Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

CHAPTER 14



“Mag-iingat ka sa daan, hijo. Gabi na at baka mapagtripan ka,” paalala ni Mama kay Xandro.

“H'wag po kayong mag-alala, Tita. I'll be safe, ” nakangiti n'yang sabi. Tila nakahinga na nang maluwag sa problema namin.

Tinapik ako sa balikat ni Mama. “Ihatid mo muna sa labas.”

Tumango ako at hinila na kaagad si Xandro. Hindi naman s'ya umangal pa at nagpahila lamang. Bumalik sa loob si Mama para mag-ayos.

“You'll be safe, right?” naninigurado kong tanong nang nakarating sa labas kung saan nakaparada ang motor n'ya.

Magkahawak kamay kaming dalawa. Hinarap n'ya ako at hinaplos ang aking pisngi. Napapikit tuloy ako ro'n na tila naantok na sa kan'yang haplos.

“Walang masamang mangyayari sa akin. Sila dapat matakot sa akin,” bahid ang panunuya sa boses n'ya kaya napamulat ako.

Ngumuso ako. “H'wag makipag-away, ah? Lalo na sa kapatid mo.”

Nagsalubong ang kilay n'ya dahil sa huling binanggit ko. “At paanong nasali ang isang iyon dito?”

“He's your brother. Don't be hard to him.”

Napailing ito at mukhang malalim ulit ang iniisip. I weakly smiled despite of tiredness. I'm already sleepy because it's already eleven in the evening.

“Babaero ang lalaking iyon,” saglit s'yang tumigil, tinatantiya ang magiging reaksyon ko. “Also he's not good looking guy. Hindi seryoso sa babae at masama ang ugali.”

Naaaliw na tinaasan ko s'ya ng kilay. Nakakabigla na sinasabi n'ya ito. Ito na naman s'ya, nagseselos.

“Sinisiraan mo ang kapatid mo,” natatawa kong sambit at lumapit pa rito. I want to hug him, but I want him to do it first.

Tila nabasa n'ya ang gusto kong mangyari. His arms went to both sides of my waist and slowly snaked at my small back. He pulled me closer to him and finally hugged me.

“Totoo naman, ah? So don't ever like him. Hmm?” Pinaninkitan n'ya ako nang mga mata na mas lalong ikahalakhak ko.

Mahina ko s'yang hinampas pero mas niyakap n'ya lamang ako lalo. I giggled when he planted so many kisses to my face. Natatawang pinigilan ko s'ya.

“Selos ka na naman.”

“Don't like him, please.”

Napailing ako at humiwalay na sa yakap. “Bakit ko naman s'ya magugustuhan? Sinagot kita kasi mahal kita, ikaw lang gugustuhin ko. Paranoid ka lang, Xan.”

Napatitig s'ya sandali sa akin at bumuntong-hininga rin. “Damn this jealousy. ”

Bigla kong naalala ang kan'yang condo. Nanlaki ang mga mata ko.

“Can I ask you a personal questions?” tanong ko, baka kasi ayaw n'ya kaya mas maganda kung ayos lang.

“Of course, hon,” sagot n'ya. Bumaba ang mukha n'ya at pinatakan ako ng halik sa labi, nanunuya.

I almost closed my eyes, but I don't want to missed this opportunity to ask him about his status.

Inilayo ko ang mukha n'ya at tinakpan ang bibig n'ya. Iyon tuloy ang hinalik-halikan n'ya kaya agad ko ring inalis.

“Condo mo ba iyong inuuwian mo? I know that you are living in one of the expensive condominium. ”

Napakurap s'ya. Napagtanto rin na hindi n'ya nasabi sa akin ang tungkol sa kan'yang buhay. P'wede naman siguro malaman ang tungkol do'n, 'di ba? Since I let him entered my life, I can also be with him in his world.

“I'm working to provide my needs. That condo was given by my parents,” sagot n'ya na ikinaamang ko.

Hindi ko alam na nagtatarbaho s'ya? Ano naman ang trabaho n'ya?

“Why are you still working when your parents can also provide your needs?” taka kong tanong, I don't understand.

He sighed. “I want to work by myself. Wala akong planong manirahan sa condo na iyon pero sadyang mapilit si Xandre kaya hinayaan ko na... Marami pa akong dahilan, I'll tell you next time, okay?”

Agad akong tumango at naintindihan ang kan'yang desisyon. Alam kong sasabihin n'ya iyon sa akin. Kahit mukhang hindi s'ya 'yong klaseng tao na nagkukuwento sa buhay n'ya, pagdating sa akin kaya n'yang ibigay ang gusto ko.

Minsan tuloy naiisip ko na baka napipilitan s'ya. Hindi ko alam. Ayos lang naman sa aking kung hindi n'ya kaya.

Hindi rin nagtagal ay umalis din ito. Nag-text s'ya na nasa condo na raw s'ya kaya panatag na ako.

Bumalik na sa kuwarto si Mama at Papa kaya umakyat na ako para matulog na rin sa kuwarto ko. It's been a month no'ng last na natulog ako rito. Bumabalik kasi ako sa apartment.

Alam na ng mga kaibigan ko na kami na ni Xandro. Hindi tuloy nila ako tinantanan sa katatanong tungkol sa amin. Kaunti lang ang binigay kong impormasyon dahil hindi talaga ako komportable na ilantad lahat.

May special treatment tuloy ako sa mga kaibigan ni Xandro sa dance troupe. Whenever Xandro is busy, uutusan ni Xandro ang mga kasama na alagaan ako kapag pumupunta ako sa dance studio o sa student council office.

Hindi naman kailangan pero mapilit s'ya, hinayaan ko na lang.

“Can we talk?” biglang sulpot ni Perry habang nasa gitnang nag-uusap kami ni Zendra at Oven.

Tumahimik tuloy ang dalawa kong kasama at mukhang na-bad trip sa pag-istorbo ni Perry. Inilingan ko silang dalawa. Naikuwento ni Oven ang tungkol sa issue ni Perry kaya pati si Zendra tuloy inis din sa babaeng ito. Nahalata rin ni Oven na hindi kami magkasundo ni Perry kaya gan'yan na lang sila magtarbaho.

Binalingan ko si Perry na seryosong naghihintay sa akin. She's actually a good looking woman. Suplada rin tignan ang mukha n'ya o baka gano'n talaga s'ya.

“Tungkol daan ba ang pag-uusapan natin?” tanong ko. I don't want to look like rude to her, pero hindi ko maiwasang pagdudahan s'ya sa maaaring pag-uusapan namin.

We aren't close and I know that she hate me. Girlfriend pala s'ya ni Wastine...maybe because of that nagalit s'ya.

Nagsalubong ang kilay n'ya. “I want to talk to you in private.”

“Ano nga ang pag-uusapan n'yo?” singit bigla ni Oven, hindi napigilan ang irita. Tinaasan pa ng kilay si Perry.

Nagngitngit ang ngipin ni Perry at mariin akong tinignan. Na para bang hindi kami mag-uusap dito at gusto n'yang kaming dalawa lamang. Hindi n'ya pinansin ang dalawa.

Tumayo na lamang ako. “Babalik ako.”

Nagreklamo si Oven at pinapatigil na s'ya ni Zendra. Sumunod ako kay Perry sa labas ng room nang nauna s'ya. Huminto lamang sa walang masyadong tao.

She faced me. “Kayo na pala ni Xandro.”

Napataas ang kilay ko. Hindi ko makuha ang dahilan n'ya kung bakit kailangan naming mag-usap dito at tungkol pa yata kay Xandro ang pag-uusapan namin.

“Everyone knows that,” ani ko na mukhang ikinainis n'ya lamang.

“Bakit ka pa sumulpot, huh?” she suddenly bursted out that made me shocked. Ano ba ang problema ng babaeng ito?

“You just met him, tapos inakit mo na s'ya kaya napunta ang atensyon n'ya sa 'yo,” namumuyupos n'yang anas. “Matagal ko nang kilala si Xandro and you just came in nowhere! Imbes na maka-focus s'ya sa pag-aaral at dance troupe namin, pinapatay n'ya ang oras sa kagaya mo.”

Grabe. Grabe ang babaeng ito. Talagang pinagsabihan n'ya ako. Who the f*ck is she anyway?

Hindi ko tuloy mapigilan na mainis sa kan'ya at kita naman n'ya iyon. Gusto ko s'yang patulan pero ayaw kong gumawa ng kamalian dito.

“Pakialam mo sa relasyon namin? Nanay ka ba ni Xandro para pagsabihan ako ng gan'yan?” medyo napataas ang boses ko ro'n at humakbang sa kan'ya.

Naging alerto s'ya at agad namang nakabawi.

“Nandito ka lang ba para mangialam sa relasyon namin? Why? Gusto mo si Xandro?” dugtong ko pa na ikinagalit n'ya.

“Oo! He likes me first before he met you! Kakilala mo pa lang sa kan'ya at hindi mo pa s'ya gano'n kakilala!”

Mas lalong napakunot ang noo ko sa halong taka at inis ko sa kan'ya. Is she telling me the truth?

“Inakit mo lang s'ya pero babalik rin s'ya sa akin. Bad influence ka talaga sa kan'ya, eh 'no?” diin n'yang sambit. “Ako ang mas nakakilala sa kan'ya at mas nauna ako. Sino ka ba para makisabay sa amin? You're not belong to our circle group.”

May mga salita na akong ibabato sa kan'ya pero sandali akong pinaghinaan ng loob. Insecurities spread throughout my body.

Alam kong matagal na silang magkakilala. Ang sakit pala marinig na nauna s'yang nagustuhan ni Xandro bago n'ya ako nakilala. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko.

Yes, we just met, at iyon ang ikinasakit ng dibdib ko. Mas nauna s'ya kaysa sa akin. May possible kaya na bumalik ang pagkagusto ni Xandro kay Perry?

And also about their circle group. Ngayon ko lang tukoy naramdaman na hindi ako belong do'n. Maybe she's right. Mas kilala n'ya si Xandro, habang wala pa akong masyadong alam sa kan'ya.

I gathered a courage to face her, iyong walang bahid na lungkot. I won't satisfy her.

“Ano naman kung unang nakilala ka n'ya at nagustuhan? Everyone knows that I'm his first girlfriend. Or maybe you're just lying then?” ngisi ko kahit gusto ko na s'yang itulak sa galit ko.

I won't do that unless she'll trigger me to the point that I'll lose my mind.

“I'm not lyi—”

“Shut up! You're just ruining us. Wala akong paki sa sasabihin mo.”

Napaismid s'ya, tila nanunuya. “Ikaw ang sisira kay Xandro. Bad influence ka! Hindi ka ba nahiya na pinipilit mo ang sarili sa circle namin?”

Napailing ako. Masyadong desperada. Akala siguro n'ya magtatagumpay s'ya sa kan'yang plano.

“Bad influence na kung gano'n. Pinili n'yang maging girlfriend ako,eh.” Mabilis ko s'yang nilapitan at halos mapaatras na s'ya sa aking ginawa sa bigla n'ya.

Nanliliksik ang mga mata ko. “Magtiis s'ya kung gano'n. Pakialam mo kung binibigay n'ya ang oras sa akin.”

Hindi ko na s'ya pinatapos at mabilis s'yang tinalikuran. Sinigaw n'ya ang pangalan ko at hindi ko s'ya nilingon pa.

Nakalimutan kong itanong kung boyfriend n'ya ba si Wastine pero basi sa sinabi n'ya ay mukhang si Xandro talaga ang gusto n'ya. Kahit noong pagkikita namin alam ko. Ano naman n'ya si Wastine kung gano'n?

Ngayon lang talaga ako nagalit ng husto sa isang tao. Masyado akong positive at hyper na tao, na kahit mga nakakainis na taong nakilala ko ay dinadaan ko sa tawa. Pero ibang usapan kapag s'ya na.

Totoong nasaktan ako sa kan'yang sinabi. Kung ano-ano na ang iniisip ko. Napilitan lang ba ang mga kasama ni Xandro na pakisamahan ako?

Ang nakakainis mas kilala ni Perry si Xandro. Kaunti lang ang alam ko sa kan'ya dahil hindi naman s'ya nagkukuwento. Baka nga nakapunta na si Perry sa condo n'ya.

Dahil sa isipang iyon ay mas lalo lamang akong napaiyak sa frustration. Ako nga ang unang girlfriend ni Xandro pero malay ko 'bang may ex-flings ito. I don't know anymore.

I am clouded by frustration and jealousy. I hate being this kind of jealous. Kahit pala anong assurance ang binigay sa akin ni Xandro, nagagawa ko pa ring isipin na baka hindi ako sapat. And it sucks!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro