Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

CHAPTER 27


“I knew that you wouldn't lie to me. I trusted you...but I don't trust the guy you are with earlier.”

Agad akong napaupo sa aking kama. I could feel the fast beating of my heart and my hands are sweating. Wala akong ginagawang masama pero pakiramdam ko nagkasala ako.

“Alam mo kung sino ang kasama ko kanina?” I managed to act normal even though I'm already afraid that he knew it already.

Minsan kinababahala ako ang pagiging seloso n'ya. He's trying to control his self.


Natandaan ko no'ng time na may kasabayan akong kaklase na lalaki. Sa unang tingin pa lamang n'ya sa lalaki ay agad na itong kumaripas. Na para bang isang titig lang ay napasunod na kaagad ito.

Walang emosyon ang mga mata n'ya no'n, hindi ko alam ang iniisip n'ya at frustrated ako dahil do'n. Tinanong n'ya lamang ako kung sino iyon at bakit kasama ko ito. Kahit hindi n'ya sabihin, alam kong nagseselos s'ya.

Tahimik at delikado lamang s'yang gagawa ng mga bagay na makakapag-distract sa kan'ya. Isa ito sa napansin ko sa kan'ya.

Habang tumatagal, unti-unti kong napapansin na walang lalaking nagkakandarapa sa akin. Hindi ako nawawalan ng manliligaw pero no'ng makita ni Xandro na may kasabayan akong lalaki ay wala ng nagtangkang lumapit sa akin.

“Alam ko. Nasa malayang lugar lang ako pero may paraan naman ako para tignan ang kalagayan mo,” aniya.

“So, you're stalking me?” gulat kong tanong.

“You can say that. ”

I massaged my forehead. Gosh, so tama nga na sinusundan n'ya ako. Kaya ba palagi n'yang alam kung ano ang ginagawa ko? I don't like the idea of being stalked by someone.

“B-Bakit? I'm totally fine. Eskwelahan at apartment lamang ang pinupuntahan ko ngayon,” problemado kong saad. Isn't weird that he always keeping an eye on me?

Wala akong narinig sa kabilang linya, tahimik s'ya. Kinagat-kagat ko ang gilid ng aking kuko habang hinihintay na magsalita ito.

“I'm in front of your apartment.”

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at agad na pinatay ang tawag. Mabilis akong tumungo sa bintana at nakitang may kotse ro'n. Nando'n s'ya sa labas!

Hindi ko na inabala pang ayusin ang buhok ko at dali-daling lumabas ng apartment ko.

Nadatnan kong nakasandig ito sa nakasaradong pinto ng kotse. He was typing something on his phone. Kasabay no'n ang pag-ring ng cellphone ko.

Narinig n'ya ang pagtugtog ng cellphone ko dahil sa tawag n'ya. Napatingin kaagad s'ya sa akin habang humahakbang papunta sa kan'ya.

He scanned me from head to toe, and back to my face. Tinulak n'ya ang sarili mula sa pagkakasandig sa kotse at mariin akong tinitigan.

Malakas ang pagkabog ng dibdib ko nang huminto ako sa kan'yang harapan. Ramdam ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Nayakap ko tuloy ang aking katawan at do'n ko lang napagtanto na nakasuot ako ng manipis na night dress. I forgot to change my cloth!

Napaangat ang tingin ko kay Xandro na ngayon ay nakatitig din sa akin.

“Bakit ka pumunta rito? Anong oras na. Malayo ang lugar mo, ah,” I asked him. Concern ako na ako iyahe s'ya para lang makarating dito. Ilang oras din iyon.

He crooked his neck, patagilid ang ulo n'yang tinignan ako na parang may mali akong sinabi o ginawa. He spread his arms to me.

“Where's my hugs and kisses? Nakalimutan mo na?” aniya sa nagtatampong boses.

Napaawang ang labi ko. Ngayon lang nagproseso sa aking utak na kapag nagkikita kami, palagi n'ya akong niyayakap. Palagi ko iyon ginagawa dahil alam kong gusto n'ya iyon.

“N-Nagulat lang ak—”

Agad akong napatigil sa pagsasalita nang bigla n'yang hinablot ang aking beywang. Mabilis na pumulupot ang mga braso n'ya sa aking katawan at mahigpit akong niyakap.

Nagulat man ay yumakap din ako pabalik. Ramdam ko na ngayon ang pangungulila n'ya sa akin. I patted his back when he nuzzled his face to my side neck. I tilted my head at the side so he can have his full access on it.

Ramdam ko ang nakalapat n'yang mainit na katawan sa akin, dahil na rin siguro sa manipis kong suot. Itong klaseng presensya ang gusto kong maramdaman palagi.

“Xandro.”

“Hindi na ako makapaghintay pa na makita ka ngayon.” Lumayo ang mukha n'ya sa gilid ng leeg ko ngunit hindi naman binitiwan ang pagkakayakap sa akin. “I was bothered to the thought that you are with him. Why he was with you earlier?”

Lumayo ako nang kaunti sa kan'ya. He's unbelievable. “Sino ang inutusan mong sundin ako?”

Matagal ko nang alam na pinapabantay ni Xandro ang mga kaibigan n'ya sa akin sa tuwing aalis ito. Wala naman silang sinabing kahit ano kay Xandro. Ngunit ngayon ay iba na, mismo si Xandro na ang tumitingin sa akin. May ibang mga mata pa s'ya na hindi ko lang nakikita.

Bahagyang gumalaw ang bagang n'ya at tila kinikilatis ako. “They are someone who can save you even I'm not around. Don't worry, I'm just making sure that guy won't do anything bad to you.”

Napatango na lamang ako kahit gusto ko pa s'yang tanungin ulit. Ramdam ko naman kasi na hindi n'ya sasabihin sa akin. And it's hurting me.

“Ayaw kong minamanmanan ako, Xandro. It's making me feel uncomfortable,” mahina kong ani, hindi ko kaya s'yang tignan sa mga mata at umiwas ng tingin. “Wala naman masamang mangyayari sa akin. Kahit papaano gusto ko may privacy ako.”

Umiling s'ya bilang 'di pagsang-ayon. Mahigpit n'ya akong hinawakan sa balikat pero hindi naman dinidiinan.

“Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano sa tuwing binabalita sa akin na may kausap kang lalaki. Kung may nagkakagusto sa 'yo,” paliwanag n'ya, animo'y gusto n'yang masunod s'ya. “Nasa malayo ako. Paano kung may gawin silang masama sa 'yo at kunin ka nila sa akin? Hindi ako makakapayag no'n, Novale.”

Agad kong itinulak ang dibdib n'ya at hindi makapaniwalang tinignan s'ya. Hinayaan naman n'yang nagkahiwalay kami sa yakap. Tinignan n'ya lamang ako, mabibigat ang pagbuga n'ya ng hininga na para bang may bagay s'yang kinagagalitan.

Ngayon lang talaga s'ya naging ganito, iyong parang sumabog na s'ya sa pagtitimpi na nagagawa n'yang ipagdamot ako sa iba. Hindi rin pala maganda kung sobra na.

Sandali ko s'yang tinignan na may pagkasalubong ng kilay. S'ya rin mismo ang sumuko, napayuko s'ya. Sinubukan n'yang hawakan ang kamay ko ngunit mahina ko itong tinapik.

“I thought you trust me? Ano 'to, Xandro? Ikaw lang naman nag-iisip na may masamang mangyayari sa akin. This is too much,” hinihingal kong sabi, parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit nito.

“Ano naman ang gagawin nila sa akin? Sapat na may distansya na sila sa akin at walang ginagawang kakaiba. Normal lang na may kakausapin akong lalaki, tungkol naman iyon sa school works. Alam naman nila ang relasyon natin,” dugtong ko pa.

Napayuko s'ya at ilang minuto s'yang gano'n bago ako ulit nilapitan. Umaasa ulit na baka maaari na n'ya akong hawakan. Hinayaan ko naman s'ya na yakapin ulit ako. Magaan ang yakap na iyon.

“May tiwala ako sa 'yo, I didn't doubt your love to me,” pahina ang boses n'ya.

“It's just that...I'm afraid that you might easily fall in love with somebody else. I got scared to the thought that you'll get bored to our relationship. You see, nasa malayo ako. Wala ako sa tabi mo para pasayahin ka. Susunduan at hahatidin ka sa iyong apartment. Baka...sa huli, ibang lalaki na ang kaya kang pasayahin sa higit pa na kaya ko.”

Mabilis akong napailing matapos kong marinig ang mahaba n'yang sinambit. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kan'ya at hindi na napigilan ang hagulgol ko.

Hindi ko ba s'ya nabigyan ng assurance? Hindi pa ba sapat ang mga salita ko na magpapakita ng kasiguraduhan sa relasyong ito? Hindi ko alam na ganito na pala ang iniisip n'ya. We are both afraid to lose each other, we're in a same situation.

“D-Don't say that. Ni hindi ko makita ang sarili na may mamahalin pa akong iba. Kahit kailan hindi ako naging bored sa relationship natin.” Pinaharap ko ang mukha n'ya sa akin. I wiped the sweat on his forehead. “H-Higit na mas mahal kita. K-Kahit nasa malayo ka, kahit hindi ako ihatid-sundo, ikaw pa rin ang makakapagbigay kompleto sa puso ko.”

It is not enough to say I love you him. Hindi pa sapat ang mga salita ko para iparating dito ang kasiguraduhan ko sa kan'ya. But I want him to know that it will always be him.

He also wiped my tears away from my cheeks. I could feel his hot rough hand brushing against my skin. Napapikit ako ro'n at mas naging payapa ang paligid ko dahil sa haplos n'ya.

He hugged me again and kissed my forehead. Paisa-isa n'yang hinahalikan ang noo ko na parang pinapawi lahat ng pangamba ko, lahat ng pangamba namin. It's comforting.

“Sorry if I get jealous just like that. Masyado akong nilamon ng inggit at selos. Sorry if I'm a selfish man, hon. Gusto kong ako lang ang lalaki sa buhay mo bukod sa relatives at pamilya mo.”

Napatango-tango ako. Naiintindihan ko ng gusto n'yang iparating. Hanggang ngayon inaaral pa namin ang tungkol sa pag-handle ng relationship.

“Mahal kita, Novale...”

Still couldn't contained my wide smile. I opened my eyes and I was lost in the middle of woods. Different kind of waves of ocean reflected to his eyes. It's breathtaking.

Hindi kami perpektong magkasintahan gaya ng sinasabi nila dahil kahit papaano, may mga pinag-aawayan din kami. It just that, we're both learning on it, to work hard from it.

After the conversation between him, we ended up kissing inside his car. It's a perfect view. Nakapalibot sa itaas ang mga bituin, saksi sa pinagsaluhan naming halikan.

We missed each other so much that we make out. I was sitting on his lap and kissing in a torrid and french kiss. Walang iniisip na iba kundi ang tungkol lamang sa aming dalawa.

Being with him makes my life complete. I don't think I couldn't think about him every single day. Xandro became part of my daily life, at ayaw kong alisin s'ya sa pang-araw-araw kong buhay.

But there's a time that all happiness will be vanished. Happiness to sadness. Being assured to questioning your self worth. And leads all the love we made...faded.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro