Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

CHAPTER 24


Kinaiinisan ko ang masamang ugaling mero'n ako. Minsan naisip ko na baka hindi naman talaga ako mabait. Na nagiging mabait lang ako dahil ayaw kong makagawa ng kamalian at iyon ang kailangang gawin. That I'm just afraid that I might fail them. Isa sa ayaw ko ay 'yong magkamali kaya nag-iingat ako.

Nagkibat-balikat s'ya. “Minsan nagiging masama rin tayo. You can say that.”

Ibang klase rin ang babaeng ito. Sana pala hindi ko na lang s'ya isinama rito pero ayaw ko naman na ako iyong magdedesisyon sa aming lahat. Kaibigan ni Xandro ang boyfriend n'ya, sobrang sama ko na yata kapag pinaalis ko s'ya rito.

“Ano ba talaga ang kailangan mo at kinakausap mo ako?” tanong ko kahit may ideya na ako.

Mas lalong lumapad ang ngiti n'ya. “Wala naman.”

Nagtiim-bagang ako at tumayo na sa upuan. “You still like Xandro, 'di ba? May gusto ka pa rin sa boyfriend ko, 'di ba?!” napataas na ang boses ko sa huli.

Nanlaki ang mga mata n'ya at napalinga-linga. Nakangisi ang labi n'ya ngunit naiinis na ito sa akin dahil sa pagtaas ng boses ko sa kan'ya.

“May boyfriend ka na tapos ngayon na napalapit ka ulit kay Xandro gusto mo ulit sirain ang relasyon namin?!”

Hindi makapaniwalang napailing s'ya. “Kusang magkakagusto sa akin si Xandro. Kung talagang mahal ka n'ya, hindi s'ya maaakit sa akin. Kaya hindi ko sinisiraan ang relasyon n'yo. Tignan mo sa susunod, s'ya mismo ang sisira no'n. ”

Animo'y nilalason na n'ya ang utak ko, kung ano-anong mga negatibong pangyayari ang sumasagi sa utak na mas lalong ikinainis ko sa kan'ya.

Talagang uulitin n'ya ulit ang nangyari noon. Gustong-gusto ko na s'yang tulakin pero may pumipigil lamang sa akin. Gusto kong sumigaw ng tudo na tumigil ito.

“Kaya Novale mag-isip-isip ka n—”

“Shut up! Shut up!” naririndi kong sabi, naninigas na ang kamao sa magkabilang gilid ko.

Pumasok na lamang bigla ang mga kasama namin dahil sa malakas kong boses. Natataranta sila.

Bumabalik naman ang insecurities ko. Mas kilala ni Perry si Xandro at wala akong alam sa sekretong tinatago ni Xandro! I know there's something wrong about his background, but like I said tatanggapin ko s'ya. Nay pakiramdam akong may alam do'n si Perry.

“Anong ginawa sa 'yo ni Perry, Novale?” Agad akong dinaluhan ni Zendra. Pinunasan n'ya ang luha ko na hindi ko namalayang lumabas sa aking mga mata. “Ano na naman ginawa mo, Perry?”Baling ni Zendra kay Perry.

“Hey.” Nilapitan din ni Nerren si Perry na mukhang kinakabahan din dahil sa ginawa n'ya sa akin.

Napaawang ang labi ni Perry. Hindi n'ya inaasahan na ganito na lang ang magiging kalagayan ko. At ngayon na nakikita n'yang nag-aalala sa akin ang mga kasama namin ay may kung anong inis at kaba sa kan'yang mga mata.

Alam n'yang ako ang kakampihan kaya tila binagsakan s'ya ng bato.

“M-May sinabi lang ako sa kan'ya tapos bigla na lang umiyak.”

“Hindi iiyak si Novale kung wala kang masamang sinabi. Bakit mo s'ya pinaiyak?” ani Kuya Nap.

Walang sinabi si Nerren. Hindi na alam kung sino ang paniniwalaan ngunit nanatili s'ya sa tabi ni Perry.

Hindi ako humagulgol ngunit sunod-sunod naman ang pagragasa ng luha ko. Nanghihinang pinahid ko ang luha sa aking pisngi at nilampasan sila ng hakbang. Tinawag ako ni Zendra ngunit hindi na ako lumingon.

Hindi pa ako nakalalabas nang may yumakap sa akin ng pamilyar na amoy ng lalaki. Kahit hindi ko tignan ay alam kong si Xandro ito. Alam ko ang amoy n'ya.

Kumabog ang dibdib ko sa pinaghalong nararamdaman ngayon. Naiinis ako na ang dali-dali kong umiyak sa ganitong bagay.

Mahigpit n'ya akong niyakap nang tangkain ko ulit na lumabas. Hinawakan na lamang kamay n'ya ang pisngi ko at mahigpit na nakakulong naman ang kaliwang kamay n'ya sa aking beywang.

Ramdam ko tuloy ang magaspang n'yang palad na dumapo sa aking balat mula sa likuran ko.

Pilit n'yang hinahagilap ang aking mukha. “Honey, what's wrong?”

Napapikit ako nang mariin at mas napaiyak sa kan'yang tanong. Simpleng tanong ngunit grabe ang epekto no'n sa akin.

Dagdagan pa ang malambing n'yang haplos sa akin na animo'y isang apoy ako na tinutupok n'ya. Paunti-unti n'yang pinapatay ang nagliliyab na apoy sa aking dibdib.

“Kinausap daw ni Perry at bigla na lang umiyak si Novale,” sagot ng babae.

Napatiim-bagang s'ya habang nakatingin sa akin at abala s'ya sa pagpunas ng aking luha. Nanghihina na ako kaya hinayaan ko na lang na nakakulong sa kan'yang bisig.

“X-Xandro, she's just overreactin—”

“Hindi ba sinabi ko sa 'yo na h'wag na h'wag mong sasaktan si Novale?” agad na pinutol ni Xandro ang sasabihin ni Perry.

Habang nakayakap ako kay Xandro ay napasunod ako sa kan'ya nang lumapit s'ya nang bahagya kay Perry para mas lalong marinig nito ang sasabihin.

“Sabi ko h'wag mong kakausapin si Novale kung masamang bagay lang naman ang sasabihin mo,” seryoso at madiing sambit nito. “I don't want you to ruin our relationship again. I know what are you doing so f*cking stop from dreaming! For damn sake, you have a boyfriend and then you're acting like this?”

Hindi ko alam kung anong naging reaction ni Nerren dahil nakasubsob ang mukha ko sa hubad na katawan ni Xandro. Ramdam ko talaga ang mabibilis n'yang paghinga, hudyat na nawawalan na s'ya ng pasensya at galit na ito.

Madalang s'yang maging ganito kaya talagang ayaw ko ulit na sirain kami ni Perry. Ayaw ulit ni Xandro na iwan ko s'ya kaya ganito na lang mahigpit ang yakap n'ya sa akin na hindi n'ya ako hahayaan makawala hangga't hindi nakakapagliwanag.

Noon no'ng sinaraan kami ni Perry, muntik ko nang iwan si Xandro. Aminado ako na hindi ako nag-iisip ng desisyon ngunit binalutan ako ng galit at mangamba na baka tama naman talaga si Perry.

Sa pagkakataon na ito ay ayaw ko ulit mangyari iyon. May tiwala man kami ni Xandro sa isa't isa, may panahon na may sisira no'n sa amin. And I don't want that to happen.

“Perry...tama na,” mahinang usal ni Nerren, tunog na nagmamakaawa.

Suminghot ako bago inalis ang mukha sa pagkakasubsob sa katawan ni Xandro. Ngunit hindi n'ya ako binitiwan at mahigpit akong hawak.

Galit ang mukha ni Perry habang palipat-lipat ang tingin sa amin. Everyone went silent and made theirsleves busy. Lumambot lamang ito nang tignan ulit ang galit na mukha ni Xandro.

“X-Xandro, wala naman akong ginagawang masa—”

“Pinayagan ka namin na sumama dahil girlfriend ka ni Nerren. Pero kung nandito ka lang para manira, then don't ever bother to talk to us,” striktong sambit ni Xandro.

Hindi ako binitiwan ni Xandro hanggang sa umalis kami ro'n para dalhin ako sa sun lounge na malapit lamang sa dalampasigan. Pinaupo n'ya ako ro'n at s'ya'y nakaluhod sa aking harapan.

Paunti-unti ay bumabalik na ang normal na paghinga ko. Noon pa man ayaw ko na talaga kay Perry at hindi kami magkasundo kahit sa pageant. Nakailang ulit na s'yang panalo ngunit parang hindi pa iyon sapat para tigilan ako.

Oo nga pala, si Xandro ang gusto n'yang kunin sa akin. Subukan n'ya lang talaga.

“Anong sinabi n'ya sa 'yo? Did she hurt you?” seryosong tanong ni Xandro, nakayukom ang kamao sa magkabilang gilid ng inuupuan ko.

Napaiwas ako ng tingin. Basang-basa rin s'ya, lalo na ang buhok n'yang blonde. His sea-green eyes are darkening from his anger and fear. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang takot n'ya ngayon.

Napasinghap ako nang dinantay n'ya ang kanang kamay sa aking kaliwang hita, mainit ang mga kamay n'ya ro'n.

Gusto n'yang tumingin ako sa kan'ya at pinagbigyan ko naman ito. I faced him. Ang mga tingin na naman n'ya.

“You still want her to be with us? Dahil kung ako lang papaalisin ko s'ya.” Determinado talaga s'yang paalisin na lang si Perry.

Napaisip naman ako. Gusto kong s'ya mismo ang aalis. Nakakahiya sa mga kasama namin kung papaalisin namin s'ya.

Umiling ako. “Hayaan mo na. Bahala na s'ya basta h'wag lang tayo guluhin.”

He intently looked at me. Kinuha n'ya ang kamay kong nakapatong sa aking gilid at biglang hinalikan ang nanghihina kong kamay. Tila'y kinuryente ang katawan ko sa kan'yang ginawa.

Nanlalambot ang mga mata n'ya. “Does she said something that made you cry? Ano na naman ang sinabi n'ya tungkol sa akin?”

Gusto kong sabihin ang lahat ngunit ayaw kong tanungin s'ya tungkol sa tinatago n'ya. Baka napapraning lang ako. Baka pamilya n'ya lang iyon na nangungulit na bisitahin n'ya ang mga ito.

Kahit wala ang pamilya rito ni Xandro ay pinakilala n'ya ako sa pamamagitan ng video call. Hindi rin sila makapunta sa Pilipinas sa hindi malamang dahilan.

Kaya legal kami both sides ni Xandro. And I know that he's in love with me, then up until now. It didn't change anyway. Sobrang mahal na sa tingin ko'y sobra na. Hindi ko alam kung magandang sign ba iyon.

Napabuga ako nang hininga. Ang bigat sa dibdib na ganito ang pinoproblema ko ngayon. I couldn't help it. Ayaw kong naririnig mismo sa bibig ni Perry na may pinagsamahan sila ni Xandro.

“You knew her for so long, kilala ka ro'n n'ya ng lubusan. Siguro nga kulang pa ang taon para mas makilala kita.” Napaangat ako ng tingin. “Kilalang-kilala mo na ako, Xan. Lahat ng sekreto ko sinabi ko sa 'yo. Gusto kong mas makilala kita.”

“Kasama namin s'ya noon pa man sa dance troupe kaya kilala n'ya ako.” Pinisil n'ya ang palad ko. “She's nothing, okay? Sinabi ko na sa 'yo na ikaw lang nagustuhan at minahal ko, noon at hanggang ngayon. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kan'ya simula noon, okay?”

Wala na akong nagawa kundi tumango na lamang. Hindi s'ya kumbinsido kaya umupo na rin s'ya sa tabi ko at niyakap ako, kaunti na lang ay kakandong na ako sa kan'ya.

“Still jealous? I'm already committed to you ever since we meet,” malambing usal n'ya, tila musika na hinihili ako sa sobrang lambing.

“It doesn't matter kung nagkakilala na kami matagal na. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ngayon at ang mangyayari sa susunod. Habang magkasama tayo, mas kilalanin natin ang sarili. Mas mamahalin natin ang isa't isa.”

His words really can make my heart melt. Agad n'yang nabura ang pangamba ko sa aming relasyon. Ngunit alam kong hindi basta-basta mabubura itong takot kaya hangga't nasa utak ko na ang mga salita n'yang nagpagaan ng loob ko, patuloy pa rin akong maniniwala sa kan'ya.

Hanggang sa pasukan namin ay kasa-kasama na rin namin si Perry. Medyo naninibago lang ako dahil isang taon na din s'yang hindi nakikisali sa mga gala ng dance troupe. Ngayon lang talaga s'ya nagparamdam matapos ang nangyari noon.

Natandaan ko tuloy na boyfriend n'ya noon si Wastine. Hindi ko alam kung anong dahilan ng paghiwalay nila at nagulat lamang isang araw na lumipat na si Wastine ng paaralan.

Gusto kong tanungin sila Oven ngunit ano bang magagawa ko kung tatanungin ko ang tungkol sa kalagayan ni Wastine? Close lang kami ni Wastine at hindi naman talaga kami magkaibigan. Kaklase ko s'ya kaya nakakausap ko s'ya.

“Goodbye, girl! Ingat kayong dalawa ni Xandro!” Kumay-kaway si Zendra sa akin habang papaalis na ang kotseng sinasakyan n'ya.

Kumaway na rin ako sa kan'ya pagkatapos no'n. Marami s'yang na-ikuwento sa akin kanina at isa na iyon sa naging Amo n'ya ngayon.

May kaya naman talaga ang pamilya ni Zendra pero malaking tulong daw kasi sa kan'ya na may experience s'ya sa tarbaho kahit nag-aaral pa lang s'ya. Secretary s'ya ng isa sa mayamang CEO.

Ang mas nakakagulat do'n, hindi raw makakita sa ngayon ang Amo n'ya. Naaksidente kaya nabulag.

Napaangat ang tingin ko sa aking katabi. Inakbayan ako ni Xandro.

“Let's go. Marami akong nilutong pagkain sa condo,” aya n'ya na kaagad kong ikinatango.

Iginaya n'ya ako sa kan'yang kotse na nakaraan n'ya lamang nabili. May dalawa naman s'yang motor bike pero bumili pa rin s'ya ng ganito.

Pagkapasok namin ay kaagad ko s'yang tinanong, “Bakit ka bumili ng kotse kung may motor ka naman? This car is expensive, pinag-ipunan mo?”

Napatingin s'ya saglit sa akin. Nag-reflex pa ang muscle n'ya nang may kinuha s'ya sa backseat. Isang punpon ng bulaklak na roses ang binigay n'ya sa akin, white and red ang kulay. At saka isang teddy bear na kasing laki ng sanggol.

Napaamang ako, kahit gano'n tinanggap ko lahat ng binigay n'ya. Nakangiti tuloy s'ya nang makita ang kasiyahan sa aking mga mata.

Inilapit n'ya ang katawan sa akin at binigyan ako nang malamyos na halik sa labi, agad naman akong tumugon. Hindi iyon tumagal dahil kaagad s'yang humiwalay.

Ngitian ko s'ya at sinipat ang regalo n'ya sa akin.

Pinatong n'ya ang kaliwang kamay n'ya sa unahan at ang kanang kamay ay nasa gilid ng uluhan ko.

“Nakapag-ipon ako kaya nabili ko ang kotseng ito, kasama na ang regalo ko sa 'yo sa anniversary natin ngayon,” nakangiting aniya na mas lalong ikinalusaw ng puso ko.

“Umaasa na lamang ako sa kotse ni Xandre kaya gusto ko na may sarili akong kotse,” dugtong n'ya.

“P-Pero waiter lang ang tarbaho mo sa restaurant, right? Hindi sapat ang suweldo ro'n para makabili ka ng expensive car at ng mga regalong ito.”

“May allowance naman binibigay sa ngayon ang magulang ko. Don't worry.”

Napatango ako kahit nag-aalala ako na baka inubos na n'ya ang pera.

“Happy anniversary, honey,” bati ko at binigyan s'ya ng halik sa gilid ng labi. “Thank you sa gift kahit hindi naman kailangan. Asikaso mo pa lang solve na ako.”

He smiled widely, biting his lower lips. “Happy anniversary, too, honey. It's been year no'ng sinagot mo ako. Kaya sobrang saya ko na ang babaeng mahal ko, mahal din ako. Gusto kong ibigay ang lahat ko sa 'yo, Novale. Mahal na mahal kita.”

I want to read his thoughts right now. Nakikita ko talaga sa mga mata n'ya ang kinang habang nakatingin sa akin. Walang nagbago, at sana...walang magbago.

“Mahal kita, sobra,” madamdamin kong saad.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro