahihinayang.

Sa tuwing kausap ko si Papa at Mama, naaalala ko ang ginawa nila sa aming dalawa. Kung bakit ngayon wala na kami ni Xandro.

Iyong sigurado na ako sa lalaking mamahalin ko habang buhay ay wala na sa akin.

I broke up with him three years ago. Dahil sa akala ko niloko n'ya ako habang inaabot ko pa lamang ang aking pangarap. Dahil sa kasinungalingan na pinagsasabi ng magulang ko, sinamantala nila na may issue si Perry at Xandro.

Sobrang tanga ko. Nagalit ako sa kan'ya dahil sa maling akala. Nalaman ko lamang na hindi iyon totoo no'ng graduated na ako sa 4th year college. Hindi ako nakinig sa kan'ya at iniwan s'yang nakaluhod at nagmamakaawa sa akin.

Iyong lalaki na sobrang mahal na mahal ako, sinaktan ko lamang ng gano'n. Hindi ako nagtiwala sa kan'ya. Ni hindi ko s'ya pinakinggan, kasalan ko.

“May kasama ka ba d'yan? Mga kaibigan mo? Para naman hindi ka makaramdam ng lungkot,” mahinahon na saad ni Papa sa kabilang linya.

“May kasama po ako.” Sinikop ko ang buhok kong sumabog dahil sa malakas na hangin. “Ayos lang ako, Pa. Magpagaling po kayo at h'wag n'yo na akong alalahanin.”

No'ng nalaman ko mismo sa kanila na nagsinungaling sila tungkol sa nangyari kay Perry at Xandro. Natulala at umiyak na lamang ako sa kanilang harapan.

Ni hindi ko magawang pagsabihan sila ng masasamang salita dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Mas pinili kong kimkimin ang halo-halong nararamdaman ko noon kaysa sa ilabas. Sobrang sakit na hindi ko ma kayang ilabas.

“Mabuti naman, anak. Mag-iingat ka r'yan, ah? Bumisita ka na rin pagkatapos ng tarbaho mo...” He said in a calmed voice. “Mahal ka namin. Masaya ako na abot mo na ang iyong pangarap. Hahayaan ka na namin sa gusto mo...”

Tumango-tango ako. Hindi inaasahang tutulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ngayon na hinayaan na nila ako sa aking gusto, I could do whatever I want. I could finally breathe.

“Thank you, Pa.”

Matagal ko na silang pinatawad pero hindi ko pa rin maiwasang maging malungkot, dahil hanggang ngayon hinahanap-hanap ko pa rin si Xandro. I still love him kahit no'ng mga panahon na akala ko niloko n'ya ako.

Pinunasan ko na lamang ang taksil kong luha at huminga nang malalim. Tama lang siguro na hinayaan ako ni Xandro na lumayo sa kan'ya. Hindi ako naging mabuting kasintahan. Natatangi s'yang lalaki at ang bagay sa kan'ya ay iyong babae na hindi s'ya sasaktan.

Nasaktan din ako ngunit alam kong nasaktan ko s'ya ng tudo.

Maaga rin akong natulog dahil balak kong gumising ng maaga para bago pumunta sa trabaho, matignan ko man lang ang kabuohan ng hotel.

Nagising na lamang ako sa kalagitnaan ng gabi. Siguro ala-una pa lang ng madaling araw, tinignan ko kasi ang sliding door ng veranda namin.

Mukhang nakalimutan kong isara kanina kaya nakapasok ang hangin sa loob, dahilan ng pagkagising ko sa sobrang lamig.

Umalis ako sa pagkakahiga sa kama. Napansin ko kaagad na ako na lamang nag-iisa sa kuwarto, nasa'n na si Nervia?

Wala s'ya sa banyo pagkatingin ko. Tumungo ako sa veranda at nakitang wala rin s'ya ro'n. Baka may ginawa sa labas.

Ngunit agad kong nahagip ng nga mata ko si Nervia, lakad-takbo na tumungo sa 'di gaano kadilim na parte ng kakahuyan. Sinalubong n'ya ang lalaking may suot na black cap.

Sa una kinabahan ako ngunit natigilan din nang makitang nagyakapan silang dalawa. Tinignan ko talaga nang mabuti at baka nagmamalik mata ako.

Gano'n na lang ang pagkasinghap ko nang makitang nagkahalikan silang dalawa, mas nagukat ako ro'n. What the...secret boyfriend ba ito ni Nervia?

It's possible for her to have a secret boyfriend. Sa dami ba namang naghuhumaling sa kan'ya at may mga fans din naman si Nervia na hindi maawat kung sino nali-link na lalaki sa kan'ya.

Hindi ko makita ang mukha ng lalaki. Bukod sa malayo sila mula sa akin, they are hiding from the dark area, malapit sa gubat. But I could see that he's wearing all black clothes. He's actually tall dahil hanggang ilalim ng balikat lamang si Nervia sa kan'ya.

Hinayaan ko na lamang sila kahit kuryuso rin ako. Bumalik na lamang ako sa tulog at hindi na inungkat pa ang tungkol do'n hanggang sa dumaan ang ilang araw. They are still seeing each other ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin mamukhaan ang lalaki.

“Novale, lagay mo ang dalawa mong kamay sa balikat ni Wastine! Closer pa! ”

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na akong nagbuntong hininga. Ginawa ko naman ang utos ng photographer at mas inilapit pa ang katawan kay Wastine.

Hinawakan din ako ni Wastine sa beywang ko at binaba ang mukha para makita ang mukha ko. Ilang inches ang pagitan ng mukha namin at kaunti na lang ay maghahalikan na kami. Alerto naman ako sa bagay na iyon.

“Still uncomfortable to me?” tanong n'ya.

Sinadya n'ya talaga na ganito kalapit kami para subukan ako at para na rin sa maganda ang makukuhang litrato sa amin.

Inikutan ko na lamang s'ya ng mga mata ko. “Stop talking para matapos na.”

For another posing, hinapit n'ya ang beywang ko papalapit pa sa kan'ya at umaktong bubulungan ako. Rinig ko tuloy ang papuri ng mga staff at kumukuha ng litrato sa amin.

“Let's have a dinner later. Hanggang ngayon ayaw mo pa rin makipag-date sa akin samantalang matagal na kitang gusto,” he beamed as if I'm going to bite his offer. “Hindi mo pa rin ba ako pinapatawad? He already left you. That's all in the last now.”


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro