Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

CHAPTER 17


How relationships works? Hindi kami nag-uusap nang masinsinan at hindi rin kami nagsasabi ng problema, lalo na s'ya na sinasarili lamang.

May pagkakamali rin ako at hindi ko rin maiiwasan. Kahit gustuhin kong intindihin s'ya ay hindi ko magawa dahil kay Perry. Hindi n'ya alam na nagsisinungaling lamang si Perry.

Hindi ako sumabay ng lunch kay Xandro. Sa labas ako ng university kumain mismo sa restaurant sa Mall. Saktong vacant time pa kami ng ala-una kaya walang problema kung ma-late ako ng ilang minuto.

He keeps on calling me, agad ko naman itong pinapatay sa inis ko. Sasabay na sana s'ya kay Perry kanina. Nakita n'ya ako kaya agad n'ya akong nilapitan.

“Nasa'n ka na? Kanina ka pa hinahanap ni Xandro sa amin,” nag-aalalang sambit ni Zendra sa kabilang linya.

Humigop muna ako sa aking in-order na drinks bago sumagot. “Sa Mall. H'wag mong sabihin.”

“Kumain ka mag-isa?” tanong n'ya, animo'y maling ideya na mag-isa akong kumain. “'Di ba palagi kayong sabay kumain ni Xandro? Be! Hindi pa kaya kumakain si Xandro kanina pa.”

Nabitawan ko ang straw. Nakonsensya naman ako ro'n pero anong oras na ngayon, ah. Kanina pa ako tinatadtad ni Xandro ng text na sabay kaming kakain at humihingi rin s'ya ng tawad.

“Sabihin mo kumain na s'ya,” mahina kong sambit. “Kailangan kong alisin ang galit at inis ko ngayon. Baka ano pa ang masabi ko sa kan'ya at kay Perry.”

His other troupes are texting me if where am I right now. But I refused to answer all of them. Kanina no'ng makita nila ako lalo ng mga babae, they looked at me like I did something terrible. They are disappointed.

Imbes na itama ang pag-iisip nila tungkol sa akin, tinalikuran ko sila at umalis do'n. Hindi ako sanay sa mga gano'ng tingin. Pinaghihinaan kaagad ako ng loob kung sa tingin ko'y hindi nila ako nagustuhan o disappointed sila sa akin.

Iyong feeling na ginawa mo ang lahat para maging perfect sa paningin nila pero hindi mo magawa. Dahil kahit anong gawin ko, nagkakamali ako. Hindi ko magawang baguhin ang ugali ko dahil ganito na ako.

Naiinis ako sa aking sarili. Gusto kong intindihin lahat ng mga bagay. Ngunit alam ko sa aking sarili na niloloko ko lamang ang sarili ko. Hindi ako mabait sa lahat ng oras. Everyone has a bad sides, whether you like it or not.

Pumasok ako sa shoe shop. Mamahalin ang mga sandals dito kaya wala akong balak bumili. Pero gusto kong makakita ng mga magagandang sandals.

“Four inches po, Ma'am, bagay sa inyo ito, oh.”

Lumapit ako sa sales lady nang pinakita n'ya sa akin ang green ankle strap pump. Nagniningning ito kahit walang desinyong diyamante. Para s'yang gold tignan.

Kinuha ko sa kan'ya ito at halos hindi ko malunok ang aking laway sa kan'yang presiyo. Halatang mamahalin ito. Hindi ko kayang bilhin kahit may pera ako. Hindi naman kasi ako gumagastos sa mga ganitong bagay.

“Next time na lang, Miss.”

Nanghihinayang na binalik ko ang pump sa sales lady. Ngitian lamang ako nito at pinakita pa ang ibang sandals.

“Baka sakaling magustuhan mo lang at mabili mo na sa susunod, Ma'am,” aniya at binalik ang huling stilleto na pinakita n'ya sa akin.

“Sana nga,” untag ko at napagpasyahan nang lumabas ng shop.

Kusa akong napatigil nang mga ilang hakbang nang makita si Perry na papasok sa shop. Mukhang tapos na ang klase n'ya at may mga kasama pa s'yang kaibigan.

Malaki ang ngisi n'ya sa mga kaibigan hanggang sa napunta ang tingin sa akin. Unti-unting nalusaw ang ngiti sa kan'yang labi at nang-uuyam na tinignan ako.

Umiwas ako ng tingin at mabilis na naglakad para makaalis ako rito. Ngunit hinarangan ako ng mga kaibigan n'ya pati na rin s'ya. Agad akong napaatras, naiinis na sa sitwasyon namin.

“Bibili ka ba rito?” nakangising tanong ni Perry, para bang walang alam kung anong ginagawa ko rito.

Umiling ako ng isang beses at akmang dadaan sa kabilang daan nang harangin ulit ako. Talagang hindi n'ya ako tatantanan.

“Ano ba problema mo, huh? Tumabi ka nga,” madiin at mahina kong sabi.

Nangangasar na ngitian n'ya ako. “Walang pambili? Sabagay, sino ka ba para ma-afford mo ang mga ganitong takong?”

Pinalandas pa  n'ya ang kamay sa mga nakahilirang stilleto sa tabi. Kinuha n'ya ang pinakadulo at pabalang na binigay sa akin.

“Ano ba!”

Inis ko tuloy na binalik sa kan'ya ang takong at tuluyan na silang tinulak para makadaan ako. Ngunit kaagad akong napatigil nang tumunog ang buzzer sa pintuan na nilampasan ko.

Nagkagulo ang mga empleyado sa shoe shop. Nataranta rin tuloy ako nang lapitan nila ako at pinapasok ulit sa shop.

“A-Ano pong ginagawa n'yo?”

Kinuha nila ang dala kong eco-bag. Bigla na lang nila nilabas ang stiletto na kanina ay kinuha ni Perry. Paanong napunta sa eco-bag ko ang takong na ito?

“Isang pares na stilleto ang ninakaw.” Tinignan tuloy ako ng sales lady na parang isa na akong masamang tao. “Dahil sa ginawa mo ay kakasuhan ka namin.”

Agad akong umalma. “Hindi po ako nagnakaw, Miss. H-Hindi ko po alam kung paanong napunta ang takong sa akin—”

“Nakita kong nagmamadali n'yang kinuha ang stiletto sa akin at lumabas ng shop, Miss,” sabat bigla ni Perry at lumapit sa nagkakagulo na sales lady.

Nagtagis ang baba ko at masamang tinignan ang plastic na mukha n'ya. Alam kong s'ya ang naglagay sa eco-bag ko kahit hindi ko nakita. Binalik ko sa kan'ya iyon tapos bigla na lang mapupunta sa bag ko na hindi ko namamalayan?

“Sa presinto ka na magpaliwanag, Miss. May nakakita pal—”

“I swear! Hindi ako nagnakaw! Kahit tignan n'yo pa sa CCTV!” desperado kong sabi, naninigas na ang kamao sa pagtitimpi.

Nagkatinginan ang mga sales lady. Mukhang hindi rin sila naniniwala sa akin.

“Walang ibang magtatangkang kumuha nito kundi ikaw lang dahil nasa bag mo ito nakita na. Tapos mag-de-demand ka na ipatingin sa CCTV?” asik ni Perry, nakataas ang sulok ng labi. “Nakita ko po ang nangyari. Kahit tanungin n'yo pa ang mga kasama ko.”

Mabilis akong umiling sa mga empleyado at pinanindigan ang katapangan ko kahit wala akong kakampi.

“May CCTV rito kaya dapat tignan n'yo para malaman n'yong hindi ako nagsisinungaling,” sabi ko.

Masama na tuloy ang tingin sa akin ni Perry. Kita ko ang panginginig ng kamay n'ya at paghila ng mga kasama n'ya. Halata sila masyado at mukhang hindi iyon kita ng iba.

Hinawakan pareho ang magkabilang braso ko. “Dito ka muna hangga't hindi pa dumadating ang police.”

“P-Please, tignan n'yo muna sa CCTV, Miss.”

“Maghintay ka,” aniya ulit na ikinabagsak ng balikat ko.

Dahil siguro sa takot ko na baka hindi nila ako paniwalaan at hindi nila gagawin ang pinapagawa ko ay napaluha na ako.

I asked them kung p'wedeng makatawag. Pinayagan naman nila ako basta hindi lang ako aalis sa aking kinauupuan ngayon. Natatakot na ako na baka malapit na ang police rito. Ikukulong ba kaagad ako? Wala akong kasalanan!

Pinahid ko ang mga luha ko. Imbes na tawagin ang mga magulang ko ay si Xandro ang naisipan kong tawagin. I don't want my parents to know about this. Wala akong kasalanan kaya maayos rin ito.

Nakadalawang ring pa lamang ay kaagad na n'yang sinagot ang tawag ko. I stop myself from bursting a sobs.

“F-Finally, you called me,” aniya, nakahinga nang maluwag dahil sa ilang oras n'yang pagtawag sa akin ay ngayon ako na mismo ang tumawag sa kan'ya. “Let's talk and fix this, hon. Where are you? Can we meet? Please?”

“X-Xandro.” Hindi ko na napigilang umiyak.

Napatingin tuloy si Perry sa akin dahil sa pangalang binanggit ko. I don't care kung sino na ang paniniwalaan ngayon ni Xandro basta pumunta s'ya rito. Kailangan ko s'ya.

“I'm not mad, okay? Bakit ka umiiyak? Wala kang kasalanan kundi ako.”

Umiling ako, that's not my concern now. “P-Puwedeng pumunta ka rito sa shoe shop? Sa mall mismo. I need y-you here.”

“What happened? Turn on your location and I'll be there,” agad n'yang sabi, nagmamadali rin na makita ako. Na-sense rin siguro n'ya na may malaki akong problema na kinakaharap.

Gustong umalis na ni Perry at mga kasama n'ya ngunit hindi pa maaari. Kahit hindi sabihin ng sales lady ay alam kong pinaghihinalaan din n'ya ito. Ito 'yong sales lady na nag-entertain sa akin.

Saktong dumating ang mga police ng ilang minuto. Sumunod din si Xandro. Agad n'ya akong nadatnang nakaupo sa harapan ng manager ng shoe shop. Nasa opisina na kami.

Bakas ang pag-alala sa mukha n'ya at malalaking hakbang na lumapit sa akin. Dumukwang s'ya sa harapan ko at pinasubsob ang mukha ko sa kan'yang tiyan. Yakap n'ya ang ulo ko. Hinalikan n'ya ang uluhan ko.

“What happened?” tanong n'ya sa akin, tinignan din ang manager.

“May ninakaw s'yang stiletto sa shop namin at ngayon mismo ay titignan ang CCTV kung talaga 'bang nagsasabi s'ya ng totoo na hindi raw s'ya ang nagnakaw,” pahayag ng Manager.

Hindi na mapakali sila Perry. Kanina pa gustong lumabas pero ngayon ay hindi na talaga dahil may mga police na rito. Masyadong mahal ang takong iyon kaya ganito na lang sila kaalarma.

Pati ako'y natatakot na rin. But I shouldn't be. May CCTV kaya makikita na hindi talaga ako gumawa.

Pinatayo ako sa pagkakaupo ni Xandro at hinapit palapit sa kan'ya. He seriously talked to the police and manager.

Hindi na masyado klaro sa akin ang pinag-uusapan nila dahil sa masyadong ukupado ang isip ko. Dagdagan pa ang marahan na paghaplos ni Xandro sa aking buhok habang nakasubsob ang mukha ko sa kan'yang dibdib. His right arms wrapped to my waist, umabot sa aking tiyan ang palad n'ya na nagbigay init doon.

Nakahinga tuloy ako nang maluwag at napahigpit na ang yakap kay Xandro nang makita sa CCTV na wala akong kasalanan. Kitang-kita ang mabilis na paglagay ng kasama ni Perry sa aking eco-bag na may siwang bago ako lumabas ng shop.

Si Perry ang sinisisi n'ya kaya nagkagulo na sila. Hindi na nagsampa ng kaso ang manager at hinihingi lamang ay humingi ng tawad sa kanila at pati na rin sa akin.

“I'm...sorry, ” paumanhin ni Perry, hindi makatingin sa akin.

Her other friends left her. Dahil siguro nagtuturuan na sila.

“Repeat it. You're sorry is not sincere,” seryosong utos ni Xandro. “Say sorry again to my girlfriend.”

Mangiyak-ngiyak tuloy si Perry at hindi na kaya kami kayang tignan. She's gripping her skirt tightly.

“I-I'm so sorry. Please, p-pinagsisihan ko na ang ginawa ko,”nauutal n'yang sambit at napayuko, tila nahihiya na dahil nabuko s'ya. “M-Magkaibigan tayo, Xandro. H'wag naman ganito.”

She should know that there's a CCTV in this kind of shop. Ang nasa isip lang kasi n'ya kanina ay kung paano ako ipapahamak. Sana hindi kami napunta sa ganito.

I felt Xandro's hot lips on my forehead. He sighted.

“Lalaki lang ang kinakaibigan ko. We're not friends, and you should know that,” malamig na tugon ni Xandro na ikinatiklop ng bibig ko. “I won't hesitate to cut you off in our troupe if you start on meddling with my girlfriend.”

“I'm sorry...”

Hindi na nagsalita pa si Xandro at gano'n din ako. Sabay kaming lumabas ng shop nang matapos na ang problema. Nakahinga na tuloy ako nang maluwag dahil hindi na kami umabot pa sa presinto.

Tumigil ako sa paglalakad kaya gano'n din ang ginawa n'ya at tinignan ako.

“Are you okay now? Alam kong hindi mo kayang gawin iyon,” aniya at pinahid ang natuyong luha sa pisngi ko. Kumuha na lamang tuloy s'ya ng panyo at iyon ang pinahid.

Binasa ko ang natuyong labi ko na ikinatingin n'ya ro'n. Napalunok s'ya dahil do'n.

“I'm sorry, at salamat din dahil dumating ka.”

Parang pinipiga din tuloy ang dibdib ko nang maalala ang sinabi n'ya kay Perry kanina. Kaya n'ya talagang putulin ang ano man ang koneksyon nilang dalawa para sa akin.

I didn't expect that he would say that. Matagal na silang magkakilala pero sabi nga n'ya, hindi sila magkaibigan.

I don't know if I should felt relief since I don't want Perry to be with us. Ayaw ko s'yang makasalamuha pa at pinapatawad ko na rin naman s'ya kahit ang hirap gawin. Kakalimutan ko na lang ang nangyari ngayon.

“Kahit anong mangyari, lagi mong iisipin na ikaw ang paniniwalaan ko. You're my other half, and I know that you couldn't capable to do bad things,” he smiled as he said that, his thumb brushed my right cheeks. “You're too innocent to be involved in my messy world, hon. I will protect you in everything. I love you so much.”

Even my eyes are swollen because I cried earlier in his arms. I still manage to smile despite of everything we been through.

Sobrang dami ang pagkakukulang ko sa kan'ya. Sa pag-iintindi at pag-uunawa. I still want to be with him even many wants us to separate. Gusto kong ipagpatuloy ang relasyon namin dahil mahal ko s'ya.

If ever na mangyari ang hiwalayan. Iyon ay kung may matindi s'yang gagawin na masama na hindi ko magustuhan. But still, I'm hoping for our relationship to be more stronger and better.

In the middle of crowded place, he kissed me, putting all his feelings including his extreme love for me. Featuring the passionate rhythm as the cold atmosphere embraced us.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro