Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

CHAPTER 12



Ganito pala ang magmahal. Nagagawa mong sundin ang gusto mo. Mga presipyo ko noon tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend ay tuluyan nang nagbago. Wala sa planong magustuhan ko s'ya ngunit nangyari lamang bigla.

Even I tried to leave him, in the end, hindi ko magawa. And that's all because I'm in love with him.

Nakaraan lamang kami nagkakilala at hindi ko inaasahan na ganito kalalim ang nararamdaman ko. At first, wala akong paki sa kan'ya at nakikita ko lamang na guwapo s'ya. But day passed, na-attract ako sa.kan'ya.

At sa pag-develop ng pagmamahal ko sa kan'ya, kasunod no'n ang hindi mapaliwanag na kasabikan sa kan'ya.

Napailing ako at tinignan ang aking repleksyon sa salamin. Kakatapos lang akong make-up-an ni Oven ng simple. Introduction palang naman kaya mamaya dagdagan pa dahil gabi ngayon.

I'm wearing my white robe at may undergarments na akong suot. Komportable naman ako kahit papaano sa suot ko ngayon. Some candidates are also here so I'm not alone.

“Forty minutes left and the pageant will start,” sabi ng trainor namin sa pagrarampa.

She's with some other staff at agad naman kaming iniwan nang may humila sa kan'ya.

Bigla ko na lang nakita si Nervia na mukhang tapos na sa pagbihis mula sa repleksyon ng salamin. She went to me and base on her expression, mukhang may sasabihin ito.

“Iyong dance trainor mo nasa labas naghihintay,” she giggled as she said that.

Kinurot tuloy ako sa tagiliran ni Oven na busy sa kakaayos ng mga ginamit n'yang make up sa akin.

“Ikaw, ah. You didn't tell me na kayo na pala ni German guy! Zendra told me about you two yesterday,” nanunuksong saad n'ya na ikinatawa ko nang mahina.

“Kayo na?! How?” gulat na tanong ni Nervia, nakisali na rin.

Tumayo ako at hinarap si Nervia. Gulat na gulat s'ya sa kan'yang narinig. Kahapon lang naman kasi naging kami ni Xandro kaya hindi ko na kaagad nasabi sa kan'ya tungkol do'n.

Hinampas ni Oven si Nervia nang mahina. “Kaya nga mamaya, girl, kulutin natin si Novale na ikuwento ang nangyari sa kanila kahapon.”

Inayos ko ang aking buhok, nahihiya. “H'wag nga kayong maingay. B-Baka may makarinig.”

“Hayaan mo na! Dapat lang marinig nila na boyfriend mo si Xandro para tigil-tigilan na nila s'ya!” asik ni Oven at tumango-tango naman si Nervia, sumang-ayon.

Napabuga ako nang hininga. “I will tell you about us some other time, okay? May inaayos pa kami ni Xandro.”

Naningkit ang mga mata n'ya. “I won't ask na tungkol d'yan. Maghihintay na lang kami kung ano iyon.”

I smiled at him and to Nervia. Palipat-lipat lamang ang tingin ni Nervia sa amin ni Oven. Nakaaran lang kasi sila nagkakilala ni Oven at wala masyadong alam si Nervia sa pinag-uusapan namin.

Iniwan ko muna sila ro'n at nilampasan ang mga tao na abala sa kakaikot sa backstage. Everyone is busy. Mamaya magbibihis na rin ako ngunit haharapin ko muna si Xandro. He will be my partner later for my talent portion.

Puwede raw iyon kung kinakailangan ko. Since dance sports ang sasayawin namin, kinakailangang may partner ako. Alangan namang mag-imagine lamang ako na may kasayawan ako. That's a ridiculous thoughts, huh?

Nakasandig sa pader si Xandro at may seryosong nakatingin sa kan'yang sapatos. Hindi s'ya nag-abalang iangat ang tingin o sulyapan man lang ang babae na nagkakandarapa sa kan'ya.

Some candidates wants to talk to him, but it is impossible for them to get near at Xandro. Sa itsura pa lang n'ya ay nagsusumigaw na ang kagustuhan nitong palayasin ang mga babae.

Huminto ako sa kan'yang harapan. Kumunot ang noo n'ya at sisinghalan na sana ako para siguro paalisin nang makita n'ya ako, saktong pagkaangat n'ya ng tingin.

Napaayos s'ya ng tayo at bahagyang lumiwanag ang mga mata n'ya nang makita ako.

Namula ang mga pisngi ko nang napagtanto na nakasuot lang ako ng roba. Hindi naman big deal ito rito ngunit hindi ko mawari kung bakit naco-concious ako kapag s'ya na ang nakatingin sa aking suot.

“Are you done, hon?” mahinahon n'yang tanong at lumapit sa akin.

Nagwawala ang puso ko nang kinain n'ya ang distansya namin. Pinulupot n'ya ang maskuladong braso n'ya sa magkabilang beywang ko hanggang sa nakarating sa likuran. Binigyan n'ya ako nang mainit na yakap.

“N-Not yet,” I couldn't properly uttured because of our distance.

Nagugustuhan ko naman kaso hindi pa ako sanay. Damn, he's my first boyfriend so I don't know how relationships really work. I don't have any experience, ngunit nakabasa naman ako kahit papaano ng libro tungkol sa ganito.

Awtomatikong napahawak ako sa kan'yang balikat nang bumaba ang kan'yang mukha sa aking leeg. He smelled my scent there, at lumipat sa noo ko para halikan ako. Sa tingin ko unang beses n'ya itong ginawa bukod sa pagkandong ko sa kan'ya.

He faced me, hindi ako pinapakawalan. “You looked tensed. Are you okay?”

Napanguso ang labi ko. Ayaw kong sabihin sa kan'ya na nag-re-react ang katawan ko sa tuwing hawak n'ya ako. Kahit nga titig n'ya lang mabilis na ang kabog ng dibdib ko.

“Saan ka uupo ngayon?” tanong ko, iniiwasan munang pag-usapan ang tungkol sa amin. There's a lot of time for that anyway.

He put the strand of my hair at the back of my ear. He also caressing my black hair. Minsan ko na rin nahahalata na sanay s'yang hawakan ang buhok ko, na parang may ibang pahiwatig sa bawat suklay ng mga daliri n'ya sa aking buhok.

He licked his lower lips. “Nasa upuan ng criminology department ako uupo. I'll be with my blockmates.”

Dahan-dahang napatango ako. “H-Honestly, baka mahiya ako mamaya na rumarampa sa gitna habang nakatingin ka. Surely, makikita kaagad kita kahit madami ang mga tao.”

Tumaas ang kilay n'ya at baritong tumawa sa mahinang boses. “I get it. Nahihiya rin ako nakaraan na sumasayaw sa gitna habang nakatingin ka sa akin. Somehow, nag-boost ang confidence ko...dahil ikaw 'yon, eh.”

Napakagat ako sa sariling labi. Alam naman n'ya kung bakit ako nahihiya dahil ramdam din n'ya iyon nakaraan. Hindi ko na kailangan i-explain pa.

Nagkatitigan kami pagkatapos no'n. Naibaling ko sa kabila ang tingin ko nang biglang may tumawag sa aking pangalan.

“Novale, maya-maya mag-sta-start na raw,” ani Wastine, papalapit sa amin.

Napatingin ako sa kan'yang suot. He's wearing a white dress shirt, pinatungan ng black coat at slacks naman sa pang-ilalim. He looks like a business man on his outfit and I couldn't lie that he was actually handsome.

Noon guwapong-guwapo ako sa kan'ya pero sa paningin ko ngayon, masasabi kong guwapo nga s'ya pero wala naman akong nararamdaman na kahit ano. Nawala na 'yong pagkahanga ko sa kan'ya. Si Xandro na ngayon ang pinakaguwapo sa aking paningin.

Humiwalay si Xandro sa yakap at inilagay naman ang kan'yang kanang kamay sa beywang ko. Hinapit pa n'ya ako lalo sa kan'yang katawan.

Napatingin tuloy si Wastine sa kamay ni Wastine na nasa beywang ko. Nang-aangkin na nakapulupot sa akin. Mukhang alam naman n'ya ang namamagitan sa amin at mas piniling tumahimik lamang. Gumalaw ang baba n'ya at sinalubong kami.

“Tapos na ang oras n'yo. Balik ka na lang mamay,” sabi ni Wastine kay Xandro, seryoso ang mukha n'ya.

Hindi tumugon si Xandro na ikinatakot ko. Parang may kung anong tensyon sa pagitan nila na kaagad kong winasakan. I held Xandro's chest that made him looked at me.

“Magbibihis na ako. Baka ano mang oras ay magsisimula na,” ani ko.

Matagal s'yang nakasagot sa kakatitig n'ya sa akin. “Right, I'll watch you in the crowd. Ihahatid kita sa bahay mo.”

Ngumisi si Wastine sa hindi malamang dahilan ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

I nodded and smiled at Xandro. Lalayo na sana ako sa kan'ya nang bigla n'ya akong ibinalik sa kan'yang bisig at ninakawan ako ng halik sa labi. Nanigas ako sa gulat at saglit na sinipsip n'ya ang ibabang labi ko bago humiwalay.

Nanlalambot ang binti ko at buti na lang nakayanan ko. Nagugulat na lamang ako sa mga galaw ni Xandro. Nababaliw na siguro ako dahil nagustuhan ko iyon.

Mukhang nanigas din si Wastine sa kan'yang nakita at gulat na gulat. Xandro just smirked at him like pestering him.

“Take care of my girlfriend, okay? I am watching you,” tila may banta pa sa huling sinabi n'ya.

Napalunok si Wastine, tulala pa rin sa sinabi ni Xandro.

Humabol pa ng halik si Xandro sa noo ko at saglit lamang na nagpaalam. Hindi ko ma hinintay si Wastine at agad na dumiretso na sa room kung nasa'n ako magbibihis.

Napahawak tuloy ako sa aking labi at hindi mapigilang isipin ang halik na binigay ni Xandro. I'm afraid that I'm getting addicted to his kisses. Baka sa sunod ayaw na n'ya akong bigyan kapag nasobrahan ako.

Natigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang may lipstick pala ako! Nabura tuloy ang lipstick ko!

Pagbalik ko sa room kanina ay nagdududang tinignan ako ni Oven nang makitang inalis ko ang lipstick ko at pinaulit sa kan'ya. Napangisi rin pagkatapos kong magbihis. Hindi naman s'ya nagsalita tungkol do'n pero ramdam kong alam n'ya kung anong nangyari sa akin.

Hiyang-hiya na ako at pilit na umaakto lamang na normal lamang sa akin ang lahat. Porket may experience! Hmp!

The pageant went well. Hindi ako nagkamali sa pagrampa. Mataas ang takong ko pero nakaya ko naman. Thanks to Oven na nagsilbing trainor ko pagdating dito.

Parang gusto ko na tuloy lapitan si Xandro sa kan'yang upuan, hindi kalayuan sa stage na kinatatayuan ko. Salubong ang kilay n'ya na tila inis na inis sa aking kasama, which is Wastine. Mas lalong nagdilim ang tingin n'ya nang makitang nakahawak si Wastine sa palad ko.

I bited my lips and tried to concentrate. The crowd is screaming loud, dagdag pa ang musika. Halos mabingi na ako sa sigaw dahil kahit lalaki nakikisigaw rin.

“Don't look at him,” bulong bigla ni Wastine.

Napakunot ang noo ko at tinignan s'ya. “Why?”

Kita ko ang inis sa kan'yang mukha at binaling ang tingin sa mga tao. Hindi ko na lamang ito pinansin at mas lalong hindi ko s'ya susundin.

Kanina pa s'ya ganito at hindi ko alam kung anong dahilan n'ya. Maybe he wants me to concentrate on our pageant. I don't know.

Napangiti ako at huli na para magulat nang makitang may banner pa talaga ako galing sa mga ka-block mates ko. Xandro's blockmates also cheered for me. Siguro alam nilang may something sa amin ni Xandro.

We haven't told them about our relationship dahil dalawang araw pa lang namin ngayon bilang magkasintahan. Aaminin ko lamang ang tungkol sa amin kapag tinanong nila ako.

Parang dinudurog ang puso ko habang tinitignan si Xandro. Nag-iigting ang mga panga n'yang umiwas ng tingin, tila nasasaktan a kan'yang nakikita.

Masaya s'ya para sa akin pero alam kong ayaw n'ya ang katabi kong kapares ngayon. I don't know kung anong mayro'n sa kanila at kung bakit galit na galit sila sa isa't isa.

Pagkabalik namin sa backstage ay kaagad akong hinarap ni Wastine. Salubong ang kilay n'ya at tila galit sa isang bagay.

“H'wag ka namang magpahalata na masyado mong tinititigan si Xandro. Maghihinala ang mga tao na may relasyon kayo,” usal n'ya.

Ngumiwi ako. “At least hindi ako nagkamali. Bakit ba ginagawan mo ng big deal iyon? Everyone knows about us. His my boyfriend so anong masama kung tignan ko s'ya? ”

I don't really get him. Wala naman s'ya paki sa akin noon. May girlfriend na s'ya pero kung makaasta ay parang nagkasala ako sa kan'ya, na tila may relasyon kami.

Nagmumuyupos s'yang nakatingin sa akin. I just rolled my eyes at him and went to my assigned room. Hindi naman s'ya sumunod at pinagsasalamatan ko iyon.

Hindi ko pa siguro talaga s'ya kilala. Nagbago na ang pakikitungo n'ya sa akin. Sometimes napapansin kong may gusto s'ya sa akin. Pero paano naman ang girlfriend n'ya? Ayaw kong isipin ng iba na masyado kaming close at may kan'ya-kan'ya kaming relasyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro