Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

CHAPTER 11




Ang nagkikislapan n'yang mga mata ay tila dumilim na. His sea-green eyes are busy staring at my scared face. But ended up staring at my eyes, screaming a lot of confession.

Hindi ko na nakayanan ang mariin n'yang titig at sa iba na lamang itinuon ang tingin. Hindi na normal ang paghinga ko at alam kong gano'n din s'ya.

Napabuga ako nang hininga at sumuko na lamang. Sa tingin ko'y hindi ako makakaalis dito hangga't hindi ko sinasabi ang dahilan ng pag-iwas sa kan'ya.

“L-Lumayo ka muna at sasabihin ko na,” ani ko, hindi naman ako nahirapan sa pagtulak sa kan'ya nang s'ya mismo ang lumayo ng ilang pulgada sa akin.

Hindi n'ya inalis ang tingin sa akin hanggang sa naupo s'ya sa mahabang upuan sa likuran lamang n'ya. He parted his legs and intently stared at me.

“Sit on my lap,” he commanded.

I squeeze my elbow and slowly went to him. Nasa harapan na n'ya ako nang mabilis at maingat n'ya akong hinila pababa para maupo sa kan'yang kandungan.

Napaupo ako nang matuwid nang dumapo ang palad n'ya ang likuran ko na umabot sa aking tiyan. His right palm landed to my legs, trying to cover my exposed skin. I'm just wearing my skirt that's why.

“Xandro,” mahina kong tawag at napahawak mismo sa kan'yang balikat bilang suporta.

“Honey, what's wrong? May mali ba akong ginawa para iwasan ako?” desperado n'yang tanong. “Tell me para maitama ko.”

Ilang segundo akong napatitig sa locker na nasa harapan lamang. Ayaw ko s'yang masaktan sa sasabihin ko pero hindi iyon maiiwasan. Ngayon pa nga lang na wala pa akong sinasabi tila gusto na n'yang mag-imbestiga sa nangyayari sa akin.

“W-We should stop this.”

“Stop what?” taka n'yang tanong.

Tinignan ko s'ya. Kunot ang kan'yang noo na tinignan ako. Napakagat ako sa sariling labi nang makuha ang ibig kong sabihin. His lips parted.

“Bakit?” Napahigpit ang hawak n'ya sa akin na parang hindi n'ya tanggap ang sinabi ko. “Why would I stop, Nov?”

Nahihirapan akong kumapa ng dahilan ngunit nagawa ko rin namang sabihin ito.

“Ayaw ko sa police...kung hindi mo pa alam,” I answered it as I tried to calm myself. “A lot of girls out their likes you. May mahahanap kang babae na para sa 'y—”

“The hell I care about them! I more than like you, kaya bakit mo ako pinamimigay?” pasinghal n'yang sabi na halos lumabas lahat ang hangin sa timpi n'ya.

“Ayaw ko nga sa police,” mariin kong saad, sinusubukan kong h'wag umiyak sa harapan n'ya.

I'm a bit frustrated that I can't find words to answer him as an excuse. Nangilid ang luha ko at nagpipigil na tumulo iyon.

If letting go that someone you love is an easy task, then why it was so hard for me to do it? Ilang linggo pa ang palalampasin ko bago nakayanan na sabihin ito.

Marahang napahigpit ang yakap n'ya sa aking katawan. Isinandig n'ya ang kan'yang noo sa aking balikat. He smells so good but I need to end between us. Walang kami pero para sa akin mero'n, at gano'n naman siguro sa kan'ya.

“Iyon ba ang dahilan mo? Bakit ayaw mo sa kagaya ko?” mahinahon n'yang sabi. I can sense the pain in every word he said.

Napaawang ang labi ko at napasandig na lamang sa kan'yang katawan sa panghihina. Nagtatalo ang isip ko sa sitwasyon ko ngayon. Nanghihina ako sa yakap at haplos n'ya at sa maaaring sabihin ko.

“I'm...I'm scared.”

Agad n'yang tinignan ang mukha ko na pilit pa ring umiiwas sa kan'ya. Mukhang hindi n'ya iyon inaasahan. He maybe thought some other reasons and didn't expect that I'm afraid of a kind people like him.

Hindi pa s'ya police pero kasali na s'ya ro'n dahil criminology student s'ya. Magiging police s'ya.

Hinawakan n'ya ang pisngi ko at marahan na hinaplos iyon. “Hindi kita kayang saktan, Novale. Do you think I can hurt you just because of my profession?”

Hindi ako nagsalita.

“Hindi ko magagawang saktan ka, Novale, kung iyan ang iniisip mo. Hindi ako kagaya ng iniisip mo,” paliwanag n'ya, pilit na pinapaintindi sa akin na mali ang iniisip ko.

Binitiwan ko ang kan'yang balikat para pahiran ang nahulog kong luha. Mahina s'yang napamura at tinulungan ako sa pagpunas ng pisngi ko. Nataranta tuloy s'ya sa biglang pagbuhos ng luha ko.

Hinalikan n'ya ng ilang beses ang likod ng aking palad na para bang ako ang kan'yang prinsesa na poprotektahan at hindi magagawang saktan. Inilagay n'ya ang nahulog kong buhok sa likod ng aking taenga. He kissed my cheeks and sighted.

“I'm in love you with you, Novale. So, how can I hurt you, hmm? You're the most precious for me and I couldn't stand seeing you crying,” sobrang lambing at mahinahon n'yang sabi.

Napapikit ako sa biglang diretso n'yang pag-amin. Malambing n'yang pinapatakan ng halik ang aking pisngi habang hinihimas naman ng magaspang kamay n'ya ang kabilang pisngi ko.

Akala ko assuming na naman ako ngunit mukhang totoo na ito. He finally said that he's in love with me.

Napamulat ang mga mata ko at agad nasalo ang nagkikislapan n'yang mga mata. Tila nakatingin na naman ako sa karagatan at gubat. Naliligaw na sa kan'yang titig.

He wiped my lower lip, do'n ko lang napagtanto na nakatingin na s'ya ro'n. Hindi ko sinasadyang kagatin ang ibabang labi ko kaya mukha tuloy inaakit ko s'ya.

Ilang pulgada na lamang ang layo ng mga labi namin. Slowly his lips went to me and suddenly claimed it for a kiss. Kusang napapikit ang mga mata ko at tuluyan nang nawala sa tunay na mundo.

He breathe heavily, trying to control his longing for me. Kahit kanina lang kami hindi nagpapansinan ay iba pa rin kapag nasa malapitan.

Ilang segundo lamang nagdami ang aming labi ay gumalaw na ang mainit n'yang labi sa akin. Napaungol ako at napayakap sa kan'yang leeg nang mas lalong lumalim ang halikan namin.

He bited my lower that made my mouth slightly open. Agad n'yang kinuha ang pagkakataon na iyon na pumasok at sipsipin ang aking dila. As he groaned in his hoarse voice, I moaned in different kind of pleasure. I kissed him back that made him lose his control.

It's feel like we did an illegal act, but why does it feels so right? Tuluyan na akong nalulunod sa nakakahalina n'yang halik na halos hindi ko na mabitawan.

Nang humiwalay s'ya sa halik ay tumunog pa ang labi namin. Nablangko ang utak ko at napatitig ang malumanay kong mga mata sa kan'ya. He licked his lower reddish lips and smiled at me. Mukhang nabuhayan s'ya ng loob dahil sa halik namin.

“Aayusin ko ang problema natin, Nov. Hindi ako makatulog ng mahimbing sa gabi sa tuwing may problema tayo na hindi ko nalalaman,” he said now in a serious tone. “I'm used on taking care of you...and loving you.”

Hindi pa man maka-get over sa halik na iyon ay nagpasya na akong sabihin sa kan'ya ang isa pang dahilan. I think I couldn't sleep also knowing na nahihirapan din s'ya rito.

“Sinabi ko sa magulang ko ang tungkol sa panliligaw mo.”

Napaupo s'ya nang maayos, mukhang naging interesado na sa maririnig n'ya. Mas inilapit pa n'ya ang katawan ko sa kan'ya at hinintay na patapusin ako.

I cleared my throat. “Nang sabihin kong criminology student ka, b-bigla na lang naging dismayado si Papa. Confident kong pinaalam sa kanila ang tungkol sa pagkatao mo.”

Saglit akong tumigil at hinaplos lamang n'ya ang buhok ko, gusto pang marinig ang gusto kong ipaliwanag.


“Alam kong hindi nila ako pinagbabawalan na magkaroon ng relasyon. Pero alam ko na hindi sila sang-ayon kung sakaling sagutin kita. N-Naiintindihan ko naman na ayaw lang ni Papa na magkaroon ako ng relasyon sa police o kahit anong profession na delikado dahil ayaw nilang magkaroon ako ng problema sa hinaharap. Iyon ang dahilan, Xan,”mahabang dugtong ko, medyo hinihingal pa sa sobrang haba ng paliwanag.

“Mahal na kita, Xan. H-Hindi ko alam kung kailan nangyari kaya...nasasaktan ako na baka ayaw talaga ng parents ko sa 'yo.”

Biglang namungay ang mga mata n'ya. Animo'y sa haba-haba ng panahon, ngayon lang s'ya nakaginhawa sa assurance na gusto n'yang makamtan.

“Mas mahal kita, Novale.” Napalunok s'ya nang bahagya. “Would you allow me to meet your parents? Gustong kong patunayan na seryoso ako at hindi ko hahayaan na ilagay ka sa peligro.”

Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko, napakurap-kurap. “G-Gagawin mo iyan?”

He nodded and intertwined our hands. Napatingin tukoy ako ro'n at nakaramdam ng kasabikan at kapayapaan.

“Of course, I'll do that. I love you so I want to fight for my love. Kahit pa ayawan ako ng magulang ko, gagawin ko ang lahat para lang makuha ko ang consent nila na payagan na magkaroon tayo ng relasyon.”

“Kaya mo bang maghintay kahit matagal?” tanong ko, sinusubukan kung ano ang magiging sagot n'ya.

He smirked and kissed my lips, smack lang iyon pero grabe ang impact sa aking sistema.

“Matagal na akong baliw sa 'yo kung hindi mo lang alam. Kaya kong maghintay. You are worth it to wait, honey.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro