Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

CHAPTER 16



Pagkatapos naming magpaalam ni Xandro para pumasok ay kaagad na akong tumungo sa room ko. As I saw him walking away from me, I sense his biggest struggle that weighting him. He's still a mysterious puzzle for me.

Kahit gaano pa kalawak ang ngiti ni Xandro kanina ay halata naman na may gusto s'yang sabihin sa akin ngunit may pumipigil lamang sa kan'ya. Kahit pinagaan ko na ang loob n'ya ay alam kong may problema pa rin s'ya.

“Novale!”

Paupo pa lang ako sa aking silya nang tawagin ako ni Zendra sa pinakadulong upuan. Mabilis ang pagkaway ng kamay n'ya sa akin para pumunta ako sa kan'ya.

Agad ko namang inilagay ang bag ko sa aking upuan at nilapitan s'ya. Hinila n'ya bigla ang kamay ko at pinaupo sa kan'yang tabi.

“Anong nangyayari sa 'yo?” taka kong tanong sa kan'yang kinikilos ngayon. Para itong tanga na hindi mapakali.

Tumingin muna s'ya sa gilid namin bago n'ya inilapit ang mukha sa akin. Tila mahalaga at hindi dapat marinig ang sasabihin n'ya.

“Alam kong may dahilan ang pagsasama n'yo ni Marvelus kahapon dahil kilala ko na s'ya,” panimula n'ya.

Kumunot ang noo ko. Paanong nalaman n'yang magkasama kami kahapon ni Marv? Nauna na s'yang umuwi, ah.

“Pero alam mo ba? May picture kayo ni Marv sa cellphone ni Perry at pinakita sa buong kasama nila sa dance troupe.”

Tumalbog ang dibdib ko at unang pumasok sa isip ko ay si Xandro. Sh*t. Bakit ba ako kinakabahan? Ano na naman ginawa ni Perry?

“Sinabi sa akin ito ni Kuya. Kung ano na tuloy ang iniisip ng mga babae sa dance troupe dahil sa maling impormasyon na kinukuwento ni Perry,” madiin at nanggigigil n'yang pahayag. “For sure, nabilog na ni Perry iyon. Kaya gumawa ka mamaya ng paraan para iklaro sa kanila kung bakit kasama mo si Marvelus.”

Napaayos ako ng upo at natataranta na rin. Hindi ako kinakabahan dahil may mali akong ginawa, kundi dahil baka nga galit ngayon ang mga kasama ni Xandro dahil sa maling impormasyon na iyon.

Siguro sinusundan ako kadalasan ni Perry para kumuha ng isang bagay na makakapagpahamak sa akin. She hate me to the point that she will do anything to ruin me. Hindi ko inaasahan na may mga tao pala na kagaya n'ya.

Galit at takot ang nararamdaman ko. May alam na ba si Xandro tungkol dito? Hindi pa n'ya kilala si Marv, at kung sakaling makita n'ya ang larawan na iyon ay baka iba ang isipin n'ya.

Napailing-iling ako sa mga gawa-gawang kuwento ni Perry at pati kay Zendra ay nakaabot na rin.

“I swear, Zendra. Wala kaming ginawang masama ni Marvelus. He was just asking for help about Venny. Nawawala kasi si Venny at isang linggo na.”

Zendra was also shocked and asked me more about it. Nakita n'ya raw nakaraan si Venny sa hospital at hindi na nasundan. Siguro 'yong mga time na iyon ay umalis na si Venny.

“Buti na lang kilala kita. Hindi ako naniniwala sa babaeng iyon 'no!” histerikal n'yang ani. “I'll this to Kuya Nap. Baka kung ano na ang iniisip sa 'yo ng mga kaibigan ni Xandro.”

“N-Nakarating ba ito kay Xandro?” kinakabahan kong tanong.

Napalabi s'ya. “Siguro nga nakarating na sa kan'ya. Ano pa ba ang dahilan ni Perry bakit n'ya ito ginagawa? Gusto n'yang sirain ka kay Xandro.”

Umiling ako. Gusto ko an tuloy lumabas at magpaliwanag kay Xandro ngunit nandito na ang professor namin. Kaunti na lang ay magdadabog na ako sa sobrang inis ko sa babaeng iyon.

Hindi maniniwala ng basta si Xandro. Ngunit ano ba ang alam ko sa kan'yang magiging reaksiyon ngayon? Matagal na n'yang kilala si Perry at may picture pa ito na magkasama kami ni Marvelus. For sure maniniwala iyon.

Kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad na tumungo sa criminology department. Kahit ayaw kong tumungo rito ay wala na akong magagawa dahil sa kagustuhan na makausap ko si Xandro.

Ang ilang estudyante rito ay napapatingin sa akin. Siguro kilala nila ako. May ngumingiti at iba't kuryuso, namamangha.

Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga nang maluwag. Pangalawang beses na akong nakapunta rito at kahit papaano pala hindi rin nakatatakot tignan ang mga criminology.

Masyado akong praning na pati sila iniisipan ko na ng masama. Gaya nga sa sinabi ni Zendra, hindi lahat masama sa kanila. Katulad na lang ni Xandro at ang kasama n'ya.

Napalinga-linga ako sa paligid. Nakalimutan ko kung saan s'yang room ngayon sa last subject at iyon ang pinoproblema ko.

Sapok ang noo kong tinignan ang lahat ng mga room dito. Mukhang may nakapansin naman sa akin na nanliligaw kaya nilapitan ako ng grupo ng mga lalaki.

“Miss may hinahanap ka ba?” tanong ng mataas na lalaki. Mukhang kasing edad din ni Xandro. Chinito at naka-army cut ang buhok.

Pinalilibutan tuloy ako ng mga kasama n'ya. Napalunok ako sa sariling laway, kinakabahan. Mukhang wala naman silang masamang binabalak. Ano na naman ba ang iniisip ko ngayon.

“Kilala n'yo ba si...Xandro? Xandro Engel po.”

Ang kuryusong mga mata nila ay nabuhayan.

“Nasa student council office siguro iyon, Miss. Kaano-ano ka ba ni Xandro?” tanong ng kasama ng lalaking chinito.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. “Ahh...Girlfriend n'ya ako.”

Kita ko ang pag-atras nila ng sabay, gulat sa aking sinabi. Animo'y dapat may distansya kami at bawal akong hawakan.

“Naku! Ikaw pala ang girlfriend no'n? Samahan ka namin sa office n'ya, Miss,” presinta ng lalaking chinito.

Nabuhayan naman ang loob ko kahit medyo kinakabahan lang ako sa kanila. Sinamahan nga nila ako paakyat sa third floor kung saan ang office nila.

Nakapunta na ako sa kan'yang office pero mas maiging may kasama ako. Lalo pa ngayon na napapatingin na ang ibang estudyante sa amin. Mukhang kilala siguro sila rito. Sabagay, may itsura rin sila.

“Ikaw na lang pumasok sa office, Miss, ah? Baka ano pa gawin sa amin ni Xandro kapag nakita n'yang may kasama ka,” ngiting sambit ng isang lalaki na may sumbrero, napakamot pa ito sa kan'yang batok.

“Bakit naman po? Ayos naman sa kan'ya kapag nakita kayo,” ngiting ani ko. “Mabait si Xandro kaya bakit kayo kinakabahan?”

Sabay silang nagkatinginan sa isa't isa at ngitian na lamang ako. Animo'y takot sila sa maaaring gawin ni Xandro. Ano naman gagawin ni Xandro sa kanila?

Napatigil ako sa paglalakad at gano'n din ang mga lalaki sa likuran ko nang makitang kakalabas lang ni Xandro. Mukhang naninigas na ang tatlong lalaki sa likuran ko.

Agad na kumalat ang pait sa aking lalamunan nang makita si Xandro kasama si Perry. Xandro was holding a tupperware while Perry is holding his forearm.

Malawak ang ngiti ni Perry habang may sinasabi ito kay Xandro. Si Xandro naman ay seryoso at nakikinig kay Perry.

Palagi bang pumupunta rito si Perry? Kay sino naman ang tupperware na hawak ni Xandro? Hindi naman nagdadala palagi si Xandro ng tupperware dahil sabay kaming nagla-launch sa canteen o sa labas.

Nanatili ako sa aking kinatatayuan. Ilang saglit lamang ay napansin na ako ni Xandro na muntik nang sumama kay Perry sa kabilang daan. Hindi ko na alam kung saan sila pupunta.

Ramdam ko ang mabibilis na pagkabog ng dibdib ko kahit pinipigilan ko ito. Pinaghalong selos at ang galit ko kay Perry ang nasa dibdib ko.

“Miss? Okay ka lang ba?” rinig kong tanong ng lalaki sa likuran ko pero hindi ako sumagot.

Nananatili ang tingin ko kay Xandro at Perry. Mukhang nagulat din si Xandro na makita ako rito. Bakit s'ya magugulat? Dahil nahuli ko s'yang kasa-kasama n'ya si Perry? Ni hindi n'ya sinabi sa akin na pumupunta ito sa office n'ya. Samantalang madalang lang ako.

Agad ding kumunot ang noo n'ya sa iritasyon nang makitang may kasama ako. Mabibilis ang hakbang n'ya papalapit sa akin.

Mabilis n'ya akong hinila palapit sa kan'ya na halos sumubsob ang mukha ko sa kan'yang malapad na dibdib. Hindi nagbago ang malamig kong ekpresyon sa mukha.

“Sino kayo? Bakit kasama n'yo ang gilfriend ko?” bakas ang pagtitimpi ni Xandro sa kan'yang boses nang tanungin ang mga lalaki.

Alam n'yang wala na akong kilalang ibang lalaki kaya ganito na lang s'ya mag-react.

“Hinahanap ka n'ya kaya sinamahan namin. Hindi kasi n'ya alam kung saan s'ya pupunta, naliligaw ng daan,” kalmadong tugon ng chinitong lalaki nang tignan ko.

Xandro looks displeased. Hinawakan n'ya ang baba ko at pinatingin sa kan'ya, ayaw na tumingin ako sa harapan.

Hindi nawala ang matatalim n'yang titig sa mga lalaki. Na-sense naman siguro nila na hindi maganda ang timpla ngayon ni Xandro kaya sabay na silang nagpaalam at iniwan kami.

Binitiwan n'ya ako. “Nagpasama ka sa kanila?” seryoso n'yang tanong.

Napatingin ako sa likuran n'ya kung nasa'n si Perry. Mas lalong bumagsak ang kilay ko at walang ekspresyon na tinignan silang dalawa. Lalong pumapait ang nararamdaman ko.

“Kinakabahan akong pumunta rito at nakita naman nilang naliligaw ako. Ano naman kung sinamaan nila ako?” pabalang kong tanong sa huli.

Mariin s'yang napapikit at mukhang kumalma na sa aking dahilan. Hindi ko alam kung ano ba ang kinaiinisan n'ya sa lalaking iyon, at pati ako nadadamay.

“Dapat hinintay ko na lang ako sa department n'yo.”

Agad naman akong nag-react. “Bakit? Ayaw mo bang bisitahin kita rito? May tinatago ka?” mabilis kong tanong at tinignan ulit si Perry.

Nakataas ang kilay n'ya sa akin, mukhang nangangasar. Napaasik ako sa kan'ya.

Agad namang umiling si Xandro at hinawakan ako sa balikat, natataranta.

“No, it's not like that, hon. Papunta na rin kasi ako ro'n at hindi ka na sana nahirapan,” dahilan n'ya.

Nang makitang nakatingin ako kay Perry ay hinarap din n'ya ito. He looks calm. Alam ba n'ya na ang kaibigan n'yang ito sinisiraan ako?

“Mauna ka na, Perry. Sabay kaming kakain ni Novale.” Binigay n'ya ang tupperware kay Perry.

“Sa iyo naman talaga ito, Xan.” Ibabalik na sana ni Perry ang tupperware ngunit umiling si Xandro at tila may pahiwatig ang titig nito.

Tumango si Perry at nakangising tinalikuran kami. Nagngitngit tuloy ang ngipin ko sa inis. Pati na rin sa isang ito. Tatanggapin n'ya pala ang binibigay ni Perry kung hindi lang ako tumungo rito.

Wala naman problema sa akin kung may binibigay ang babaeng ito pero masyadong halata na ayaw nilang ipaalam sa akin. Nakakagigil.

“Tara n—”

“Palagi pala kayong magkasama at wala akong kaalam-alam na binibisita ka n'ya rito,” usal ko, nagtitimpi.

Pang ilang ulit itong napapikit ng mga mata. Nang akmang yayakapin ako ay umatras kaagad ako. Natigilan s'ya sa aking ginawa.

“Alam kong naniniwala ka sa babaeng iyon dahil matagal mo na s'yang kilala, right? Anong sinabi n'ya sa 'yo?” mariin kong tanong.

Napatagis ang bagang n'ya at kalaunan nanlambot ang tingin. “It doesn't matter anymore, Nov.”

Mapait akong napangiti. “Kilala mo ba kasama ko kahapon ng hapon? Boyfriend iyon ni Venny. Nagpapatulong na hanapin ang kaibigan ko dahil nawawala ito.”

Natigilan s'ya. Mukhang ang impormasyon na sinabi ni Perry ay mali at nang sabihin ko ang dahilan ko, agad s'yang natauhan.

“K-Kaya ba kasama mo s'ya kahapon? What happened to your friend?” tanong n'ya kaagad, naging interesado. Hindi ako sumagot at tinignan lamang s'ya. Too late.

Napalunok s'ya. “I trust you, Nov,” sabi n'ya matapos ang ilang segundong katahimikan. Mukhang nawala na ang katanungan sa kan'yang isipan nang sabihin ko ang totoo.

“Pero nang binigyan ka ng fake news ni Perry naniwala ka, 'di ba?”

We don't trust each other and that's the hardest part of relationship. Hindi ko magawang magtiwala at gano'n din s'ya. Dahil siguro pareho rin kaming naglilihim pero paunti-unti sinasabi ko sa kan'ya ang mayro'n ako.

Agad s'yang umiling at mas lalong nanlambot ang tingin sa akin. He tried to hold me, but I refused him. Taranta na tuloy s'ya at hindi mapakali.

“Nagdadalawang isip ako na paniwalaan s'y—”

Agad ko s'yang pinatigil. “Dahil nga mas pinaniniwalaan mo s'ya kaysa na tanungin ako. Dapat tinanong mo ako kanina pa lamang tungkol do'n. Sasabihin ko naman dapat sa 'yo per—”

Napailing-iling ako, nangingilid na ang luha. “Right, taon mo na s'yang kilala...samantalang ako, buwan pa lamang kaya s'ya naman talaga ang paniniwalaan mo.”

“Novale,” nahihirapan n'yang tawag.

May sasabihin sana ngunit kaagad ko na s'yang tinalikuran. Tumakbo ako papalayo sa kan'ya para hindi n'ya makita ang luhuan kong mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro